"Kailangan na nating umuwi, Agustine." Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na iyong sinabi pero paulit-ulit niya lamang akong sinasagot ng iling."We're on a date, Khrystal," he uttered.Hindi ko napigilan na mapatampal sa aking noo habang nakatayo ako sa harapan niya. Kung kanina ay ako ang nakaupo ng couch, ngayon ay nagkapalit kaming dalawa. Ako na ngayon ang nakikiusap."Habang pinatatagal natin ito lalo lamang lalaki ang gulo, Bhryll," frustrated kong ani.He lazily looked at me. "I told you I can handle that issue. Now, can't we just enjoy our date?" I shut my eyes tight and heaved a deep breath. Paano niya nagagawang maging kalmado sa mga oras na ito? Alam kong alam niya na pinagpepyestahan na siya ngayon. Kaming dalawa actually. Dapat ay ora mismo umuwi na kami para maayos at mapigilan ang gulong ito."Bhryll," pinanghihinaan kong tawag. "Aware ka naman sa mga nangyayari, 'di ba? Sa epekto ng eskandalo." Tumango naman siya agad."Then we should go now," I said.Siya naman
Hindi ko na alam kung paano ako nakapagbihis at nakapag-ayos nang mabilis. Masyadong kinain ng pag-aalala at kaba ang sistema ko na tila kumikilos na lang ang katawan ko sa gusto nitong gawin. Tumatakbo ako ngayon sa hallway ng ospital na sinabi ni Mommy, hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit naospital si Daddy dahil hindi ko na iyon nagawa pang itanong kanina. "Miss, Alexander Dagsinal's room, please?" tanong ko sa nurse na nasa information desk.Frustrated akong napahilamos ng mukha sa ilang segundo na ch-in-eck ng nurse ang monitor na nasa harap niya."Room 06, Ma'am," she informed.Hindi ko na nagawa pang magpasalamat at lakad-takbong hinanap ang silid na sinabi niya. Nang tuluyan ko na iyong nakita ay walang pasabi kong binuksan ang pinto ng kwarto at naglakad papasok. "Dad?" nangangamba kong tawag.Una kong nakita si Mommy na nakaupo sa gilid ng hospital bed ni Daddy, ang kapatid kong si Mary France naman ay nakaupo sa visitor's couch. Tuluyan nang nanlambot
"Hija? Anak? Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung pang-ilang beses na iyong itinanong ni Manang mula sa labas ng pintuan ko. Hindi ko man gusto na balewalain siya ay wala akong lakas na sumagot o magpakita kaninuman. Pakiramdam ko ay ang dumi-rumi ko. Oo, kasalanan ko na pinatulan ako ni Agustine, kasalanan ko ang nangyari sa aming dalawa. Pero hindi ko inakala na papasok ako sa isang sitwasyon kung saan magiging kabit ako. I wanted to blame him, but I know I'm at fault also. I didn't ask anything about his relationship status. Pagak akong natawa at sumandal sa gilid ng aking kama. Nakaupo ako sa sahig habang yakap ang sarili kong mga binti. Ang mga luha ko ay walang awat na tumutulo. Paulit-ulit kong ni-replay ang lahat sa utak ko. Mula noong nagkatagpo kami hanggang sa nangyari kanina.Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Ang gulo-gulo. Pakiramdam ko may kulang, may hindi ako alam. Mayroong parte sa dibdib ko na nasasaktan at natatakot sa posibilidad na pinaglaruan niya nga lang
Halos limang minuto na 'ata akong nakatulala sa pintuan ko. Ilang beses kong inulit sa aking isip ang sinabi ni Mommy bago siya lumabas. Hindi ko tuloy alam kung lalabas ba ako o mananatili na lamang sa silid ko. Pero naisip ko, walang kasalanan ang babae sa lahat. Kung may matatawag man na biktima sa nangyayari, siya iyon.Wala akong ideya kung bakit siya nandito. Para ba bantaan ako? Para lalong ipamukha sa akin ang kahihiyan na ginawa ko? Humugot ako nang malalim na hininga at saglit na inayos ang sarili ko. Siguro nga ay kailangan kong tapusin ang gulong ginawa ko, kailangan kong humingi ng tawad. Nang nakuntento sa aking itsura ay saka pa lamang ako mabagal na kumilos para lumabas. Sa bawat lakad na ginagawa ko ay tila pinipiga ang puso ko sa katotohanan na nagkamali talaga ako.Natanaw ko agad ang fiancee ni Agustine na nakaupo sa sofa pagkababa ko. Our eyes met. Wala pa man siyang sinasabi ay ramdam ko ang galit at sakit mula sa kanyang paningin. Naupo ako sa one seater couch
"Khrystal." Gulat na napatitig sa akin si Nexus habang nasa bungad ako ng pintuan ng bahay niya.I decided to come here the moment Agustine's fiancee left the house. Hindi ko alam pero nagkusa na lamang ang katawan ko na kumilos. Hindi ko na alam kung ano ang tama at dapat na gawin para matapos lahat ng problema ko. Para mawala ang sakit sa dibdib ko.I gave him a small smile. "Can I come in for a second?" I asked.Agad naman siyang tumango at saka tumabi sa gilid para padaanin ako. Sa nag-aalalang titig niya pa lamang ay alam kong nakaabot na rin sa kaniya ang isyu na nangyari sa akin. Wala akong balita tungkol doon. Iniwasan kong buhayin ang cellphone ko, maski ang tumingin sa telebisyon ay hindi ko ginawa kaya naman wala akong ideya kung hanggang saan ba ang alam ng mga tao tungkol sa eskandalo na kinasangkutan ko."Gusto mo ba ng juice? Tea? Coffee?" alok niya sa akin nang nakarating kami sa salas. Marahan akong umiling. "Huwag na. I just need someone to talk." Tuluyan na akong u
"Where did you go?" Mommy Francheska asked when I came home.Nakaupo siya sa couch habang may hawak na kopita ng alak sa kanyang kamay. Suddenly, the revelation went back in my mind. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng sama ng loob.Slowly, I walked closer to her. Diretyo ko siyang tinitigan gamit ang hilam kong mga mata nang nakarating ako sa kanyang harapan. She equalled my stern stare. "Why?" bulong na wika ko.Tumaas ang isang kilay niya. Hindi siya nagsalita at hinintay na lamang na dugtungan ko ang aking sinabi. My eyes clouded with tears."Bakit mo ako ipinadala sa kanya, knowing that he's a dangerous person?" I continued.Nawalan ng emosyon ang mukha niya. Mabagal niyang idinistansya ang kaniyang likod sa upuan at saka ipinatong ang hawak na baso sa center table. Pagkatapos niyon ay pinagsakrus niya ang kanyang mga braso habang nakatingin sa akin."Are you going to blame me?" balik niyang tanong imbes na sagutin ang tanong ko.Pagak akong tumawa at tuluyan nang tumulo ang mga
The familiar heat of the weather touched my skin when I came out from the airport. I was wearing a black crop top sando underneath my denim jacket that was hanging loosely on my back shoulders, paired it with my ripped fitted jeans—which made me look sophisticated. I roamed my eyes around and a small smile plastered on my lips when I saw my father. Nakatayo siya sa gilid ng kanyang kotse, naghihintay sa pagdating ko. Hindi niya pa ako napapansin dahil tutok ang atensyon niya sa pagtitipa sa kanyang telepono kaya naman nagsimula na akong maglakad. Gumagawa ng ingay ang suot kong heels sa tuwing itinatapak ko iyon sa semento pati na rin ang gulong ng maletang dala ko kaya naman nang halos dalawang metro na lamang ang layo ko kay Daddy ay iniangat niya ang kanyang paningin sa akin. Mabilis siyang umayos sa kanyang pagkakatayo at nakangiti akong sinalubong. "Welcome back," he murmured as he gave me a hug. Binitiwan ko naman ang hawak kong maleta at yumakap pabalik. "Thanks, Dad."Marah
"Are my babies behaving while Mommy is away?" malambing na tanong ko sa mga anak ko habang nakaupo kami sa kusina—naghahanda sa pagkain.Nasa pagitan ako ng kambal. Sa kaliwa ko naroon si Gio habang sa kanan ko naman napuwesto si Gia. Pareho silang marunong kumain mag-isa kaya naman hindi na ako masyadong namomroblema pagdating sa pagpapakain. "Opo," sabay na sagot nila sa slang na Tagalog.Natigilan ako ng ilang segundo sa pagta-Tagalog nila. Simula nang lumaki ang kambal at natutong magsalita, kailanman ay hindi ko sila narining ng gano'n. Kahit pa paminsan-minsan ko silang kinakausap sa Tagalog na lenggwahe ay panay ang Ingles nila sa akin. Kaya naman hindi ko maiwasan na magulat, idagdag na rin ang bigla kong pagkaalala sa isang tao. Pilit akong ngumiti sa mga anak ko at saka tiningnan ang aking pamilya na nakangiting nanunuod. Mukhang narinig na nila ang dalawa na magsalita ng Tagalog dahil hindi na sila nabibigla roon. Napailing na lamang ako at iwinaksi ang pumapasok na alaal
"How are you, hija?" my mom spoke as we ate our dinner, she's talking to her friend's daughter, Lhea.I don't know why I always need to be present every time she's here. Alam kong gusto niya ang babae para sa akin, pero kahit kailan ay hindi ako umoo sa plano niyang iyon. Though, I didn't decline also.I just let my mom thought that I am following her orders. Well, as of now, there's nothing wrong with her plan. I'm not in a relationship, I also don't have someone I like. There's no need to oppose."I'm doing good, Tita. Kayo po?" the girl answered.I lazily tilted my head to look at her. She's pretty, I admit it though. We're friends also. Hindi na masama para sa akin. I saw her looked at me, her cheeks flushed when she found me staring at her."Okay lang din naman. Kahit pa na-i-stress ako rito sa anak ko," reklamo ni Mama.The girl, Lhea, chuckled. "Why, Tita? Is there something wrong with your business?"Umiling naman si Mama at nakanguso akong nilingon. I just remained my stoic f
As I peered into the pitch-black abyss, the chilly breeze embraced my body. Even though it's past midnight, I'm back on the hospital's rooftop. I've been standing still and pondering things for practically an hour.I'll admit, Agustine's remarks stayed in the back of my head. I experienced conflicting emotions. Happy? Afraid? Bewildered.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at pinanuod ang mga bituin. Hindi na kami mga bata. Kung may mga desisyon man kami na kailangang gawin, hindi na namin kailangang magpaikot-ikot pa. Bigla kong naalala ang interview niya limang taon na ang nakararaan. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ay sinubukang hanapin iyon sa internet. Luckily, it's still there. Nanginginig kong pl-in-ay ang video. Pigil ang hininga ko nang nagsimula na siyang tanungin ng ilang reporter. "Mr. Revelar, would you confirm that you are the person featured in the audio recording?""Yes," diretyo at walang paligoy-ligoy na sagot ni Agustine."Are you being blackmailed th
"Khrystal." I felt a faint tap on my shoulder as I heard my mother's voice.Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita siyang nakatayo sa harapan ko. I doze off. Hindi ko iyon namalayan dahil siguro sa pagod. I glanced at Gio and found him still sleeping. Sunod ko namang hinanap si Gia. Napangiti ako nang nakita siyang kandong ni Daddy at bininigyan ng binalatan niyang mansanas."Bibili na muna ako ng pagkain natin sa labas," ani Mama.Agad akong umiling at saka tumayo. "Ako na po. May bibilhin din po ako sa labas."Hinarap ko si Daddy at ngumiti bilang pamamaalam bago tuluyang lumabas ng silid. Hindi ko pa ulit nakikita si Agustine mula ng sagutan nila ni Lhea. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam. Napahinga ako nang malalim habang naglalakad. Ngayong nabigyan na ng linaw ang nakaraan namin, hindi ko maiwasan na manghinayang. Gano'n pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil mas pinatatag ako ng mga pinagdaanan namin. I am not a good for nothing bastarda anymore. Nakagawa na a
Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Gio. "Anak . . ." nahihirapang usal ko. "Mommy needs to tell you something.""What is it, Mom?" mahina niyang tugon.I cleared the lump in my throat and moved a little. Hinayaan kong magkaroon ng espasyo para makita ng anak ko ang presensya ni Agustine. Gradually, my son's eyes grew bigger."S-Sir," he mumbled.Parang kinurot ang puso ko sa sandaling iyon. Hindi ko sinubukang tingnan si Agustine. Natatakot ako, nakukunsensya, at nasasaktan. Naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. Ang mga mata ng anak ko ay nakatuon lamang sa kaniya. Namamangha at nag-uulap ang paningin sa presensya ng kaniyang ama."Gio . . ." I barely managed to say. "A-anak, s-si Daddy . . . nandito siya para sa 'yo."Marahan na lumipat ang paningin niya sa akin. Mas lalong naipon ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Tila hindi makapaniwala na narinig. Once again, I tried to smile at him."Hindi niyo na kailangang magtago, anak . . ." I murmured.Gio's tears
"Omg, girls have some class."My gaze shifted when a familiar voice spoke. Napakunot ang noo ko nang nakita ang nanay ni Agustine. Prente siyang nakatayo habang nakasabit sa kaniyang braso ang isang mamahaling bag. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya at saka eleganteng naglakad palapit sa amin. Hindi nakalampas sa aking tainga ang bawat ingay ng takong niya habang tumatapak sa sahig ng ospital."Where's my son?" she asked when she's finally in front of me.I stared at her for a second. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya. I could not even decide whether to respond or ask back a question. "Mom." On cue, Agustine arrived. Mabilis siyang nagtungo sa ina at masuyong hinawakan ang braso nito. "What are you doing here?" he added."Well, I found out that you're here. May nangyari ba sa 'yo?" usisa ng nanay niya.Mabilis namang umiling si Agustine at tumingin sa akin. Humihingi ng pasensya kahit wala pa mang nangyayari. His throat moved before looking back at his mother. "M
I was pacing back and forth—waiting for him to show up—as I held tight on the pregnancy test. Almost two weeks had passed since I found out about it. I didn't know what to do; all I knew was . . . I must tell him about our baby.Dalawang oras na rin buhat nang makarating ako rito sa lobby ng condo niya. Pagkalapag ko pa lang sa airport ay dito na ako nagpahatid sa taxi. Gusto ko siyang akyatin sa unit niya, pero natatakot ako sa kaniyang reaksyon. I know he's mad at me, and it might trigger him to be impulsive. Kung dito ako sa lobby magpapakita, makakapagkontrol pa siya dahil may mga taong nakapaligid.I took a deep breath and calmed myself. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano dahil sa takot na baka maapektuhan ang anak ko. Sandali akong umupo sa couch para makapahinga. Right after that, I finally saw him walking. Wala sa akin ang atensyon niya, kundi sa daan. I was about to rise from my seat when a child suddenly grabbed his hand. Mas lalo pa akong natigilan nang sumunod ang fia
"Aren't you going to talk?"I took a deep breath and turned to face him. Halos sampong minuto na rin mula nang umakyat kami rito sa rooftop ng ospital. I invited him here so we can talk peacefully; that's what I believe."Hindi ko sila planong itago sa 'yo," panimula ko.He scoffed. "Really? That's why I recently found out that I have kids," he mocked along with his intense glare.Nakagat ko ang ibaba kong labi at napaiwas ng tingin. "I was planning to tell you today.""Today," he repeated and laughed wearily. Napahiyaw ako nang humarap siya sa pader at malakas iyong sinuntok. Magkakasunod pang mura ang binitiwan niya bago muling tumingin sa akin. I could see the pain and betrayal in his eyes."You should have informed me right away when you found out you were pregnant, Khrystal! Muntik na maging bastardo at bastarda ang mga anak ko!" His veins nearly burst while screaming."Paano ko ipapaalam sa iyo ang pagbubuntis ko kung buong akala ko pamilyado ka, Agustine?! Tingin mo ba ay ginu
My body seemed to be moving on its own. I don't know how to think properly. Nanginginig man ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa ring tumakbo. Lord, please, not my son."M-Miss, Giovani Dagsinal, please," I asked at the nurse assigned in the emergency ward."D-Dinala siya sa operating room," a familiar voice interrupted.Wala sa sarili akong napalingon sa direksyon niya. Her eyes were swollen. Sa gilid niya ay naroon ang anak niyang tahimik na umiiyak habang may benda sa kaniyang siko. Nakaupo silang pareho sa isang hospital bed."Lhea, why are you here? And what happened to Dianne?" usisa ni Agustine. Her throat moved slowly. Nakukunsensya siyang tumingin sa akin. Astang bubuka ang bibig niya para magsalita pero agad niya rin iyong itinikom. I chose to ignore her in the end. Wala akong pakialam sa kaniya. Ang kailangan kong makita ay ang anak ko. Mabilis akong tumakbo paalis, ramdam ko ang pagsunod ni Agustine sa akin pero miski siya ay hindi ko pinagtuunan ng atensyon."K-Khrystal,"
Hindi ko alam kung paano haharap kay Agustine. I know, he's inside my office. Noong umalis ang fiancee at anak niya ay nakita ko siyang pumasok ng building. Ipinahatid ko muna kay Mama ang mga bata sa malapit na park. I want them to breathe for a moment. Alam kong masakit sa kanila ang pangalawang beses na makitang kasama ni Agustine ang pamilya niya. But I don't want to delay this anymore. Kakausapin ko na siya, kami muna. Ilang beses akong kumuha at bumuga ng hininga bago marahang binuksan ang pinto ng opisina ko. Tulad ng inaasahan ko, nakaupo siya sa visitor's chair, hinihintay ang pagdating ko. Agad nagtama ang paningin naming dalawa.Kung sa normal na mga araw, nagagawa ko siyang batiin kahit bilang partner sa negosyo. Ngayon ay hindi ko iyon magawa. Oo, hindi niya naman kasalanan na naabutan sila ng mga anak ko. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng sama ng loob. "Good morning, Ms. Dagsinal," bati niya.Hindi ako sumagot. Naglakad lamang ako patungo sa aking upuan at saka