Beatrice POV
Napaupo ako sa bakanteng upuan ng marinig ko ang sinabi ng doctor. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa operasyon ng nanay ko, hindi pa sapat ang naipon ko kahit na ilang trabaho na ang pinasukan ko.
Hindi naman kasi kami lumaki na mayaman, sapat lang ang kinikita ng mga magulang ko para matustusan ang pang araw araw namin. Maaga pang kinuha sa amin si tatay kaya mas naging mahirap pa ang buhay namin idagdag mo pang nagkasakit ang nanay ko.
Nag iisa lang ako anak pero alam kung ginagawa lahat ng mga magulang ko para sa akin, hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil kailangan kung matrabaho para mabuhay kami ng nanay ko.
At ngayon hindi ko alam kung saan ako kukuha ng isa’t kalahating milyon para matuloy ang operasyon ni inay dahil kapag tumagal pa ay baka hindi niya na kayanin. Siya na lang ang meron ako ngayon kaya gagawin ko ang lahat para mabuhay lang siya. Hindi na din ako pwedeng mangutang dahil hindi ko pa nababayaran ang mga pinag utangan namin.
“Are you okay Bea?” napatingin ako sa katabi ko, nawala sa isip ko na kasama ko pala siya.
Ngumiti naman ako sa kanya. “Oo okay lang ako.”
“I know you are not, hindi mo kailangan magsinungaling sa akin.”
“Kailangan kung maging malakas Kiara dahil ako lang ang inaasahan ng nanay.” pag amin ko sa kanya.
“Kung kailangan mo ng pera pwede kita munang pahiramin para naman maoperahan na ang nanay mo.”
Umiling naman ako. “Hindi na, masyadong nakakahiya dahil hindi pa naman tayo matagal na magkakilala. Ayaw ko isipin ng iba na nagtake advange ako.” anas ko.
“Alam kung hindi mo tatanggapin kapag tinulungan kita kaya nga ang sabi ko ay utang na lang muna.”
“Salamat Kiara pero hindi ko matatanggap ‘yan, kaya ko pa naman maghanap ng iba pang trabaho.” wika ko.
“Pero kailangan na ng nanay mo ang maoperahan sa lalong madaling panahon, kahit ilang trabaho pa ang pasukan mo ay hindi ka agad makakaipon ng gano’n kalaking halaga.”
Natahimik ako dahil sa sinabi niya, may punto siya. Kahit na magtrahabo ako buong araw at magdamag ay hindi ko kayang maipon ang pambayad sa operasyon ng nanay ko.
“Kung ayaw mo naman na umutang sa akin may isa pa akong pwedeng maging suggestion since plano mo naman maghanap ng trabaho. Mag apply ka na lang sa kompanya namin.”
Napatingin naman ako sa kanya. “Mas lalong mahirap ‘yang suhestyon mo Kiara, hindi naman ako nakapagtapos ng college at alam kung mataas ang standard ng kompanya niyo kaya sigurado akong puro mga graduate ang empleyado niyo.” saad ko.
“Don’t worry about it dahil ako na ang bahala sa bagay na ‘yon.”
“Ano naman ang trabahong inaalok mo sa akin?” tanong ko sa kanya.
“To be my brother’s secretary.”
Nanlaki naman ang mga mata ko. “Ano? Ayaw ko nga! Hindi ako pasok diyan sa posisyon na ‘yan lalo na’t sekretarya ng kapatid mo.” bulalas ko.
“Wala siyang sekretarya ngayon dahil tinanggal niya na naman.”
“Oh diba? Ikaw na ang nagsasabi na walang nagtatagal sa kapatid mo, paano pa kaya ako?” anas ko.
“Ako ang kakausap sa kapatid ko, wala naman reklamo ‘yon kapag ako na ang nagsabi sa kanya, ganyan niya ako ka mahal basta ayusin mo lang ang trabaho mo.”
Saglit naman akong natahimik at hindi nakapagsalita, kakayanin ko kayang maging boss ang isang Storm Kyzer Alcantara?
Tinapik naman ako sa braso ni Kiara. “Pag isipan mong mabuti ang offer ko sayo, dahil malaki ang magiging sweldo mo kaya pwede ng matuloy ang operasyon ng nanay mo at makakabayad ka na din sa mga pinag utangan mo.”
“S-sige.” sagot ko naman sa kanya.
“What do you mean?”
“Pumapayag na ako sa inaalok mo, kailangan ko lang talaga para mailigtas ang buhay ng nanay ko.” saad ko.
“Great! I will talk to my brother later about it.”
“Pero sigurado ka ba? Baka hindi pumayag ang kapatid mo.” nag aalalang tanong ko.
“Huwag mo na isipin ang baga na ‘yon dahil ako na ang bahala. At kapag maayos na ang lahat ay pwede ng operahan ang nanay mo.”
“Paano naman mangyayari ‘yon eh wala pa nga akong pera pambayad.” wika ko.
“Si kuya na ang bahala do’n, sasabihin ko naman ang totoo sa kanya para mapahiram ka niya ng pera at mabayaran ang mga utang niyo tutal magtatrabaho ka naman sa kanya.”
Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat, nag usap pa kami saglit at mayamaya pa ay nagpaalam na siya na aalis na. Ihahatid ko pa sana siya sa labas pero tumanggi na ito at sinabi niya na bantayan ko na lang ang nanay ko.
Hinawakan ko naman ang kamay ng nanay ko na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
“Huwag kang mag alala nay at maooperahan ka na din. Mukhang hulog ng langit sa atin si Kiara dahil siya ang nag offer sa akin ng trabaho at hindi lang basta basta na trabaho kung hindi sekretarya pa ng kapatid niya, ngayon ko lang din nalaman na sila pala ang may ari ng Alcantara Company.” pagkwento ko sa kanya.
Bigla ko tuloy na miss ang kaibigan kung si Nicole, simula kasi ng huminto na ako sa kolehiyo ay wala na akong naging balita sa kanya. Alam kung graduate na din siya ngayon at mukhang nagtatrabaho na din, sana lang ay magkita kami ulit.
Napaisip ako bigla sa magiging trabaho ko sa Alcantara Company, hindi kaya ako mahihirapan? Ang sabi ni Kiara ay walang tumatagal na sekretarya ng kapatid niya. Mukhang totoo nga ang sinasabi ng iba na strikto at masungit ang CEO nito, pero wala naman masama kung susubukan ko dahil kailangan ko ng pera at balita ko malaki ito kung magpasahod sa mga empleyado.
Bahala na nga! Ang importante sa ngayon ay mapaopera ko si nanay para hindi na ako mag alala sa kanya, pagbubutihan ko na lang ang trabaho ko kung sakali dahil alam kung malaki ang magiging utang ko sa kapatid ni Kiara pag nagkataon.
Storm POV Napahilot na lang ako sa sentido ko ng makaalis ang kapatid ko. Alam kung hindi niya na naman ako titigilan kakabunganga kapag nanatili pa siya dito kahit na sanay naman na siya sa ugali ko. Tama siya ng sinabi na walang tumatagal na sekretarya ko dahil palagi ko itong tinatanggal sa trabaho. Ayaw ko sa lahat ng empleyado ang tamad at may tinatagong landi sa katawan. Kung gusto nila magtagal ay kailangan din nilang ayusin ang trabaho nila dahil maayos ko silang binabayaran. I treasure this company dahil isa ito sa iniwan sa amin ni Daddy habang si Kiara naman ang namamahala sa restaurant ni Mommy at meron din siyang mga boutiques. Ginawa ko ang lahat para mapanatiling maayos at successful ang Alcantara Company dahil ito na lang ang alala na meron kami galing sa mga magulang namin. I admit that until now I’m still mourning, hindi ko pa din matanggap ang pagkamatay nilang dalawa. Ang sabi nga nila Tito Cain ay malaki ang pinagbago ko, hindi na ako tukad ng dati na masiyahin
Kiara POV Nakatingin lang ako sa kuya kung paakyat na ng taas, hindi pwedeng hindi ko siya mapilit na tanggapin si Bea bilang sekretarya niya. May tiwala ako sa babaeng ‘yon at alam kung magagampanan niya ng maayos ang trabaho. At dahil desisido akong mapapayag siya at sinundan ko siya sa kanyang kwarto. Pagpasok ko ay hindi ko siya nakita pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya sigurado akong naliligo siya. Umupo muna ako sa kama habang hinihintay siyang matapos. Mayamaya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo at lumabas ang kapatid ko, napatingin naman ito sa akin. "What are you doing here?" He asked. "Hindi pa tayo tapos mag usap kuya!" singhal ko sa kanya. "Kung ipipilit mo pa rin ang sinasabi mo sa akin kanina my answer is still no." Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Kuya she needs this work, kailangan maoperahan ng nanay niya." saad ko. "And so? Gusto mo pang gawing charity ang kompanya? You can help her if you want. You have your business right?
Storm POV Nandito na ako ngayon sa opisina ko kahit 7am pa lang, madalas akong maaga kung pumasok para hindi ako matambakan ng trabaho. Naalala ko na naman ang sinasabi ng kapatid ko, ano kayang meron sa kanya kung bakit gano'n na lang ang tiwala sa kanya ni Kiara, I know she help my sister last time pero para ipasok siya nito sa kompanya ko ay nakakapagtaka. Mabait ang kapatid ko pero hindi siya madaling magtiwala at kahit na ayaw ko sa pabor na hinihingi niya ay wala akong magawa kung hindi ang pumayag. Yes I am heartless to other people pero pagdating sa kapatid ko ay nag iiba ako. Hahayaan ko na lang muna siya basta malinaw naman ang naging pag uusap namin na kapag hindi ko nagustuhan ang gawa ng babaeng 'yon ay tatanggalin ko siya. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto. Marahil ay ito na ang sinasabi sa akin ni Kiara." Come in." Bumukas naman agad ang pinto at pumasok ang isang babae, maganda naman pala siya. "Good morning po Mr. Alcantara." bati niya sa
Beatrice POV Dalawang linggo na ang lumipas simula ng magtrabaho ako sa Alcantara Company bilang sekretarya ni Storm at isa lang ang masasabi ko 'yon ang ang ubod sama ng ugali ng boss ko, walang araw na hindi niya ako nasisinghalan pero kahit gano'n pa man ay nasasanay na din ako sa kanya. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit walang nagtatagal sa kanya dahil mabilis uminit ang ulo niya lalo na kapag may mali kang nagawa sa trabaho at hindi ko naman siya masisisi dahil alam kung pinapangalagaan niya lang ang kompanya nila. Masaya pa rin ako kahit papaano dahil nakakasama ko ang matagal ko ng kaibigan na si Nicole, hindi na kasi kami nagkaroon ng komunikasyon simula ng lumipat kami ng bahay at mabuti na lang dito din siya nagtatrabaho kaya kahit papaano ay may kakilala na ako. Tungkol naman sa nanay ko ay naoperahan na siya no'ng isang linggo sa tulong na din ni Sir Storm dahil siya ang gumastos ng lahat sa ospital pati na din ang mga pinagkakautangan namin ay binayaran niya, kaya k
Nigel POV Nandito ako ngayon sa kompanya ng matalik kung kaibigan na si Storm, kakauwi ko lang kahapon galing sa ibang bansa dahil may inasikaso ako do'n. Halos ilang buwan din akong nanatili do'n at ngayon lang nakauwi. Papalapit na ako sa opisina niya ng matanaw ko ang hindi ko kilala babae, mukhang bago na naman niyang sekretarya ito, lumapit ako sa kanya para tanungin kung nasa loob ba ang kanyang boss. "Hi Miss." bati ko. Iniangat niya naman ang tingin niya sa akin. "Good morning po Sir, may kailangan po ba kayo?" magalang na tanong niya. "Is your boss here?" Tumango naman siya. "Nasa loob po siya, may appointment po ba kayo sa kanya?" Umiling naman ako. "I'm his best friend." pakilala ko sa kanya. "Oh, I see, pasensya na po kayo at bago lang ako kaya hindi ko kayo kilala. Pumasok na lang po kayo sa loob at nandyan lang siya." Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso nasa loob. Naabutan ko si Storm na prenteng nakaupo habang nakatutok sa kanyang phone. "Mukhang hindi ya
Beatrice POV Sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho kaya nandito ako ngayon sa ospital at binabantayan ang nanay ko, masaya ako dahil unti unti na siyang nakakarecover at alam kung wala na sa panganib ang buhay niya. "Anak ang lalim yata ng iniisip mo." napabalik ang tingin ko sa nanay ko ng magsalita ito. "Masaya lang ako nay dahil maayos na ang kalagayan mo." saad ko. Ngumiti naman siya sa akin. "At dahil 'yon sayo anak, kung wala ka ay marahil matagal na din ako patay." "Huwag ka nga magsalita ng ganyan nay! Hindi ko pa kayang mag isa." anas ko. "Maiba ako anak, kamusta ka naman sa trabaho mo? Baka naman pinapahirapan ka ng boss mo." "Ayos lang naman ako nay, maswerte na nga ako sa trabaho ko ngayon dahil kahit hindi ako nakagraduate ay natanggap ako kompanya na 'yon at naging sekretarya pa ng CEO. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang magkapatid dahil sila ang tumulong sa akin para mailigtas ang buhay mo." wika ko. "Salamat anak, salamat sa lahat ng ginagawa mo para
Kiara POV Kakaalis ko lang sa ospital dahil dinalaw ko ang nanay ni Beatrice at isa pa ay alam kung nando'n din siya dahil wala siyang pasok ngayon sa kompanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi matawa sa mga kwento niya sa akin, mukhang nakakita na ng katapat ang kapatid ko. Hindi ko naman masisisi si kuya kung bakit ganyan siya, alam ko na hanggang ngayon ay nagluluksa pa din siya. He is still longing for their presense at gano'n din naman ako kahit hindi ko sila nakasama ng matagal how much more pa kaya si kuya. Hindi man niya sabihin ay alam kung nasasaktan pa din siya hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang nakalipas. Naging okay lang naman siya kahit papaano ng makilala niya si Ate Kaye, I thought they will end up together pero hindi din pala dahil mas pinili niya na iwan ang kapatid ko. Saksi ako kung paano naging miserable ang buhay ni kuya ng maghiwalay sila ni Ate Kaye pero ang alam ko ngayon ay okay na sila kahit papaano, they are friends. Paglaba
Nigel POV Habang kinakausap ko si Kiara ay nanatili lang siyang nakayuko at hindi man lang umiimik, ganito siya kapag ako na ang nagsasalita ng seryoso na kahit may pagkabrat siya ay marunong siyang makinig sa mga sinasabi sa kanya. "Babe?" pagkuha ko sa atensyon niya. Napatingin naman siya sa akin. "I'm sorry." mahinang bulalas niya. "I'm not mad at you okay? Galit lang ako sa mga pinaggagawa mo at ayaw ko ng maulit pa 'yon lalo na't nandito na ulit ako." saad ko. "W-what do you mean?" "Anong klaseng tanong 'yan? Syempre babawiin ko ang dapat sa akin." ani ko. Hindi naman siya agad nakasagot at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya ginulo ko ang kanyang buhok. "I told you the last time we talked na aayusin natin ang hindi natin pagkakaunawaan right?" saad ko. "I thought hindi mo na ako babalikan." "Who said that? Alam mong mahal kita." wika ko. Kinuha ko naman ang isang kamay niya at inilagay ang singsing sa kanyang daliri dahilan para umiyak na siya ng tuluyan. "Pinagawa
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Lovely POVNandito ako ngayon sa bahay nila Storm at nandito din pala ang fiance ni Kiara, alam ko na isang pagtataksil ang gagawin ko sa kaibigan ko pero gusto ko silang balaan sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ni Kaye lalo na at hindi ko na siya kayang pigilan."Totoo ba 'yang sinasabi mo? So alam mo kung nasaan siya?" tanong ni Storm sa akin.Mabilis naman akong umiling. "Nakausap ko lang siya one time sa tawag pero 'yon na din ang huli, sinubukan ko siyang kausapin na sumuko na lang siya at humingi ng tawad sa inyo pero mukhang desidido talaga siyang hindi magpahuli." sagot ko sa kanya, ang gusto ko lang naman ay balaan sila pero hindi ko sasabihin na alam ko kung nasaan ang kaibigan ko."Nabanggit niya ba sayo ang susunod niyang gagawin?" tanong naman ng fiance ni Kiara na si Nigel.Umiling naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong alam sa kung ano ang iniisip niya, kaya ako nagpunta dito para mabalaan lang kayo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko dahil kahit na akon
Storm POV Kanina pa ako nagpipigil ng galit ko dahil sa nalaman ko, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na ito sa kapatid ko. Hindi ko siya mapapatawad! Sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng ginawa niyang kasalanan sa buhay namin. At dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang hindi suntukin ang isa sa lalaking gumawa ng katarantaduhan sa kapatid ko, mabilis naman akong inilayo sa kanya ng mga pulis. "Siguraduhin kung mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. "Huwag kayong mag alala Mr. Alcantara dahil hindi sila makakaalis dito at gagawin namin ang lahat para mapabilis ang paghuli sa nag utos sa kanila." Nag usap pa kami tungkol sa kaso hanggang sa nagpaalam na akong aalis, kung sa tingin niya ay makakapagtago siya ng matagal ay nagkakakamali siya. Handa akong magbayad kahit na magkano para maipakulong lang siya. "What happened baby?" tanong sa akin ni Bea ng makapasok ako sa sasakyan, hindi ko na kasi siya isinama pa sa loob. "Si Kaye ang nagbayad para ga
Nigel POV It's been a month simula ng makalabas ako ng hospital at naayos ko ang pamilya na meron ako. Sinabi ko na din kay Storm na balak ko ulit mag propose kay Kiara at mabuti na lang pumayag siya. Akala ko kasi ng una ay hindi niya na ipagkakatiwala sa akin ang kapatid niya. Bumili na din ako ng bahay para sa amin pero hindi ko pa ito nasabi kay Kiara dahil plano ko na lilipat kami pag kasal na kami, ayaw ko na kasi na mangyari na naman ang kung anong nangyari noon. Nangako na ako na kahit ano pang hindi pagkakaunawaan namin ay kailangan pag usapan muna, we need to trust each other. "Anong nangyayari sayo? Bakit namumutla ka?" natatawang untag sa akin ni Storm, siya kasi ngayon ang kasama ko. "Kinakabahan kasi ako, paano kung hindi pumunta ang kapatid mo?" saad ko. "Kung hindi siya pupunta edi walang proposal na mangyayari, gano'n lang 'yon ka simple." "Tangina mo talaga, hindi ka matinong kausap. Napapaisip na talaga ako na mas sasaya ka kapag hindi natuloy itong pinaghandaa