"Umalis ka rito! Labas!" sigaw ni Daddy habang itinutulak ako palabas ng kwartong iyon."Daddy please! Gusto ko makausap si Mommy... Please!" pagmamakaawa ko."Layas! Hindi ka namin kailangan!" "Dad!!"Itinulak ako nito nang malakas palabas dahilan para ma-out of balance ako. Ramdam ko ang sakit sa paa ko bago ako mapaupo sa sahig. Tumama pa ang aking sintido sa pader ng hallway. Kahit masakit at hirap ay pinilit kong tumayo para pumunta muli sa pinto. Pero pinagsarhan na ako ni Daddy."Dad please!!! Awa niyo na po! Gusto ko makausap si Mommy!" umiiyak kong pakiusap kay Daddy habang hinahampas ang kan'yang pinto. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa loob, mula kay Daddy. Humagulhol ako nang iyak habang nakatuon ang noo sa pinto. Ramdam ko na na hindi ko maituon nang maayos ang kaliwang paa ko."Mommy ko..." nanghihina kong sambit. "Hintayin mo ko Mommy..."Mabagal akong naglakad pababa ng hagdan. Hirap na hirap ako dahil sa sakit na nararamdam ko sa paa ko. Nang makababa na ako ay
Hindi ko napigilan pa ang galit ko, hindi ko na napigilan pa emosyon ko. Umiiyak akong pumasok sa kwarto ko. Dahan-dahan kong inalis ang sapatos ko dahil sa sakit ng paa ko. Hinagis ang bag kung saan bago pabagsak na nahiga sa kama ko. Tanghali pa lamang pero antok na antok na agad ako. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Hinayaan kong makatulog ang sarili ko habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.Pagod na pagod na ako sa lahat, pero kung mayroon man akong isusuko sa mga 'yon, isusuko ko na lamang si Steve. Dahil mas gusto kong maayos ang sarili ko at ang sa pamilya ko, kaysa ipilit ang hindi naman mangyayari—ang sa amin ni Steve. Imposible na, dahil nawala na rin ang nararamdaman ko. Dahil siya ang dahilan ng paghihirap ko.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, naramdaman ko na lamang na may dumadampi na malambot sa sintido ko. Ramdam na ramdam ko rin ngayon ang sakit sa paa ko.Unti-unti kong i-minulat ang aking mga mata para malaman kung sino ang pumasok sa kwar
Hirap na hirap akong maligo dahil hindi ko pwedeng basain ang paa ko na may bandage. Tuloy ay natagalan ako sa banyo.Mabagal at hirap na hirap akong bumaba ng hagdan para sana makainom ng tubig. Pero pagbaba ko ay natigilan ako dahil nandito ulit si Asher. Seryosong nakatingin kay Steve na seryoso naman ang mukha na nakatingin sa lamesa. Nang maramdaman nila ang prisensya ko ay agad napatayo si Asher.“Hey... I told you hindi mo pa s'ya pwede ilakad. Tsaka, naligo ka? May lagnat ka ah?” inalalayan ako nito paupo sa tabi niya.“Iinom lang sana ako, tsaka sinat na lang naman kaya iniligo ko na.”“Ang tigas ng ulo mo. Tss. Wait, ako na kukuha ng tubig mo.”“Salamat,” Pagtingin ko sa harap kung nasaan si Steve ay seryoso lamang itong nakatingin sa'kin. Hindi ito nagsasalita, basta nakatingin lamang ito sa'kin na ipinagtaka ko.“Here,” biglang harang ni Asher sa harapan ko. “Salamat...”Umupo muli ito sa tabi ko. Ang awkward lang dahil masyado silang seryoso.Inilapag ko nang dahan-daha
Binuhat ako ni Asher pabalik sa kwarto ko habang umiiyak. Marahan ako nitong inihiga sa aking kama at pinunasan ang aking mukha ng kan'yang panyo.“Iyon ba ang inaasikaso mo kaya ka palagi raw umaalis?” tanong nito na ikinatigil ko. Mapapagkatiwalaan ko naman siguro siya.“Ang totoo, h-hindi ako ang nag-asikaso no'n. Ang best friend ko. Alam niya kasi ang mga nangyayari, nandoon din siya nang makunan ako.”“I see... Hindi ko siya masisisi na gawin niya ang lahat para sa kaibigan niya. Pero... Kung hindi pala 'yon ang inaasikaso mo, saan ka napunta?”“Sa kaibigan ko... Sa kan'ya ako tumatakbo kapag kailangan ko,” malungkot kong sagot.“Bakit hindi sa parents mo?” napatingin ako sa gawi niya.“May problema pa ako sa pamilya ko na inaayos ko. Kaya... Gusto ko muna tapusin ang sa amin ni Steve. Iisa lang ako, pero sobrang daming problema ang ibinigay sa'kin.”“Do you need my help?”“Sa ngayon, gusto ko lang mapawalang bisa ang kasal namin at umalis dito. Malaking kabawasan na sa problema
Agad kong ibinalita kay A ang magandang balita na pinakawalan na ako ni Steve. Dahil siya ang may alam ng lahat ng pinagdadaanan ko sa kamay nito. Masayang-masaya ito at sinabing mag-impake na ako at sa kan'ya na manirahan. Kaya naman agad kong inayos ang mga gamit ko.Inabot na ako ng hapon sa pag-iimpake ng mga gamit ko. Isang malaking maleta at isang bagpack ang dala ko na hirap na hirap kong ibinaba sa hagdan. Natigilan ako sa pinakahuling baitang ng hagdan dahil naabutan kong nakamasid sa'kin si Steve.Bumaba ang tingin nito sa dala kong maleta bago bumalik ang tingin sa'kin. Nakaupo ito sa sofa at nakaharap sa gawi ko.“You're...leaving already?” tanong nito.“Yeah, I told you. Basta mapirmahan mo aalis na ako sa bahay na ito, at sa buhay mo. Malaya ka nang dalhin ang mga babae mo rito.” Hindi ito nagsalita pero nakatitig ito sa'kin. “Thank you sa pirma. Bye.” Tinalikuran ko na ito at lumabas na ng bahay. Ang bahay na saksi sa lahat ng paghihirap ko. Ang bahay na walang magan
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak. Hindi ko alam kung sino-sino ang mga tao sa paligid ko. Pero hindi ako umalis sa pagkakayakap sa kabaong ni Mommy habang umiiyak. Hinayaan naman ako ni Amirah at binigyan ng oras mag-isa."M-Mommy..." mahina ngunit umiiyak kong tugon kay Mommy. "Magkasama na ba kayo ni B-Baby? H-Hindi ba siya umiiyak?" walang humpay na tumutulo ang mga luha ko."M-Mommy... B-Bakit hindi mo na ako nahintay? B-Bakit hindi ka lumaban? S-Sino may gawa nito? P-Pinahirapan ka ba ng sobra?" sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa maamo niyang mukha. "Mommy... H-Hindi ko alam kung paano t-tatanggapin... Wala ng natira sa'kin...""B..." tawag ni Amirah at inalalayan ako sa balikat para itayo. "Ang Daddy mo nand'yan..." agad akong napatingin kung nasaan si Daddy.Mabagal itong naglalakad papalapit sa gawi ko habang nakatingin sa'kin ng diretso. Nakaramdam ako ng matinding galit. Galit na galit dahil sa pagkawala ng Mommy ko. Paglapit nito ay agad ko itong pinag
Simula nang araw na 'yon ay hindi ko na muli kinausap pa si Daddy at si Steve. Sila ang sinisisi ko sa lahat nang nangyari sa'kin. Hindi na rin ako umalis ng bahay at palaging nasa tabi ni Mommy. Araw-araw nandito ang pamilya ni Steve pero ni minsan ay hindi ko sila hinarap. Hindi ko alam kung may alam naba ang mga ito sa nangyaring hiwalayan. O kung alam na ba nila ang kalokohang ginawa sa'kin ni Steve nang nagsasama pa kami. Dahil wala na rin naman akong pakialam sa kanila. Sa kahit kanino na may kaugnayan sa mga taong kinamumuhian ko.Hanggang sa huling sandali ni Mommy ay walang tigil ang pag-iyak ko hanggang sa ma-ilibing ito. Wala ako sa sarili habang nakaupo sa garden at nakayakap sa picture ni Mommy.I missed you already Mommy...“Hey... Are you okay?” tanong nang tumabi sa'kin.Bakit ba palagi na lamang nila ako inaabala?!“Uso ba sa'kin ang maging okay?” sarkastiko kong tanong sa kausap.“Things will get better soon... I'm sorry for your lost...” malungkot niyang sabi dahi
▪Steve Pov ▪Today September 2, is the happiest day of my life. Because, finally, my girlfriend say yes to my proposal! After ng proposal ay nagpaalam ako sa girlfriend ko na si Nicole para pumunta sa birthday party ng kakilala ko. And she let me. She's a type of girlfriend who understand me always. Hindi siya basta nagagalit, naghihintay ito ng paliwanag. Hindi rin ito selosa, dahil sinigurado ko naman sa kan'ya na wala siyang pagseselosan. She's not rich, but, I admired her for being so kind, and helpful to her family. Mayaman ito sa magagandang pangaral ng magulang. Maraming nagkakagusto rito na classmate ko at classmates niya. Maganda kasi ito at palangiti. Isa rin sa matatalinong kilala ko sa batch namin. Kaya ang daming nainggit sa relasyon namin lalo na nang ma-engaged na kami...Masaya akong nakikipag kwentuhan sa mga tropa ko na si Louie at Michael na kasama ko rito sa bahay ni Rose. Ang may birthday. Medyo nakakarami na rin kami ng inom kaya naman panay na ang tawanan nam