Home / Romance / The HUNTRESS / Chapter 48

Share

Chapter 48

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2024-03-01 11:04:35

“Ayos ka lang ba?” masuyong tanong ni Lord Scion kay Liam.

Binuhat niya si Liam at inilayo sa pinangyarihan ng gulo. Alam niyang nabigla ang bata sa nakita. Sa harapan nito binaril si Cristein. Nakita nito kung paano bumagsak ang katawan ng babae at kumalat ang dugo nito sa semento. Bilang ama, hindi niya gustong makita ni Liam ang ganoong pangyayari, pero wala siyang pagpipilian dahil nangyari na ang lahat. Gusto niyang ilayo ito sa gulo, pero mismong gulo na ang lumalapit sa anak niya. Napakabata pa nito para maranasan ang lahat ng iyon.

“A-Ang mga lalaki, hindi po dapat umiiyak sa takot. D-Dapat daw po matapang kami. Iyon ang sabi ni Mama,” sagot ni Liam na halata ang kaba sa boses. Pilit pa nitong tinatago ang takot, pero halata pa rin iyon sa mga mata ng bata.

Ngumiti si Lord Scion. Niyakap niya si Liam. Napanatag ang loob niya habang yakap ang anak. Hindi niya mawari ang labis na kabang naramdaman kanina nang sabihin ni Trigger na nawawala si Liam. Para siyang kinakapos ng paghi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Sana po palaging may update na. ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The HUNTRESS   Chapter 49

    Wala pang biente-kuatro oras nang dumating sa Argenxican ang grupo ni Luciano para kunin ang katawan ni Cristein. Personal na pumunta si Luciano kahit nakaupo ito sa wheelchair dahil sa panghihina. Kasama nito ang ilang mga tauhan at asawa. Halata ang labis na pagluluksa sa itsura ng mga ito.“N-Nasaan ang anak ko? Nasaan siya?” Umiiyak na sabi ng ginang na kasama ni Luciano.Deretso lang naman ang tingin ni Luciano at tila wala sa sarili.“Nasa morgue siya, ma’am. P’wede niyo na rin siyang ilabas ngayon,” saad ng isang tauhan ni Lord Scion na naiwan sa ospital, para sumalubong sa pagdating ng grupo ni Luciano.Lumapit naman ang kanang kamay ni Luciano sa tauhan ni Lord Scion.“Malaking dagok sa pamilya ng mga Villacostel ang nangyaring ito kay Ma’am Cristein. Maaaring magkaroon ng sigalot ang dalawang pamilya dahil sa loob ng teritoryo ni Lord Scion namatay ang anak ni Senior Luciano. Sigurado ba kayo na walang kinalaman si Lord Scion sa nangyari?” may pang-aakusa nitong sabi.Hindi

    Last Updated : 2024-03-02
  • The HUNTRESS   Chapter 50

    Hapong-hapo na si Eiress habang naglalakad kasama ang grupo ni Britany at Luke. Hindi niya alam kung anong bayan sila naroon ngayon. Simula nang umalis sila sa Janduran kaninang umaga, hindi pa sila nagpapahinga. Ilang boundaries na ang nilagpasan nila kaya halos hindi na niya maramdaman ang sariling mga paa sa sobrang pagod. Nanunuyo na rin ang labi niya dahil sa init ng panahon. Naglalakad lang siya habang nasa sasakyan ang mga ito. May pagkakataon na sumasakay siya sa kotse kapag hindi matao ang dinadaanan nila. Tila binabandera ni Britany ang kaawa-awa niyang kalagayan sa mga tao. May kadena ang mga kamay at paa niya na may isang metro ang haba. Mayroon pang karatula na nakadikit sa dibdib at likod niya. Nakasulat sa karatula na isa siyang kriminal. Magmumukha na talaga siyang kriminal dahil sa dungis niya at natuyuan na rin ng dugo ang katawan niya. Ginawang laruan ni Britany ang katawan niya at pinag-p’yestahan ng latay ng latigo habang nakakulong sa basement ng mansiyon ni Runo

    Last Updated : 2024-03-03
  • The HUNTRESS   Chapter 51

    Unang salang pa lamang ni Eiress sa death fight ay labis ng nabugbog ang katawan niya. Para siyang ginawang punching bag ng babaeng kalaban niya. Makikita ang malalaki nitong muscles sa katawan. Mabagsik din ang itsura nito at halatang hindi papahuli ng buhay.“Boring! Tapusin mo na ’yan, Hulka!” sigaw ng mga manonood. Mukhang naiinip na ang mga ito sa nangyayaring laban.Paulit-ulit ang sinisigaw ng mga manonood at iyon ay tapusin siya.Naramdaman ni Eiress ang mahigpit na hawak ng kalaban sa buhok niya. Napangiwi siya nang hilahin nito iyon para umangat siya mula sa pagkabagsak. Ngumisi ito sa kaniya bago nagpakawala ng malakas na suntok. Tumama ang suntok nito sa tiyan niya. Namilipit siya sa sakit at nakabaluktot na bumagsak sa sahig nang bitiwan siya ng babae. Parang namanhid ang katawan ni Eiress sa atakeng iyon. Muling umatake ang kalaban niya at sinuntok siya sa panga. Nahilong bumagsak si Eiress, ngunit hindi pa natatapos ang laban hanggat may malay ang isa sa kanila.Nahahap

    Last Updated : 2024-03-04
  • The HUNTRESS   Chapter 52

    “Eivan?” gulat na bulalas ni Britany sa bagong dating na lalaki.Nang marinig ni Eiress ang pangalang sinambit ni Britany, dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Kahit nahihirapan, bumaling pa rin siya sa direks’yon kung saan niya naririnig ang boses ni Britany. Nakita niyang seryosong naglalakad si Eivan sa espasyong winasak ng sasakyan. Hinuhuli naman ng mga kasama nito ang mga tauhan ni Britany.“E-Eivan, ako ’to. Si Britany. Hindi mo ba ako naaalala? Ako ang pinagsisilbihan mo sa Chipan,” saad ni Britany, pero hindi ito pinansin ni Lord Scion. Nililibot nito ang tingin sa paligid at tila may hinahanap.“E-Eivan,” mahinang usal ni Eiress sa pangalan nito.Alam ni Eiress na hindi nito narinig ang boses niya dahil maging siya ay bahagya na lang naririnig ang sarili niyang boses dahil sa panghihina, pero bumaling ito sa direks’yon niya na parang narinig ang sinabi niya. Masaya siya na muli niyang nasilayan si Eivan, pero sa nakikita niyang ekspresyon nito ngayon, alam niyang bumali

    Last Updated : 2024-03-05
  • The HUNTRESS   Chapter 53

    Isang linggo ang nakalipas matapos ang nangyaring insedente sa Kiran, bumalik na sa dating lakas ang katawan ni Eiress. Magagaling ang mga nurse at doctor na nag-asikaso sa kaniya sa Wilt’s Hospital sa Argenxican. Idagdag pa ang extra care mula kay Lord Scion na hindi umaalis sa tabi niya. Minsan naman ay dumadalaw sa kaniya si Aline kasama si Liam, pero hindi rin nagtatagal ang mga ito dahil naroon si Lord Scion para bantayan siya. Masasabi niyang kakaiba talaga ang naging pakikitungo sa kaniya ni Lord Scion ngayon. Alagang-alaga siya nito na tila ba wala siyang sariling kakayahan para kumilos. Nagmumukha tuloy siyang baldado dahil sa sobrang pag-aalaga ito. Kahit kaya naman niyang gawin ay pipigilan siya nito at ito na ang gagawa para sa kaniya.“Kailan ako p’wedeng lumabas ng ospital?” tanong ni Eiress kay Lord Scion. Kararating lang nito at inaayos sa flower vase ang dala nitong mga fresh na bulaklak.“Hanggang sa maghilom ang mga sugat mo. Hindi ka pa maaaring lumabas hanggat mer

    Last Updated : 2024-03-06
  • The HUNTRESS   Chapter 54

    Walang nakuhang sagot si Eiress mula kay Lord Scion matapos niyang ipagtapat kung sino siya. Tahimik lang ito hanggang marinig nitong tumunog ang cellphone.“Excuse me, sasagutin ko lang ito. Magpahinga ka muna,” saad ni Lord Scion bago lumabas ng silid niya.Huminga nang malalim si Eiress. Sumandal siya sa headboard ng kama at marahang pumikit.“Masakit man ang naging reaks’yon niya, pero ang mahalaga ay alam niya ang lahat ng tungkol sa akin. Nasa kaniya pa rin ang desisyon kung ipagpapatuloy niya ang plano para sa amin ni Liam,” saad niya sa sarili.Pure luck ang nasa isip ni Eiress nang ipagtapat niya kay Lord Scion ang lahat. Wala siyang pagsisihan kung sakaling magbago ang isip nito na makasama silang mag-ina. Mas mabuti na iyon kaysa itago niya ang katotohanan na alam niyang malalaman pa rin nito kapag nagtagal. Gusto niyang magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nila nang walang sekreto sa isa’t-isa.Naramdaman ni Eiress ang muling pagbukas ng pinto ng silid niya. Naramdaman din n

    Last Updated : 2024-03-07
  • The HUNTRESS   Chapter 55

    Paglabas ng ospital ni Eiress, nagpalipas muna siya ng isang araw bago nagtungo sa Canixer kasama si Aline at Trigger. Si Trigger ang nagmaneho ng sasakyan habang katabi nito si Aline sa unahan. Tahimik lang naman si Eiress sa back seat. Iniisip niya kung bakit hindi nagpapakita si Lord Scion sa kaniya kahit nakabalik na siya sa hacienda. Ang pinagtataka pa niya ay nanatili siya sa bahay ni Trigger at hindi sa bahay ng mga manggagawa sa likod ng mansiyon.“—Eiress!”“H-Huh? May sinasabi ka ba, Aline?” tanong niya sa kaibigan.“Sabi ko nagtatampo si Liam dahil hindi natin siya sinama ngayon. Ang haba-haba ng nguso niya nang umalis tayo kanina. Bakit hindi mo ba siya sinama? Ayaw mo bang ipakilala si Liam sa mga magulang mo?”“Ipapakilala ko rin si Liam sa kanila, pero sa ngayon ako muna ang pupunta sa mga magulang ko. Baka mabigla sila kapag pinakilala ko agad si Liam,” sagot na lang niya.Ang totoo ay hindi pa talaga siya panatag na makaharap ang daddy niya. Iniiwas lang niya si Liam

    Last Updated : 2024-03-08
  • The HUNTRESS   Chapter 56

    Huminga nang malalim si Eiress at mataman siyang tumingin sa matanda. “Magiging tapat ako sa ’yo, dad. Nagpunta ako rito hindi para bumalik. Narito lang ako para magpaalam sa ’yo. I’m sorry, pero mas nagustuhan ko ang simpleng buhay nang umalis ako sa puder mo. Babalik ako sa buhay na iyon at sana ay hayaan mo akong umalis. Tahimik na ang buhay ko at para sa ikatatahimik din ng buhay nating pareho, pinapatawad na kita sa lahat ng mga ginawa mo. Kakalimutan ko na lang ang mga pighating naranasan ko para sa buhay na gusto ko.”Ngumiti naman si Luciano. “Tama si Red. Malaki na talaga ang pinagbago mo. Hindi na matigas ang puso mo tulad ng dati. Mabilis ka ng magpatawad at natutuwa akong makita ang kakaibang kislap sa mga mata mo. Nakakalungkot lang dahil mas pinipili mo pa rin lumayo kaysa makasama kami ng mommy mo.”“Pinipili ko lang kung saan ako mas magiging masaya, dad. I’m sorry dahil hindi iyon sa piling mo,” matapat niyang sabi.“Alam ko, anak, at nagsisisi ako sa mga ginawa ko pa

    Last Updated : 2024-03-09

Latest chapter

  • The HUNTRESS   Final Chapter

    Pagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very

  • The HUNTRESS   Chapter 84

    Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi

  • The HUNTRESS   Chapter 83

    Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo

  • The HUNTRESS   Chapter 82

    Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.

  • The HUNTRESS   Chapter 81

    Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi

  • The HUNTRESS   Chapter 80

    Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi

  • The HUNTRESS   Chapter 79

    Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum

  • The HUNTRESS   Chapter 78

    Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru

  • The HUNTRESS   Chapter 77

    Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun

DMCA.com Protection Status