TULALANG NAKATITIG lamang ako sa puting ataol kung saan nakahimlay ang malamig na katawan ni Kristie. Sa gilid ng kabaong ay ang mga naghihinagpis na kaibigan at pamilya niya. Lalong sumikip ang aking dibdib sa senaryong iyon. Kasabay rin noon ay ang matalas nilang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang yumuko, sapagkat batid ko ang dahil sa likod na kanilang mga tingin. Tahimik lamang akong naupo sa aking wheelchair, at palihim na nagluksa sa pagpanaw ng aking pinsan.Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Kristie—o mas tamang sabihing inaakusahan nilang sinadya kong patayin siya."Nandito na sila Don Besmonte, at ang kaniyang pamilya!" rinig kong sigaw ni Tiya Maricar. Doon ay narinig namin ang pagparada ng isang sasakyan. Napatingin rin lahat ng tao sa labas. Nang marinig ko iyon, nagsimula na rin tumibok ang puso ko sa kaba. Naramdaman ko na rin ang panginginig ng aking kamay, at pamumuo ng malalamig na pawis sa aking noo. Biglang hinawakan ni K
Read more