Habang lulan sa taxi hindi pa rin mapigil ang pagbuhos ang kanyang masaganang luha sa kanyang mga mata. “Ma'am, saan po tayo?” pukaw sa kanya kay Manong drayber. Napabaling ang atensiyon niya sa nagsasalita na kanina pa pala panaka-nakang nakatingin sa kanya. Pinahid muna niya ang kanyang mga luha bago sumagot.“Sa Easta Ridge Subdivison lang po, Manong. Sa Mandaue City.” Ipinirmi niya ang kanyang mukha sa window shield ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi rush hour kaya mabilis ang takbo ng kanyang sinasakyang taxi. “Ma'am, hindi naman sa tsismoso ako, ano? Huwag ka pong magagalit sa akin. May problema ka ba?" Muling na pabaling ang kanyang atensiyon kay manong driver. Mukhang tsismoso nga din ito. Napaismid siya , nagtatalo ang kanyang puso at isipan. Wala naman maitutulong ito sa bigat ng kanyang nararamdaman. Pero baka sabihin na ma-attitude siya kaya marahan na lamang siyang umiiling. “Naku, Ineng. Nahahalata po sa mga mata ninyo na malungkot kayo. Alam mo, kung tungkol sa pag
Magbasa pa