Home / Romance / Beautiful Bastard / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Beautiful Bastard: Chapter 1 - Chapter 10

119 Chapters

Chapter 1

Kiara POV Papunta ako ngayon sa opisina ng kapatid ko pero hindi pa ako nakakapasok ay narinig ko na ang galit niyang boses. Bago ko pa pihitin ang pinto ay nagbukas na ito at lumabas ang kanyang sekretarya na umiiyak. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko ang kapatid ko na nakatayo habang may hawak na baso na may laman na alak. “What happen kuya?” tanong ko sa kanya. “She is stupid, that’s all.” sagot niya sa akin. “At sigurado akong tinanggal mo na siya sa trabaho, ano ka ba naman kuya pang ilang sekretarya mo na ‘yan!” singhal ko sa kanya. “Hindi siya matatanggal kung inaayos niya ang trabaho, ilang beses ko na sinabi sa kanya na mag focus siya sa work pero inuuna ang kalandian.” Napabuntong hininga naman ako, I know my brother kapag trabaho ang usapan ay seryoso ito. “Kahit kailan talaga napakainitin ng ulo mo, mana ka kay Dad. And why are you drinking? It’s too early.” I ask him. “Konti lang ito pampatanggal ng stress. Anyway, why are you here?” “I’m just bored so I decid
last updateLast Updated : 2022-05-31
Read more

Chapter 2

Beatrice POV Napaupo ako sa bakanteng upuan ng marinig ko ang sinabi ng doctor. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa operasyon ng nanay ko, hindi pa sapat ang naipon ko kahit na ilang trabaho na ang pinasukan ko. Hindi naman kasi kami lumaki na mayaman, sapat lang ang kinikita ng mga magulang ko para matustusan ang pang araw araw namin. Maaga pang kinuha sa amin si tatay kaya mas naging mahirap pa ang buhay namin idagdag mo pang nagkasakit ang nanay ko. Nag iisa lang ako anak pero alam kung ginagawa lahat ng mga magulang ko para sa akin, hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil kailangan kung matrabaho para mabuhay kami ng nanay ko. At ngayon hindi ko alam kung saan ako kukuha ng isa’t kalahating milyon para matuloy ang operasyon ni inay dahil kapag tumagal pa ay baka hindi niya na kayanin. Siya na lang ang meron ako ngayon kaya gagawin ko ang lahat para mabuhay lang siya. Hindi na din ako pwedeng mangutang dahil hindi ko pa nababayaran ang mga pinag utangan na
last updateLast Updated : 2022-05-31
Read more

Chapter 3

Storm POV Napahilot na lang ako sa sentido ko ng makaalis ang kapatid ko. Alam kung hindi niya na naman ako titigilan kakabunganga kapag nanatili pa siya dito kahit na sanay naman na siya sa ugali ko. Tama siya ng sinabi na walang tumatagal na sekretarya ko dahil palagi ko itong tinatanggal sa trabaho. Ayaw ko sa lahat ng empleyado ang tamad at may tinatagong landi sa katawan. Kung gusto nila magtagal ay kailangan din nilang ayusin ang trabaho nila dahil maayos ko silang binabayaran. I treasure this company dahil isa ito sa iniwan sa amin ni Daddy habang si Kiara naman ang namamahala sa restaurant ni Mommy at meron din siyang mga boutiques. Ginawa ko ang lahat para mapanatiling maayos at successful ang Alcantara Company dahil ito na lang ang alala na meron kami galing sa mga magulang namin. I admit that until now I’m still mourning, hindi ko pa din matanggap ang pagkamatay nilang dalawa. Ang sabi nga nila Tito Cain ay malaki ang pinagbago ko, hindi na ako tukad ng dati na masiyahin
last updateLast Updated : 2022-05-31
Read more

Chapter 4

Kiara POV Nakatingin lang ako sa kuya kung paakyat na ng taas, hindi pwedeng hindi ko siya mapilit na tanggapin si Bea bilang sekretarya niya. May tiwala ako sa babaeng ‘yon at alam kung magagampanan niya ng maayos ang trabaho. At dahil desisido akong mapapayag siya at sinundan ko siya sa kanyang kwarto. Pagpasok ko ay hindi ko siya nakita pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya sigurado akong naliligo siya. Umupo muna ako sa kama habang hinihintay siyang matapos. Mayamaya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo at lumabas ang kapatid ko, napatingin naman ito sa akin. "What are you doing here?" He asked. "Hindi pa tayo tapos mag usap kuya!" singhal ko sa kanya. "Kung ipipilit mo pa rin ang sinasabi mo sa akin kanina my answer is still no." Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Kuya she needs this work, kailangan maoperahan ng nanay niya." saad ko. "And so? Gusto mo pang gawing charity ang kompanya? You can help her if you want. You have your business right?
last updateLast Updated : 2022-05-31
Read more

Chapter 5

Storm POV Nandito na ako ngayon sa opisina ko kahit 7am pa lang, madalas akong maaga kung pumasok para hindi ako matambakan ng trabaho. Naalala ko na naman ang sinasabi ng kapatid ko, ano kayang meron sa kanya kung bakit gano'n na lang ang tiwala sa kanya ni Kiara, I know she help my sister last time pero para ipasok siya nito sa kompanya ko ay nakakapagtaka. Mabait ang kapatid ko pero hindi siya madaling magtiwala at kahit na ayaw ko sa pabor na hinihingi niya ay wala akong magawa kung hindi ang pumayag. Yes I am heartless to other people pero pagdating sa kapatid ko ay nag iiba ako. Hahayaan ko na lang muna siya basta malinaw naman ang naging pag uusap namin na kapag hindi ko nagustuhan ang gawa ng babaeng 'yon ay tatanggalin ko siya. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto. Marahil ay ito na ang sinasabi sa akin ni Kiara." Come in." Bumukas naman agad ang pinto at pumasok ang isang babae, maganda naman pala siya. "Good morning po Mr. Alcantara." bati niya sa
last updateLast Updated : 2022-05-31
Read more

Chapter 6

Beatrice POV Dalawang linggo na ang lumipas simula ng magtrabaho ako sa Alcantara Company bilang sekretarya ni Storm at isa lang ang masasabi ko 'yon ang ang ubod sama ng ugali ng boss ko, walang araw na hindi niya ako nasisinghalan pero kahit gano'n pa man ay nasasanay na din ako sa kanya. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit walang nagtatagal sa kanya dahil mabilis uminit ang ulo niya lalo na kapag may mali kang nagawa sa trabaho at hindi ko naman siya masisisi dahil alam kung pinapangalagaan niya lang ang kompanya nila. Masaya pa rin ako kahit papaano dahil nakakasama ko ang matagal ko ng kaibigan na si Nicole, hindi na kasi kami nagkaroon ng komunikasyon simula ng lumipat kami ng bahay at mabuti na lang dito din siya nagtatrabaho kaya kahit papaano ay may kakilala na ako. Tungkol naman sa nanay ko ay naoperahan na siya no'ng isang linggo sa tulong na din ni Sir Storm dahil siya ang gumastos ng lahat sa ospital pati na din ang mga pinagkakautangan namin ay binayaran niya, kaya k
last updateLast Updated : 2022-06-11
Read more

Chapter 7

Nigel POV Nandito ako ngayon sa kompanya ng matalik kung kaibigan na si Storm, kakauwi ko lang kahapon galing sa ibang bansa dahil may inasikaso ako do'n. Halos ilang buwan din akong nanatili do'n at ngayon lang nakauwi. Papalapit na ako sa opisina niya ng matanaw ko ang hindi ko kilala babae, mukhang bago na naman niyang sekretarya ito, lumapit ako sa kanya para tanungin kung nasa loob ba ang kanyang boss. "Hi Miss." bati ko. Iniangat niya naman ang tingin niya sa akin. "Good morning po Sir, may kailangan po ba kayo?" magalang na tanong niya. "Is your boss here?" Tumango naman siya. "Nasa loob po siya, may appointment po ba kayo sa kanya?" Umiling naman ako. "I'm his best friend." pakilala ko sa kanya. "Oh, I see, pasensya na po kayo at bago lang ako kaya hindi ko kayo kilala. Pumasok na lang po kayo sa loob at nandyan lang siya." Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso nasa loob. Naabutan ko si Storm na prenteng nakaupo habang nakatutok sa kanyang phone. "Mukhang hindi ya
last updateLast Updated : 2022-06-11
Read more

Chapter 8

Beatrice POV Sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho kaya nandito ako ngayon sa ospital at binabantayan ang nanay ko, masaya ako dahil unti unti na siyang nakakarecover at alam kung wala na sa panganib ang buhay niya. "Anak ang lalim yata ng iniisip mo." napabalik ang tingin ko sa nanay ko ng magsalita ito. "Masaya lang ako nay dahil maayos na ang kalagayan mo." saad ko. Ngumiti naman siya sa akin. "At dahil 'yon sayo anak, kung wala ka ay marahil matagal na din ako patay." "Huwag ka nga magsalita ng ganyan nay! Hindi ko pa kayang mag isa." anas ko. "Maiba ako anak, kamusta ka naman sa trabaho mo? Baka naman pinapahirapan ka ng boss mo." "Ayos lang naman ako nay, maswerte na nga ako sa trabaho ko ngayon dahil kahit hindi ako nakagraduate ay natanggap ako kompanya na 'yon at naging sekretarya pa ng CEO. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang magkapatid dahil sila ang tumulong sa akin para mailigtas ang buhay mo." wika ko. "Salamat anak, salamat sa lahat ng ginagawa mo para
last updateLast Updated : 2022-06-12
Read more

Chapter 9

Kiara POV Kakaalis ko lang sa ospital dahil dinalaw ko ang nanay ni Beatrice at isa pa ay alam kung nando'n din siya dahil wala siyang pasok ngayon sa kompanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi matawa sa mga kwento niya sa akin, mukhang nakakita na ng katapat ang kapatid ko. Hindi ko naman masisisi si kuya kung bakit ganyan siya, alam ko na hanggang ngayon ay nagluluksa pa din siya. He is still longing for their presense at gano'n din naman ako kahit hindi ko sila nakasama ng matagal how much more pa kaya si kuya. Hindi man niya sabihin ay alam kung nasasaktan pa din siya hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang nakalipas. Naging okay lang naman siya kahit papaano ng makilala niya si Ate Kaye, I thought they will end up together pero hindi din pala dahil mas pinili niya na iwan ang kapatid ko. Saksi ako kung paano naging miserable ang buhay ni kuya ng maghiwalay sila ni Ate Kaye pero ang alam ko ngayon ay okay na sila kahit papaano, they are friends. Paglaba
last updateLast Updated : 2022-06-12
Read more

Chapter 10

Nigel POV Habang kinakausap ko si Kiara ay nanatili lang siyang nakayuko at hindi man lang umiimik, ganito siya kapag ako na ang nagsasalita ng seryoso na kahit may pagkabrat siya ay marunong siyang makinig sa mga sinasabi sa kanya. "Babe?" pagkuha ko sa atensyon niya. Napatingin naman siya sa akin. "I'm sorry." mahinang bulalas niya. "I'm not mad at you okay? Galit lang ako sa mga pinaggagawa mo at ayaw ko ng maulit pa 'yon lalo na't nandito na ulit ako." saad ko. "W-what do you mean?" "Anong klaseng tanong 'yan? Syempre babawiin ko ang dapat sa akin." ani ko. Hindi naman siya agad nakasagot at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya ginulo ko ang kanyang buhok. "I told you the last time we talked na aayusin natin ang hindi natin pagkakaunawaan right?" saad ko. "I thought hindi mo na ako babalikan." "Who said that? Alam mong mahal kita." wika ko. Kinuha ko naman ang isang kamay niya at inilagay ang singsing sa kanyang daliri dahilan para umiyak na siya ng tuluyan. "Pinagawa
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status