Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin kay Ramier.Base sa kanyang mga mata,parang kinukumpirma niya sa 'kin kung totoo ba ang sinabi nitong si Brando."Pasok kayo."Wala naman akong ibang magawa kung 'di ang pakitunguhan siya nang maayos.Kami ang may utang sa kanya kaya kailangan namin siyang pakitunguhan ng mabuti.Pinangunahan ko sila sa pagpasok para na rin makawala sa nangungulong na titig ni Ramier.Walang ano-ano'y sumunod silang lahat sa 'kin.Pagbungad pa lang namin sa pintuan ay sinalubong na agad sila ng mga magulang ko.Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Mama dahil hindi niya inaasahan na darating si Brando.Habang si Papa naman ay hindi nagpatinag."Mabuti't napapasyal ka,hijo,"sambit ni Mama nang bumalik sa huwisyo."Magandang umaga po sa inyo.Dinalaw ko lang si Ysharra dahil nabalitaan ko na bumalik na siya rito,"pekeng sambit niya."Aalis din ako,"sabat ko.Napatingin silang lahat sa 'kin at nakita kong pinandilatan ako ng mata ni Mama dahil sa inasal ko."Osya't maupo
Last Updated : 2022-08-14 Read more