Home / Romance / Tough To Tame / Chapter Two

Share

Chapter Two

Author: Ncromanxer
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

HINDI KO MAGAWANG ngumiti sa harap ng salamin habang inaayusan ako. Tulala ko lamang na tinitigan ang aking sariling repleksiyon. Batid at alam kong ramdam ng nag-aayos sa akin ang kawalang gana't interes ko sa nangyayari.

Isang malalim na pagbuntong-hininga na lamang aking binitawan.

"Ate, ayos ka lang?" tanong ni Jade, ang aking taga-ayos.

Isang pekeng ngiti ang aking isinagot. "M-Maayos lang naman ako."

"Hindi halata. Kanina pa hindi maipinta ang mukha mo. Sure ka ba talagang kasal 'to o lamay?" pagbibiro niya saka tumawa. Ngunit kahit sa puntong iyon ay hindi  ko magawang ngumiti. Napayuko na lamang ako at hindi siya sinagot.

"Hays, nasasayang ang ganda mo kung palagi ka na lang nakasimangot! Pakiramdam ko tuloy ay hindi isang bride ang inaayusan ko! " dagdag niya pa.

"P-Pasensiya na."

Tinapik nito ang aking balikat. "Hindi na kailangan. Mukhang nakukuha ko na rin ang sitwasyon mo rito. Hindi na lamang ako magtatanong pa."

Napatango-tango naman ako. "S-Salamat."

"Tsk! Ikaw na yata ang pinakamalungkot na bride na aayusan ko."

Hindi rin nagtagal nang matapos ang pag-aayos. Agad niya na rin akong pinasuot ng wedding gown. Nang maisuot, muli kong pinagmasdan ang aking boung repleksiyon sa salamin. Nakatitig lang naman si Jade sa aking likuran, at nakita ko sa mukha nito na nais niyang purihin ako. Ngunit nang magtagpo ang aming mga mata, umiwas na lamang siya ng tingin.

Hindi ko maipagkakailang napakaganda nga ng traje de boda na suot ko.  Maganda ang desinyo at eleganteng tingnan. Bagay na bagay sa aking maputing balat. Gayunpaman, saliwa ang sinasabi ng aking puso. Hindi ko magawang purihin ang aking sarili. Hindi ako makaramdam ng kahit anong katiting na kasiyahan. Ang tangi lamang naghahari sa aking puso ay ang takot. Takot sa lalaking magiging kabiyak ko.

"H-Halika na, mahuhuli ka na," pag-aaya ni Jade. "Nakasakay na sila at papaalis na. Ikaw na lang ang hinihintay."

Kumuyom ang aking kamay bago ako tuluyang humarap kay Jade. Tumango naman ako at sabay kaming naglakad. Inalalayan niya ako palabas ng bahay. Sa labas, nakita ko si Mama na malawak ang ngiti. Sinuklian ko naman iyon upang itago ang aking tunay na nararamdaman. Natatakot na baka matuklasan niya ang aking pagtutol.

"You are so beautiful, my daughter!" puri niya sa akin habang namamasa ang mata nito.  Kahit may takip na belo,  kitang-kita pa rin ang aking mukha. Iyon malamang ang dahilan kung bakit ako nito pinuri.

"Salamat," sinserong tugon ko.

"Napakaganda mo anak. Binabati kita," wika rin ni papa saka pinahid nito ang kumawalang luha sa kaniyang mata. Pakiramdam ko may pumisil sa aking dibdib.

"Salamat, Papa," ang tanging naging tugon ko

Sabay kaming sumakay sa nagsisilbing wedding car, at sinimulang baybayin ang daan papuntang simbahan. Napatitig na lamang ako sa labas at palihim na hiniling na sana'y maging mabagal ang pagtakbo ng oras. Napasandal na lamang ako sa bintana.

Natuloy ang aming kasal nang walang magarbong paghahanda. Hindi na rin nagkaroon pa ng mga pagdiriwang o kahit anong mga tradisyonal na gawain kapag may ikakasal. Umayon at nasunod ang lahat sa kagustuhan ni Darius. Hindi ko pa man siya nakikita matapos ng lamay ni Kristie, batid ko na ang magiging ekspresyon niya.

Pinisil ko ang nanlalamig kong kamay. Pinakalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong ipakita sa aking ama ang ganitong estado ko.

Hindi rin nagtagal nang makarating kami sa simbahan. Naunang bumaba si Papa at inaya ako. Napatitig pa ako sa kaniyang kamay bago iyon tanggapin. Sa aking pagbaba, tuluyan ng nilamon ng matinding kaba ang aking dibdib.  Bahagya akong nawalan ng balanse.

"Jusko, Faustine! Maghinay-hinay ka sa paglalakad!" sermon ni Papa sa pag-aakalang natapilok lamang ako.

"Sorry."

Sumikip ang dibdib ko. Nakokonsensiya ako sa pagpapanggap na masaya ako sa aming kasal. Ramdam ko ang katuwaan ng aking mga magulang. Hindi ko magawang pawiin iyon.

Hindi rin nagtagal nang magsimula ang kasal.

Nagsimula kaming maglakad ni Papa sa gitna habang nasa amin ang  atensiyon ng lahat. Pumailanlang na rin ang isang tugtugin. Mahigpit ang naging hawak ko sa aking suot. Mula sa malayo ay tuluyan ko ng natanaw ang  pigura ni Darius. Ang matalas na titig nito ang kaagad sumalubong sa akin. Bigla akong natigilan sa paglakad na ipinagtaka naman ng aking ama at ng mga tao. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko aatakehin ako sa puso.

"Faustine..." madiing bulong ni Papa.

Muli akong naglakad sa kabila ng nanghihina kong mga tuhod. Doon ko napagtanto na hindi ko pa pala kaya. Masyado akong naging padalos-dalos sa aking desisyon. Hindi nawawala ang matalim na titig ni Darius sa akin kahit pa may suot akong belo. Gusto ko ng tumakbo papalayo. Gusto kong itigil lahat ng kahibangang ito. Natatakot ako. Nagsisisi ako.

"Anak, calm down. Don't be nervous," pasimpleng bulong ni Papa.

Sinubukan kong sundin ang payo ni Papa. Naging malaki rin ang pasasalamat ko sa mga photographer dahil bahagya nitong napapabagal ang paglakad namin.  Ngunit hindi rin nagtagal nang umabot kami sa tapat ni Darius.

May mga sinabi si Papa kay Darius ngunit hindi ko magawang marinig iyon sapagkat nabingi ako sa lakas ng tibok ng aking puso. Hindi ko na namalayan ang paglapit at paghawak sa akin ni Darius. Nanlamig ako.

Nagsimula kaming maglakad palapit sa altar ngunit bahagya akong napaigik sa diin ng pagkakahawak niya sa akin. 

"D-Darius..." nanginginig na bigkas ko sa pangalan niya.

Ngunit narinig ko lang ang nang-aasar na ngisi niya. Nakagat ko lamang ang aking labi upang tiisin ang sakit ng paghawak niya. Natigil rin iyon nang tumapat kami sa harap ng pari.

Habang patuloy ang selebrasyon, hindi ko na magawang pagtuonan iyon ng pansin. Lumilipad ang aking isip. Nangangamba sa lalaking katabi ko ngayon. Pakiramdam ko ay kahit nasa loob na ako ng simbahan, hindi pa rin ako ligtas. Napapikit na lamang ako at lihim na humingi sa Diyos ng pagsaklolo.

"You may kiss the bride."

Dahan-dahan akong humarap kay Darius. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagdilim ng kaniyang ekspresiyon. Tinibayan ko lang naman ang aking sarili sa takot na makagawa kami ng eksena. Dahan-dahan niyang itinaas ang aking belo. Nag-igting ang kaniyang mga panga habang nakatitig sa akin.

"You're so beautiful," malamig at hindi sinserong wika niya. Tila ba'y sinadya niya upang iparinig sa harap ng pari.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Nakita ko pa ang bahagyang pag-ismid niya bago lumapat ang kaniyang labi sa akin. Napapikit na lamang ako.

"Nakakasuka," madiing bulong ni Darius. Hindi na lamang ako umimik, ngunit masakit pa rin iyong marinig mula sa taong dating pinapangarap mo.

Nagpalakpakan ang tao ngunit naging sirang plaka sa aking pandinig ang sinabi ni Darius. Hindi rin nagtagal ay natapos ang misa.

Nagsimulang magsilapitan ang ilang kapamilya namin at binati kami. Nagpanggap si Darius na masaya ito habang kausap sila Mama. Ngunit nang lumapit sa amin ang ilang kaibigan niya, nakatanggap ako ng masasakit na salita. Nakalimutan ko nga palang boto sila kay Kristie.

Umuwi rin kami papunta sa reception ng kasal. Kita ko ang kasiyahan ng iba lalo na ng pamilya ko, ngunit sa kabilang banda naman ay ang mapanghusgang tingin ng iba. Napayuko na lamang ako sa tabi.

"You're destroying yourself, Faustine. You're so...pathetic."

Hindi ko nagawang makasagot sa sinabi ni Kuya Rivo. Siya sa lahat ang pinakatutol sa kasal namin. Nasaksihan ko ang ilang beses niyang pangungulit kay Mama upang protektahan ako. Ilang beses niya rin akong pinakiusapan na tumutol pero tumanggi ako.

"I-I'm sorry."

"Tch. Tingnan mo, nagmumukmok ka ngayon na parang isang biyuda, habang iyong bastardo mong asawa nagkakasiyahan na kasama ang tropa. Pinapahiya ka niya, Faustine! Hindi mo ba alam na pinagtatawanan ka ng mga demonyitang kapamilya ni Kristie at kaibigan niya?!" pagalit nitong sermon.

"H-Hayaan mo na lamang sila—"

"Pinagdudusahan mo ang kasalanang hindi  mo naman ginagawa!" malakas niyang sermon.

"K-Kuya!" saway ko sa kaniya at natatakot na baka gumawa siya ng eskandalo dito. "Pakiusap, huwag ngayon..."

Napaismid na lamang ito. "Hindi ka pinalaki ng magulang natin para maging martir, Faustine. Hindi ka tanga." Huling sambit niya bago ito umalis.

Napayuko na lamang ako at pinigilan ang sariling umiyak. Hindi ko na alam ang aking gagawin. I'm utterly hopeless.

Gabi na ng matapos ang selebrasyon.  Narito na rin kami sa bahay na pag-aari ni Darius. Ngunit sa aming pagpasok, agad rin akong nasampal ng katotohanan. Bumungad sa akin ang boung paligid na puno ng larawan ni Kristie at ni Darius. Halos walang parte ng bahay ang walang nakasabit na larawan.

"Welcome to hell, my wife." Iyon ang bulong ni Darius sa akin. Agad na gumapang ang takot sa aking sistema.

Narinig ko ang pagngisi nito nang sarkastiko bago umalis sa harapan ko. Naiwan naman akong nanghihina ang mga tuhod. Laking pasasalamat ko na lamang na may lumapit na kasambahay, at agad akong inaya papunta sa bagong kwarto ko.

Ngunit sa pagpasok ko, nakita ko kung anong klase ang aking kwarto. Sa loob ng malaking espasyo, wala akong nakitang kama. Isang lumang aparador lamang na nasa gilid, isang nakarolyong banig at manipis na kumot. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ng katulong. Bumagsak ang aking mga balikat sa labis na panlulumo.

"A-Aalis na ako, Ma'am. T-Tawagin niyo na lamang ako kapag may kailangan kayo."

"S-Salamat"

Nagmamadaling umalis ang katulong habang ako naman ay naiwang nanlulumo. Wala rin akong nakitang ilaw sa loob, at tanging gasera lamang. Nakikita ko rin ang paglipad ng mga ipis at pagdaan ng mga daga. Napasimangot ako.

"Babae pa rin naman ako..."

Nakaramdam ako ng awa sa aking sarili. Napilitan na lamang akong pumasok. Sa aking pagpapasok, nakita ko ang sticky note sa gilid.

'Enjoy your night.'

Agad ko itong kinumos at itinapon sa inis. Pumatak na rin ang luha ko sa magkahalong galit at awa sa sarili. Ngunit wala akong nagawa. Unang gabi pa lamang ito pero ganito na niya ako pagmalupitan. Hindi ko na tuloy maisip ang mga susunod pa nitong gagawin.

Napili ko na lamang mag-ayos at patayin ang mga ipis. Ang ilaw lamang ng gasera ang nagbibigay liwanag sa aking kwarto. Tiniis ko iyon dahil wala rin naman akong magagawa. Ilang oras lamang ang nakalipas, narinig ko ang pag-andar ng sasakyan. Natigilan ako at agad na pumunta sa bintana upang tanawin siya. Nakita ko ang papalayo niyang sasakyan.

Sa unang gabi namin, pinaramdam na agad niya ang kaniyang pagkamuhi. Hindi ko na tuloy alam kung paanong umabot sa ganito ang pantasya ko. Pinangarap at hiniling ko sa kalangitan na makasal kay Darius, ngunit bakit ganito ang kinalabasan ng aking pangarap?

"Parang kailan lang ay tinatanaw pa kita sa malayo..."

Nakilala ko si Darius noong minsan nakasakay ako sa bisikleta. Bagong lipat kami noon dito at binalak nang manirahan kasama sila Lola. Ngunit habang binabaybay ang daan, nakakita ako ng isang saranggola sa 'di kalayuan. Matayog ang paligpad noon at makulay pa. Naakit ako kaya naman sinundan ko ang saranggulang iyon habang may ngiti sa aking labi.

Hindi nagtagal ay nakita ko ang nagmamay-ari ng saranggola. Ngunit sa puntong iyon, kasabay ng pagbaba ng saranggola ay ang pagtibok ng puso ko sa unang pagkakataon. Siya ang aking pantasya. Darius is both my sweet and dark fantasy.

Pumatak ang aking luha habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ni Darius. Sinarado ko kaagad ang kurtina at naupo sa sahig. Alam ko na kung saan siya pupunta. Alam kong sa unang gabi namin, sa puntod siya ni Kristie pupunta. Inilabas ko ang lahat ng hinanakit sa aking puso nang oras na iyon. Ang tanging naging saksi lang ng aking paghihinagpis ay ang maliwanag na apoy ng gasera.

Kung alam ko lang ang magiging kahihinatnan ng aking munting paghanga, hindi ko na sana sinundan pa ang matayog at mapanlinlang na paglipad ng saranggola.

Kaugnay na kabanata

  • Tough To Tame   Chapter Three

    NAGLAKAD AKO palabas dala na rin ng pagkalam ng aking tiyan. Tila'y nakaligtaan ko na wala  na ako sa bahay na kinagisnan ko. Wala rin kahit isang katulong ang nagdala sa akin ng pagkain. Dalawang araw na rin na hindi ko nakikita si Darius matapos ng aming kasal. Hindi ko alam kung hindi ba siya umuuwi o sadyang hindi lamang nagtatagpo ang aming landas sa bahay na ito. Hindi ko rin alam kung dapat kong ikatuwa iyon o hindi.Napahawak ako sa railing ng hagdan dala ng panghihina. Boung araw kasi akong nagkulong sa loob ng kwarto sa takot na baka makita ko si Darius. Hindi ko pa kaya siyang harapin. Kung maaaring iwasan siya ay gagawin ko kahit pa magkulong ako boung araw. Patuloy rin akong ginagambala ng pagkamatay ni Kristie sa aking pagtulog. Siguro dahil kahit saang sulok ng bahay ako tumingin, nakikita ko ang imahe ni Kristie.Mamaya ay tumunog ang aking dalang cellphone. Kinuha ko kaagad iyon sa aking bulsa at sinagot."Ma? Napatawag kayo?" Nagkunwari p

  • Tough To Tame   Chapter One

    TULALANG NAKATITIG lamang ako sa puting ataol kung saan nakahimlay ang malamig na katawan ni Kristie. Sa gilid ng kabaong ay ang mga naghihinagpis na kaibigan at pamilya niya. Lalong sumikip ang aking dibdib sa senaryong iyon. Kasabay rin noon ay ang matalas nilang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang yumuko, sapagkat batid ko ang dahil sa likod na kanilang mga tingin. Tahimik lamang akong naupo sa aking wheelchair, at palihim na nagluksa sa pagpanaw ng aking pinsan.Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Kristie—o mas tamang sabihing inaakusahan nilang sinadya kong patayin siya."Nandito na sila Don Besmonte, at ang kaniyang pamilya!" rinig kong sigaw ni Tiya Maricar. Doon ay narinig namin ang pagparada ng isang sasakyan. Napatingin rin lahat ng tao sa labas. Nang marinig ko iyon, nagsimula na rin tumibok ang puso ko sa kaba. Naramdaman ko na rin ang panginginig ng aking kamay, at pamumuo ng malalamig na pawis sa aking noo. Biglang hinawakan ni K

Pinakabagong kabanata

  • Tough To Tame   Chapter Three

    NAGLAKAD AKO palabas dala na rin ng pagkalam ng aking tiyan. Tila'y nakaligtaan ko na wala  na ako sa bahay na kinagisnan ko. Wala rin kahit isang katulong ang nagdala sa akin ng pagkain. Dalawang araw na rin na hindi ko nakikita si Darius matapos ng aming kasal. Hindi ko alam kung hindi ba siya umuuwi o sadyang hindi lamang nagtatagpo ang aming landas sa bahay na ito. Hindi ko rin alam kung dapat kong ikatuwa iyon o hindi.Napahawak ako sa railing ng hagdan dala ng panghihina. Boung araw kasi akong nagkulong sa loob ng kwarto sa takot na baka makita ko si Darius. Hindi ko pa kaya siyang harapin. Kung maaaring iwasan siya ay gagawin ko kahit pa magkulong ako boung araw. Patuloy rin akong ginagambala ng pagkamatay ni Kristie sa aking pagtulog. Siguro dahil kahit saang sulok ng bahay ako tumingin, nakikita ko ang imahe ni Kristie.Mamaya ay tumunog ang aking dalang cellphone. Kinuha ko kaagad iyon sa aking bulsa at sinagot."Ma? Napatawag kayo?" Nagkunwari p

  • Tough To Tame   Chapter Two

    HINDI KO MAGAWANG ngumiti sa harap ng salamin habang inaayusan ako. Tulala ko lamang na tinitigan ang aking sariling repleksiyon. Batid at alam kong ramdam ng nag-aayos sa akin ang kawalang gana't interes ko sa nangyayari. Isang malalim na pagbuntong-hininga na lamang aking binitawan."Ate, ayos ka lang?" tanong ni Jade, ang aking taga-ayos.Isang pekeng ngiti ang aking isinagot. "M-Maayos lang naman ako.""Hindi halata. Kanina pa hindi maipinta ang mukha mo. Sure ka ba talagang kasal 'to o lamay?" pagbibiro niya saka tumawa. Ngunit kahit sa puntong iyon ay hindi  ko magawang ngumiti. Napayuko na lamang ako at hindi siya sinagot. "Hays, nasasayang ang ganda mo kung palagi ka na lang nakasimangot! Pakiramdam ko tuloy ay hindi isang bride ang inaayusan ko! " dagdag niya pa."P-Pasensiya na."Tinapik nito ang aking balikat. "Hindi na kailangan. Mukhang nakukuha ko na rin ang sitwasyon mo rito. Hindi na lamang ako magtatan

  • Tough To Tame   Chapter One

    TULALANG NAKATITIG lamang ako sa puting ataol kung saan nakahimlay ang malamig na katawan ni Kristie. Sa gilid ng kabaong ay ang mga naghihinagpis na kaibigan at pamilya niya. Lalong sumikip ang aking dibdib sa senaryong iyon. Kasabay rin noon ay ang matalas nilang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang yumuko, sapagkat batid ko ang dahil sa likod na kanilang mga tingin. Tahimik lamang akong naupo sa aking wheelchair, at palihim na nagluksa sa pagpanaw ng aking pinsan.Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Kristie—o mas tamang sabihing inaakusahan nilang sinadya kong patayin siya."Nandito na sila Don Besmonte, at ang kaniyang pamilya!" rinig kong sigaw ni Tiya Maricar. Doon ay narinig namin ang pagparada ng isang sasakyan. Napatingin rin lahat ng tao sa labas. Nang marinig ko iyon, nagsimula na rin tumibok ang puso ko sa kaba. Naramdaman ko na rin ang panginginig ng aking kamay, at pamumuo ng malalamig na pawis sa aking noo. Biglang hinawakan ni K

DMCA.com Protection Status