“Miss, nandito na po tayo.” Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Ngunit kaagad din siyang napaayos ng upo nang nabungaran niyang ang mukha ng kondoktor. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa biyahi.Mabilis niyang ikinabit sa kanyang likuran ang kanyang bag at nagmamadali ng lumabas.Pagkatapos ng mahabang biyahi ng bus kailangan pa niyang sumakay ng bangkang de motor para makarating sa Isla ng Bantayan. Umarkila na siya na maghahatid sa kanya hindi dapat siya matagalan dito dahil baka mamaya nakarating na ang mga tauhan ni Zach. Ilang minuto lang ang itinakbo ng sinasakyan niyang bangka nakarating kaagad siya sa Isla. Balewala kung mabasa man siya ng dagat tinakbo na niya ang kanyang anak na naghihintay na pala sa kanya kasama nito ang kanyang lola Olivia. “Mommy!” matinis na boses ng anak ang sumalubong sa kanya. Bakas sa mukha nito ang matinding saya. Tumakbo rin ito patungo sa kanya. Mabilis siyang lumuhod at niyakap ng mahigpit ang anak. Napaluha siya dahil sa waka
CHAPTER 19“What the fuck!” galit na asik ni Zach sa kung sino man ang sumuntok sa kanya. Hindi niya nakita ang pagmumukha sa kung sino man ang sumuntok sa kanya dahil bigla na lamang itong sumulpot kung saan. Pinahid niya gamit ang kanyang braso ang dugo galing sa kanyang pumutok na labi at pagkatapos bumangon mula sa pagkabulagta."Baby, are you okay?” rinig niyang tanong ng lalaki kay Amara. Hindi pa rin makita ni Zach ang mukha nito dahil nakatalikod na ito sa kanya. Namumula ang kanyang buong mukha pati na ang tainga dahil namumuong galit niya sa lalaki na inaakala niyang asawa ni Amara. Wala siyang pakialam kung sino ang mas may karapatan sa kanila dahil para sa kanya unang naging kanya ang dalaga.“Asshole! How dare you to touch my Amara!” galit niyang saad sabay hila sa suot na puting t-shirt ng lalaki. Akmang paundayan niya ito ng suntok nang makilala niya ang ito. Nanlilisik ang mga matang nakatingin siya rito. Hindi siya makapaniwala na sa lahat na taong ta-traydor pa sa kan
“Mommy, I don't like him. I'm scared his a bad guy!” nahintatakutang saad ni Athara sa kanyang ina. Hindi alam ni Amara kung paano ipapaintindi sa kanyang anak na ang tinutukoy nitong bad guy ay ang kanyang tunay na ama.Samantalang mas dumoble ang sakit na nararamdaman ni Zach. Dahil pati sarili niyang anak hindi siya nito nakilala and worst natatakot pa ito sa kanya. Tila na umid ang dila ni Zach hindi niya alam kung paano niya ito lalapitan. Natatakot siya na baka kapag ipipilit niya ang kanyang sarili mas lalo pa itong matatakot at lumalayo sa kanya. Tumingala si Zach kay Amara. Puno ng pagmamakaawang tiningnan niya ito. Gustong-gusto niyang yakapin, kargahin at halikan ang kanyang anak.Laking pasasalamat ni Zach na tila nauunawaan ni Amara ang kanyang nais iparating.“Baby, listen to Mommy. Don't be afraid to hi—” hindi natuloy ang nais sabihin ng ina dahil tumakbo na ito at yumakap sa binti ni Japeth. Mabilis naman din na tumalima ang binata at kaagad itong kinarga. “Ay-ayaw
BITBIT ang malaking payong sinuong ni Amara ang malakas na buhos ng ulan patungong gazebo na nasa gitna ng kanilang hardin. Sinabayan pa ito ng malakas na pagkulog at pagkidlat na ikinaigtad naman niya. ‘Sobrang init naman kanina ang panahon. Bakit bigla na lamag bumuhos ang malakas na ulan ngayon? Tila ba dinadamayan siya sa lahat ng paghihirap ng kanyang kalooban. Hapon pa lang pero tila gumagabi na dahil sa madilim na ang paligid dahil sa masamang panahon. Mas lalong binilisan ni Amara ang kanyang mga hakbang para makarating agad sa gazebo. Ngunit kabang nararamdaman ay nahaluan na ng takot dahil wala man lang siyang natanaw na tao sa gazebo. Nagpalinga-linga siya sa paligid pero hindi pa rin niya nakita ang binata.Halos magkasing lakas na ng kulog ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. Kahit malamig ang panahon pero ramdam pa rin niya ang pag-iinit sa bawat sulok ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadya niyang mga luha. Nag-aalala na siya sa binata. “Ikaw dapat ang sisihin kung
Matulin ang takbo nila Amara at Zach habang sinuong ang malakas na ulan para makarating kaagad sa bahay dahil may natamaan na ang kidlat ang malaking puno ng mangga na nasa bakuran nila Amara. Malakas na bumagsak ang pintuan. Pareho silang hinihingal at nanginginig sa lamig dahil sa basang-basa na ang kanilang mga suot. “Diyos ko! Ano’ng nangyari sa inyong bata kayo? Bakit nabasa kayo ng ulan? Naku, alam naman ninyong napakadelikado sa labas bakit ang tagal ninyong pumasok?” Sinalubong sila ni Lola Olivia. Inilalayan ni Amara sa papasok ng bahay dahil nanghihina na ito sa kanyang lagnat.“Pasensiya po, Lola. Ito kasing alaga mo napakatigas ng ulo,” saad ni Amara. Hindi naman nagsalita si Zach nanatili lamang nakayuko ang kanyang ulo.“Letecia! Leticia!” “Ma’am, bakit po?” “Kumuha ka ng dalawang towel doon at ihanda mo ang guest room natin,” utos ni Amara sa kasambahay. Patuloy naman ang panginginig ng binata dahil sobrang lamig tapos dumagdag pa ang lagnat ni Zach. Labis na nag-aa
PAGKATAPOS pinakain ng arozcaldo na luto ni Lola Olivia si Zach. Pinainom na rin ni Amara ito ng gamot dahil mataas pa rin ang lagnat nito. Ilang beses na rin niyang itong pinahiran ng basang bimpo hindi pa rin humupa ang init ng binata.Marahan niyang pinakatitigan ang guwapong mukha ng lalakong kanya g minahal habang mahimbing itong natutulog. Marahan siyang napabuntong hininga dahil bumigat ang kanyang dibdib habang hindi pa rin inihiwalay nito ang paningin kay Zach. Kahit natutulog ito bakas pa rin ang pagod sa kanyang mukha.Malalim ang buntonghiningang kanyang pinakawalan. Sa oras na ito na-realized niya ang malaking kasalan an sa binata. Pero may oras pa para bumawi rito. Hindi pa huli ang lahat dahil alam niyang hindi pa rin sumusuko sa kanya ito kahit ilang beses na niya itong itinaboy. “Sweety, please, don’t leave me. I'm begging you.” Napabalikwas ng bangon. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya habang nakaupo sa may reclining chair. Mabilis niyang nilapitan si Zac
PATULOY na nagpupumiglas si Amara. Ngunit nahirapan siyang makawala dahil sa lakas ng lalaki kahit na sabihing lasing ito. Dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya akalain na magagawa ito sa kanya ni Japeth. Kaibigan at bilang nakakatandang kapatid ang tingin niya sa lalaki. Pakiramdam niya nanamaga na kk kanyang mga labi dahil sa paraan ng paghalik ng lalaki sa kanya. Na tila ha uhaw na uhaw itong matikman ang sarap ng nito. Nalasahan na niya ang kanyang sariling dugo.“How dare you!” Buong lakas niyang pinadapo ang kanyang mga palad sa pisngi ng binata habang walang patid ang pagbuhos ng kanyang masaganang luha. Nang nagkahiwalay ang kanilang mga labi. Ngunit tila walang pagsisisi si Japeth sa kanyang ginawa. Dahil muli siya nitong kinabig at sapilitang hagkan muli ngunit isang malakas na suntok ang nakapagpatumba kay Japeth.“Fuck you! You are Jerk!” nang gagalaiting saad ni Zach. Medyo nanghihina pa siya pero hindi ’yon hadlang para hindi niya kayang laban
NAALIMPUNGATAN SI AMARA dahil sikat ng araw na tumama sa kanyang mukha dahil sa bahagyang lumihis ang kurtina. Napabalikwas siya ng bangon nang makapang wala na si Zach sa kanyang tabi. Nanlaki ang kanyang mata nang sumilip siya sa may bintana mataas na ang sikat ng araw. Wala na ang bagyo maaliwalas na ang kalangitan ngunit kitang-kita ang bakas ng matinding hagupit ng kalikasan dahil sa mga nagbabagsakang mga punong kahoy at poste ng kuryenti. Maging ang mga dibri ng mga bangkang pandagat na nawasak dahil sa malakas ng hangin umabot sa kanilang bahay. “Hay!” malungkot siyang na pabuntonghininga dahil paniguradong marami sa kanyang mga ka baryo ang nawalan ng hanapbuhay. Hindi man lang napaghandaan ang matinding pag-ulan at malakas na pagbayo ng hangin. Wala naman siyang nababalitaang na babala sa PAG-ASA na may paparating na bagyo. Pero wala nga ba baka masyado lang okupado ang kanyang isip kaya hindi lang niya binigyang pansin ang mga naririnig.Inabot niya ang kanyang cellphone na
“Don't be to rush, my darling. Don't worry you have my words.” Nakangising pigil ni Rain kay Zach. Ngunit may kutob siyang hindi tutupad ang baliw na babae sa pangako nito. Ang mga ganitong klaseng tao ay hindi dapat pagkakatiwalaan. Nangangalit ang kanyang panga sa nakikitang hitsura ng kanyang mag-ina. Mas lalong sumiklab ang galit ni Zach nang makitang sugatan ang mukha ng asawa. May mga dugo pa itong nagkalat sa pisngi. Hindi niya ma-maimagine ang hirap na pinagdaanan nito. Nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan pati ang mga paa. Ang ikinatatakot niya baka napaano ang kanilang anak na sinapunan ng asawa. “What did you do to my, Amara? Bakit siya may sugat sa mukha? Sumagot ka Rain ano ang ginawa mo sa kanya?!” hindi maitago ang galit ni Zach. Kaagad na tinutukan siya nang baril ng dalawang lalaking sumalubong sa kanya. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili para hindi mas lalong malagay sa panganib ang kanyang mag-ina. “Ouch! Na-hurt naman ako. You really love that, B
Chapter 41“Zach, apo. Iligtas mo ang iyong mag-ina. Hindi na ako makakatulog baka ano na ang ginawa ni Rain sa kanila.” Humahagulhol na saad ni Olivia. Puno ng pagmamakaawa sa kanya. “Huwag kayong mag-aalala. I will do everything to get them back. Hindi ko hahayaan na sasaktan sila ni Rain.” paninigurado ni Zach sa matanda. Totoong gagawin niya ang lahat para mabawi lang sila sa kamay ng baliw na babae. Tumunog ang kanyang cellphone at ganoon na lamang ang pagngingitngit niya ng galit dahil si Rain na naman ang tumawag. Pangatlong araw na ito simula nang kinuha ng baliw ang kanyang mag-ina. Gustuhin man niya na kumilos at mabawi agad sina Amara at Amythyst ngunit pinigilan siya ni Corporal General Montes ang kanyang ninong. Hindi pwedeng magpadalos-dalos siya ng gagawin kailangan nila ng matinding plano.“Na saan ka na? Kanina pa ako naghihintay sa’yo! Ano? Nagbago na ba ang isip mo, Love? Madali lang naman akong kausap. Maghintay ka lang diyan at ipapadala ko sa’yo ang ulo ng aha
“Tulong! Tulungan ninyo kami!” buong lakas na sigaw ni Amara. Nagbabakasaling may makarinig sa kanya at tulungan sila. Ngunit halos mapaos na ang kanyang tinig sa kakasigaw ngunit wala pa rin tulong na dumating. Kung saan man sila dinala ni Rain ’yan ang hindi niya alam dahil may piring ang kanilang mga mata nang sapilitan silang isinakay sa puting van na sinakyan ni Rain at ng kanyang mga tauhan. Ngunit nakakasigurado siyang isang luma at abandunadong gusali ang kanilang kinalalagyan dahil sa bitak-bitak na ang semento ng dingding.“Mommy, I’m scared.” lumuluhang saad ng kanyang anak. Kahit nakatali ang kamay at paa. Pinipilit niyang abutin ang munting kamay ni Amythst para kahit papaano maibsan ang takot na nararamdaman nito. .“Don’t worry, baby. Mommy is here. Hindi kita pa babayaan. Makakaalis din tayo rito.” Halos maiyak na si Amara dahil sa kanilang sitwasyon ngunit kailangan niyang tatagan ang kanyang sarili para sa kanyang anak at magiging anak na nasa kanyang sinapupunan.
Kanina pa naghihintay si Zach sa venue ng kanilang pren-up photo shot. Nauna na siyang dumating dito dahil may kailangan pa siyang ayusin. Hindi naman siya nangangamba tungkol sa sinasabi sa kanya ni Japeth dahil may driver at body guard siyang magcharge kay Amara. Galing ito sa security agency ng kanyang pinsan kaya nakakasigurado siyabg well trained ang nakuha niyang body guard para protektahan ang kanyang mag-ina.“Sir, hindi pa ba dumating si Ma’am?” tila nawalan na ng pasensiyang tanong ulit ng kanilang photographer. Kapansin-pansin ang pagkainisp nito dahil sa pabalik-balik itong sumilip sa relong pambisig na suot. Mga ilang oras na rin kasi itong naghihintay, kita na rin ang inis sa mukha nito. Alas diyes ng umaga mag-uumpisa ang kanilang pren up pero mag-aalas dose na hindi pa rin dumarating si Amara.“Just hold on a minute. I'm sure that they're on the way. Masyado lang mabigat ang traffic kaya matagal nakakarating,” pakiusap ni Zach sa photographer. Natawagan na niya si Lo
“What about this design, hija. I think mas bagay ito sa iyo.” Mabining tinanggap ni Amara ang catalog ng wedding gown design na gawa mismo ng isa sa mga kilalang fashion designer ng bansa. Nais ni Amara na simpleng gown lamang ang kanyang isusuot sa kanilang kasal, but Zach insisted na magpapagawa sila ng sarili niyang traje de boda, he want's their wedding so special. At sinang-ayonan naman din ito ni Donya Felimina. Kaya wala na siyang say sa desisyon nito. Alam din naman niya na nais lang nito na mabigyan ang kanyang apo ng best wedding. Ipinakita niya iyon kay Zach para hingin ang approval nito. Ngunit matamis na ngiti lang ang ibinigay sa kanya sabay hapit sa kanyang baywang. “Kahit ano'ng mapipili mo, Sweety. I'm pretty sure na lahat sila babagay sa'yo. My soon to be Mrs. Monterde.” Isang matunog na halik sa pingi ang iginawad nito sa kanya naikinapula naman ni Amara dahil nabaling sa kanila ang pansin ng lahat ng kanilang mga kasamahan. Lalo na at sa harap ni Donya Felimina ka
chapter 37Napatayo mula sa kanyang pagkakaupo si Japeth nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyanv opisina. Sumalubong sa kanya ang mukha ng babae nanlilisik ang mga mata. Sabog ang buhok. Halatang ilang araw ng hindi natutulog dahil sa nababakas na itim na bilig sa ilalim ng mga mata. Halos hindi na niya ito makikilala dahil malayo ito sa dating ayos. “Rain what are you doing here?” tanong niya sa bagong dating. “Really Japeth? What I am doing here? Akala ko ba mahal mo ang babaeng ’yon? Why don't you find your way to take him away to Zach!” singhal nito sa kanya. “You don't know that Zach and those whore woman got engaged, ha! Then here you are stay calm on your office?” galit na galit nitong saad sa kanya. Hinampas pa nito ang kanyang office. “What? The-they are engaged?” nauutal niyang tanong. Napangisi ang kanyang kaharap dahil sa nakikita niyang reaction. He was expected this, alam ni Japeth na roon talaga hahantong ang pagmamahalan ni Zach at Amara. Masaya siya para sa
chapter 36Tila isang sikat na celebrity couple ang dalawa dahil sa spot light na nakatutok sa kanila habang naglalakad sa red carpet patungo sa table ni Donya Felimina. Hindi mapakali si Amara, pero kahit naiilang man sinisikap pa rin niya na ikalma ang kanyang sarili. Hindi siya sanay sa mga pagtitipon, hindi naman niya unang beses na uma-aatend ng party ngunit ang ganitong nasa kanila nakatutok ang mga mata ng mga bisita nakapagpapaasiwa sa kanya. Nang tingnan naman niya ang lalaki. Kampante lang itong naglalakad at tuwid na nakatingin sa unahan habang hindi pa rin binibitawan ang baywang niya. Well, what she expect? Tanyag na business man ang kanyang kasama, kaya hindi maiwasan na may mga media talagang nakabuntot sa kanila. Nagulat pa si Amara nang harangin sila ng isang reporter. “Mr. Zach Monterde, ito na ba ang babaeng napapabalita na papakasalan mo?” tanong ng isang babaeng reporter ng ma-corner sila nito. Napatungo si Amara sa sahig. Ayaw niyang makita ang mukha ni Zach. M
Wearing a two inches gold heels, and gold banquet elegant one shoulder fishtail long dress, sequin. Napaka eleganting tingnan ni Amara sa kanyang suot. Dumagdag pa ang mahabang kulay gold na gwantes na suot nito. Bumagay sa kanya ang nakalugay ang mahaba niyang buhok na medyo kinulot ni Mela ang bandang ibabang bahagi nito. Light make up lang ang ipinalagay niya sa kanyang mukha dahil natural na mapula naman ang kanyang mga labi kaya kunting lips stick na lamang ang inilagay. Maging ang kanyang kilay hindi kunting shades na lamang ng eye brows dahil likas may hubog at makapal na ito.Napatulalang nakatingin si Zach kay Amara. Hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha pa rin sa aking kagandahan ng babaeng minamahal. Matamis na ngumiti sa kanya si Amara nang nagpang-abot ang kanilang mga paningin. But Zach mouthed her I love you. “Ay, perfect! Napakaganda mo, Ma'am Amara. Effortless ang beauty mo. Para kang isang Diyosa,” masayang saad ni Mela. Napapalakpak pa ito sa kanyang nak
Magaan ang pakiramdam ni Amara ng nakauwi na siya ng mansiyon. Mula sa sa tatlong araw ang pamamalagi niya sa hospital. Hwr heart full of happiness nag matiyaga naman nagbantay sa kanya si Zach. And she even spoiled to him lalo sa mga request nitong pagkain except na lang kung bawal ito sa kanya.Maselan ang kanyang pagbubuntis kaya kailangan ng ibayong pag-iingat, kung maari mag-bed rest muna ito dahil may tendecy na makunan ito. Kaya sinisigurado ni Zach na sundin ang lahat ng mga bilin ng doktor at bilhin ang lahat ng mga gamot at vitamins na niresita sa OB-Gyne. Maging ang pagdiriwang ng kaarawan ni Donya Felimina ipinagpaliban na lang muna ito dahil kailangan niya ng sapat na pahinga. Amara insisted that the party could go on even if she isn't there. It's embarrassing if the celebration postpone due to her. And there's no need to worry about Amara dahil nandiyan naman si lola Olivia para magbabantayan sa kanya.Pero hindi pumayag ang donya lalo na si Zach na wala siya sa kaarawan