Home / Romance / Just A Contract / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Just A Contract: Chapter 41 - Chapter 50

70 Chapters

CHAPTER 41

ISANG beses na namang napairap si Taphney nang makita niyang abala na naman sa cellphone ang binatang si Ashton. Tapos na silang mag agahan at ngayon nga ay nagtatampisaw na lamang siya sa malamig na tubig ng falls na pinuntahan nila. "Pumunta-punta pa kami dito, mukhang ako lang naman pala ang mage-enjoy." Tahimik na himutok ni Taphney sa kanyang sarili. Hindi nalang niya muling pinansin si Ashton at inabala nalang muli ang sarili na lumangoy-langoy sa malamig na falls. Ilang minuto na ang lumilipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sinasamahan ng binata para lumangoy. Masama ang loob na umalis siya sa tubig at halos magdikit na ang mga kilay na kinuha ang twalya upang ipantakip sa basa niyang katawan. Isang beses niya muling sinulyapan si Ashton at gaya pa rin kanina ay may kausap ito sa cellphone at halatang busy. Ang mga pagkain nalang sa harapan niya ang pinagdiskitahan niya. "Bakit ka umahon? Ayaw mo na bang maligo?" Awtomatikong tumaas ang isang kilay ni Taphney
last updateLast Updated : 2023-02-11
Read more

CHAPTER 42

NAGING mabilis lang ang pagdaan ng mga araw. Halos isang linggo na rin ang lumipas matapos marinig ni Taphney ang naging pag uusap ni Arjie at Ashton ngunit ang inaasahan na pagkausap ng dalaga sa kanya ni Ashton ay hindi nangyari. Hanggang ngayon ay walang binabanggit sa kanya ang binata. At hanggang ngayon ay gabi-gabi pa rin siyang pinupuyat ng tanong na iyon. Nagliligpit na si Taphney ng mga gamit nila ni Ashton. Babalik na sila ng binata sa Manila sa sunod na araw. Hindi naman na siya nagtanong tungkol doon at basta na lamang pumayag. Mag-isa lang ang dalaga sa kwarto. Nagpaalam kasi kanina si Ashton na pupunta lang sa garden dahil may kakausapin ito sa telepono. Mabilis na napasulyap ang dalaga sa malaking orasan na nasa dingding ng kwarto. Halos isang oras na din pala ang lumipas magmula noong umalis ang binata. Tapos na siyang magligpit ng mga gamit nila ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si Ashton.Sa sobrang inip ay napagdesisyunan ng dalaga na lumabas ng silid. Pupu
last updateLast Updated : 2023-02-11
Read more

CHAPTER 43

"ARE you sure you don't want him to see for the last time?" "Para saan pa? Kung gusto niya ay huwag na siyang bumalik."Mabilis na nagtalukbong si Taphney ng kumot at tumagilid. Ito ang araw na aalis si Ashton. Mauuna itong umalis dahil ayaw niya itong makasabay pabalik ng Maynila.Si Arjie na ang bahalang maghatid sa kanya sa mansyon ni Ashton. "Ayaw talaga dude eh, hayaan mo na muna. I'm sure pagbalik mo ay magiging okay na din kayo.""Yeah, sana nga. Ikaw na bahala sa kanya Arjie. Just message me pagkahatid mo sa kanya sa bahay. Ingatan mo siya.""Oo pare. Ako na ang bahala. You should go now. Ilang araw kanang hinihintay doon. Don't worry, susunod din kami agad."Hindi na muling nakarinig ng usapan si Taphney at ilang segundo nga lamang ay narinig na niya agad ang pagbuhay ng makina ng sasakyan. Pakiramdam niya ay unti-unting dinudurog ang puso niya habang naririnig ang papalayong sasakyan. Mabilis na bumangon mula sa kanyang kinahihigaan ang dalaga at dali-daling nagtungo sa
last updateLast Updated : 2023-02-11
Read more

CHAPTER 44

PUPUNGAS-PUNGAS pa si Taphney habang pumapasok sa malaking sasakyan na sumundo sa kanila ni Arjie. Hindi na niya tiningnan ang orasan niya sa kwarto at basta nalang bumaba sa unang palapag ng bahay pagkasabi na pagkasabi ni Arjie na nandito na daw ang sundo nila. "Hindi ka man lang naligo, Taphney?" tila puno ng pandidiring tanong ni Arjie habang tinititigan ang dalaga mula ulo hanggang paa. "Eh ano naman? Ikaw ba si Ashton para abalahin ko ang sarili kong mag-ayos? Hindi naman ah." saad ni Taphney habang kinukusot pa ang mga mata. Ni hindi din siya naghilamos. Maging pagsuklay sa sarili ay hindi niya din ginawa.Hindi kasi siya nakatulog nang maayos kagabi. Halos umaga na nga siya nakatulog tapos bigla nalang niya naramdaman na ginigising na siya ni Arjie dahil aalis na daw sila. "Kahit na, sa kanya ka lang ba dapat mag-ayos?" "Kanino pa ba pala? Alangan naman sayo? Duh never!" Hindi na muling sumagot si Taphney kahit na narinig niyang tinanong na naman siya ni Arjie. Antok na
last updateLast Updated : 2023-02-12
Read more

CHAPTER 45

HINDI na mabilang ni Ashton kung ilang beses na siyang patagong humikab. Kanina pa ginaganap ang malawakang private meeting ng bilang lang na mga leader sa organisasyon. 'Nasaan na kaya ang mga mokong na 'yon? Parang ang tagal na simula nang sabihin nilang papunta na sila ah.' Pagkausap ng binata sa kanyang sarili. Halos matatanda kasi ang kasama niya sa meeting. Parang siya nga lang ang tao sa lugar na hindi pa puti kulubot ang balat. "Mr. Milo?" "I do believe that Mr. Milo might have the best suggestion for this matter." "Mr. Milo?" "Excuse me Mr. Milo?" "Are you still with us? Mr. Milo?!" Matalim na napatingin si Ashton sa taong nagsasalita sa harapan nang bigla nitong kalampagin ang mahabang mesa na nasa gitna nila. Tanging pagtaas lamang ng isang kilay ang ginawa ng binata. Malalim na napabuntong hininga ang matandang nagsasalita sa gitnang harapan ng mga kapwa leader ni Ashton. "What?" tanong pa ng binata. "Are you listening?" "I do?""What was the last thing I've
last updateLast Updated : 2023-02-12
Read more

CHAPTER 46

KANINA pa paikot-ikot si Taphney sa higaan niya. Ilang araw na simula nang makauwi siya sa mansyon ni Ashton at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na balita mula sa binata. Agad na napasulyap ang dalaga sa hamba ng pintuan niya nang marinig niyang bumukas iyon. Dali-dali din siyang napabalikwas ng bangon. "Kumain na po muna kayo, Miss Taphney. Nagluto po si Manang Martha ng miryenda." Si Alex iyon, dala-dala ang isang food tray na naglalaman ng ginataang bilo-bilo. "Sige lang Alex, palagay nalang dyan-" "Baka naman po hindi niyo ulit kainin. Iyong kahapon po na miryenda ni hindi niyo man lang nagalaw." Bigla tuloy nakaramdam ng hiya ang dalaga sa narinig na sinabi ng kasambahay. Totoo din naman kasi ang sinabi nito, 'yung kahapon na dinala nitong pagkain ay hindi niya lang man binawasan. Wala kasi siyang ganang kumain. Pinipilit na nga lang niyang lagyan ng kaunting pagkain ang tiyan niya dahil ayaw naman niyang magkasakit. Nitong mga nakaraang araw kasi magmula
last updateLast Updated : 2023-02-22
Read more

Chapter 47

"HOW'S Taphney, Manang Martha?" Rinig na rinig ni Ashton ang malalim na pagbuntong hininga ng kanyang mayordoma sa kabilang linya. "U-umalis po si miss Taphney, sir Ashton. U-umiiyak..."Tahimik na napamura ang binata. Alam niyang magiging ganoon ang reaksyon ng dalaga. Ngunit ayaw na niyang itago pa ang anumang lihim na maaaring ikasira nila sa mga susunod na araw. Iyong mga araw na dapat ay masaya na sila at wala nang anumang iniisip na problema.He wants to go and be with her clean and having no skeleton in his closet. Masakit man ay pipilitin niyang intindihin ang anumang magiging desisyon ni Taphney matapos malaman nito ang nilalaman ng kinakatago tagong silid niya sa mansyon niya. "Sir Ashton? Nandyan pa po ba kayo?" Mabilis na natigil ang pagkakatulala ng binata nang marinig ang boses ni Manang Martha. Hindi pa pala napuputol ang linya. "Opo, Manang Martha. Pakipasundan nalang po si Taphney sa mga tauhan. Pakiusapan din sila na hangga't maaari ay huwag magpapakita o magp
last updateLast Updated : 2023-02-22
Read more

Chapter 48

MALALAKI ang mga naging hakbang na ginawa ni Taphney palabas sa sinasakyan niyang taxi kanina. Hanggang sa maihatid siya sa kanilang bahay ay wala pa ring tigil sa paglandas ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Mabilis at malalakas siyang kumatok sa kanilang pinto. Ilang segundo lamang nagtagal iyon at agad rin na bumukas. "Miss Taphney!" malakas na bulalas ng kanilang kasambahay na si Nanay Esting. Gulat na gulat ito na kulang nalang ay lumuwa na ang mga mata sa sobrang panlalaki ng mga iyon. "Nasaan si daddy? Ang daddy ko, nasaan po siya?" Hindi na hinintay pa ng dalaga na makasagot sa kanya ang matanda. Dali-dali siyang pumanhik sa pangalawang palapag ng kanilang bahay at nagmamadaling nagtungo sa private office ng ama niya. Ngunit halos sabay na bumagsak ang mga balikat niya nang wala siyang nadatnan sa loob ng silid na iyon. Marahas na napasalampak muli ang dalaga sa sahig. Pakiramdam niya ay kawawang kawawa na siya. Na wala na siyang ibang mapupuntahan. Na wala nang gu
last updateLast Updated : 2023-02-23
Read more

Chapter 49

"WALA Milo! Kahit na anong pilit namin na pakantahin ang mga natirang miyembro ng Black Charuza ay pare-parehas lang ang mga sinasabi ng mga 'to." "Bullshit! Papaanong maging sila ay hindi alam ang itsura ng bagong leader nila?! Alangan namang pinasok nalang sila bigla nang hindi man lang nakikilala kung sinong nasa itaas!Pinagloloko lang tayo ng mga 'yan! Force them to speak, imposibleng ni impormasyon ay wala silang alam!" Naiirita na pinagtatadyakan ni Ashton ang mga lalaking may mga suot na itim na tshirt. Halos dalawampung katao rin ang nahuli nila dito sa abandonadong gusali na pinagdalhan sa kanila ni Knight. And due to their expectations, huling-huli nila ang illegal na ginagawa ng mga miyembro ng Black Charuza. Mabuti nalang at naabutan nila ang mga ito at naligtas ang tatlong buntis, limang mga bata at ang karamihan naman sa mga biktima ay menor de edad.Nauna na ang mga ito at sinundo ng ilang miyembrong inatasan ni Ashton galing sa kanilang organisasyon na Xylos Monobl
last updateLast Updated : 2023-02-23
Read more

Chapter 50

"WHERE is Mikael? Where is my son?!"Papasok pa lamang sana si Taphney sa mansyon ni Ashton nang marinig niya ang dumadagundong na boses na iyon. Kilala niya kung sino ang nagmamay ari ng boses na 'yon."Answer me, Martha! Nasaan ang magaling kong anak?!" Mabilis na nagtago sa malaking halaman ang dalaga at pilit pinagsisiksikan ang sarili niya sa masikip na isang gilid. Hindi kasi siya makapagdesisyunan kung tama bang pumasok siya sa loob o hintayin na munang humupa ang galit na pinapakita ngayon ng ina ni Ashton. "Umalis po si sir Ashton, ma'am. Hindi ko rin po alam kung kailan siya babalik. Hindi naman po kasi siya nakapagsabi-""Liar! Alam kong pinagtatakpan mo lang ang batang iyon! I know you, Martha. Kahit na nauna akong maging amo mo ay na kay Mikael pa rin ang loyalty mo. Hindi kita masisisi, alam kong mas naging ina ka pa sa kanya kaysa sa akin-""Nako Ma'am hindi po 'yan totoo!" Akmang magsasalita pa sanang muli si Manang Martha nang marahas na itinaas ng ina ni Ashton
last updateLast Updated : 2023-02-24
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status