Home / Romance / Despised Relationships [Book 1] / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Despised Relationships [Book 1]: Chapter 21 - Chapter 30

42 Chapters

Chapter Twenty

Simula nang makasal ako, hindi na ako kinumusta pa ng mga parents ko. Kahit si Mommy manlang sana, kahit text o tawag manlang sana. Pero wala...Napagdesisyunan ko na puntahan na lamang sila sa bahay dahil baka busy lamang ang mga ito. Itinaon ko talagang linggo para siguradong nasa bahay sila. Dahil 'yon ang araw na walang pasok ang mga office workers.Hindi ko na naman nakita si Steve paglabas ko. Malamang ay maaga itong umalis para sa panibagong babae dahil walang trabaho. Hindi naman 'yon natigil sa bahay kahit rest day. Sanay na ako...Nag drive ako papunta sa subdivision namin sa San Lorenzo, katabi lang ng Village nina Amirah sa San Carlos. Pagkarating ko ay ang katulong ang sumalubong sa'kin, si Manang Aira.“Iha, napadalaw ka? Ang tagal mo na hindi nabisita ah! Kumusta ka na?” Masayang bungad sa'kin ni Manang na s'yang lagi kong kasama sa bahay.Naglakad kami ng sabay papasok sa loob ng bahay.“Okay lang po manang, kayo po?”“Okay naman kami rito, hinahanap mo ba ang mga Momm
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty One

Nag drive ako habang umiiyak, nag drive ako na walang pakialam kung mababangga ba ako.Isang malakas na busina ng truck ang nagpabalik sa akin sa realidad. Agad itong nagpreno at ganoon din naman ako. May sinasabi pa ito pero hindi ko magawang intindihin. Itinabi ko muna ang aking sasakyan sa tabing daan at hinayaan muna umiyak ang sarili.“'Yong totoo...” Basag na boses na pagkausap ko sa sarili habang nakasandal sa headrest ng aking upuan. “M-Masamang tao po ba talaga ako sa past life ko? B-Bakit ganito n'yo ko s-saktan? Bakit g-ganito niyo ako p-pahirapan?” sunod-sund kong tanong.Napayuko ako sa aking manibela at doon ibinuhos ang lahat ng gusto kong ilabas sa pamamagitan ng pag-iyak. Crying is the only choice I have everyday...Kung pwede lang sana sa bawat iyak ay mawawala na agad ang sakit. Kung pwede lang na iiyak ka lang magiging okay ka na pagkatapos. Pero hindi... Mababawasan lang ang bigat sa dibdib mo, pero hindi no'n mababago ang sakit na naidulot sa'yo.Nang medyo kuma
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty Two

“A...” nanghihina kong tawag sa pangalan ng kaibigan ko. Ngumiti ito sa'kin pero bigla rin may pumatak na luha na ipinagtaka ko.“Ang tapang mo...sobra...” naiiyak nitong sabi. Wala pa rin akong maintindihan. “Pero tama na B... Isuko mo na ha?” humikbi ito.“A... Ano ba sinasabi mo?” mabagal kong tanong dahil sa panghihina kong pakiramdam. “Tsaka paano mo nalaman na nandito ako?”“I saw you... Pupuntahan sana kita sa inyo pero nakasalubong ko ang sasakyan mo kaya sinundan ko. Hanggang sa makita kitang binuhat ng mga nurse at guard.” Sabi nito at hindi pa rin paawat ang mga luha nito. Ngumiti ako. Mabuti na lang pala meron akong siya...“Salamat...”“B... You know that no matter what happens, I'm always here for you right?” nagtataka man ay tumango ako. Hinawakan nito ang mga kamay ko at hinalikan bago humagulhol doon. “You l-lost your baby, B...” nahihirapan nitong saad.Ang ngiti ko ay unti-unting nawala. Natigilan ako sa narinig pero nagpaulit-ulit ito sa aking pandinig.You lost yo
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty Three

Dalawang linggo akong tumira kay Amirah. Dalawang linggo kaming magkasama kahit na madalas itong umalis. Matapos ang dalawang linggo ay napag pasyahan kong umuwi sa bahay namin ni Steve.“Are you sure na uuwi ka pa do'n?” nagaalalang tanong ni A.“Yeah... Asawa ko pa rin siya A—”“Wala akong pakialam kung asawa mo pa rin siya dahil hindi naman siya nagpaka asawa sa'yo.” May diin na sabi nito sa'kin. Napabuntong hininga naman ako.Alam kong galit na galit ito kay Steve dahil sa trato nito sa'kin. Kaya lang, kasal pa rin kami. Kahit sa papel lamang 'yon...“H'wag mo ko masyado alalahanin, hmm? Okay lang ako,” ngumiti pa ako rito.“Kailan ka ba mapapagod? Kailan mo ba matututuhan na mahalin ang sarili mo?” Seryosong tanong nito na ikinatigil ko. “Nawalan ka na ng anak B, hihintayin mo pa ba pati ikaw ay mawala? Dahil kapag nangyari 'yon, sisiguraduhin kong magiging criminal ako.”Tumulo ang luha ko dahil sa aking narinig sa kaibigan. Handa talaga siyang pumatay para lamang sa'kin. Handa
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty Four

"Umalis ka rito! Labas!" sigaw ni Daddy habang itinutulak ako palabas ng kwartong iyon."Daddy please! Gusto ko makausap si Mommy... Please!" pagmamakaawa ko."Layas! Hindi ka namin kailangan!" "Dad!!"Itinulak ako nito nang malakas palabas dahilan para ma-out of balance ako. Ramdam ko ang sakit sa paa ko bago ako mapaupo sa sahig. Tumama pa ang aking sintido sa pader ng hallway. Kahit masakit at hirap ay pinilit kong tumayo para pumunta muli sa pinto. Pero pinagsarhan na ako ni Daddy."Dad please!!! Awa niyo na po! Gusto ko makausap si Mommy!" umiiyak kong pakiusap kay Daddy habang hinahampas ang kan'yang pinto. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa loob, mula kay Daddy. Humagulhol ako nang iyak habang nakatuon ang noo sa pinto. Ramdam ko na na hindi ko maituon nang maayos ang kaliwang paa ko."Mommy ko..." nanghihina kong sambit. "Hintayin mo ko Mommy..."Mabagal akong naglakad pababa ng hagdan. Hirap na hirap ako dahil sa sakit na nararamdam ko sa paa ko. Nang makababa na ako ay
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty Five

Hindi ko napigilan pa ang galit ko, hindi ko na napigilan pa emosyon ko. Umiiyak akong pumasok sa kwarto ko. Dahan-dahan kong inalis ang sapatos ko dahil sa sakit ng paa ko. Hinagis ang bag kung saan bago pabagsak na nahiga sa kama ko. Tanghali pa lamang pero antok na antok na agad ako. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Hinayaan kong makatulog ang sarili ko habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.Pagod na pagod na ako sa lahat, pero kung mayroon man akong isusuko sa mga 'yon, isusuko ko na lamang si Steve. Dahil mas gusto kong maayos ang sarili ko at ang sa pamilya ko, kaysa ipilit ang hindi naman mangyayari—ang sa amin ni Steve. Imposible na, dahil nawala na rin ang nararamdaman ko. Dahil siya ang dahilan ng paghihirap ko.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, naramdaman ko na lamang na may dumadampi na malambot sa sintido ko. Ramdam na ramdam ko rin ngayon ang sakit sa paa ko.Unti-unti kong i-minulat ang aking mga mata para malaman kung sino ang pumasok sa kwar
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty Six

Hirap na hirap akong maligo dahil hindi ko pwedeng basain ang paa ko na may bandage. Tuloy ay natagalan ako sa banyo.Mabagal at hirap na hirap akong bumaba ng hagdan para sana makainom ng tubig. Pero pagbaba ko ay natigilan ako dahil nandito ulit si Asher. Seryosong nakatingin kay Steve na seryoso naman ang mukha na nakatingin sa lamesa. Nang maramdaman nila ang prisensya ko ay agad napatayo si Asher.“Hey... I told you hindi mo pa s'ya pwede ilakad. Tsaka, naligo ka? May lagnat ka ah?” inalalayan ako nito paupo sa tabi niya.“Iinom lang sana ako, tsaka sinat na lang naman kaya iniligo ko na.”“Ang tigas ng ulo mo. Tss. Wait, ako na kukuha ng tubig mo.”“Salamat,” Pagtingin ko sa harap kung nasaan si Steve ay seryoso lamang itong nakatingin sa'kin. Hindi ito nagsasalita, basta nakatingin lamang ito sa'kin na ipinagtaka ko.“Here,” biglang harang ni Asher sa harapan ko. “Salamat...”Umupo muli ito sa tabi ko. Ang awkward lang dahil masyado silang seryoso.Inilapag ko nang dahan-daha
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty Seven

Binuhat ako ni Asher pabalik sa kwarto ko habang umiiyak. Marahan ako nitong inihiga sa aking kama at pinunasan ang aking mukha ng kan'yang panyo.“Iyon ba ang inaasikaso mo kaya ka palagi raw umaalis?” tanong nito na ikinatigil ko. Mapapagkatiwalaan ko naman siguro siya.“Ang totoo, h-hindi ako ang nag-asikaso no'n. Ang best friend ko. Alam niya kasi ang mga nangyayari, nandoon din siya nang makunan ako.”“I see... Hindi ko siya masisisi na gawin niya ang lahat para sa kaibigan niya. Pero... Kung hindi pala 'yon ang inaasikaso mo, saan ka napunta?”“Sa kaibigan ko... Sa kan'ya ako tumatakbo kapag kailangan ko,” malungkot kong sagot.“Bakit hindi sa parents mo?” napatingin ako sa gawi niya.“May problema pa ako sa pamilya ko na inaayos ko. Kaya... Gusto ko muna tapusin ang sa amin ni Steve. Iisa lang ako, pero sobrang daming problema ang ibinigay sa'kin.”“Do you need my help?”“Sa ngayon, gusto ko lang mapawalang bisa ang kasal namin at umalis dito. Malaking kabawasan na sa problema
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty Eight

Agad kong ibinalita kay A ang magandang balita na pinakawalan na ako ni Steve. Dahil siya ang may alam ng lahat ng pinagdadaanan ko sa kamay nito. Masayang-masaya ito at sinabing mag-impake na ako at sa kan'ya na manirahan. Kaya naman agad kong inayos ang mga gamit ko.Inabot na ako ng hapon sa pag-iimpake ng mga gamit ko. Isang malaking maleta at isang bagpack ang dala ko na hirap na hirap kong ibinaba sa hagdan. Natigilan ako sa pinakahuling baitang ng hagdan dahil naabutan kong nakamasid sa'kin si Steve.Bumaba ang tingin nito sa dala kong maleta bago bumalik ang tingin sa'kin. Nakaupo ito sa sofa at nakaharap sa gawi ko.“You're...leaving already?” tanong nito.“Yeah, I told you. Basta mapirmahan mo aalis na ako sa bahay na ito, at sa buhay mo. Malaya ka nang dalhin ang mga babae mo rito.” Hindi ito nagsalita pero nakatitig ito sa'kin. “Thank you sa pirma. Bye.” Tinalikuran ko na ito at lumabas na ng bahay. Ang bahay na saksi sa lahat ng paghihirap ko. Ang bahay na walang magan
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more

Chapter Twenty Nine

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak. Hindi ko alam kung sino-sino ang mga tao sa paligid ko. Pero hindi ako umalis sa pagkakayakap sa kabaong ni Mommy habang umiiyak. Hinayaan naman ako ni Amirah at binigyan ng oras mag-isa."M-Mommy..." mahina ngunit umiiyak kong tugon kay Mommy. "Magkasama na ba kayo ni B-Baby? H-Hindi ba siya umiiyak?" walang humpay na tumutulo ang mga luha ko."M-Mommy... B-Bakit hindi mo na ako nahintay? B-Bakit hindi ka lumaban? S-Sino may gawa nito? P-Pinahirapan ka ba ng sobra?" sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa maamo niyang mukha. "Mommy... H-Hindi ko alam kung paano t-tatanggapin... Wala ng natira sa'kin...""B..." tawag ni Amirah at inalalayan ako sa balikat para itayo. "Ang Daddy mo nand'yan..." agad akong napatingin kung nasaan si Daddy.Mabagal itong naglalakad papalapit sa gawi ko habang nakatingin sa'kin ng diretso. Nakaramdam ako ng matinding galit. Galit na galit dahil sa pagkawala ng Mommy ko. Paglapit nito ay agad ko itong pinag
last updateLast Updated : 2022-05-29
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status