“Ayos ka lang ba?” masuyong tanong ni Lord Scion kay Liam.Binuhat niya si Liam at inilayo sa pinangyarihan ng gulo. Alam niyang nabigla ang bata sa nakita. Sa harapan nito binaril si Cristein. Nakita nito kung paano bumagsak ang katawan ng babae at kumalat ang dugo nito sa semento. Bilang ama, hindi niya gustong makita ni Liam ang ganoong pangyayari, pero wala siyang pagpipilian dahil nangyari na ang lahat. Gusto niyang ilayo ito sa gulo, pero mismong gulo na ang lumalapit sa anak niya. Napakabata pa nito para maranasan ang lahat ng iyon.“A-Ang mga lalaki, hindi po dapat umiiyak sa takot. D-Dapat daw po matapang kami. Iyon ang sabi ni Mama,” sagot ni Liam na halata ang kaba sa boses. Pilit pa nitong tinatago ang takot, pero halata pa rin iyon sa mga mata ng bata.Ngumiti si Lord Scion. Niyakap niya si Liam. Napanatag ang loob niya habang yakap ang anak. Hindi niya mawari ang labis na kabang naramdaman kanina nang sabihin ni Trigger na nawawala si Liam. Para siyang kinakapos ng paghi
Magbasa pa