SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON ay ngayon lang muli nakaramdam ng ganitong klaseng takot si Genis. “Bibili lang sila ng gamot, wala kasing botika ditto sa ospital, pero gabi na hindi pa sila dumarating. Kanina ko pa tinatawagan ang mga cellphone nila pero parehong nakapatay,” Nag-aalalang sabi ng nanay ni Amanda kay Genis, “Masama talaga ang kutob ko. Hinanap na sila ni Efren. . .” Nagmamadali niyang tinawagan ang kanyang Ninong Ben, “Nasaan si Amanda?” Yamot na tanong niya rito. Tumawa ng malakas ang ninong niya, “Bata, mas mabilis pa rin naman pala ako kesa saiyo,” tila nang-aasar na sabi nito sa kanya, “Ako pa rin ang hari, ako ang nagmentor saiyo, hindi ba? Sa palagay mo, mas matalino ka pa sa iyong master? Iniisip mo pa lang, ginagawa ko na!” mayabang na sabi nito sabay tawa na naman ng malakas. Hindi na niya pinatapos pa ang ibang sinasabi nito. Nagmamadaling pinatay niya ang telepono at bumalik sa pinagpaparkingan ng kanyang big bike. Nah
NAKAPIRING siya kung kaya’t di niya alam kung saan siya dinala ng mga lalaki. Ngunit mahigit apat na oras rin ang biniyahe nila bago sila huminto sa isang lugar na maalisansang ang amoy. Iginiya sila ng mga itong pababa at pinaupo saka itinali ang mga kamay at mga paa. Pinasakan rin ng mga ito ang kanilang mga bibig kaya kahit anong sigaw ang gawin niya ay walang lumalabas sa kanya. Ngunit kung kanina ay takot na takot siya, ngayon ay parang kalmado lamang siya. Itinaas na niya sa Panginoon ang anumang kahihinatnat nilang magkapatid. Alam niyang hindi sila pababayaan ng Nasa Itaas. Isang oras yata sila duon maya-maya ay kinalas ng mga ito ang mga tali nila sa paa saka muling iginiya pabalik ng sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng mga ito sa kanilang magkapatid. Umaasa na lamang siya na walang mangyayaring masama sa mga magulang niya at mga kapatid oras na makarating sa mga ito ang nangyari sa kanila ng Kuya Lukas niya. Muling t
HINDI ALAM NI AMANDA kung bakit parang may mga kabayong nag-unahang magsipulasan sa kanya nang ianunsyo ng piloto na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan niya sa Manila airport. Ewan ba niya kung bakit binabalot ng takot ang puso niya. Five years pagkatapos ng nangyaring kidnapping sa kanila ay ngayon lang siya muling tatapak ng Pilipinas. Naramdaman niya ang mahigpit na pagpisil ni Tom sa isang kamay niya, alam niyang ramdam nito ang gumugulo sa isipan niya ng mga sandaling iyon. Gusto nitong iparamdam sa kanya na nandito lang ito para sa kanya. May pait sa mga labing ngumiti siya sa lalaki. “You’ll be fine,” mahinang sabi nito sa kanya. Tumango lamang siya saka kinuha mula rito ang kanyang handbag. Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw na nga sana niyang bumalik pa ng Pilipinas lalo pa at nahiyang na ang buong pamilya niya roon. Sa katunayan ay hindi na nga sumama sa kanya pauwi ng Pilipinas ang mga magulang niya at mga kapatid, total n
INAKBAYAN SIYA NI TOM habang papasok sila sa loob ng restaurant kung saan sila magtatagpo nina Genis para pumirma sa annulment paper na inihain niya. Hindi niya alam kung bakit parang pinipiga ang puso niya habang iniisip ang gagawing paghahain ng annulment sa lalaki. Matagal na silang hiwalay and yet parang ang sakit-sakit pa rin para sa kanyang isipin na tuluyan nang mapapawalang bisa ang kanilang kasal. May bahagi sa puso niya ang tila hindi sumasang-ayon. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Alam ni Tom na natetense siya kaya panay ang pisil nito sa balikat niya. Pagpasok na pagpasok nila sa loob ng restaurant ay nakita kaagad niya si Genis. Nang magsalubong ang kanilang mga paningin, pakiramdam niya ay bahagyang huminto sa pag-ikot ang mundo niya. Hindi pa rin nagbabago ang epekto nito sa kanya. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na umuwi pa siya ng Pilipinas dahil pakiramdam niya ay muling nabuhay ang nararamdaman niya para dit
MATAPOS makapag dinner ay hinayaan sila nina Tom at Carina na makapag-ayos ng sarilinan para isettle ang kanilang annulment habang hinihintay nila ang kanilang abogado na on the way na raw. Medyo mahuhuli lang dahil raw may nangyaring hindi inaasahan. “You look good. Mukhang hiyang saiyo ang Canada,” may pait sa tonong sabi sa kanya ni Genis, nang tingnan niya ito ay di niya mabasa ang expression ng mukha nito ngunit nabanaag niya ang lungkot sa mga mata nito. Or guni-guni na naman niya ito? Bakit naman ito malulungkot samantalang kasama nito ang babaeng pinakamamahal nito? Besides, ano pa bang hahanapin nito sa buhay? May matagumpay itong career at sa pagkakaalam niya ay mas lalo pang yumayaman ang kompanyang itinatag nito. “Oo naman. Kung ako nga lang ang masusunod, hindi ko na gugustuhin pang bumalik ditto sa Pilipinas. Ang balak ko nga lang sana ay ipadala na lang saiyo ang mga papers na pirmado ko,” aniya. “Then what made you change your
SIMULA nang maghiwalay sila ni Amanda ay sa condo unit na nabili niya naglalagi si Genis. Ayaw niyang tumira sa dati niyang bahay dahil maraming mga alaala ang hatid niyon sa kanya. Sa loob ng limang taon ay sinikap niyang kalimutan si Amanda. At hindi nakakatulong ang dating tahanan nila para mapabilis ang kanyang paglimot. Madalas ay sa condo rin niya nag-stay si Carina bagama’t di pa rin naman sila nagli-live in. Mas madalas kasi ay mas gusto na lamang niya ang mapag-isa. Kagaya ngayong gabi. Inihatid niya si Carina sa condo unit nito at mabilis na nagpaalam dito. Sa kanyang pub house siya dumiretso at ibinuhos ang oras sa pag-iinom. Kapag nalalasing, nagpapahatid siya kay Mang Doy sa dating bahay nila ni Amanda at nagkukulong sa kwarto nito. Umiiyak lang siya duon na parang isang bata hanggang sa makakatulogan na lamang niya ang pagsesentimyento. Saka magigising kinabukasan na masakit na masakit ang ulo. Ngunit ngayong umaga pagkagising
“NAGKAROON TAYO NG ANAK?” Hindi mabasa ni Amanda ang expression ng mukha ni Genis nang tingnan siya, “Anak natin si Gertrude?” Waring naguguluhang tanong nitong muli saka tumingin sa bata. “You are my Daddy?” Halos paanas naman na sambit ni Gertrude habang titig na titig sa ama na waring pinag-aaralan ang bawat sulok ng mukha nito, maya-maya ay napakurap ito saka tumingin sa kanya, “Then I really have a dad, mommy?” “Of course, Gertrude,” tumawa siya ng pagak. Hindi pa rin kumikibo si Genis, nakatitig lang ito sa bata, hindi niya tiyak kung natutuwa ba itong malaman na nagkaroon sila ng anak. Maya-maya ay nakita niyang tumulo ang luha nito habang nakangising kinarga nito ang bata at pinugpog ng halik. “You look exactly like me,” sabi nito kay Getrude habang titig na titig ditto. “Daddy, are you upset?”Nakakunot ang nuong tanong ng bata sa kanya. “I’m not upset, baby. I’m just happy,” masayang sabi nito sa anak. Inilihi
“BAKIT KAHIT na anong gawin ko, hindi ako maging masaya, ha Genis?” Umiiyak na tanong ni Wendy, kinuyumos nito ang hawak na papel, “Bakit lahat ng mahal ko, iniiwan ko? Ano bang nagging malaking kasalanan ko?” Pagkatapos umiyak ay bigla itong tumawa ng malakas, “Sige, iwanan nyo na lang ako. Pareho-pareho lang kayo!!!! Si Papa, nasaan siya ngayon? Bakit hindi man lang niya ako dinadalaw ditto?” Sigaw nito sa kanya. Hindi umimik si Genis. Paulit-ulit lang naman si Wendy sa mga sinasabi nito. Apat na taon na ito sa sanitarium. Ipinasok niya ito duon pagkatapos nitong malulong sa bisyo at mawala sa katinuan. Marahil ay hindi nito natanggap ang pagkamatay ng ama nito. Ang kanyang Ninang Linda naman ay bigla na lamang nawala at hanggang ngayon ay di pa rin niya alam kung nasaan. Kahit naman trinaydor siya ng kanyang Ninong Ben ay nag-aalala pa rin siya para sa kalagayan ni Wendy dahil kahit paano, kung wala ito nuon sa tabi niya, baka napariwara na rin siya. Si Wend
“KAPAG HINDI KA NAGSABI ng totoo, tatamaan ka sakin!” galit na galit na sabi ni Genis kay Jericho nang mahuli ito ng mga pulis. Napangisi ang lalakii, tiningnan siya na waring nakakaloko,”May mapapala ba ko kung magsabi ako ng totoo? Ipakukulong nyo pa rin naman ako hindi ba? So mas mabutiing manahimik na lang ako.” Kwenelyuhan niya ito at akmang susuntukin na ngunit maagap siyang napigilan ng mga pulis. “Putang ina mo, ginagago mo ba ako? At ano bang napala mo sa pagpapakalat ng walang kwentang mga [ictures na iyon?” Tanong niya rito. Tipid na ngiti lang ang itinugon nito sa kanya. Iyong ngiting tila gustong-gusto siyang galitin. Pikon na pikon siya kung kaya’t di na siya nakapagpgil pa, mabilis niya itong nasuntok. Pupuruhan sana niya ito ngunit kaagad nahawakan ng dalawang pulis ang mga kamay niya. “Boss kami ng bahala sa kanya,” bulong pa sa kanya ng hepe ng pulis saka senenyasan ang mga tauhan n
NAPAKAGAT LABI SI AMANDA, alam naman niyang ginagawa nito ang lahat para makabawi sa lahat ng naging atraso nito sa kanilang mag-ina. At alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi magduda. “Pinipilit ko namang kalimutan ang lahat. I’m sorry kung minsan, hindi ko pa rin maiwasang hindi magduda,” sabi niyang ginagap ang isang kamay nito, muli na naman siyang napaiyak. Hangga’t maari ay ayaw na niyang magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit mahirap rin naman sa parte nya na ibigay ang buong tiwala niya lalo pa at ilang beses na rin naman siya nitong binigo. “Gusto kong magwork ang relasyon nating ito. Hindi ko na yata kakayanin kapag naghiwalay tayong muli pero sana naman, bigyan mo ako ng chance na maging isang mabuting asawa saiyo at mabuting ama kay Gertrude. Nagsusumikap naman ako pero bakit parang hindi pa rin sapat?” Tanong nito sa kanya, ramdam nya ang sama ng loob sa bawat katagang binibitiwan nito.
PINAKARIPAS NI GENIS ANG PAGPAPATAKBO ng sasakyan. Gusto niyang komprontahin si Charlene. Hindi niya alam kung anoa ng pakana nito sa buhay ngunit may kutob na siya ngayong sinadya nito ang nangyari. “Magkita tayo sa coffee shop sa ibaba ng building,” seryosong sabi niya kay Charlene nang tawagan niya ito. Napipikon siyang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Amanda na magpaliwanag. Ganitong-ganito ang nangyari nuon sa kanila at hindi na niya papayagang maulit pang muli iyon kaya kailangan niyang maresolba ang issue na ito sa lalong madaling panahon. Nasa coffee shop na si Charlene nang dumating siya. Kaagad itong tumayo at akmang yayakap na naman sa kanya ngunit mabilis niya itong naitulak palayo. Seryoso ang mukha niya nang tingnan ito, “Hindi ko alam kung anong kalokohan ito, Charlene pero sigurado akong hindi ka inosente tungkol sa bagay na ito,” aniyang walang kangiti-ngiti habang nakatingin dito, “Paano tayo magkakaron ng intimate na mga lar
NASA LOOB NA SILA ng kotse nang hawakan ni Genis ang isang kamay niya at dalahin sa bibig nito para halikan, “I love you,” pagbibigay assurance nito sa kanya. Nahalata nito marahil na may katiting pa rin siyang selos na nararamdaman pagdating kay Charlene. “I love you too,” sagot niya rito. “Pero sana alam ni Charlene ang limitasyon nya.” “I know, hindi ako dapat ang tinatawagan niya ng ganitong oras,” sabi nito sa kanya, “Nawala lang siguro sa isip nya. Kahit naman kasi paano ay naging close na kami sa isa’t-isa, I hope ypu don’t mind,” anito sa kanya. “I understand. Pero sana next time marealize niya kung saan siya dapat na lumugar,” prangkang sabi niya rito, “Besides, bakit kailangan ka pa nyang tawagan eh obvious namang natawagan na niyang lahat ng mga kaibigan niya, pati mga pulis.” Aniya rito. Nagkibit balkat lang si Genis saka pina-andar na ang sasakyan. Hanggang sa makauwi sila ng bahay ay palai
NAPAUNGOL SI AMANDA nang hagurin ng mga labi ni Genis ang kanyang buong katawan, nagtagal iyon sa kanyang maumbok na mga dibdib, nilaro-laro nito ang dungot niyon kaya bahagya siyang napaigtad. “Genis,” daing niya habang hindi malaman kung saan ipipiling ang kanyang ulo. Napasabunot siya rito saka kagat ang pang-ibabang labi na ipinuloupot niya ang kanyang mga binti sa katawan nito, “Ohhh. . .Genis. . .” Nilamas nito ang isang suso niya habang ang dila nito ay nagpapaikot-ikot naman sa kabilang boobs niya. Ramdam niya ay pangangatas ng maselang bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita dahil sa sensasyong inihahatid sa kanyang katawan ng ginagawang iyon ng asawa. Nuong kasintahan niya si Tom ay ilang beses siya nitong tinangkang makuha ngunit ewan ba niya kung bakit kahit anong panunuyo ang gawin nito ay hindi niya maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam kung kaya’t hindi siya natuksong ipagkaloob dito ang kanyang pagkababae.
“WHAT’S WRONG?” Tanong ni Genis nang lapitan si Amanda, ramdam niyang may sama ito ng loob sa kanya kaya nahiga na ito kaagad sa kama. Hinaplos niya ang mukha nito, saka hinalik-halikan ngunit nanatiling nakapikit si Amanda, bahagya pang umisod para lumayo sa kanya. “Tell me, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?” Clueless na tanong niya sa asawa. Nagmulat ito ng mga mata, “May nagawa ka bang hindi ko dapat magustuhan?” Balik tanong nito sa kanya. Bahagya siyang napatawa, “As far as I know, wala naman akong ginagawang masama kaya nga tinatanong kita. . .”sabi niya rito, ginagap niya ang isang kamay nito at dinala sa kanyang bibig, “baka naman pinaglilihian mo ako?”Pabirong sabi niya rito. Humaba ang nguso nito. “Amanda, kung may gusto kang linawin, please magsalita ka, hindi ganitong mananahimik ka lang,” Pakiusap niya sa asawa. Tinitigan siya nito ng matiim, “Ikaw, may gusto ka bang linawin sakin?” T
SINIGURADO muna ni Amanda na naihanda na niya ang almusal ni Gertrude bago siya gumayak patungong pilates session niya. Naging kaibigan kaagad niya ang ilan sa mga enrolees duon na sina Emily at Nicole. Kaya naman after ng kanilang session ay naisipan nilang mag-bonding sa isang coffee shop na malapit rin lang sa studio na pinagdausan ng kanilang pilates. “There was even a time na halos hindi na sya umuuwi sa bahay. Mas madalas pa nga niyang nakakasama ang secretary niya kesa sakin,” maktol pa ni Emily. “Nuong una, akala ko talaga trabaho lang, then isang araw, bigla akong nag-surprise visit, ayun nahuli ko ang husband kong nakapatong sa kanyang sekretarya!” “Naku, never trust your husband’s secretary lalo na kung batang-bata at maganda,” sabi naman ni Nicole na kakahiwalay lang sa asawa. Parang may sumipa na kung ano sa kanyang sikmura habang naiisip si Genis na nasa ibabaw ng maganda at batang-bata nitong sekretarya. Subukan lang n
“DO YOU ALWAYS MONITOR GENIS?” Pabirong tanong ni Charlene sa kanya ngunit malaman as if gusto nitong sabihin sa kanya na halatang insecure na insecure siya. Pilit na ngumiti si Amanda, “H-hindi naman. Naisipan ko lang pasyalan sya ngayon p-para sana tanungin kung gusto nyang mag-dinner na lang kami sa labas. Minsan rin mainam na mag-surprise visit,” pahayag niya rito. Nahuli niyang nag-angat ito ng isang kilay saka gumuhit ang pilyang ngiti sa mga labi nito. ‘’Well, hindi na ako magtatagal, ipaalala mo na lang kay Genis iyong dinner naming bukas, tutal naman nakapag-usap na kami in between meetings,” sabi nito sa sekretarya saka muling bumaling sa kanya, “I’ll go ahead, Amanda. . .” anitong akmang tatalikod na nang may maalalang sabihin sa kanya, “By the way, are you pregnant? Parang malaki ang itinaba mo ngayon,” nakangising sabi nito saka tumalikod na nakangisi. Pinamulahan siya ng mukha. Kulang na lamang ay sabihin ntong mag-gym
“Mommy, fake news yan. Pati ba naman po kayo nagpapaniwala sa mga tsismis,” sabi ni Amanda sa ina nang tawagan siya nito at kausapin tungkol sa larawan nina Genis at Charlene na lumabas sa diyaryo, “Pinik up lang yan ng mga reporter para umingay ang pangalan ni Charlene. May bago kasi siyang program na lalabas.” Paliwanag niya sa ina. “Ke totoo o hindi ang tsismis, aba’y dapat huwag kang pakampante,” anang Mommy niya sa kanya, “Hindi porke’t mahal ka ni Genis ay hindi mo na aalagaan ng husto ang sarili mo,” Paalala nito sa kanya, tiningnan siya mula ulo hanggang paa, “Kailan mo ba huling pinamper ang sarili mo?” “Mukha na ba akong losyang, ‘ma?” tanong niyang muli na namang nakaramdam ng insecurities sa katawan. Kaninang magising siya ay napansin niyang tumataba siya at medyo dry ang kanyang buhok. May kamahalan naman kasi ang magpapa-parlor sa Ireland kaya madalang na madalang siyang pumapasok ng parlor duon. Nangunot ang nuo nito,