"WHERE is Mikael? Where is my son?!"Papasok pa lamang sana si Taphney sa mansyon ni Ashton nang marinig niya ang dumadagundong na boses na iyon. Kilala niya kung sino ang nagmamay ari ng boses na 'yon."Answer me, Martha! Nasaan ang magaling kong anak?!" Mabilis na nagtago sa malaking halaman ang dalaga at pilit pinagsisiksikan ang sarili niya sa masikip na isang gilid. Hindi kasi siya makapagdesisyunan kung tama bang pumasok siya sa loob o hintayin na munang humupa ang galit na pinapakita ngayon ng ina ni Ashton. "Umalis po si sir Ashton, ma'am. Hindi ko rin po alam kung kailan siya babalik. Hindi naman po kasi siya nakapagsabi-""Liar! Alam kong pinagtatakpan mo lang ang batang iyon! I know you, Martha. Kahit na nauna akong maging amo mo ay na kay Mikael pa rin ang loyalty mo. Hindi kita masisisi, alam kong mas naging ina ka pa sa kanya kaysa sa akin-""Nako Ma'am hindi po 'yan totoo!" Akmang magsasalita pa sanang muli si Manang Martha nang marahas na itinaas ng ina ni Ashton
"WHAT the hell was that, mom?! Anong ginawa niyo?!" Malakas na hinaklit ni Ashton ang mga kamay niyang hawak-hawak ng mga tauhan ng ina niya at pinagbibibigyan ito ng tig iisang tadyak.Salubong na salubong ang mga kilay niya ngayon na kulang na nga lang ay magpantay na ang mga iyon. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Anong nangyayari?!Si Taphney! Baka anong mangyari sa dalaga lalo na at kasama pa nito ang kupal na dati nitong nobyo."Hayaan mo na muna ang babaeng 'yon. May kailangan ka pang ipaliwanag sa akin. At saka, I don't even know that woman. Hindi mo naman siya totoong asawa-" "What the hell mom! That woman you are talking about is Taphney, my wife!" galit na galit na singhal ng binata."Huwag mo na nga akong pinaglololoko, Ashton Mikael. Papaanong magiging asawa mo ang babaeng iyon eh hindi naman kayo kasal! At saka baka nga kung saan-saan mo lang 'yon napulot eh-""Don't you ever try to continue what you are saying, mom. Baka makalimutan kong ina kita at mapalay
"IAKYAT niyo na muna ang miss Taphney niyo, siguraduhin niyong babantayan niyo at baka biglang tumakas ha!”“Yes, boss. Kami na po ang bahala.” Mabilis na nagpupumiglas si Taphney nang mahigpit siyang hawakan ng mga tauhan ni Jake at pilitin siya ng mga itong hilahin patungo sa hagdan ng hinintuan nilang bahay. Hindi niya alam ang lugar.Hindi niya rin masabi kung na kaninong bahay ba sila. Sa huli niyang pagkakaalala ay hindi naman ito ang bahay ng pamilya ng dati niyang nobyo.“Bitawan niyo ako! Bitaw-"“Taphney anak!” Agad na napalingon si Taphney sa kanyang likod nang marinig ang pagtawag sa pangalan niyang iyon. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag nang makita ang kanyang ama. “Daddy-““Ilayo niyo ang matandang ‘yan sa kanyang anak. Bakit ba kasi nakalimutan kong idispatsa ‘yan bago tayo pumunta dito. Tss nakakaasar! Dagdag pa sa isipin!” Nanlaki ang mga mata ni Taphney nang makitang mabilis na tumakbo ang kanyang daddy kung saan nakatayo si Jake at akma na sanang sus
NAGISING si Taphney sa pakiramdam na tila may kung anong mabigat na nakadagan sa kanya.Kukusot kusot siya ng kanyang mga mata na dumilat. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga iyon nang makitang katabi niya si Jake na prenteng nakayakap sa kanya.“A-anong ginagawa mo dito?” mabilis na tanong niya sa binata at nagmamadaling bumangon. Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili at kahit papaano naman ay nakahinga siya nang maluwag nang makitang ganoon pa rin ang suot niya. Hindi naman sa walang tiwala siya sa dating kasintahan pero simula noong nakatabi at may nangyari sa kanila ni Ashton ay hindi na niya kailan man naisip na darating ang pagkakataon na gigising siyang hindi mukha ng binata ang makikita.Pipikit pikit na dumilat si Jake habang nagkukusot rin ng sariling mga mata. Saglit pa nga itong tumitig sa kanya nang makitang nakatayo siya at wala sa higaan.“What are you doing there standing, Taphney? Kanina ka pa ba gising-““Anong ginagawa mo sa kwartong ‘to, Jake?! Hindi
“WHAT’S your plan now, kuya? Wala ka pa rin bang balak hanapin siya?” Bagsak ang mga balikat na nilingon ni Ashton ang nakababatang kapatid niyang si Ashianna. Abala ito sa pag aasikaso ng mga naiwang negosyo ng mommy nila dahil may dinaluhan itong conference meeting sa Singapore. Ani ng ina nila ay wala na muna itong tiwala sa kanya pagkatapos ng ginawa niyang kasalanan rito. Hinayaan na lamang niya dahil marami din siyang kinakaharap na mga problema ngayon. Hindi nga rin niya alam kung bakit naisipan ng kapatid niyang umuwi ngayon sa Pilipinas gayong lagi lang naman itong nasa ibang bansa at sumasali sa mga kumpetisyon ng mga big bike. “I still do not know yet, Ashianna. Pakiramdam ko ay hindi pa rin ako handang makipagkita sa kanila-“ “Eh kailan ka pala magiging handa? Kapag tuluyan na siyang naikasal sa panget niyang ex na ‘yon?! My gosh kuya! Ang laki-laki mong tao tapos ngayon ka pa magiging ganyan kaduwag.” Tila naiiritang usal ng kanyang kapatid at pinagpatuloy na ang pag
MABILIS na tumayo mula sa inuupuang swivel chair ang secretary ni Ashton na si Tristan nang makita siyang biglang dumating. Yumuko ito saglit ngunit agad din namang nag angat ng ulo. “Good afternoon, Sir Ashton-"“May dumating ba?” tanong ng binata na ang tinutukoy ay ang daddy ni Taphney. Agad namang tumango ang kanyang secretary bilang sagot. “Yes sir actually-“ Hindi na pinatapos pa ni Ashton ang kanyang secretary sa mga sinasabi nito at nagmamadali na agad na naglakad patungo sa opisina niya. Nang nasa harap na siya ng pinto ng kanyang opisina ay saglit siyang huminto. Isang malalim na buntong hininga ang agad niyang pinakawalan. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinakabahan. Pakiramdam niya ay tila may mga kabayong nagtatakbuhan ngayon sa dibdib niya. Nang mapakalma ni Ashton ang kanyang sarili kahit papaano ay buong lakas na niyang itinulak ang pinto ng opisina niya. Pagkabukas na pagkabukas niya ng kanyang opisina ay agad niyang natanawan ang isang bulto ng kataw
MABILIS na ngang pinatay ni Ashton ang tawag sa pagitan nilang dalawa ni Josiah at muling tinapunan ng tingin ang matandang hawak-hawak niya ngayon. Kahit gustuhin niyang buhatin at dalhin ang daddy ni Taphney sa kwartong nandito lang din naman sa opisina niya ay hindi niya magawa. Matangkad rin kasi ito, mahihirapan lang siyang ilipat ito. At baka mas lalo lang iyon makasama rito kung bigla na lamang niyang gagalawin ang matanda kahit wala pa si Josiah. Ilang minuto lang ang hinintay ni Ashton nang bigla na ngang dumating ang kaibigan niyang si Josiah. Agad na kumunot ang kanyang noo nang mapansin na hindi ito nag iisa. “What are you doing here, Timothy? As far as I can remember, si Jos lang naman ang pinapapunta ko dito.” Bungad niyang tanong sa dalawang kaibigan. “You are hurting my ego by asking me that, Ashton. Ayaw mo ba akong makita? Don’t you miss me?” balik tanong sa kanya ni Timothy at nagpatiuna na maglakad patungo sa sofa sa kanyang opisina at naupo roon. Inilabas rin
PABAGSAK na humiga sa kanyang kama si Ashton pagkauwi na pagkauwi niya galing sa building niya. Halos wala pang isang oras mula noong umalis ang mga kaibigan niya ay siya namang paggising ng ama ni Taphney. Nagpaalam lamang ito nang mabilis sa kanya at nagmamadali na agad na umalis. Hindi na rin nagawa pang itanong ng binata ang iba pang detalye tungkol sa mga sinasabi nito na may kinalaman sa dalaga dahil bago pa man niya maibuka ang mga bibig niya ay kumaripas na agad ito nang alis. Nakasubsob ang mukha ni Ashton sa malambot na mga unan ng kanyang kama at hindi niya maiwasang hindi mapabuntong hininga nang maraming beses. Animo’y isang sirang plaka na paulit ulit na naririnig niya sa utak niya ang mga pinagsasasabi sa kanya kanina ng mga kaibigan niyang si Timothy at Josiah. Hanggang ngayon ay hindi niya alam ang gagawin. Mariin na sanang ipipikit ng binata ang kanyang mga mata nang makarinig siya bigla ng mga pagkatok mula sa pinto ng kwarto. Hinayaan na muna niyang tumagal i
"CALL for back ups, Knight! Mas madali natin mahuhuli ang putanginang Jake na 'yan pag may back ups galing sa headquarters!" "Copy, Milo!" Mabilis na muling pinagtuunan ng atensyon ni Ashton ang kotseng hinahabol nila at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang nagsisimula ang mga ito sa pagpapaputok ng baril at inaasinta sila."Fuck it! Iilag mo, Bishop!" mariing utos niya sa kaibigan."Ano pa nga ba? Alangan namang hayaan kong matamaan 'tong sinasakyan natin eh di pare parehas tayong kumaway kay San Pedro." Mahigpit na napakapit sa kanyang kinauupuan ang binata at kulang nalang ay madurog ang kanyang mga ngipin sa sobrang pagngingitngit niya. Imbes na matawa si Ashton sa sarcastic na saad ni Arjie ay mas tinalasan niya ang kanyang mga mata. Kailangan niyang makalkula kung saan nanggagaling ang mga putok ng baril at kung ilan ang mga tao na sa tingin niya ay sakay ng tatlong sasakyang nasa harapan nila.Ang tanging impormasyon lang kasi na sinabi ni Alex k
"BITAWAN mo 'ko Jake! Huwag na huwag mong mahawakan ni dulo ng buhok ko!" "Why? Parang dati naman-" "Fuck you!" Kung nakakamatay lang ang titig ay baka kanina pa bumulagta si Jake sa tindi ng mga matatalim na tingin na pinupukol rito ni Taphney. Nagising nalang siya kanina na nasa byahe pa rin sila. Ni hindi nga rin siya sigurado kung gaano na ba katagal siyang nakatulog. "You know what Taphney? Ayos naman tayo noon ah. I love you and you love me. Hindi na ba pwedeng maulit iyon?" Hindi sigurado si Taphney kung seryoso ba ang tanong na iyon ni Jake o nagpapatawa lamang ito. Maulit? Baliw nalang ang taong gugustuhin na bumalik sa binata."Huwag ka ngang patawa Jake. Joke time ba 'to? May mga hidden cameras ba dyan?" sarkastikong tanong ni Taphney at mabilis na ngumisi. Ngunit mukhang hindi man lang tinalaban ni kaunting kahihiyan si Jake dahil muli na naman itong nagsalita. "Tell me what do you want, ibibigay ko sayo lahat. Gagawin mo para sayo lahat. Just please, choose me Ta
HINDI lumipas ang ilang araw na hindi nagkausap at hindi nagkaayos sila Taphney at Ashton. Ngayon ay halos dalawang linggo na ang lumipas noong nagkaroon sila ng mainit na usapan ng binata noon sa basement ng ospital. "Ready na kayo, Miss Taphney?" Si Mila iyon. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likod at agad na tumango. Hindi niya lubos maisip na ngayong araw ay magaganap na ang isang pangyayaring matagal nang umuukil sa kanyang utak."Sigurado ka bang okay na ang lahat, Mila? Iyong venue? Pati mga guest-""Huwag na po kayong mag alala, Miss Taphney. Nagawa na po namin lahat ni Alex. Ang dapat niyo nalang pong gawin ngayon ay sumakay sa bridal car and then magandang bumaba doon, na alam kong easy'ng easy nalang po para sa inyo. Congratulations po ulit, Miss Taphney."Isang matamis na ngiti ang agad na sumilay sa mga labi ng dalaga. This is it! Ikakasal na siya sa wakas kay Ashton! Hindi nga siya makapaniwala na sa ikli ng panahon simula noong magpropose sa kanya ang binata ay ha
"I KNOW what I am asking to you is too much, Mr. Vergara. Hindi ko rin naman po kayo masisisi kung mahirap para sa inyo na patawarin ako. I done a lot of bad things not only to you but also to Taphneyg-""Alam mo naman pala eh. Then why do you still have a guts to ask me for forgiveness?" Napalunok nalang ng laway si Ashton nang marinig muli ang pambabarang iyon mula sa ama ni Taphney. Ilang minuto na silang magkaharap ngayon. At kahit ilang minuto na ang lumipas ay ngayon palang sila nakapag usap ng matanda. Danilo Vergara has a very hectic schedule. Kaya kahit sinabi ng secretary nito na hindi siya mapaglalaanan ng oras ay nagpumilit pa rin siyang puntahan ito.Hindi na niya gugustuhin pa na lumipas ang ilang araw na hindi siya nakakahingi ng tawad at hindi niya nakakausap ang ama ng dalaga.Iwinaksi nalang ni Ashton ang kanyang ulo at balak na sanang gawin ang naiisip nang bigla muling magsalita ang matandang Vergara."Don't you ever try to kneel in front of me, again Mr. Santoc
TANGHALI na nagising si Taphney. Alas dos na ng tanghali ay doon pa lamang siya kumakain. Wala na ang ama niya nang hanapin niya ito. Maaga raw umalis sabi ng kanilang mayordoma na si Nanay Esting. Sila Mila at Alex naman ay umuwi rin kinagabihan kahapon. Sila rin ang regalong tinutukoy ni Ashton kaya't mabilis siyang nagpasalamat sa binata. Nang matapos kumain ay mabilis na ring hinugasan ng dalaga ang kanyang mga pinagkain. She was about to go back in her room when one of their maid suddenly come to her and said that she have a visitor.Agad namang kumunot ang noo ni Taphney. Wala naman siyang naiisip na bisitang dadalaw sa kanya. Ipinagkibit balikat na lamang iyon ng dalaga at dali dali na rin lumabas ng kanilang dining area.At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala ang bisitang tinutukoy ng isa sa mga kasambahay nila."Mrs. Santocildez..." Hindi malaman ni Taphney kung ano ba dapat ang itawag niya sa ina ni Ashton. Alam niya kasing hindi sila okay noo
PIKIT ang mga mata ni Taphney habang nakahiga sa kanyang higaan. Hindi na niya naabutan ang ama niya. Pumasok na raw ito sa private office nito. At nang subukan niyang buksan ang pinto ng silid ng iyon ay naka lock na iyon sa loob.Kaya hinayaan nalang muna iyon ni Taphney at dumiretso na lamang sa kwarto niya.“Palad ay basang-basaAng dagitab ay damang-damaSa 'king kalamnang punong-punoNg pananabik at ng kabaLalim sa 'king bawat paghingaNakatitig lamang sa iyoNaglakad ka ng dahan-dahanSa pasilyo tungo sa altar ng simbahan”Agad na napangiti si Taphney nang marinig niya ang lyrics ng kantang iyon sa isang music application na ni download niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata ng dalaga habang dinadama niya ang lyrics ng kantang pinapakinggan.“Hahagkan na't 'di ka bibitawanWala na 'kong mahihiling paIkaw at ikawIkaw at ikawIkaw at ikawIkaw at ikaw'Di maikukumparaAraw-araw 'kong dala-dala paboritongPanalangin ko'y makasama ka sa pagtandaAng hiling sa Diyos na may gawa
“TAPHNEY anak, kamusta ang pakiramdam mo?”Mabilis na napalinga si Taphney nang marinig niya ang boses ng daddy niya. Tipid siyang ngumiti dito nang magtama ang mga mata nila.“Okay lang po ako, daddy…” sagot niya kapagkuwan at muli nang bumalik sa pagtitingin ng mga bulaklak sa garden nila.Halos tatlong linggo na rin ang lumipas magmula noong lumabas sila ng kanyang ama sa ospital. At simula noong umuwi siya rito sa bahay nila ay ni minsan hindi pumalya sa pangangamusta ang daddy niya.“Gusto mo bang kumain? O kaya naman ay lumabas-”“Hindi na po dad… okay lang po ako rito. At saka ayoko pong lumabas, gusto ko lang magpahinga.” Matamlay na wika ng dalaga at malakas na napabuntong hininga.Sa totoo lang ay siya na mismo ang naaawa sa sarili niyang ama dahil ramdam naman niyang pilit nito ginagawa ang lahat ng makakaya para pasayahin siya o hindi naman ay kausapin siya. Pero kahit na anong pilit rin ni Taphney na ngumiti at kalimutan ang mga bagay na tapos nang mangyari ay nahihirapan
“SIGURADO ka bang buhay pa ‘yan, Rook? Parang ang tagal na niyang tulog ah.”“Isang shot lang ang tinurok ko sa kanya, at saka dapat by this time ay gising na siya…”“Eh bakit hindi pa rin? Lagot ka Rook! Baka natuluyan mo na ‘yang kasambahay ni Milo ha!”“Fuck you, I am doctor at hindi pa ko nagkamali ni isang beses. At saka kung sakali nga na nagkaroon ng mali at natuluyan ang kasambahay ni Milo then kukunin ko si Bishop as my lawyer-”“Spare me from your stupidity Rook and Pawn. Wala akong planong madamay sa mga katangahan niyo sa buhay.” Masungit na wika ni Bishop at muli na ngang itinuon ang mga mata sa labas ng chopper.Isang malalim naman na buntong hininga ang pinakawalan ni Ashton. Ilang minuto na ang lumipas magmula noong pumunta sila sa kanilang headquarters para ipaalam sa mga nakatataas na leader ang gagawin nilang plano.Of course, they provided them everything, at katulad pa rin dati, saka lamang darating ang mga tauhan ng organization nila kapag sa loob ng twenty minut
RAMDAM na ramdam ni Taphney ang pananakit ng buo niyang katawan pagmulat na pagmulat niya pa lamang ng kanyang mga mata.Pakiramdam niya ay tila may kung anong masakit sa katawan niya.Mabilis na kinabahan ang dalaga nang maalala niya ang huling nangyari.Nahihirapan may ay pilit niyang kinapa at hinawakan ang kanyang tiyan.At ganoon na lamang ang pagwasak ng puso niya nang wala na siyang maramdaman na bata sa sinapupunan niya.Ang anak niya! Anong nangyari sa anak niya?!Hindi na napigilan pa ni Taphney na hindi maiyak. Iniikot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid. Nasa ospital siya.At napakarami ring tubo ang nakakakabit ngayon sa buong katawan.Isa isang tinanggal iyon ng dalaga at buong lakas na pinilit ang sariling bumangon mula sa kanyang pagkakahiga.Ngunit hindi niya pa man naitatayo ang katawan niya nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan niya.“Taphney what are you doing?!”It was Ashton. Puno ng pag aalala ang buong mukha nito at nagmamadalin