Chapter 16Nang naramdaman ni Amara na pantay na ang paghinga ni Zach. At nang nakasisigurado siyang mahimbibg na itong nakatulog. Marahan niyang tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa kanyang beywang. Patingkayad siyang naglalakad para hindi makalikha ng ano mang-ingay. Hindi na siya mag-abalang maglinis ng katawan, mabilis niyang dinampot ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig at nagmamadali niyang isinuot. Panaka-naka siyang lumingon sa higaaan baka magising pa si Zach. Mapurnada pa ang kanyang pag-alis. Nag-aalala na siya kay Athara halos umabot na siya ng isang buwan na hindi nakakausap ang anak niya. Namimiss na niya ito pati ang kanyang lola Olivia baka sobrang nag-aalala na ito sa kanya.Tumulo ang luha niya habang napabaling sa mahimbing at payapang natutulog na si Zach.“I'm sorry, Zach. Kailangan kong lumayo ulit. Kung pagbibigyan ng pagkakataon na magkita tayo ulit sana wala ng hahadlang pa sa atin. Gagawin ko ito para sa kapayapaan ng buhay naming mag-ina. A
Habang lulan sa taxi hindi pa rin mapigil ang pagbuhos ang kanyang masaganang luha sa kanyang mga mata. “Ma'am, saan po tayo?” pukaw sa kanya kay Manong drayber. Napabaling ang atensiyon niya sa nagsasalita na kanina pa pala panaka-nakang nakatingin sa kanya. Pinahid muna niya ang kanyang mga luha bago sumagot.“Sa Easta Ridge Subdivison lang po, Manong. Sa Mandaue City.” Ipinirmi niya ang kanyang mukha sa window shield ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi rush hour kaya mabilis ang takbo ng kanyang sinasakyang taxi. “Ma'am, hindi naman sa tsismoso ako, ano? Huwag ka pong magagalit sa akin. May problema ka ba?" Muling na pabaling ang kanyang atensiyon kay manong driver. Mukhang tsismoso nga din ito. Napaismid siya , nagtatalo ang kanyang puso at isipan. Wala naman maitutulong ito sa bigat ng kanyang nararamdaman. Pero baka sabihin na ma-attitude siya kaya marahan na lamang siyang umiiling. “Naku, Ineng. Nahahalata po sa mga mata ninyo na malungkot kayo. Alam mo, kung tungkol sa pag
“Miss, nandito na po tayo.” Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Ngunit kaagad din siyang napaayos ng upo nang nabungaran niyang ang mukha ng kondoktor. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa biyahi.Mabilis niyang ikinabit sa kanyang likuran ang kanyang bag at nagmamadali ng lumabas.Pagkatapos ng mahabang biyahi ng bus kailangan pa niyang sumakay ng bangkang de motor para makarating sa Isla ng Bantayan. Umarkila na siya na maghahatid sa kanya hindi dapat siya matagalan dito dahil baka mamaya nakarating na ang mga tauhan ni Zach. Ilang minuto lang ang itinakbo ng sinasakyan niyang bangka nakarating kaagad siya sa Isla. Balewala kung mabasa man siya ng dagat tinakbo na niya ang kanyang anak na naghihintay na pala sa kanya kasama nito ang kanyang lola Olivia. “Mommy!” matinis na boses ng anak ang sumalubong sa kanya. Bakas sa mukha nito ang matinding saya. Tumakbo rin ito patungo sa kanya. Mabilis siyang lumuhod at niyakap ng mahigpit ang anak. Napaluha siya dahil sa waka
CHAPTER 19“What the fuck!” galit na asik ni Zach sa kung sino man ang sumuntok sa kanya. Hindi niya nakita ang pagmumukha sa kung sino man ang sumuntok sa kanya dahil bigla na lamang itong sumulpot kung saan. Pinahid niya gamit ang kanyang braso ang dugo galing sa kanyang pumutok na labi at pagkatapos bumangon mula sa pagkabulagta."Baby, are you okay?” rinig niyang tanong ng lalaki kay Amara. Hindi pa rin makita ni Zach ang mukha nito dahil nakatalikod na ito sa kanya. Namumula ang kanyang buong mukha pati na ang tainga dahil namumuong galit niya sa lalaki na inaakala niyang asawa ni Amara. Wala siyang pakialam kung sino ang mas may karapatan sa kanila dahil para sa kanya unang naging kanya ang dalaga.“Asshole! How dare you to touch my Amara!” galit niyang saad sabay hila sa suot na puting t-shirt ng lalaki. Akmang paundayan niya ito ng suntok nang makilala niya ang ito. Nanlilisik ang mga matang nakatingin siya rito. Hindi siya makapaniwala na sa lahat na taong ta-traydor pa sa kan
“Mommy, I don't like him. I'm scared his a bad guy!” nahintatakutang saad ni Athara sa kanyang ina. Hindi alam ni Amara kung paano ipapaintindi sa kanyang anak na ang tinutukoy nitong bad guy ay ang kanyang tunay na ama.Samantalang mas dumoble ang sakit na nararamdaman ni Zach. Dahil pati sarili niyang anak hindi siya nito nakilala and worst natatakot pa ito sa kanya. Tila na umid ang dila ni Zach hindi niya alam kung paano niya ito lalapitan. Natatakot siya na baka kapag ipipilit niya ang kanyang sarili mas lalo pa itong matatakot at lumalayo sa kanya. Tumingala si Zach kay Amara. Puno ng pagmamakaawang tiningnan niya ito. Gustong-gusto niyang yakapin, kargahin at halikan ang kanyang anak.Laking pasasalamat ni Zach na tila nauunawaan ni Amara ang kanyang nais iparating.“Baby, listen to Mommy. Don't be afraid to hi—” hindi natuloy ang nais sabihin ng ina dahil tumakbo na ito at yumakap sa binti ni Japeth. Mabilis naman din na tumalima ang binata at kaagad itong kinarga. “Ay-ayaw
BITBIT ang malaking payong sinuong ni Amara ang malakas na buhos ng ulan patungong gazebo na nasa gitna ng kanilang hardin. Sinabayan pa ito ng malakas na pagkulog at pagkidlat na ikinaigtad naman niya. ‘Sobrang init naman kanina ang panahon. Bakit bigla na lamag bumuhos ang malakas na ulan ngayon? Tila ba dinadamayan siya sa lahat ng paghihirap ng kanyang kalooban. Hapon pa lang pero tila gumagabi na dahil sa madilim na ang paligid dahil sa masamang panahon. Mas lalong binilisan ni Amara ang kanyang mga hakbang para makarating agad sa gazebo. Ngunit kabang nararamdaman ay nahaluan na ng takot dahil wala man lang siyang natanaw na tao sa gazebo. Nagpalinga-linga siya sa paligid pero hindi pa rin niya nakita ang binata.Halos magkasing lakas na ng kulog ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. Kahit malamig ang panahon pero ramdam pa rin niya ang pag-iinit sa bawat sulok ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadya niyang mga luha. Nag-aalala na siya sa binata. “Ikaw dapat ang sisihin kung
Matulin ang takbo nila Amara at Zach habang sinuong ang malakas na ulan para makarating kaagad sa bahay dahil may natamaan na ang kidlat ang malaking puno ng mangga na nasa bakuran nila Amara. Malakas na bumagsak ang pintuan. Pareho silang hinihingal at nanginginig sa lamig dahil sa basang-basa na ang kanilang mga suot. “Diyos ko! Ano’ng nangyari sa inyong bata kayo? Bakit nabasa kayo ng ulan? Naku, alam naman ninyong napakadelikado sa labas bakit ang tagal ninyong pumasok?” Sinalubong sila ni Lola Olivia. Inilalayan ni Amara sa papasok ng bahay dahil nanghihina na ito sa kanyang lagnat.“Pasensiya po, Lola. Ito kasing alaga mo napakatigas ng ulo,” saad ni Amara. Hindi naman nagsalita si Zach nanatili lamang nakayuko ang kanyang ulo.“Letecia! Leticia!” “Ma’am, bakit po?” “Kumuha ka ng dalawang towel doon at ihanda mo ang guest room natin,” utos ni Amara sa kasambahay. Patuloy naman ang panginginig ng binata dahil sobrang lamig tapos dumagdag pa ang lagnat ni Zach. Labis na nag-aa
PAGKATAPOS pinakain ng arozcaldo na luto ni Lola Olivia si Zach. Pinainom na rin ni Amara ito ng gamot dahil mataas pa rin ang lagnat nito. Ilang beses na rin niyang itong pinahiran ng basang bimpo hindi pa rin humupa ang init ng binata.Marahan niyang pinakatitigan ang guwapong mukha ng lalakong kanya g minahal habang mahimbing itong natutulog. Marahan siyang napabuntong hininga dahil bumigat ang kanyang dibdib habang hindi pa rin inihiwalay nito ang paningin kay Zach. Kahit natutulog ito bakas pa rin ang pagod sa kanyang mukha.Malalim ang buntonghiningang kanyang pinakawalan. Sa oras na ito na-realized niya ang malaking kasalan an sa binata. Pero may oras pa para bumawi rito. Hindi pa huli ang lahat dahil alam niyang hindi pa rin sumusuko sa kanya ito kahit ilang beses na niya itong itinaboy. “Sweety, please, don’t leave me. I'm begging you.” Napabalikwas ng bangon. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya habang nakaupo sa may reclining chair. Mabilis niyang nilapitan si Zac