Home / Romance / The HUNTRESS / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of The HUNTRESS: Chapter 51 - Chapter 60

85 Chapters

Chapter 51

Unang salang pa lamang ni Eiress sa death fight ay labis ng nabugbog ang katawan niya. Para siyang ginawang punching bag ng babaeng kalaban niya. Makikita ang malalaki nitong muscles sa katawan. Mabagsik din ang itsura nito at halatang hindi papahuli ng buhay.“Boring! Tapusin mo na ’yan, Hulka!” sigaw ng mga manonood. Mukhang naiinip na ang mga ito sa nangyayaring laban.Paulit-ulit ang sinisigaw ng mga manonood at iyon ay tapusin siya.Naramdaman ni Eiress ang mahigpit na hawak ng kalaban sa buhok niya. Napangiwi siya nang hilahin nito iyon para umangat siya mula sa pagkabagsak. Ngumisi ito sa kaniya bago nagpakawala ng malakas na suntok. Tumama ang suntok nito sa tiyan niya. Namilipit siya sa sakit at nakabaluktot na bumagsak sa sahig nang bitiwan siya ng babae. Parang namanhid ang katawan ni Eiress sa atakeng iyon. Muling umatake ang kalaban niya at sinuntok siya sa panga. Nahilong bumagsak si Eiress, ngunit hindi pa natatapos ang laban hanggat may malay ang isa sa kanila.Nahahap
last updateLast Updated : 2024-03-04
Read more

Chapter 52

“Eivan?” gulat na bulalas ni Britany sa bagong dating na lalaki.Nang marinig ni Eiress ang pangalang sinambit ni Britany, dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Kahit nahihirapan, bumaling pa rin siya sa direks’yon kung saan niya naririnig ang boses ni Britany. Nakita niyang seryosong naglalakad si Eivan sa espasyong winasak ng sasakyan. Hinuhuli naman ng mga kasama nito ang mga tauhan ni Britany.“E-Eivan, ako ’to. Si Britany. Hindi mo ba ako naaalala? Ako ang pinagsisilbihan mo sa Chipan,” saad ni Britany, pero hindi ito pinansin ni Lord Scion. Nililibot nito ang tingin sa paligid at tila may hinahanap.“E-Eivan,” mahinang usal ni Eiress sa pangalan nito.Alam ni Eiress na hindi nito narinig ang boses niya dahil maging siya ay bahagya na lang naririnig ang sarili niyang boses dahil sa panghihina, pero bumaling ito sa direks’yon niya na parang narinig ang sinabi niya. Masaya siya na muli niyang nasilayan si Eivan, pero sa nakikita niyang ekspresyon nito ngayon, alam niyang bumali
last updateLast Updated : 2024-03-05
Read more

Chapter 53

Isang linggo ang nakalipas matapos ang nangyaring insedente sa Kiran, bumalik na sa dating lakas ang katawan ni Eiress. Magagaling ang mga nurse at doctor na nag-asikaso sa kaniya sa Wilt’s Hospital sa Argenxican. Idagdag pa ang extra care mula kay Lord Scion na hindi umaalis sa tabi niya. Minsan naman ay dumadalaw sa kaniya si Aline kasama si Liam, pero hindi rin nagtatagal ang mga ito dahil naroon si Lord Scion para bantayan siya. Masasabi niyang kakaiba talaga ang naging pakikitungo sa kaniya ni Lord Scion ngayon. Alagang-alaga siya nito na tila ba wala siyang sariling kakayahan para kumilos. Nagmumukha tuloy siyang baldado dahil sa sobrang pag-aalaga ito. Kahit kaya naman niyang gawin ay pipigilan siya nito at ito na ang gagawa para sa kaniya.“Kailan ako p’wedeng lumabas ng ospital?” tanong ni Eiress kay Lord Scion. Kararating lang nito at inaayos sa flower vase ang dala nitong mga fresh na bulaklak.“Hanggang sa maghilom ang mga sugat mo. Hindi ka pa maaaring lumabas hanggat mer
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more

Chapter 54

Walang nakuhang sagot si Eiress mula kay Lord Scion matapos niyang ipagtapat kung sino siya. Tahimik lang ito hanggang marinig nitong tumunog ang cellphone.“Excuse me, sasagutin ko lang ito. Magpahinga ka muna,” saad ni Lord Scion bago lumabas ng silid niya.Huminga nang malalim si Eiress. Sumandal siya sa headboard ng kama at marahang pumikit.“Masakit man ang naging reaks’yon niya, pero ang mahalaga ay alam niya ang lahat ng tungkol sa akin. Nasa kaniya pa rin ang desisyon kung ipagpapatuloy niya ang plano para sa amin ni Liam,” saad niya sa sarili.Pure luck ang nasa isip ni Eiress nang ipagtapat niya kay Lord Scion ang lahat. Wala siyang pagsisihan kung sakaling magbago ang isip nito na makasama silang mag-ina. Mas mabuti na iyon kaysa itago niya ang katotohanan na alam niyang malalaman pa rin nito kapag nagtagal. Gusto niyang magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nila nang walang sekreto sa isa’t-isa.Naramdaman ni Eiress ang muling pagbukas ng pinto ng silid niya. Naramdaman din n
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more

Chapter 55

Paglabas ng ospital ni Eiress, nagpalipas muna siya ng isang araw bago nagtungo sa Canixer kasama si Aline at Trigger. Si Trigger ang nagmaneho ng sasakyan habang katabi nito si Aline sa unahan. Tahimik lang naman si Eiress sa back seat. Iniisip niya kung bakit hindi nagpapakita si Lord Scion sa kaniya kahit nakabalik na siya sa hacienda. Ang pinagtataka pa niya ay nanatili siya sa bahay ni Trigger at hindi sa bahay ng mga manggagawa sa likod ng mansiyon.“—Eiress!”“H-Huh? May sinasabi ka ba, Aline?” tanong niya sa kaibigan.“Sabi ko nagtatampo si Liam dahil hindi natin siya sinama ngayon. Ang haba-haba ng nguso niya nang umalis tayo kanina. Bakit hindi mo ba siya sinama? Ayaw mo bang ipakilala si Liam sa mga magulang mo?”“Ipapakilala ko rin si Liam sa kanila, pero sa ngayon ako muna ang pupunta sa mga magulang ko. Baka mabigla sila kapag pinakilala ko agad si Liam,” sagot na lang niya.Ang totoo ay hindi pa talaga siya panatag na makaharap ang daddy niya. Iniiwas lang niya si Liam
last updateLast Updated : 2024-03-08
Read more

Chapter 56

Huminga nang malalim si Eiress at mataman siyang tumingin sa matanda. “Magiging tapat ako sa ’yo, dad. Nagpunta ako rito hindi para bumalik. Narito lang ako para magpaalam sa ’yo. I’m sorry, pero mas nagustuhan ko ang simpleng buhay nang umalis ako sa puder mo. Babalik ako sa buhay na iyon at sana ay hayaan mo akong umalis. Tahimik na ang buhay ko at para sa ikatatahimik din ng buhay nating pareho, pinapatawad na kita sa lahat ng mga ginawa mo. Kakalimutan ko na lang ang mga pighating naranasan ko para sa buhay na gusto ko.”Ngumiti naman si Luciano. “Tama si Red. Malaki na talaga ang pinagbago mo. Hindi na matigas ang puso mo tulad ng dati. Mabilis ka ng magpatawad at natutuwa akong makita ang kakaibang kislap sa mga mata mo. Nakakalungkot lang dahil mas pinipili mo pa rin lumayo kaysa makasama kami ng mommy mo.”“Pinipili ko lang kung saan ako mas magiging masaya, dad. I’m sorry dahil hindi iyon sa piling mo,” matapat niyang sabi.“Alam ko, anak, at nagsisisi ako sa mga ginawa ko pa
last updateLast Updated : 2024-03-09
Read more

Chapter 57

Mabilis umiwas ng tingin si Eiress sa dalawa nang magtama ang tingin nila ni Lord Scion habang nakalapat ang labi ng babae sa labi nito. Itinaas din niya ang wind shield ng sasakyan at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng suot niyang damit. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa nasaksihan. Normal naman sigurong masaktan dahil mahal niya si Lord Scion, pero normal din bang makipaghalikan ito sa iba? Sinabi ni Lord Scion na mag-asawa na silang dalawa, pero bakit may kasama itong ibang babae? Hindi lang ’yon, nakikipaghalikan pa ito sa babaeng ’yon!“Bwesit!” hindi niya napigilang sabi.Tumingin naman sa kaniya si Aline at Trigger, pero nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.“Alam niyo ba ang tungkol sa kanila?” tanong ni Eiress.Yumuko si Aline nang tingnan niya, kaya bumaling na lang siya kay Trigger.“Wala kayong plano na sabihin sa akin ang tungkol sa kanilang dalawa? Sino ang babaeng ’yon? May karapatan naman siguro ako na malaman kung sino siya, ’di ba?”“She’s Isabella
last updateLast Updated : 2024-03-10
Read more

Chapter 58

Habang nanatili si Eiress sa hacienda Wilt, ginagawa pa rin niya ang dating trabaho. Inaalagaan pa rin niya ang mga kabayo sa k’wadra. Nagpapakain siya ng mga kabayo nang lumapit sa kaniya si Marlon.“Totoo bang aalis na kayo sa hacienda?” tanong nito. Halata sa boses ni Marlon ang kalungkutan sa nalalapit nilang pag-alis sa hacienda.“Oo. Hinihintay na kami ng pamilya naming sa Chipan. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakauwi,” sagot ni Eiress nang hindi nag-aabalang tumingin sa lalaki. Patuloy pa rin siya sa pagpapakain ng mga kabayo.“Eiress...”“Hmm?”Nagulat si Eiress nang hawakan ni Marlon ang braso niya at binaling siya rito.“Marlon—” Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang yakapin ng lalaki. Hindi siya agad nakakilos dahil sa pagkabigla.“Eiress, p’wede bang ako na lang? Hindi ko kayo pababayaan ni Liam. Sa akin na lang kayo sumama. Aalagaan ko kayong dalawa at mamahalin. Pangako, hindi ka magsisi kapag ako ang pinili mo,” nakikiusap nitong sabi.Nakaramdam ng pagkail
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more

Chapter 59

Nakatayo si Lord Scion sa balkonahe ng silid niya habang tinatanaw ang palayong sasakyan kung saan lulan si Eiress at Liam pabalik ng Chipan. Tila nabawasan ang pagkatao niya sa pag-alis ng pamilya niya. Ayaw man niyang malayo sa mga ito, pero mas pipiliin niyang umalis ang mga ito kung mapapahamak lang ang mga ito sa puder niya. May tiwala siya kay Trig at sa mga tauhan niya sa Chipan. Alam niyang hindi pababayaan ng mga ito ang mag-ina niya.Isang katok sa pintuan ng silid ni Lord Scion ang umagaw sa atensiyon niya. Nilisan niya ang balkonahe at nagtungo sa pinto. Nabungaran niya si Isabella pagbukas sa pintuan.“Hi!” Nakangiti nitong bati sa kaniya.Walang nagbago kay Isabella matapos ang ilang taon nilang hindi nagkita, pero marami naman ang nagbago sa kaniya. Pinapahanap niya si Isabella dahil sa awa at hindi dahil mahal niya pa ito. College sweetheart sila ni Isabella, pero hiwalay na sila bago pa ito misteryosong nawala. Nakapagtataka ang pagkawala nito dahil magulo ang tinutul
last updateLast Updated : 2024-03-12
Read more

Chapter 60

Hindi nawala ang kaseryosohan sa itsura ni Scion lalo na sa klase ng paratang ng tiyahin niya.“Hindi iyon ang tinutukoy ko. Gusto ko lang masiguro sa katauhan ni Isabella bago natin siya ipakilala sa mga Nesselio. Ayoko lang mapahiya sa kanila.”Humalukipkip naman si Marcela habang nakangiti kay Scion. “Hindi tayo mapapahiya, Scion. Malaki ang posibilidad na si Isabella at si Caroline ay iisa. Ayon sa inupahan naming tao para mag-imbestiga, bata pa lang si Isabella nang mapulot siya ng ampunang kumupkop sa kaniya kung saan huli ring nakita si Caroline. Ultimong damit na suot ni Isabella ng araw na iyon ay parehong-pareho sa damit ni Caroline. May katibayan din na magtuturo na isa siyang Nesselio dahil sa golden crown na suot niya during her fifth birthday—ang araw na nawala rin si Caroline. Katangi-tangi ang koronang iyon dahil nag-iisa lang iyon sa mundo.”“Itigil mo na ang pagdududa sa katauhan ni Isabella, Scion, dahil mismong DNA test niya ang nagsabi na isa siyang Nesselio,” saa
last updateLast Updated : 2024-03-13
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status