WE LIVE IN this small apartment with our Raizel and Blue running around. Paminsan-minsan, sa tuwing maaga akong nakakauwi galing sa trabaho at nakapaghanda na ng hapunan si Ja, pumupunta kami sa dalampasigan at naglalakad-lakad lang.Sabi nga ni Ja, kahit huwag na akong magtrabaho dahil kaya niya naman kaming buhayin ng anak niya. Kung alam niya lang na hindi ko ito ginagawa solely for raising our son. If only I could run away from the responsibility to my family, matagal ko nang ginawa. Pero ramdam ko sa likod ko na hinahabol ako ng mga sumbat nila, na unti-unting nagiging bangungot lalo pa’t dinamay nila ang anak ko.Hindi ko na lang muna iisipin pa ang bagay na iyon.Tinuon ko na lang ang isip sa mag-ama ko. Lalong lumiwanag ang mukha ng anak ko sa tuwing lumalabas kami ng bahay kahit pa hindi naman sa amusement park o mga pasyalan talaga ang punta. Enjoy niya lang ang walang direksyon na paglalakad namin. Minsan din na inabot kami ng alas-otso sa daan,
Read more