The children were having the best days of their lives. Kahit malamig ang panahon, ito at nagpapaligsahan sa paglangoy. Marunong na kasing lumangoy si Raizel at Raveia kaya naman lalong nag-enjoy ang kambal dahil hindi na lang silang dalawa ang nagpapabilisan.Wala silang kasamang kasambahay sa beach house, kaya ngayon, silang mga babae ang abala sa kusina habang ang mga lalaki ay nagbabantay at nakikipaglaro sa mga bata.At sa limang babaeng narito ngayon, siya lang ang hindi maalam sa pagluluto. Kaya ang pagdikdik ng bawang at paminta lang ang ginagawa niya."Gusto kong kumain ng buko salad," ani Ritchelle habang inaasikaso nito ang lasagna. "Gusto ko iyong fresh from the tree. Hindi naman kasi marunong umakyat ng puno iyong unggoy, este asawa ko kaya palaging binebenta sa palengke ang hinahanda ko."
Last Updated : 2023-02-27 Read more