Lahat ng Kabanata ng NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY: Kabanata 41 - Kabanata 50

115 Kabanata

CHAPTER 41

WALANG KIBO ang Mommy niya nang magpaalam siya sa mga ito. Alam niyang masama ang loob nito dahil sumama pa rin sya kay Genis pabalik ng Maynila. Kagabi nang mag-usap sila ay panay ang pakiusap nito sa kanya na dumuon na muna siya sa Sta. Elena. Ngunit sinunod pa rin niya ang kagustuhan ni Genis. Tahimik na tahimik lamang siya habang binabagtas ang daan patungo sa Maynila. Gayundin naman si Genis. Wala itong imik habang nakasandal. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit na lamang na makatulog dahil halos di na siya nakatulog kagabi pagkatapos nilang magtalik. Gustong-gusto na ng mga mata niyang magpahinga ngunit naglalakbay ang diwa niya. Napakaraming tanong ang naglalaro sa utak niya. Ang sabi ng Mommy niya ay makipaghiwalay na raw siya kay Genis. Huwag raw niyang payagang apihin siya nito at abusuhin. Kung mayroon pa raw natitirang respeto sa sarili niya, makipaghiwalay na raw siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
last updateHuling Na-update : 2022-09-05
Magbasa pa

CHAPTER 42

“DAD. . .” MAHINANG usal ni Amanda habang nakatingin sa kanyang ama na nakahiga habang maraming nakasaksak na apparatus sa katawan nito. Parang dinudurog ang puso niyang makita ang ama sa ganuong kalagayan lalo pa at nasabi ng ina niya ang dahilan kung bakit ito inatake. Hindi naman niya magawang sisihin ang ina. Kasalanan rin naman niya dahil sinabi niya ang problema niya sa kanyang Mommy. Alam naman niyang di ito makakatiis kahit na ano pang pakiusap niya, sasabihin at sasabihin rin iyon nito sa kanyang Daddy. Paglabas niya ng silid ng ama ay nakita niyang nakakuyom ang mga palad ng Kuya Lukas niya habang kausap ang ina niya. Nakagat labi siya. Tumayo kaagad ang Kuya Lukas niya pagkakita sa kanya. Napahinga siya ng malalim. Gustuhin man niya ay di na niya maibabalik pa ang mga nasabi niya sa ina. Sana pala ay sinarili na lamang niya ang pinagdadaanang mga problema. “Ma, may usapan tayo, di ba?” Hindi na nakatiis na sumbat niya rito, “Dapat pala sin
last updateHuling Na-update : 2022-09-05
Magbasa pa

CHAPTER 43

“NINONG BEN, ano ang kinalaman ninyo sa pagkamatay ng pamilya ko?” Matiim ang pagkakatitig ni Genis sa kanyang Ninong Ben. Bagama’t hindi pa niya nakakalap ang lahat ng mga ebedensya, parang kinukumpirma ng pananahimik nito ang katotohanan. Napakuyom ang kanyang mga palad. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Matagal na panahon rin palang pinaglaruan ng kanyang Ninong Ben ang kanyang damdamin. Pinaniwala siya nito. Pinagkatiwalaan niya ito ng lubos. Hindi siya makapaniwalang iyong taong pinaniwalaan niya at pinagkatiwalaan ay siya palang tunay na kalaban. Nagpupuyos ang kanyang damdamin, “Paano mo tong nagawa, Ninong? Parang kapatid na ang turing saiyo ni itay?” Sigaw niya rito, ramdam niya ang pagpatak ng kanyang mga luha, “Masahol ka pa sa hayup!!!!” “Kilala mo ko, bata. Pagdating sa negosyo, walang kaibigan, walang kamag-anak. Gusto kong idevelop ang lupa ninyo at patayuan ng mall kaya kinausap ko si Meyor para pilitin ang ama m
last updateHuling Na-update : 2022-09-06
Magbasa pa

CHAPTER 44

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON ay ngayon lang muli nakaramdam ng ganitong klaseng takot si Genis. “Bibili lang sila ng gamot, wala kasing botika ditto sa ospital, pero gabi na hindi pa sila dumarating. Kanina ko pa tinatawagan ang mga cellphone nila pero parehong nakapatay,” Nag-aalalang sabi ng nanay ni Amanda kay Genis, “Masama talaga ang kutob ko. Hinanap na sila ni Efren. . .” Nagmamadali niyang tinawagan ang kanyang Ninong Ben, “Nasaan si Amanda?” Yamot na tanong niya rito. Tumawa ng malakas ang ninong niya, “Bata, mas mabilis pa rin naman pala ako kesa saiyo,” tila nang-aasar na sabi nito sa kanya, “Ako pa rin ang hari, ako ang nagmentor saiyo, hindi ba? Sa palagay mo, mas matalino ka pa sa iyong master? Iniisip mo pa lang, ginagawa ko na!” mayabang na sabi nito sabay tawa na naman ng malakas. Hindi na niya pinatapos pa ang ibang sinasabi nito. Nagmamadaling pinatay niya ang telepono at bumalik sa pinagpaparkingan ng kanyang big bike. Nah
last updateHuling Na-update : 2022-09-06
Magbasa pa

CHAPTER 45

NAKAPIRING siya kung kaya’t di niya alam kung saan siya dinala ng mga lalaki. Ngunit mahigit apat na oras rin ang biniyahe nila bago sila huminto sa isang lugar na maalisansang ang amoy. Iginiya sila ng mga itong pababa at pinaupo saka itinali ang mga kamay at mga paa. Pinasakan rin ng mga ito ang kanilang mga bibig kaya kahit anong sigaw ang gawin niya ay walang lumalabas sa kanya. Ngunit kung kanina ay takot na takot siya, ngayon ay parang kalmado lamang siya. Itinaas na niya sa Panginoon ang anumang kahihinatnat nilang magkapatid. Alam niyang hindi sila pababayaan ng Nasa Itaas. Isang oras yata sila duon maya-maya ay kinalas ng mga ito ang mga tali nila sa paa saka muling iginiya pabalik ng sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng mga ito sa kanilang magkapatid. Umaasa na lamang siya na walang mangyayaring masama sa mga magulang niya at mga kapatid oras na makarating sa mga ito ang nangyari sa kanila ng Kuya Lukas niya. Muling t
last updateHuling Na-update : 2022-09-06
Magbasa pa

CHAPTER 46

HINDI ALAM NI AMANDA kung bakit parang may mga kabayong nag-unahang magsipulasan sa kanya nang ianunsyo ng piloto na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan niya sa Manila airport. Ewan ba niya kung bakit binabalot ng takot ang puso niya. Five years pagkatapos ng nangyaring kidnapping sa kanila ay ngayon lang siya muling tatapak ng Pilipinas. Naramdaman niya ang mahigpit na pagpisil ni Tom sa isang kamay niya, alam niyang ramdam nito ang gumugulo sa isipan niya ng mga sandaling iyon. Gusto nitong iparamdam sa kanya na nandito lang ito para sa kanya. May pait sa mga labing ngumiti siya sa lalaki. “You’ll be fine,” mahinang sabi nito sa kanya. Tumango lamang siya saka kinuha mula rito ang kanyang handbag. Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw na nga sana niyang bumalik pa ng Pilipinas lalo pa at nahiyang na ang buong pamilya niya roon. Sa katunayan ay hindi na nga sumama sa kanya pauwi ng Pilipinas ang mga magulang niya at mga kapatid, total n
last updateHuling Na-update : 2022-09-06
Magbasa pa

CHAPTER 47

INAKBAYAN SIYA NI TOM habang papasok sila sa loob ng restaurant kung saan sila magtatagpo nina Genis para pumirma sa annulment paper na inihain niya. Hindi niya alam kung bakit parang pinipiga ang puso niya habang iniisip ang gagawing paghahain ng annulment sa lalaki. Matagal na silang hiwalay and yet parang ang sakit-sakit pa rin para sa kanyang isipin na tuluyan nang mapapawalang bisa ang kanilang kasal. May bahagi sa puso niya ang tila hindi sumasang-ayon. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Alam ni Tom na natetense siya kaya panay ang pisil nito sa balikat niya. Pagpasok na pagpasok nila sa loob ng restaurant ay nakita kaagad niya si Genis. Nang magsalubong ang kanilang mga paningin, pakiramdam niya ay bahagyang huminto sa pag-ikot ang mundo niya. Hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa kanya. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na umuwi pa siya ng Pilipinas dahil pakiramdam niya ay muling nabuhay ang nararamdaman niya para dit
last updateHuling Na-update : 2022-09-07
Magbasa pa

CHAPTER 48

MATAPOS makapag dinner ay hinayaan sila nina Tom at Carina na makapag-ayos ng sarilinan para isettle ang kanilang annulment habang hinihintay nila ang kanilang abogado na on the way na raw. Medyo mahuhuli lang dahil raw may nangyaring hindi inaasahan. “You look good. Mukhang hiyang saiyo ang Canada,” may pait sa tonong sabi sa kanya ni Genis, nang tingnan niya ito ay di niya mabasa ang expression ng mukha nito ngunit nabanaag niya ang lungkot sa mga mata nito. Or guni-guni na naman niya ito? Bakit naman ito malulungkot samantalang kasama nito ang babaeng pinakamamahal nito? Besides, ano pa bang hahanapin nito sa buhay? May matagumpay itong career at sa pagkakaalam niya ay mas lalo pang yumayaman ang kompanyang itinatag nito. “Oo naman. Kung ako nga lang ang masusunod, hindi ko na gugustuhin pang bumalik ditto sa Pilipinas. Ang balak ko nga lang sana ay ipadala na lang saiyo ang mga papers na pirmado ko,” aniya. “Then what made you change your
last updateHuling Na-update : 2022-09-07
Magbasa pa

CHAPTER 49

SIMULA nang maghiwalay sila ni Amanda ay sa condo unit na nabili niya naglalagi si Genis. Ayaw niyang tumira sa dati niyang bahay dahil maraming mga alaala ang hatid niyon sa kanya. Sa loob ng limang taon ay sinikap niyang kalimutan si Amanda. At hindi nakakatulong ang dating tahanan nila para mapabilis ang kanyang paglimot. Madalas ay sa condo rin niya nag-stay si Carina bagama’t di pa rin naman sila nagli-live in. Mas madalas kasi ay mas gusto na lamang niya ang mapag-isa. Kagaya ngayong gabi. Inihatid niya si Carina sa condo unit nito at mabilis na nagpaalam dito. Sa kanyang pub house siya dumiretso at ibinuhos ang oras sa pag-iinom. Kapag nalalasing, nagpapahatid siya kay Mang Doy sa dating bahay nila ni Amanda at nagkukulong sa kwarto nito. Umiiyak lang siya duon na parang isang bata hanggang sa makakatulogan na lamang niya ang pagsesentimyento. Saka magigising kinabukasan na masakit na masakit ang ulo. Ngunit ngayong umaga pagkagising
last updateHuling Na-update : 2022-09-07
Magbasa pa

CHAPTER 50

“NAGKAROON TAYO NG ANAK?” Hindi mabasa ni Amanda ang expression ng mukha ni Genis nang tingnan siya, “Anak natin si Gertrude?” Waring naguguluhang tanong nitong muli saka tumingin sa bata. “You are my Daddy?” Halos paanas naman na sambit ni Gertrude habang titig na titig sa ama na waring pinag-aaralan ang bawat sulok ng mukha nito, maya-maya ay napakurap ito saka tumingin sa kanya, “Then I really have a dad, mommy?” “Of course, Gertrude,” tumawa siya ng pagak. Hindi pa rin kumikibo si Genis, nakatitig lang ito sa bata, hindi niya tiyak kung natutuwa ba itong malaman na nagkaroon sila ng anak. Maya-maya ay nakita niyang tumulo ang luha nito habang nakangising kinarga nito ang bata at pinugpog ng halik. “You look exactly like me,” sabi nito kay Getrude habang titig na titig ditto. “Daddy, are you upset?”Nakakunot ang nuong tanong ng bata sa kanya. “I’m not upset, baby. I’m just happy,” masayang sabi nito sa anak. Inilihi
last updateHuling Na-update : 2022-09-08
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status