Ibinalandra ko ang aking katawan sa kama. Ngayon ako nagsisisi kung bakit pumayag ako sa suhestyon ni Papa at ng ama ni Bianca, na si Tito Calixto na magpakasal dito. Si Tito Calixto ay matalik na kaibigan ni Papa at Tito William. At si Bianca ay kaisa-isahan nitong anak. Nang kausapin ako ni Tito Calixto at Papa, walang nakakaalam na kasal na ako kay Marga. At nangako ako sa sarili ko noon na hinding-hindi na magpapatali pa kahit kanino kailanman. Pero ng kausapin ako ng mga ito, nahikayat rin nila ako. Ito’y sa kadahilanang magiging palabas lang ang lahat. Isang pekeng kasal. Na pakakasalan ko lang si Bianca para isalba ang papalubog nang negosyo ng mga ito. At isa pa, may sakit na noon si Tito Calixto at hindi na ito magtatagal pa. Sa madaling salita, gagamitin ni Tito Calixto ang pangalan ko, ang pangalan ni Papa, para humikayat ng malalaking investors. Ang sabi pa nito sa akin, oras na nasa ayos na daw ang lahat at maayos na ang lagay ng buhay ni Bianca, pwede na akong kumawa
Read more