Kiara POV Ilang araw ng hindi kami nagkikita ni Nigel at kahit mga tawag ko ay hindi niya sinasagot na ikinataka ko, kahit busy siya ay naglalaan siya ng oras sa akin o kaya ay tatawagan niya ako pero ngayon ay hindi. Ano kaya ang nangyayari? At dahil hindi ako mapakali ay nagpasya akong puntahan siya sa kanyang condo, walang pasok ngayon kaya alam kung nando'n siya. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Kuya ng makababa ako. "Pupunta lang ako kay Nigel." sagot ko naman. Kumunot naman ang noo niya. "May prolema ba?" Umiling naman ako. "Wala ah, bakit mo natanong?" tanong ko sa kanya. "Ilang araw ko na kasing napapansin na hindi kayo magkasama kaya akala ko ay nag away kayo." Tumawa naman ako. "Tamang hinala ka na naman r'yan kuya, pareho lang kaming busy kaya hindi kami masyadong nagkikita." saad ko at nagpaalam na sa kanya, hapon na din kasi. Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive papunta sa condo ng fiance ko, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.
Huling Na-update : 2022-10-28 Magbasa pa