Home / Romance / Bastarda (Taglish) / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Bastarda (Taglish): Chapter 21 - Chapter 30

55 Chapters

CHAP 21

"Done?" Agustine asked when I came out of the restroom and then scanned me from head to toe.Simpleng tango lamang ang naisagot ko at umiwas ng tingin—bahagyang nakaramdam ng ilang. Nakabihis na ako ngayon ng damit na ipinahiram niya. May kalakihan iyon sa akin kaya naman isiningit ko ang unahang laylayan sa loob ng palda at hinayaan ang likurang bahagi na nakalaylay. Medyo malayo kami sa mga dati kong kaklase na alanganing nagpatuloy sa pag-iinom kanina kaya naman sa kanya lamang nakatuon ang atensyon ko."Are you mad?" namamaos niyang tanong at hinuli ang paningin ko.I swallowed slowly and shook my head for an answer. Paano ko magagawang magalit sa kanya kung nagawa niya akong ipagtanggol sa harapan nilang lahat?"Why did you turn off your phone?" he asked softly. I tried to clear my throat. "H-how did you know my whereabouts?" I asked—stuttering—instead of answering.My heart was beating rapidly because of his presence. Hindi ko ine-expect na ganito kami kaagang magkikita. Ni hi
last updateLast Updated : 2022-08-09
Read more

CHAP 22

"Sorry, Dad. Medyo biglaan lang din lakad ko kaya hindi na nakapagpaalam," I stated as I talked to my father through the phone.I heard him sighed. "Don't do that again, it's very unprofessional," Dad preached—embarrassment automatically crept inside my system. "Anyway, did you already talk with Mr. Revelar? Nagkaroon ba ng problema sa project? You're using his phone so you're still with him?" he asked a series of questions.Hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin sa mga tanong niya. Sandali kong sinilip si Agustine na seryosong nagmamaneho; salubong ang kilay animo'y may malalim na iniisip. Wala sa sarili akong napanguso dahil hindi niya man lang ako sinulyapan."May mga ni-recheck lang pong mga design para sa hotel. Wala naman pong naging problema, pabalik na rin po kami ng syudad after kong dumaan sa bahay para sa ilan kong gamit na naiwan," I answered and bit my lower lip for lying."No," agad na wika ni Daddy. "It's already late. Sa atin na muna kayo tumuloy at bukas na kay
last updateLast Updated : 2022-08-09
Read more

CHAP 23

"Are you... comfortable here?" I bit my lower lip as I was standing outside the guest room.Pagkatapos naming kumain kanina ni Agustine ay niyaya ko agad siya na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay para ipakita ang guest room na tutuluyan niya. I know he's tired already. Sa bawat paggalaw pa lamang ng pilikmata niya ay ramdam ko ang kapaguran doon. Hindi naman ako natakot o nangamba na hindi maayos ang silid dahil alam kong ipinaayos na iyon ni Daddy sa mga kasambahay. Tipid akong tinanguan ni Agustine. "Are you going to sleep now?" paos na tanong niya.Hindi naman ako agad nakasagot dahil hindi ko rin alam kung makakatulog ba ako agad. His eyes remained with me. It was as if he's waiting for me to answer no to his question.Nang napansin niya siguro ang pagdadalawang-isip ko na sumagot ay pinaliit niya ang distansya naming dalawa at saka ako niyakap. Gulat man ay hindi ko iyon lubos na naipakita. I remained standing straight as his arms embraced my waist."I miss you," he whispere
last updateLast Updated : 2022-08-09
Read more

CHAP 24

The days past quickly. Halos isang linggo na rin mula nang magkaayos kami ni Agustine. So far I could say that our relationship was going smoothly. Sinusubukan ko ring kumuha ng tyempo para ipakilala siya kay Daddy as my boyfriend pero palaging nasa out of town ang meetings niya. "Are you done?" Agustine asked as he stood in front of my table.Hindi ko naiwasan na irapan siya saka kinuha ang huling folder na ipapatas ko. "Baka masira ang kotse ko dahil sa 'yo," ani ko saka isinukbit ang aking bag.Simula nang bumalik kami sa syudad ay hatid-sundo na ako ni Agustine sa trabaho. Alam kong napapansin ng ibang emplayado ang sobrang pagiging malapit naming dalawa, pero gano'n pa man ay wala akong narinig na masamang salita galing sa kanila. It's when I realized, changing environment was really a big deal.Hindi ko tuloy maiwasan na alalahanin ang plano kong pag-alis. The business deal was already settled. Baka sa loob ng mahigit isang buwan ay maayos na ang hotel. Pupwede na akong umalis
last updateLast Updated : 2022-08-09
Read more

CHAP 25

"Here, have a drink," ani Agustine habang ibinibigay sa akin ang isang basong tubig.Wala sa sarili ko naman iyong tinanggap. Nandito kami ngayon sa living area ng bahay. Nakaupo ako sa couch habang nanatili naman siyang nakatindig sa harapan ko kahit pa kinuha ko na ang baso sa kanya. I took a sip. Hindi ako makatingin sa kanya dahil hanggang ngayon ay lunod pa rin ang utak ko sa pag-iisip.Mayamaya pa ay naramdaman ko ang marahan na pagkuha ni Agustine sa hawak kong baso saka iyon inilagay sa center table. Pagkatapos niyon ay naupo siya sa tabi ko at masuyong kinuha ang isa kong kamay. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya habang marahan na minamasahe ang kamay ko."I will not ask if you're okay because obviously you are not," he said.Alam kong nakatingin siya sa akin pero ipinatili ko ang mga mata ko sa kamay naming dalawa. "But can I ask what are you thinking right now? Would you mind sharing it with me?" Pilit niya mang ikinubli ang frustrasyon sa boses niya ay hindi siya n
last updateLast Updated : 2022-08-25
Read more

CHAP 26

"Kailangan na nating umuwi, Agustine." Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na iyong sinabi pero paulit-ulit niya lamang akong sinasagot ng iling."We're on a date, Khrystal," he uttered.Hindi ko napigilan na mapatampal sa aking noo habang nakatayo ako sa harapan niya. Kung kanina ay ako ang nakaupo ng couch, ngayon ay nagkapalit kaming dalawa. Ako na ngayon ang nakikiusap."Habang pinatatagal natin ito lalo lamang lalaki ang gulo, Bhryll," frustrated kong ani.He lazily looked at me. "I told you I can handle that issue. Now, can't we just enjoy our date?" I shut my eyes tight and heaved a deep breath. Paano niya nagagawang maging kalmado sa mga oras na ito? Alam kong alam niya na pinagpepyestahan na siya ngayon. Kaming dalawa actually. Dapat ay ora mismo umuwi na kami para maayos at mapigilan ang gulong ito."Bhryll," pinanghihinaan kong tawag. "Aware ka naman sa mga nangyayari, 'di ba? Sa epekto ng eskandalo." Tumango naman siya agad."Then we should go now," I said.Siya naman
last updateLast Updated : 2022-08-25
Read more

CHAP 27

Hindi ko na alam kung paano ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang mabilis. Masyadong kinain ng pag-aalala at kaba ang sistema ko na tila kumikilos na lang ang katawan ko sa gusto nitong gawin. Tumatakbo ako ngayon sa hallway ng ospital na sinabi ni Mommy, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit naospital si Daddy dahil hindi ko na iyon nagawa pang itanong kanina. "Miss, Alexander Dagsinal's room, please?" tanong ko sa nurse na nasa information desk.Frustrated akong napahilamos ng mukha sa ilang segundo na ch-in-eck ng nurse ang monitor na nasa harap niya."Room 06, Ma'am," she informed.Hindi ko na nagawa pang magpasalamat at lakad-takbong hinanap ang silid na sinabi niya. Nang tuluyan ko na iyong nakita ay walang pasabi kong binuksan ang pinto ng kwarto at naglakad papasok. "Dad?" nangangamba kong tawag.Una kong nakita si Mommy na nakaupo sa gilid ng hospital bed ni Daddy, ang kapatid kong si Mary France naman ay nakaupo sa visitor's couch. Tuluyan nang nanlambot
last updateLast Updated : 2022-08-25
Read more

CHAP 28

"Hija? Anak? Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung pang-ilang beses na iyong itinanong ni Manang mula sa labas ng pintuan ko. Hindi ko man gusto na balewalain siya ay wala akong lakas na sumagot o magpakita kaninuman. Pakiramdam ko ay ang dumi-rumi ko. Oo, kasalanan ko na pinatulan ako ni Agustine, kasalanan ko ang nangyari sa aming dalawa. Pero hindi ko inakala na papasok ako sa isang sitwasyon kung saan magiging kabit ako. I wanted to blame him, but I know I'm at fault also. I didn't ask anything about his relationship status. Pagak akong natawa at sumandal sa gilid ng aking kama. Nakaupo ako sa sahig habang yakap ang sarili kong mga binti. Ang mga luha ko ay walang awat na tumutulo. Paulit-ulit kong ni-replay ang lahat sa utak ko. Mula noong nagkatagpo kami hanggang sa nangyari kanina.Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Ang gulo-gulo. Pakiramdam ko may kulang, may hindi ako alam. Mayroong parte sa dibdib ko na nasasaktan at natatakot sa posibilidad na pinaglaruan niya nga lang
last updateLast Updated : 2022-08-25
Read more

CHAP 29

Halos limang minuto na 'ata akong nakatulala sa pintuan ko. Ilang beses kong inulit sa aking isip ang sinabi ni Mommy bago siya lumabas. Hindi ko tuloy alam kung lalabas ba ako o mananatili na lamang sa silid ko. Pero naisip ko, walang kasalanan ang babae sa lahat. Kung may matatawag man na biktima sa nangyayari, siya iyon.Wala akong ideya kung bakit siya nandito. Para ba bantaan ako? Para lalong ipamukha sa akin ang kahihiyan na ginawa ko? Humugot ako nang malalim na hininga at saglit na inayos ang sarili ko. Siguro nga ay kailangan kong tapusin ang gulong ginawa ko, kailangan kong humingi ng tawad. Nang nakuntento sa aking itsura ay saka pa lamang ako mabagal na kumilos para lumabas. Sa bawat lakad na ginagawa ko ay tila pinipiga ang puso ko sa katotohanan na nagkamali talaga ako.Natanaw ko agad ang fiancee ni Agustine na nakaupo sa sofa pagkababa ko. Our eyes met. Wala pa man siyang sinasabi ay ramdam ko ang galit at sakit mula sa kanyang paningin. Naupo ako sa one seater couch
last updateLast Updated : 2022-08-25
Read more

CHAP 30

"Khrystal." Gulat na napatitig sa akin si Nexus habang nasa bungad ako ng pintuan ng bahay niya.I decided to come here the moment Agustine's fiancee left the house. Hindi ko alam pero nagkusa na lamang ang katawan ko na kumilos. Hindi ko na alam kung ano ang tama at dapat na gawin para matapos lahat ng problema ko. Para mawala ang sakit sa dibdib ko.I gave him a small smile. "Can I come in for a second?" I asked.Agad naman siyang tumango at saka tumabi sa gilid para padaanin ako. Sa nag-aalalang titig niya pa lamang ay alam kong nakaabot na rin sa kaniya ang isyu na nangyari sa akin. Wala akong balita tungkol doon. Iniwasan kong buhayin ang cellphone ko, maski ang tumingin sa telebisyon ay hindi ko ginawa kaya naman wala akong ideya kung hanggang saan ba ang alam ng mga tao tungkol sa eskandalo na kinasangkutan ko."Gusto mo ba ng juice? Tea? Coffee?" alok niya sa akin nang nakarating kami sa salas. Marahan akong umiling. "Huwag na. I just need someone to talk." Tuluyan na akong u
last updateLast Updated : 2022-08-25
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status