Simula pagkagising ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang sinabi ni Ramier kagabi.Tama ba 'ko ng dinig? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil too good to be true ang sinabi niya.Kasalukuyan akong nag-aayos habang si Ramier naman ay naliligo sa banyo.Dapat ko na bang paniwalaan ang bagay na 'yon? Pero base sa inaakto niya,parang wala naman sa kanya 'yon.Sadyang binibigyan ko lang ata talaga ng kahulugan.Pilit kong inalis mula sa isipan ko ang bagay na 'yon dahil baka ma-praning na 'ko sa sobrang daming pumapasok na ideya na kung ano-ano sa isipan ko.Hanggang sa natapos ko na ang pag-aayos.I'm wearing a white turtle neck top with a brown oversize coat and a pants paired with Louis Vuitton belt.Naka-boots din ako na three inches ang taas.Nagtungo muna ako sa veranda habang hinihintay si Ramier.Sinalubong ko ang napakasarap na simoy ng hangin na dumadampi sa 'king balat.Hindi ko inasahan na makakapunta ako sa ganito kagandang lugar.Parang dati pangarap ko lang
Third Person's POVAlalang-alala si Ramier habang buhat-buhat si Ysharra papasok ng hospital.Gulong-gulo ang kanyang isipan at hindi alam ang susunod na gagawin.Kaagad siyang inasikaso ng mga nurse at dinala si Ysharra sa emergency room.Mas lalo pang nabahala si Ramier nang makita ang dumadaloy na dugo mula sa kanyang kamay na nanggaling kay Ysharra.Hindi maipinta ang kanyang ekspresyon.Napa-upo siya sa sahig habang mahigpit na nakahawak sa kanyang buhok.Hindi niya alam ang gagawin kung sakali man na mawala ang bata sa sinapupunan ni Ysharra.Naiisip niya pa lang ang ideya na 'yon,binabaliw na siya.Hindi niya kayang mawala ang kaisa-isang meron siya na binigyan siya ng rason para ipagpatuloy ang buhay.Hinugot niya ang kanyang telepono sa bulsa at tumipa ng numero."Master?"bungad nung nasa kabilang linya."Zack.""Do you need anything?""Are you here in Singapore?"tanong niya sa kanyang butler."Yeah.I just flew here last night but I didn't hesitate to reach you out because I know y
Ang himbing na sana ng tulog ko nang bigla akong maalimpungatan dahil sa iyak ni Lance.Umupo ako habang kinukusot ang aking mga mata.Pagtingin ko sa orasan ay alas tres na ng madaling araw.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagising dahil sa iyak niya.Akmang tatayo na 'ko para pa-dede-hen siya nang bigla akong mapa-ngiti matapos makita na kalong-kalong na siya ni Ramier.Isang linggo na simula nung isinilang ko si Lance.Isang linggo na rin kaming hindi nakakatulog ng maayos ni Ramier dahil todo bantay kami kay baby.Hindi ko akalain na ganito pala kahirap maging magulang.Hindi biro ang mag-alaga ng bata.Ngayon ko lang naranasan ang bagay na 'to.Aaminin kong nakakapagod pero nawawala ang lahat kapag nakikita ko si Lance."Matulog ka na,ako nang bahala sa kanya,"sambit ko kay Ramier habang pilit niya pa ring pinapatahan si baby."No, I know you're tired.Hayaan mo na 'ko rito.Just go back in bed and sleep."Hinaplos-haplos ko si Lance habang kalong-kalong ng tatay niya.Kumu
Nginig na nginig pa rin ang mga kamay ko habang hawak-hawak si Lance.Nasa sasakyan kami ngayon pauwi sa bahay.Hanggang ngayon ay okupado pa rin ang isipan ko dahil kay Brando.Nagawa niya akong tutukan ng baril na para bang handa niyang iputok anumang oras.Mabuti na lang at lumayo ako kaagad sa bintana kaya hindi niya natuloy ang kung ano mang binabalak niya.Pagbalik ko kina Ramier,hindi na 'ko mapakali at nagmamadali ng umalis.Alam kong napansin niya ang pagiging balisa ko."Are you okay?"tanong niya habang nasa loob na kami ng k'warto ngayon."Ramier..."nanginginig kong sabi."What? Tell me,is there something wrong?"Tumabi siya sa kinauupuan ko at masinsinan akong tinitignan."I'm sorry..."Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa sistema ko.Nakita ko ang pag-alala sa ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa inaakto ko."Tell me,I'm here to listen.""Hindi ko alam kung matatanggap mo pa rin ako kung sakali man na sabihin ko sa 'yo ito."Todo punas ako ng luha kahit
Lumipas ang isang linggo at bumalik na rin sa dati ang lahat.Sa kasamaang palad,nakatakas si Brando nung araw na 'yon at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin siya ng pulisya.Nag-aalala pa rin ako sa kaligtasan naming lahat dahil alam kong hindi pa nakukulong si Brando at anumang oras ay p'wede niyang gawin ang kung ano mang plano niya sa 'kin.Mas lalong dumagdag ang seguridad dito sa bahay dahil sa pangyayaring 'yon.Hindi na ako nakakalabas dahil sa sobrang takot.Dalawang araw na lang at makakaalis na kami papuntang Hongkong.Sana ay h'wag na kaming masundan ni Brando roon dahil hindi ko na alam kung pa'no ko pa sila poprotektahan kung alam niya kahit saan kami magpunta.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinignan ang baby ko.Napangiti ako nang makita na himbing na himbing pa siya sa pagtulog.Nagising ako na wala na sa tabi ko si Ramier kaya nagtataka ako kung saan siya nagpunta.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya pumapasok sa trabaho kaya nakakasama pa rin namin siya ng a
Kasalukuyan akong nagluluto nang biglang may nag-message sa 'kin.Nasapo ng aking palad ang noo ko matapos makaligtaan na ngayon nga pala ang resulta nung DNA test.Nakaligtaan ko ito kaya hindi ko na nasabi kay Ramier kahapon nung umalis siya.Kaya wala akong magagawa kung 'di kunin na lang 'yon ng mag-isa.Wala naman akong gagawin ngayon at naisip ko na sandali lang naman kaya napagdesisyunan kong ako na lang ang kukuha."Sigurado ka ba na ikaw ang kukuha? P'wede mo namang ipahatid na lang dito 'yon o i-utos na lang natin sa iba,"suhestiyon ni Tita Rhissa habang tinitikman 'yung luto ko."Sandali lang naman ako,Tita.'Tsaka naubos na ang gatas at diaper ni Lance kaya isasabay ko na.Malapit lang naman do'n ang grocery store.""Osiya,ako na ang bahala kay Lance.Magpasama ka na lang kay Regina at magdala ka ng mga magbabantay.Hindi ka p'wedeng walang bantay dahil babalatan tayo ng buhay ni Master kapag nalaman niya.""Si Regina? Bakit siya pa? P'wede naman akong magpasama sa ibang kasamba
-FLASHBACK lahat sa chapter 35:,-)FLASHBACKViguel's POV"Hanggang ngayon ang weak mo pa rin!"pang-aasar sa 'kin ni kuya habang hingal na hingal.Umupo ako sa semento habang tagaktak ang pawis at tumabi naman sa 'kin si kuya na tatawa-tawa pa rin hanggang ngayon."Yabang mo,kuya! Tandaan mo 'tong pang-aasar mo sa 'kin.Gagaling din ako sa basketball balang araw,"salubong ang dalawang kilay kong babala."Talaga lang ha? Let's see,"kitang-kita sa mukha ko ang pagkainis ko kay kuya kaya lumapit na si Daddy sa aming dalawa."Oh tama na 'yan.Stop teasing your brother,Ramier.Masyado pa siyang bata pero believe me, kapag nasa edad mo na siya baka mas magaling pa siya sa 'yo,"tinapik-tapik pa ni Daddy ang ulo ko para pagaanin ang aking loob."See? Even Dad...he believes in me.""Talunin mo muna ako kung gano'n,"nakangising pang-aasar ni kuya.Walang ano-ano'y hinagis niya sa 'kin ang bola at tuluyang tumayo mula sa tabi ko."You can do it."Dad mouthed.I took a deep sigh before I went in the co
Zwei's POVIsang Linggo na simula nung lumipat kami ni Viguel dito sa Mansyon nila dahil walang kasama si Venice.Hindi namin alam kung saan pumunta sina Ysharra at master pero isa lang ang kutob ko sa dalawang 'yon,may something sa pagitan nila.Sa totoo n'yan ay masaya ako para kay master kung sakali mang totoo ang hinala ko.Napansin ko kasi na palagi na lang ang trabaho at opisina ang pinaglalaanan niya ng oras,ito na siguro 'yung pagkakataon para alalahanin niya naman ang sarili niya.Sa tagal na panahon kong pagt-trabaho sa kanila,nasilayan ko kung paano magtrabaho ng husto si master.Wala na siyang oras para sa sarili niya mismo dahil mas prioridad niya ang ini-atang na responsibilidad sa kanya simula nung namatay ang Daddy nila.Hindi rin naman namin siya masisisi kung gano'n ang attitude na pinapakita niya sa lahat.May pagka-masungit,bossy at higit sa lahat...palaging seryoso at parang pinagbagsakan ng langit at lupa sa tuwing nakakahalubilo namin siya.Marahil ay 'yon ang par
After almost a year, The Undercover Billionaire has officially ended!Gusto kong pasalamatan 'yung mga readers na nanatili at walang sawang sumuporta sa istoryang ito kahit tumagal ang update.Sa mga babasahin pa lang, enjoy reading!Kindly leave some comments here if you encountered some errors that needs to be corrected.Announcement:All the characters in the next series were all came from this story.I hope that you'll read the series 2 & 3 soon!Again, Thank you everyone! See you sa next story! I hope that you find time to read my other stories.My stories:LAST CHANCE MY LOVE [COMPLETED]MERCILESS AFFECTION [COMPLETED]Social Media Accounts:Facebook: Ronnivous WPInstagram: ronnivous
Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang mapagdesisyunan namin ni Ramier na magbakasyon sa Versailles.Matagal-tagal na rin akong napalayo sa lugar na ito kaya't labis ang aking tuwa na makabalik muli rito na buo na ang aking sarili.Kasalukuyan kami ngayong nasa hapag kainan.Si Papa ang may karga kay Lance na aliw na aliw habang pinapakain ito.Habang kami naman ni Ramier ay tahimik na kumakain.Habang nasa kalagitnaan ng salo-salo ay biglang nagsalita si Mama."Anak..."pagtawag niya sa aking atensyon."Ano 'yun, Ma?""May balak na ba kayong magpakasal ni Ramier? Lumalaki na ang bata, makabubuti sana kung magka-isang dibdib na kayo para masundan na itong makulit naming apo,"biglaan niyang sambit at pinisil pa ang pisngi ni Lance habang ako naman ay biglang nabulunan dahil hindi ko inaasahan ang bagay na iyon."Are you okay?"Nag-aalalang tanong ni Ramier.Kaagad niya akong inabutan ng tubig at pinainom."M-ma!"Bigla tuloy akong nahiya kay Ramier.Natatakot ako na baka makaramdam siya ng
YSHARRA'S POVKasabay nang pagbuhos ng ulan ay ang pagdadalamhati naming lahat.Bumubuhos ang emosyon buhat ng kanyang pagkawala.Sunod-sunod na tulumulo ang luha sa aking mga mata habang wala sa sariling nakatingin sa kabaong niya.Ang bigat-bigat sa damdamin na makita siyang nasa ganitong kalagayan dahil napamahal na rin siya sa akin.Lahat ng nasa paligid ko ay nakikiramay sa kanyang pagkamatay.Naibsan kahit papaano ang sakit na aking nadarama nang yakapin ako ni Ramier upang pakalmahin.Iniisip ko na sana isang masamang panaginip na lang ang lahat.Sana hindi totoo ang nangyayaring ito dahil hindi ko na kaya."Venice! Please, don't leave me!"puno ng pighating sigaw ni Viguel habang yakap-yakap ang kabaong na lulan ang kapatid niya.Ramdam na ramdam ko kay Viguel ang sakit na kanyang nararamdaman dahil napakabuting bata ni Venice.Nalulungkot lang ako at alam kong sobra ang panghihinayang ngayon ni Viguel dahil gaya nga ng na-kuwento sa akin ni Venice na simula nung umalis sila rito sa
"I didn't had a chance to take my revenge directly to him but now...I'll do my revenge in my own way."Sa sinabing iyon ni Ramier ay hindi maganda ang naging kutob ko."A-anong i-ibig mong sabihin?"pagka-klaro ko."Let's get out of this.Let's just have a normal and a peaceful life away from them.I don't want to get involve with that family again."Napatakip ako ng bibig sa gulat dahil sa biglaan niyang desisyon.Hindi ito ang inaasahan kong magiging kahihinatnan ng plano namin."S-sigurado ka ba? Baka masyado ka lang nadadala ng emosyon mo,"nag-aalala kong usal.Iniwas niya ang tingin sa akin at tumitig sa kawalan."My decision is final.You can't do anything about it."Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso habang namamag-asang mababago ko pa ang isip niya."Isipin mo sila, Ramier.Wala silang kasalanan sa kung ano mang kinahinatnan ng pamilya mo.Biktima lang rin sila.Si Don Ramuel ang may kagagawan kaya huwag mo naman sanang gawin ito sa kanila.Ito 'yung mga pagkakataong kailangan ka nila
"Ysharra... he's my real father."Matapos sabihin ni Ramier ang mga katagang iyon ay lumingon ako kay Mang Fred.Pagtingin ko sa kanya ay biglang isa-isang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.Iniwas niya ang kanyang tingin at tumitig sa kawalan.Habang si Ramier naman ay blangko lang ang ekspresyon na kahit anong pilit kong suriin,hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya sa puntong ito."Umalis na kayo.Hindi na kayo dapat nagpunta pa rito.Nilalagay niyo lang sa panganib ang mga buhay niyo."Sa isang iglap ay parang bulang naglaho at nag-iba ang emosyon ni Mang Fred at ngayon ay mukhang galit na ito."Do you want to abandon me again just like what you did before? D'yan ka naman magaling,"nanginginig ang labi ko sa kaba nang dahil sa biglaang pagsagot ni Ramier sa papa niya."Ginawa ko lang ang kung anong alam kong makabubuti para sa 'yo!"napaatras ako nang biglang sumigaw si Mang Fred."Makabubuti sa akin? But that's the biggest mistake that you ever made for me,ang iwan ako
Pinalitan ako ni Ramier sa pagmamaneho at ngayon ay papunta na kami sa dati nilang mansyon para magbakasakaling sabihin na ni Manang Regina kung saan ba nagtatago si Mang Fred.Sa ngayon ay siya na lang ang natatanging pag-asa namin para malinis ang pangalan ni Ramier sa mga kapatid niya.Hindi niya p'wedeng hayaan sina Venice at Viguel sa puder ng tito nila dahil alam namin na hindi maganda ang hangarin niya sa kayamanang meron ang pamilya nila."Are you okay?"tanong ni Ramier habang nagmamaneho siya.Napansin niya siguro na hindi ako mapakali."Paano kung hindi sabihin ni Manang Regina kung nasaan si Mang Fred? Natatakot ako para sa kapakanan ni Venice at Viguel,"nangangamba kong usal."Don't worry okay? Just talk to her.I'm always beside you.Kung hindi gumana,iisip tayo ng ibang paraan."Sa puntong ito ay medyo gumaan ang loob ko sa sinabing iyon ni Ramier.Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na nga kaming nakapasok sa village nila.Mukhang baguhan ang mga guards kaya hindi ata nila k
Samuel's POVFLASHBACKIlang araw na ang lumipas simula nung muntikang magpakasal si ate kay Kuya Brando pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay.Malala ang naging pagtama niya sa malaking bato dahil sa ginawa ni Kuya Brando.May posibilidad din daw na baka mawala ang lahat ng ala-ala ni ate paggising niya.Mabuti na lang talaga at sinaklolohan kami ni Kuya Cross dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay nasa kapahamakan pa rin kami.Ngayon ay nasa ligtas na lugar kami dahil sa tulong niya.Binabalak din niya na isama kami sa ibang bansa para makalayo kami at lalong-lalo na si ate sa mga posibilidad na masamang mangyari.Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi kami nagawang tulungan ni Kuya Ramier.Kung tutuusin ay siya talaga ang inaasahan kong tutulong sa amin nung mga panahong iyon dahil alam kong mahalaga sa kanya si Ate Ysharra at ang anak nila.Pero sa madilim na pinagdaanan naming iyon ay wala siya.Hindi niya kami nagawang tulungan.Sa puntong ito ay nagtatani
RAMIER'S POVKasalukuyan akong naglalakad habang may buhat-buhat na panggatong sa balikat.Abala ang mga kasamahan kong magsasaka sa pagtatanim nang mapadaan ako sa sakahan."Kuya! Kuya!"Hanggang sa bigla kong nakasalubong si Rashim na may karga-kargang bata."Kaninong bata 'yan? Ba't karga mo?"tanong ko.Ngingiti-ngiting tumingin sa akin ang aking kapatid.Hindi ko makita ang bata na hawak niya dahil nakatalikod ito sa akin."Binilin lang sa akin ni Samuel.Sila 'yung bagong lipat sa Mansyon ng mga Versailles,"paliwanag niya."Samuel? May nakatira na sa mansyon na 'yon?"Sa hindi mawaring dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi na maiwas ang tingin ko ngayon sa batang hawak ni Rashim."Oo, kuya.Bumalik na sila."Napalunok ako nang marinig ang sinabi niya.Kung hindi ako nagkakamali,ang batang hawak niya ay...."What's his name?"I nervously asked."Lance, kuya,"After my brother said that,he faced him infront of me that's why I can clearly see him now.Hindi ko maipaliwanag ang
Yakap-yakap niya pa rin ako mula sa likod habang nakaharap kami sa apoy na nagsisilbing liwanag sa madilim na gubat na ito.Matapos kong marinig ang mga salitang binitawan niya ay kusang tumulo ang luha sa aking mga mata.Bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot at mistulang apektadong-apektado sa lahat ng sinabi niya.Hanggang sa pinaupo niya ako sa kahoy na kinauupuan niya kanina.Nakatulala lang ako sa nagbabagang apoy sa harapan namin nang bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay.Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil nangangamba ako sa kung anong p'wede kong matuklasan mula sa kanya.Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa at tanging ang kuliglig lamang sa paligid ang aming naririnig.Walang ano-ano'y bigla siyang nagsalita.Sa puntong ito ay alam kong masisihuwalat na ang katotohanan.Ang mga ala-alang matagal ko ng gustong balikan.Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili upang makinig.FLASHBACK"Fuck!"rinig kong napamura 'yung lalaking nabangga ko