Tatlong araw na simula nung mamalagi kami ni Ramier dito sa probinsya.Sa loob ng tatlong araw na 'yon ay pakiramdam ko,ang dami nang nangyari.Hindi kami nawawalan ng pinagkaka-abalahan dahil ganito talaga sa probinsya.Kailangan laging kumikilos at walang tatamad-tamad.Maging si Ramier ay hindi nakatakas sa mga gawain dito.Palagi siyang sinasama ng mga tito ko sa kung saan-saan.Marahil ay iba't-ibang trabaho kaya tuwing uuwi siya rito ay palagi siyang tulog at pagod na pagod.Hindi naman ako nakakarinig ng angal o reklamo mula sa kanya.Sa katunayan nga ay natutuwa pa siyang ginagawa ang iba't-ibang bagay dahil siguro hindi naman ito ang kinalakihan niya.Pero sa kabilang banda,natutuwa naman ako dahil napapalapit na siya sa mga tito ko at hindi na tulad ng pakikitungo nila noon ang pakikitungo nila sa kanya ngayon.Mas naging maluwag at parang tinanggap na talaga nila si Ramier.Laking pagtataka ko tuloy kung ano 'yung pinagdiskusyunan nila nung gabing nagkainuman sila.Iyon ang nagin
Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatingin kay Ramier.Base sa kanyang mga mata,parang kinukumpirma niya sa 'kin kung totoo ba ang sinabi nitong si Brando."Pasok kayo."Wala naman akong ibang magawa kung 'di ang pakitunguhan siya nang maayos.Kami ang may utang sa kanya kaya kailangan namin siyang pakitunguhan ng mabuti.Pinangunahan ko sila sa pagpasok para na rin makawala sa nangungulong na titig ni Ramier.Walang ano-ano'y sumunod silang lahat sa 'kin.Pagbungad pa lang namin sa pintuan ay sinalubong na agad sila ng mga magulang ko.Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Mama dahil hindi niya inaasahan na darating si Brando.Habang si Papa naman ay hindi nagpatinag."Mabuti't napapasyal ka,hijo,"sambit ni Mama nang bumalik sa huwisyo."Magandang umaga po sa inyo.Dinalaw ko lang si Ysharra dahil nabalitaan ko na bumalik na siya rito,"pekeng sambit niya."Aalis din ako,"sabat ko.Napatingin silang lahat sa 'kin at nakita kong pinandilatan ako ng mata ni Mama dahil sa inasal ko."Osya't maupo
Pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa 'kin ang puting paligid.Kung hindi ako nagkakamali, nasa hospital ako ngayon.Namamangha akong naglibot ng tingin dahil hindi pangkaraniwang k'warto ang kinaroroonan ko.May mini sala sa isang banda na may sofa set at mayroon ding maliit na kusina.Dahil mulat na ang diwa ko ngayon,isa-isang nanunumbalik sa isipan ko ang dahilan kung bakit nga ba ako nandito.Sa sobrang pag-aalala ay napatingin ako sa tiyan ko at hinimas-himas.Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang alalang-alala dahil baka kung ano nang masamang nangyari sa bata na naririto sa sinapupunan ko.Hindi na tuloy ako mapakali dahil sa kaiisip nang kung ano-ano.Hanggang sa narinig kong bumukas ang pintuan at bumungad sa harapan ko si Ramier.Umayos ako ng pagkakaupo.Seryoso siyang lumapit sa 'kin habang ako naman ay mukhang ewan ang ekspresyon dahil sa sobrang pangamba."Are you okay?""Kumusta ang bata? Ayos lang ba siya?"Hindi ko sinagot ang tanong niya,bagkus ay tinanong ko pa
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang kamay dahil nagising ako nang tumama sa 'kin ang sinag ng araw.Kinusot ko ang aking magkabilang mata.Nang biglang may naramdaman akong nakadagan sa tiyan ko.Paglingon ko ay du'n ko lang nakumpirma na nakayakap pala si Ramier sa tiyan ko habang mahimbing pa rin siyang natutulog.Ngayon lang nangyari 'to dahil na rin siguro sa sobrang pagod niya.Palagi akong naglalagay ng malaking unan sa pagitan namin pero nahulog na 'yon ngayon sa ibaba ng kama.Bago tumayo ay pinagmasdan ko muna siya nang maigi.Ang gandang bungad naman nito ngayong araw.Payapa siyang natutulog habang ang gulo-gulo ng buhok na mas lalong nagpadagdag ng pagiging attractive niya.Sa puntong tulog siya,wala kang mababakas na kasungitan at ka-moody-han sa itsura niya dahil sa sobrang g'wapo nito.Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinititigan siya ng ganito.Hindi ako magsasawa kahit araw-araw ko pa siyang titigan.Hanggang sa marahan kong inalis ang kamay niya na nakapatong sa 'kin
"Hey--wake up."Tinapik-tapik ni Ramier ang pisngi ko kaya walang ano-ano'y napamulagat ako.Pagtingin ko sa paligid ay nasa Mansyon na pala kami.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nasa biyahe.Maaga kasi kaming umalis kanina at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.Habang inaalala ang mga nangyari kagabi,hindi ko maiwasang mahiya.Matapos no'n ay nagsimula na naman kaming maging awkward ni Ramier.He's acting again like as if there's nothing happened.Parang normal lang sa kanya ang lahat kahit na pareho naming alam kung ano ang nangyari.Nasasaktan ako nang kaunti dahil gano'n ang inaakto niya.Pero baka gano'n nga lang ang tingin niya sa 'kin.Hanggang kama lang--nothing more.Walang deep feelings.Masakit na parang ako lang ang nakararamdam nito sa 'ming dalawa pero anong magagawa ko? Hindi ko naman hawak ang puso niya para diktahan na ako na lang ang mahalin nito.Katulad ngayong ginising niya ako.Nakatingin siya sa kawalan gaya ko at parang nangangapa ng kung ano ang sasabi
"What are you doing? It's already three o'clock in the morning.Wala ka bang balak matulog?"tanong ni Ramier habang kinukusot ang kanyang mga mata.Magulo rin ang kanyang buhok dahil nalimpungatan siya mula sa pagkakatulog.Marahil ang nagising siya sa mga kalabog gawa ng pagkalkal ko ng pagkain sa ref."I'm so hungry.I wanna eat,"ngumuso pa 'ko at nakita ko ang talas ng kanyang tingin sa 'king labi.Umiling-iling siya 'tsaka lumapit sa 'kin."Kakakain mo lang ng midnight snack 'di ba? Gutom ka na naman?""Bakit? Ayaw mo 'kong pakainin? Kung gano'n aalis na lang ako.Kaya ko namang buhayin ang anak ko na ako lang mag-isa!"Padabog akong naglakad paalis nang biglang niyang hinigit ang siko ko.Talagang may balak akong maglayas na madaling araw pa? Iba rin ang trip ko,e.Nadadala na naman ako ng emosyon ko."Don't leave,I'll cook for you.What do you want?"Antok na antok pa siya habang sinasabi ang mga katagang 'yon kaya ang baritono ng kanyang pananalita na may pagka-husky.Kahit boses niya l
Kasalukuyan akong nasa harapan ng salamin at abala sa pag-aayos ng sarili.Naglagay lang ako ng light foundation at kaunting lipstick para hindi ako maputla.I'm just wearing a comfortable gray dress paired with a white flat shoes.Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa human size mirror.Halatang-halata na kasi ang baby bump sa t'yan ko at ilang buwan na lang ay manganganak na 'ko.Hindi naging madali sa 'kin ang mga nagdaang araw dahil super likot ni baby.May mga gabi na hindi ako makatulog dahil sa likot nito kaya apektado rin si Ramier.Minsan ay magugulat na lang ako dahil pumapadyak si baby.Nagbihis ako ngayon dahil inaya ako ni Ramier na bumili ng mga gamit ni baby dahil wala pa kami ni-isang nabili.Naisipan ko pa lang pero natsempuhan na siya na ang nag-aya kaya perfect timing ito.Alas-singko na ng hapon at hinihintay ko na lang siyang umuwi galing opisina para makaalis na kami.Sigurado naman sa mall kami mamimili kaya alam kong hindi rin kami magtatagal.Hanggang sa
Simula pagkagising ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang sinabi ni Ramier kagabi.Tama ba 'ko ng dinig? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala dahil too good to be true ang sinabi niya.Kasalukuyan akong nag-aayos habang si Ramier naman ay naliligo sa banyo.Dapat ko na bang paniwalaan ang bagay na 'yon? Pero base sa inaakto niya,parang wala naman sa kanya 'yon.Sadyang binibigyan ko lang ata talaga ng kahulugan.Pilit kong inalis mula sa isipan ko ang bagay na 'yon dahil baka ma-praning na 'ko sa sobrang daming pumapasok na ideya na kung ano-ano sa isipan ko.Hanggang sa natapos ko na ang pag-aayos.I'm wearing a white turtle neck top with a brown oversize coat and a pants paired with Louis Vuitton belt.Naka-boots din ako na three inches ang taas.Nagtungo muna ako sa veranda habang hinihintay si Ramier.Sinalubong ko ang napakasarap na simoy ng hangin na dumadampi sa 'king balat.Hindi ko inasahan na makakapunta ako sa ganito kagandang lugar.Parang dati pangarap ko lang
After almost a year, The Undercover Billionaire has officially ended!Gusto kong pasalamatan 'yung mga readers na nanatili at walang sawang sumuporta sa istoryang ito kahit tumagal ang update.Sa mga babasahin pa lang, enjoy reading!Kindly leave some comments here if you encountered some errors that needs to be corrected.Announcement:All the characters in the next series were all came from this story.I hope that you'll read the series 2 & 3 soon!Again, Thank you everyone! See you sa next story! I hope that you find time to read my other stories.My stories:LAST CHANCE MY LOVE [COMPLETED]MERCILESS AFFECTION [COMPLETED]Social Media Accounts:Facebook: Ronnivous WPInstagram: ronnivous
Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang mapagdesisyunan namin ni Ramier na magbakasyon sa Versailles.Matagal-tagal na rin akong napalayo sa lugar na ito kaya't labis ang aking tuwa na makabalik muli rito na buo na ang aking sarili.Kasalukuyan kami ngayong nasa hapag kainan.Si Papa ang may karga kay Lance na aliw na aliw habang pinapakain ito.Habang kami naman ni Ramier ay tahimik na kumakain.Habang nasa kalagitnaan ng salo-salo ay biglang nagsalita si Mama."Anak..."pagtawag niya sa aking atensyon."Ano 'yun, Ma?""May balak na ba kayong magpakasal ni Ramier? Lumalaki na ang bata, makabubuti sana kung magka-isang dibdib na kayo para masundan na itong makulit naming apo,"biglaan niyang sambit at pinisil pa ang pisngi ni Lance habang ako naman ay biglang nabulunan dahil hindi ko inaasahan ang bagay na iyon."Are you okay?"Nag-aalalang tanong ni Ramier.Kaagad niya akong inabutan ng tubig at pinainom."M-ma!"Bigla tuloy akong nahiya kay Ramier.Natatakot ako na baka makaramdam siya ng
YSHARRA'S POVKasabay nang pagbuhos ng ulan ay ang pagdadalamhati naming lahat.Bumubuhos ang emosyon buhat ng kanyang pagkawala.Sunod-sunod na tulumulo ang luha sa aking mga mata habang wala sa sariling nakatingin sa kabaong niya.Ang bigat-bigat sa damdamin na makita siyang nasa ganitong kalagayan dahil napamahal na rin siya sa akin.Lahat ng nasa paligid ko ay nakikiramay sa kanyang pagkamatay.Naibsan kahit papaano ang sakit na aking nadarama nang yakapin ako ni Ramier upang pakalmahin.Iniisip ko na sana isang masamang panaginip na lang ang lahat.Sana hindi totoo ang nangyayaring ito dahil hindi ko na kaya."Venice! Please, don't leave me!"puno ng pighating sigaw ni Viguel habang yakap-yakap ang kabaong na lulan ang kapatid niya.Ramdam na ramdam ko kay Viguel ang sakit na kanyang nararamdaman dahil napakabuting bata ni Venice.Nalulungkot lang ako at alam kong sobra ang panghihinayang ngayon ni Viguel dahil gaya nga ng na-kuwento sa akin ni Venice na simula nung umalis sila rito sa
"I didn't had a chance to take my revenge directly to him but now...I'll do my revenge in my own way."Sa sinabing iyon ni Ramier ay hindi maganda ang naging kutob ko."A-anong i-ibig mong sabihin?"pagka-klaro ko."Let's get out of this.Let's just have a normal and a peaceful life away from them.I don't want to get involve with that family again."Napatakip ako ng bibig sa gulat dahil sa biglaan niyang desisyon.Hindi ito ang inaasahan kong magiging kahihinatnan ng plano namin."S-sigurado ka ba? Baka masyado ka lang nadadala ng emosyon mo,"nag-aalala kong usal.Iniwas niya ang tingin sa akin at tumitig sa kawalan."My decision is final.You can't do anything about it."Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso habang namamag-asang mababago ko pa ang isip niya."Isipin mo sila, Ramier.Wala silang kasalanan sa kung ano mang kinahinatnan ng pamilya mo.Biktima lang rin sila.Si Don Ramuel ang may kagagawan kaya huwag mo naman sanang gawin ito sa kanila.Ito 'yung mga pagkakataong kailangan ka nila
"Ysharra... he's my real father."Matapos sabihin ni Ramier ang mga katagang iyon ay lumingon ako kay Mang Fred.Pagtingin ko sa kanya ay biglang isa-isang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.Iniwas niya ang kanyang tingin at tumitig sa kawalan.Habang si Ramier naman ay blangko lang ang ekspresyon na kahit anong pilit kong suriin,hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya sa puntong ito."Umalis na kayo.Hindi na kayo dapat nagpunta pa rito.Nilalagay niyo lang sa panganib ang mga buhay niyo."Sa isang iglap ay parang bulang naglaho at nag-iba ang emosyon ni Mang Fred at ngayon ay mukhang galit na ito."Do you want to abandon me again just like what you did before? D'yan ka naman magaling,"nanginginig ang labi ko sa kaba nang dahil sa biglaang pagsagot ni Ramier sa papa niya."Ginawa ko lang ang kung anong alam kong makabubuti para sa 'yo!"napaatras ako nang biglang sumigaw si Mang Fred."Makabubuti sa akin? But that's the biggest mistake that you ever made for me,ang iwan ako
Pinalitan ako ni Ramier sa pagmamaneho at ngayon ay papunta na kami sa dati nilang mansyon para magbakasakaling sabihin na ni Manang Regina kung saan ba nagtatago si Mang Fred.Sa ngayon ay siya na lang ang natatanging pag-asa namin para malinis ang pangalan ni Ramier sa mga kapatid niya.Hindi niya p'wedeng hayaan sina Venice at Viguel sa puder ng tito nila dahil alam namin na hindi maganda ang hangarin niya sa kayamanang meron ang pamilya nila."Are you okay?"tanong ni Ramier habang nagmamaneho siya.Napansin niya siguro na hindi ako mapakali."Paano kung hindi sabihin ni Manang Regina kung nasaan si Mang Fred? Natatakot ako para sa kapakanan ni Venice at Viguel,"nangangamba kong usal."Don't worry okay? Just talk to her.I'm always beside you.Kung hindi gumana,iisip tayo ng ibang paraan."Sa puntong ito ay medyo gumaan ang loob ko sa sinabing iyon ni Ramier.Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na nga kaming nakapasok sa village nila.Mukhang baguhan ang mga guards kaya hindi ata nila k
Samuel's POVFLASHBACKIlang araw na ang lumipas simula nung muntikang magpakasal si ate kay Kuya Brando pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay.Malala ang naging pagtama niya sa malaking bato dahil sa ginawa ni Kuya Brando.May posibilidad din daw na baka mawala ang lahat ng ala-ala ni ate paggising niya.Mabuti na lang talaga at sinaklolohan kami ni Kuya Cross dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay nasa kapahamakan pa rin kami.Ngayon ay nasa ligtas na lugar kami dahil sa tulong niya.Binabalak din niya na isama kami sa ibang bansa para makalayo kami at lalong-lalo na si ate sa mga posibilidad na masamang mangyari.Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi kami nagawang tulungan ni Kuya Ramier.Kung tutuusin ay siya talaga ang inaasahan kong tutulong sa amin nung mga panahong iyon dahil alam kong mahalaga sa kanya si Ate Ysharra at ang anak nila.Pero sa madilim na pinagdaanan naming iyon ay wala siya.Hindi niya kami nagawang tulungan.Sa puntong ito ay nagtatani
RAMIER'S POVKasalukuyan akong naglalakad habang may buhat-buhat na panggatong sa balikat.Abala ang mga kasamahan kong magsasaka sa pagtatanim nang mapadaan ako sa sakahan."Kuya! Kuya!"Hanggang sa bigla kong nakasalubong si Rashim na may karga-kargang bata."Kaninong bata 'yan? Ba't karga mo?"tanong ko.Ngingiti-ngiting tumingin sa akin ang aking kapatid.Hindi ko makita ang bata na hawak niya dahil nakatalikod ito sa akin."Binilin lang sa akin ni Samuel.Sila 'yung bagong lipat sa Mansyon ng mga Versailles,"paliwanag niya."Samuel? May nakatira na sa mansyon na 'yon?"Sa hindi mawaring dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi na maiwas ang tingin ko ngayon sa batang hawak ni Rashim."Oo, kuya.Bumalik na sila."Napalunok ako nang marinig ang sinabi niya.Kung hindi ako nagkakamali,ang batang hawak niya ay...."What's his name?"I nervously asked."Lance, kuya,"After my brother said that,he faced him infront of me that's why I can clearly see him now.Hindi ko maipaliwanag ang
Yakap-yakap niya pa rin ako mula sa likod habang nakaharap kami sa apoy na nagsisilbing liwanag sa madilim na gubat na ito.Matapos kong marinig ang mga salitang binitawan niya ay kusang tumulo ang luha sa aking mga mata.Bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot at mistulang apektadong-apektado sa lahat ng sinabi niya.Hanggang sa pinaupo niya ako sa kahoy na kinauupuan niya kanina.Nakatulala lang ako sa nagbabagang apoy sa harapan namin nang bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay.Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil nangangamba ako sa kung anong p'wede kong matuklasan mula sa kanya.Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa at tanging ang kuliglig lamang sa paligid ang aming naririnig.Walang ano-ano'y bigla siyang nagsalita.Sa puntong ito ay alam kong masisihuwalat na ang katotohanan.Ang mga ala-alang matagal ko ng gustong balikan.Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili upang makinig.FLASHBACK"Fuck!"rinig kong napamura 'yung lalaking nabangga ko