Home / Romance / The HUNTRESS / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of The HUNTRESS: Chapter 71 - Chapter 80

85 Chapters

Chapter 71

Nakangiti at dinadama ni Luciano ang magandang awitin mula sa lumang music player na ipinadala niya kay Lamica sa kaniyang silid sa Nesselio’s hospital. Nakapikit siya at marahang kumukumpas ang mga kamay na parang isang maestro sa teatro. Maganda ang mood niya ngayon dahil natupad ang mga plano niya ayon sa kagustuhan niya. Hindi pala mahirap makuha ang mga gusto niya basta walang humahadlang sa mga desisyon niya.Bahagya siyang tumigil sa ginagawa nang may kumatok sa pintuan ng silid niya.“Lamica, pagbuksan mo ng pinto ang kumakatok sa labas,” saad niya kay Lamica nang hindi nag-abalang tingnan ito. Patuloy lang niyang dinadama ang magandang musika. Mas’yadong maganda ang mood niya para sirain iyon sa mukha ng tagasilbi niya.“Opo, senior!” sagot ni Lamica.Ilang sandali pa nang marinig ni Luciano ang pagbukas ng pinto.“I’m glad that you’re enjoying your stay here, Butler Luciano.”Kaagad binuksan ni Luciano ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses. Tumingin siya sa direksy
last updateLast Updated : 2024-03-24
Read more

Chapter 72

Kinuyom ni Lord Scion ang mga kamay nang makita ang kaawa-awang kalagayan ni William. Wala itong malay habang nakasabit life support oxygen nito sa tubong nakakabit sa likod ng wheelchair. Seryoso naman si Red sa likuran nito habang nakatingin sa direks’yon niya. Hindi niya p’wedeng balewalain ang kakayahan ni Red dahil mabilis nitong natalo ang mga pinadala niyang tauhan para bawiin si William. Matalino ito at naisahan ang mga tauhan niya kaya natalo.“Lord Scion, lumabas ka na riyan at kailangan nating mag-usap!” saad ng boses ng isang matanda.Hindi nakinig si Lord Scion sa sinabi ng matanda. Nanatili siyang nakatago sa katawan ng hawak niyang bangkay.“Hindi naman kita sasaktan,” saad pa nito, pero duda siya sa sinasabi nito.“Kapag hindi ka nagpakita, uunahin ko ang kapatid mo!” muling sigaw ng matanda.Walang pagdadalawang-isip na binitiwan ni Lord Scion ang hawak niyang lalaki. Tumayo siya habang nakataas ang mga kamay. Wala siyang pagpipilian kun’di magpakita para hindi nito s
last updateLast Updated : 2024-03-25
Read more

Chapter 73

Sa bayan ng Chipan, kasalukuyang nagmamasid si Trigger sa paligid para humanap ng daan palabas ng bayan. Nagkalat pa rin ang mga larawan ni Eiress sa bayan kaya nahihirapan silang pumuslit palabas. Iniwan niya naman ito sa isang abandonadong kubo para makakilos siya ng maayos. Wala pa rin pagbabago sa kundisyon nito at mas makabubuti sa kanilang dalawa kung iiwan niya muna ito pansamantala.Mabilis naman siyang lumihis ng daan nang tumingin sa kaniyang direks’yon ang isang tauhan ng mga Villarama sa Chipan. Nakuhang muli ni Rondell Villarama ang pamumuno roon at mas pinatibay nito ang pagbabantay sa papasok at lalabas ng bayan.“Hoy, lalaking naka-asul na damit! Tumigil ka at lumapit dito!” sigaw sa kaniya ng lalaki.Hindi siya tumigil at mas binilisan pa niya ang paglalakad. Naramdaman naman niya ang pagsunod ng mga ito kaya tumakbo siya.“Hulihin niyo siya!” sigaw ng isang humahabol kay Trigger.Nagpaliko-liko si Trigger sa mga eskinitang nakikita niya para iligaw ang mga humahabol
last updateLast Updated : 2024-03-26
Read more

Chapter 74

Naging maugong sa lahat ng bayan ang pagkawasak ng Argenxican at Chipan. Kumalat din ang balita na nalipol ni Luciano Villacostel ang pamilya ng mga Wilt at ito na ang pumalit sa karangalan ng pamilya Wilt. Sinamantala iyon ni Luciano. Binisita nito ang bawat bayan at gumawa ng alyansa sa mga ito. Hindi naman nagdalawang isip ang mga pinuno ng bayan na makipagtulungan kay Luciano. Naniniwala ang mga ito na magiging matibay rin ang kanilang pamilya sa pagkampi ng mga ito kay Luciano. Sa loob ng dalawang buwan ay halos sakupin na ni Luciano ang labing-dalawang bayan maliban sa Polican at Boran. Ito ang mga bayan na pag-aari ng mga Nesselio. Ang Kiran naman ay hindi pumapanig sa kahit na sino maliban sa pera. Hinayaan muna ni Luciano ang Kiran dahil alam niyang may paggagamitan siya sa mga ito pagdating ng araw.Kasalukuyan namang nagtipon-tipon sa Canixer ang mga kaalyansang bayan ni Luciano para ipagdiwang ang tagumpay nito. Naroon din ang ibang kasosyo sa negosyo ng mga Wilt na harapa
last updateLast Updated : 2024-03-27
Read more

Chapter 75

Sa isang bayan na sakop ng Janduran pansamantalang tumigil si Trigger at Eiress mula sa mahabang paglalakbay. Tinutumbok nila ang daan pabalik sa bayan ng Argenxican, pero natatagalan sila. Bukod sa kabayo ang sinasakyan nila, marami rin ang nagtatangka sa buhay nila na dapat nilang iwasan at lusutan.Bumaba si Trigger sa sinasakyan nilang kabayo bago alalayan sa pagbaba si Eiress. Nakakakilos na si Eiress ngunit hindi ito nagsasalita. Minsan ay bigla na lang itong matutulala at umiiyak. Walang nagagawa si Trigger kun’di hayaan ito sa pagluluksa.“Magpapalipas muna tayo nang ilang araw rito bago tayo maglakbay ulit. Nang sa ganoon, hindi nila tayo makita agad,” saad niya kay Eiress. Tulad ng inaasahan wala pa rin itong reaks’yon, pero alam niyang naririnig siya nito.Sinigurado ni Trigger na hindi sila masusundan sa lugar na iyon ng mga humahabol sa kanila. Gumamit siya ng isa pang kabayo para magpatuloy iyon sa pagtakbo at isipin ng mga kalaban na sila iyon. Ibang direks’yon ang tina
last updateLast Updated : 2024-03-28
Read more

Chapter 76

Duguan si Red nang makarating sa sentro ng bayan ng Janduran sakay ang kotseng iniwan niya sa bungad ng kagubatan. Tinamaan siya ng baril ng matanda sa balikat, pero nagawa pa rin niyang tumakas. Nagtungo siya sa pinakamalapit na ospital. Kaagad naman siyang dinaluhan ng mga nurse at doctor nang makita ang kundisyon niya. Nakuha ng mga ito ang balang nakabaon sa balikat niya at kasalukuyan siyang nagpapahinga sa isa sa mga silid doon.Nakatitig lang si Red sa kisame ng hospital habang inaalala ang mga ginawa niya. Kaagad niyang ginawa ang trabaho nang umalis siya sa bayan ng Boran. Bilang tracker, hindi siya nahirapang matagpuan ang kinaroroonan ni Eiress. Marami siyang paraan para matagpuan ito at sa loob ng dalawang araw ay agad niyang nasundan ang tinahak nitong daan. Nasa ganoon siyang akto nang may pumasok sa silid. Binaling lang niya ang ulo para makita kung sino ito.“Hindi pa sana ako maniniwala na narito ka kung hindi tumawag sa akin ang doctor mo,” saad ni Runo Villarama.Ng
last updateLast Updated : 2024-03-29
Read more

Chapter 77

Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun
last updateLast Updated : 2024-03-30
Read more

Chapter 78

Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru
last updateLast Updated : 2024-03-31
Read more

Chapter 79

Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum
last updateLast Updated : 2024-05-07
Read more

Chapter 80

Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi
last updateLast Updated : 2024-05-07
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status