Home / Romance / Isang CEO Pala Ang Forever Ko / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Isang CEO Pala Ang Forever Ko: Chapter 71 - Chapter 80

86 Chapters

Worried

HINANG-HINA ako habang nag-uusap kami ni Nicole. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop."Nicz, anong gagawin ko? What if magkabalikan sila ni Iñigo?" kaagad na tanong ko sa kanya nang tuluyan na kaming makaupo."Alam mo, kung ako sa'yo...hindi muna ako mag-oover react at mag-ooverthink diyan." Aniya na busy sa pagtingin ng menu book."Nakakainis ka naman! Akala ko pa naman may mabuti kang maipapayo sa'kin." Reklamo ko."Frenny, dapat kasi kinausap mo muna si Iñigo. Malay mo naman may mabigat na dahilan 'yon kaya hinayaan niyang tumuloy sa mansiyon 'yong Melissa na 'yon." Kibit balikat na paliwanag ni Nicole."Sinubukan ko siyang kausapin kagabi, Nicz. Pero dinaan niya lang ang lahat sa init ng ulo. He told me na wala siya sa mood para pag-usapan ang mga gano'ng bagay. So, anong gusto mong isipin ko sa naging reaksiyon niya? Tapos kaninang umaga ay biglang susulpot sa harapan ko ang mukha ng ex niya. Alangan naman'g matuwa ako di'ba?""Oh, I'm so sorry frenny. Akala ko kasi
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more

Adobo

NAULINIGAN ko ang matinis na boses ni Sammuel kaya naman dali-dali akong lumabas ng silid. Patakbong bumaba ako ng hagdan at nakahinga lamang ako ng maluwang nang makita kong naroon na si Diane. Karga na pala nito ang anak ko.Ang dami nilang mga pinamili'ng damit. Kaya naman enjoy na enjoy sina Iñigo at Melissa habang magkatabi sa couch.Gustong-gusto kong batuhin ng tsinelas si Iñigo nang makita kong isinusuot sa kanya ni Melissa ang isang polo shirt.Tiim bagang na nilapitan ko ang mga ito."Look honey, kasyang-kasya pala 'yan sa'yo eh." Nakangising sambit ni Melissa habang si Iñigo naman ay ngiting-ngiti rin."Hi baby! Oh, i missed you so much! Finally, nakauwi na rin kayo!" Pumagitna ako sa kanila. Sinadya ko rin'g halikan sa labi si Iñigo nang sa gayo'n ay mainis sa'kin si Melissa.''Yeah, i'm sorry, Sam kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo." Ani Iñigo.''Nah, it's okay. Ang mahalaga, safe kayong nakauwi. Siya nga pala, sabay-sabay na tayong maghapunan. Tinulungan ko si
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more

Argument

TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Ngunit sa halip na lumabas ng silid ay mas pinili kong manatili na lang doon. Ayoko'ng makita ang pagmumukha ni Melissa dahil paniguradong magkakagulo lang ulit kami.Bumangon ako at kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa side table. Tinawagan ko si Nicole para makibalita."Oh, bakit, Sam?" anang kaibigan ko sa kabilang linya."Uhm, balak ko lang mangumusta." Walang ganang tugon ko."Okay lang naman. Actually, tinanong sa'kin ng boss natin kung kailan ka daw babalik?""Hindi ko rin alam Nicz. Ang gulo ng isip ko ngayon eh.""Nasa mansiyon pa rin ba si Melissa?" "Yeah. At pinayagan pa ni Iñigo na mag-stay dito ang haliparot na 'yon.""What? Hindi ka man lang nagprotesta?""Tsk...syempre nagprotesta. Pero may magagawa pa ba ako kung si Iñigo na ang nagdesisyon?" pangangatwiran ko."Oh, eh anong plano mo?""Hindi ko pa alam Nicz.""Sige na, mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Nandito na kasi 'yong bagong photographer e
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more

Pregnant

TATLONG araw na akong hindi pumapasok sa trabaho. Kaya naman naisipan kong makipagkita ngayon kay Nicole para naman hindi na ito mag-alala pa saakin. Tinawagan ko ito at agad naman'g pumayag na makipagkita sa'kin sa coffee shop na malapit lang sa clothing company na aming pinagtatrabahuhan.Pagdating ko sa coffee shop ay naroon na pala ito."Kanina ka pa ba?"kaagad kong tanong nang makaupo na ako."Hmm...hindi naman. Siguro mga ten minutes pa 'lang ako dito.""Oh, sorry.""It's okay Sam. By the way, you look pale huh! May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa'kin."Huh? Wala akong sakit no'h!""Eh bakit ang putla mo? At saka, tatlong araw lang na hindi tayo nagkita pero feeling ko ang payat mo na." Dagdag pa nito."Tsk, ang OA mo. Wala akong sakit. Dati naman akong payat kaya hindi nakapagtataka 'yang mga sinasabi mo.""Sam, umamin ka nga. Hindi ka na naman ba kumakain ng maayos?""Okay lang ako Nicz.""So, hindi nga? Ang layo ng sagot mo sa tanong ko eh." Giit p
last updateLast Updated : 2022-11-02
Read more

Inggit

KINABUKASAN ay pinahintulutan na nga ako ng doctor na makalabas. Kaya naman magkahalong lungkot at saya ang muli kong naramdaman. Nalulungkot ako sa isipin'g uuwi na ulit ako sa mansiyon at makikita ko na naman ang mukha ni Melissa. Ngunit masaya ako dahil makakasama ko na ulit si Sammuel. Dalawang araw din na hindi kami nagkita ng anak ko kaya paniguradong miss na miss namin ang isa't-isa.Kapwa kami walang imik ni Iñigo habang bumibiyahe.Nang makauwi na kami ay inalalayan ako nito na makababa sasakyan hanggang sa makapasok sa loob ng mansiyon.Laking gulat ko nang sina Ellie at Sammuel agad ang sumalubong saamin."Welcome home tita mommy!" malakas na sigaw Ellie na sinabayan pa ng pagyakap sa binti ko. "Na-miss kita tita mommy.""I miss you too baby." Nakangiting sambit ko at ginantihan ko ito ng yakap."Mom!" patakbong lumapit saakin si Sammuel.Kinarga ko ito at hinalikan. Subalit agad rin ito'ng kinuha sa'kin ni Iñigo." 'Nak, dito ka muna kay daddy huh! Kaila
last updateLast Updated : 2022-11-03
Read more

Dinner Date

"CONGRATULATIONS frenny!" malakas na sigaw ni Nicole sa kabilang linya. Ngayon ko lang kasi nabanggit sa kanya ang pagbubuntis ko kaya't wala na naman'g mapagsidlan ang tuwa nito."Salamat Nicz. Eh, kayo ba ni Dylan, kailan niyo ba balak magkaanak?""Naku Sam, palaging busy ang tao na 'yon. At saka ang plano namin ay after the wedding na lang para sulit na sulit ang honeymoon." Kinikilig na tugon nito."Hmm...sabagay. Kami kasi nauna na ang honeymoon kaysa sa kasal." Natatawang sambit ko."Okay lang 'yon. Ang mahalaga ay nagmamahalan pa rin kayo. Siya nga pala, wala man lang bang nababanggit si Iñigo tungkol sa kasal niyo?""Wa-wala eh. Wala na yata 'yon balak na pakasalan ako." Bigla ay naging malungkot ang aking tinig."Gaga! Malay mo naman may pa-surprise sa'yo. Hoy, malapit na ang valentines, baka-""Naku, ayoko mag-assume.""Tsk ...ang negative mo talaga mag-isip." Giit pa niya.Napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman kong may tumabi sa'kin sa couch. Bina
last updateLast Updated : 2022-11-05
Read more

Pag-alis sa Mansiyon

PAGDATING ko sa mansiyon ay agad kong inutusan si Diane na mag-impake. Kaya namnan gulat na gulat si Aling Flor sa biglaan kong desisyon."Sam, ano ba ang nangyayari? Akala ko ba ay magdi-date kayo ni Iñigo?" Naguguluhan'g usisa ni Aling Flor."Wala ng dinner date na magaganap 'nay. Ayoko na! Pagod na pagod na ako!" sigaw ko habang umiiyak.''Anak, pag-usapan niyo muna 'to ni Iñigo. Nasaan ba kasi siya?''''Hayaan niyo na po siya 'nay. Masaya siya ngayon habang kasama si Melissa.''''Sam, baka naman nagkamali ka lang. Baka naman-'''' 'Nay, huwag mo ng depensahan 'yon dahil hindi na no'n mababago ang katotohanan'g niloloko niya na naman ako.'' Giit ko pa. ''Maiwan na kita 'nay. Tutulungan ko na si Diane nang makaalis na agad kami.''''Gabi na. Baka pwedeng ipagpabukas mo na ang pag-alis. Delikado na oh, baka kung ano pa ang mangyari sainyo ng mga anak mo.'' Puno ng pag-aalala sa tinig ng matanda.''Kaya ko po ang sarili ko 'nay.'' Walang ganang tugon ko bago ko siya ti
last updateLast Updated : 2022-11-05
Read more

Sulat

KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon."Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako."I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko."Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto
last updateLast Updated : 2022-11-05
Read more

Acting

BIGLA na naman akong nakaramdam ng inis, matapos magtago nina Iñigo at Ellie. Kaya naman nakasimangot na umupo ako at walang pakundangan na sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. At batid kong si Iñigo ang may kagagawan no'n.Malapit na akong matapos ng magsilabasan sila. At tama nga ang hinala ko,nagtago nga sila at kasabwat pa nila si Nicole."Baby, ba't nauna ka ng kumain?" sita saakin ni Iñigo. "That was supposed to be a surprise for-""Surprise niyo 'yang mukha niyo!" naiinis na singhal ko sa kanya.Naiinis na binalingan ko si Ellie. Kanina pa ito ngumingisi habang pinagmamasdan niya ang pag-irap na ginagawa ko."Ellie, sabayan mo 'yang ama mo at 'yang Tita Nicole mo! Nawalan na ako ng gana'ng kumain.""Hala, tita mommy naman! Makikipagbati na nga sa'yo si dad ngayon eh." reklamo nito."Mag-aayos na ako ng gamit. Kailangan ko ng makahanap ng malilipatan." giit ko pa dahilan upang mawindang sina Nicole at Iñigo."Frenny, umayos ka nga! Nandito si Iñig
last updateLast Updated : 2022-11-09
Read more

Family Day

KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha. Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin."Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha."Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko."Tss, galit ka pa rin ba?""Lumabas ka na nga lang!""Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."Nakangisi na lumapit ito saakin."Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-""S
last updateLast Updated : 2022-11-10
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status