Home / Romance / Tough To Tame / Chapter One

Share

Tough To Tame
Tough To Tame
Author: Ncromanxer

Chapter One

Author: Ncromanxer
last update Huling Na-update: 2022-04-09 15:21:59

TULALANG NAKATITIG lamang ako sa puting ataol kung saan nakahimlay ang malamig na katawan ni Kristie. Sa gilid ng kabaong ay ang mga naghihinagpis na kaibigan at pamilya niya. Lalong sumikip ang aking dibdib sa senaryong iyon. Kasabay rin noon ay ang matalas nilang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang yumuko, sapagkat batid ko ang dahil sa likod na kanilang mga tingin. Tahimik lamang akong naupo sa aking wheelchair, at palihim na nagluksa sa pagpanaw ng aking pinsan.

Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Kristie—o mas tamang sabihing inaakusahan nilang sinadya kong patayin siya.

"Nandito na sila Don Besmonte, at ang kaniyang pamilya!" rinig kong sigaw ni Tiya Maricar. Doon ay narinig namin ang pagparada ng isang sasakyan. Napatingin rin lahat ng tao sa labas.

Nang marinig ko iyon, nagsimula na rin tumibok ang puso ko sa kaba. Naramdaman ko na rin ang panginginig ng aking kamay, at pamumuo ng malalamig na pawis sa aking noo. Biglang hinawakan ni Kuya Rivo ang aking kamay na tila'y pinapakalma ako.

"Kumalma ka, Faustine. Alam mong wala kang kasalanan sa nangyari. Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari. You know the truth more than anyone else, Faustine. So, please, remain calm and don't lose yourself."

Ngunit kahit ang sinserong mga salita ni Kuya Rivo ay hindi naibsan ang pagkabalisa na nararamdaman ko. Bagkos ay lumala pa iyon nang marinig ko ang boses mula sa labas.

"Nakikiramay ang aking pamilya, Amigo."

"Maraming salamat, Don Melezio. Maupo kayo," rinig kong wika naman ni Tiyo Oscar. "Agatha, kumuha kayo ng mauupuan diyan at pagkain!"

Lalong humigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking damit. Naramdaman ko rin ang naaawang tingin ni Flora, kapatid ko, sa akin. Lumapit siya at agad na dinaluhan ako. Alam kong batid niyang ang nangyayari.

"Ate, tatagan mo ang iyong loob. Huwag kang magpapaapekto sa pag-aakusa ng mga tao," pag-aalo niya.

Mamaya lamang ay narinig ko ang palapit na mga yapak patungo sa kabaong. Habang lumalakas ang mga yapak, lumalakas rin ang tibok ng puso ko. Nakakabingi iyon na halos hindi ko na marinig ang ingay sa paligid ko. Hindi rin nagtagal nang tuluyan ko siyang makita—ang taong hinihiling ko sa kalangitan na hindi ko na masilayan pa.

Darius Raphael Besmonte.

Nagtama ang aming paningin at sa pagkakataong iyon, pareho kaming natigilan. Ang malamig na tingin nito ay naging madilim at matalas. Hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit o para kanino iyon, dahil alam ko ng para sa akin ang mga iyon. Literal na nanlalamig ako sa aking kinauupuan. Napigilan ko rin ang aking paghinga.

"Faustine! Kumalma ka!"saway ni Kuya Rivo.

Agad akong yumuko nang maramdaman kong nanginginig ang aking katawan. Agad na humarang si Kuya Rivo sa harap. Pinisil naman ni Flora ang aking braso.

"Ate naman! Huwag ka namang ganiyan! Hindi pa maayos ang kalagayan mo! Ano ba?!" nag-aalalang saway ni Flora sa akin.

Rumagasa ang matinding luha sa aking mata. Nahawakan ko na rin ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Ganoon katindi ang epekto ng presensiya ni Darius sa aking pagkatao.

"Faustine!" saway sa akin ni Kuya Rivo. "Flora, ikuha mo ng tubig ang ate mo!"

Agad naman na sumunod si Flora at bumalik rin ito nang may dalang tubig. Agad ko naman iyong ininom at bahagyang nahimasmasan. Ngunit hindi pa rin nito nabawasan ang bigat ng aking dibdib.

"Tandaan mo, hindi ikaw ang pumatay kay Kristie kaya hindi ka dapat matakot! Biktima ka rin, Faustine!"

Hindi na lamang ako umimik kahit pa alam ko na ang bagay na iyon. Sapagkat kahit pa ipaglaban ko 'yon, mananatiling ako pa rin ang masama sa kanilang mata. Nawala si Kristie sa isang iglap kaya malamang na naghahanap sila ng masisisi. Isa pa, may lihim na alitan rin ang pamilya namin at pamilya ni Kristie. Nagsimula iyon sa pamana ni Lolo noon.

Nakita ko si Darius na nakadungaw sa kabaong ni Kristie. Nakita ko ang magkahalong lungkot, hinagpis at pangungulila sa mukha niya. Kapansin-pansin rin ang pagkuyom ng kamay nito at ang pasimpleng pagpunas ng kaniyang luha. Alam ko ang sakit na nararamdaman niya, habang tinatanaw ang pinakamamahal niyang babae na ngayon ay malamig na bangkay na lamang.

Nakita kong naglagay ng pera si Don Melezio sa lalagyan ng abuloy, saka ay inaya ang asawa nito at si Darius na umalis na sa harap ng kabaong. Napilitan naman si Darius na umalis at sumunod sa ama at batid ko rin iyon kung bakit.

Isa ako sa mga nakakaalam ng lihim na relasyon ni Darius at Kristie. Alam ko iyon sapagkat nahuli ko sila.

Bata pa lamang ako ay may matinding paghanga na ako kay Darius. I wanted to know everything about him, so I decided to stalk him secretly. There were no day that I wasn't informed about him. I always keep tabs on him to the extent that I considered my self as his stalker. I laughed when I've realized that I'm somewhat creepy. I even created a diary where I wrote how I'm madly inlove with Darius.

However, it doesn't took me long when my sweet, little fantasies crumpled. The night was tranquiled that time, and the moon is in it's spherical shape. However, under the gleaming orb, there I saw my cousin and Darius kissing each other so dearly. They seemed so happy, whilst I was standing, lurking through the dark—shattered by the scenery they created.

Darius is my first love, yet my first heartbreak.

Tinanggap ko na maaaring hindi talaga ako ang para sa kaniya. Hinayaan ko sila kahit masakit, at kinalaban ko rin ang sariling damdamin. Nalaman ko rin ang kasunduan sa pamilya namin at ang pamilya ni Darius. Sa una ay natuwa ako, ngunit noong malaman ko ang relasyon nina Darius at Kristie, agad rin akong binagsakan ng langit. Kaya naman bago pa matuloy ang aming engagement, hindi na ako nagtaka nang malaman kong tumakas si Darius kasama si Kristie.

Malamang alam ko sapagkat nakita ko ang pagsundo ni Darius kay Kristie noon. Nasaksihan ko iyon, ngunit pinili kong itikom ang aking bibig. Kung nais na kalangitan na pagbuklurin sila, anong magagawa ko?

Ngunit ilang buwan lamang ang nakalipas, nahuli ko si Kristie na may kasama at kahalikang lalaki. I was really mad at her after knowing it. Galit na galit ako sapagkat parang ipinamukha niyang walang kwenta ang naging pagpapaubaya ko. I comfronted her and threatened her. Binalaan ko siya na isusumbong ko siya kay Darius dahil na rin sa galit. Kaya naman sinundan niya ako hanggang sasakyan, doon ay nagtalo kami. Sa una ay nakikiusap siya, ngunit sa huli ay binantaan niya na rin ako.

Alam ni Kristie na may gusto ako kay Darius kaya naman sinabi niyang hindi ako paniniwalaan ni Darius, at babaliktaran niya ang sinabi ko. Sasabihin niya kay Darius na sinisiraan ko lang siya upang magkahiwalay sila. I didn't control my rage that time so I slapped her hard. Hindi rin nagtagal nang bumawi siya. Sa aming pagtatalo, hindi namin napansin ang paparating na truck.

Sa isang iglap, nauwi ang lahat sa trahedya. Parehas kaming dinala sa hospital. Ngunit sa kasawiang palad, biglang binawian ng buhay si Kristie. Kasabay nang pagkakaroon ko ng malay, tuluyan siyang naglaho.

Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman ko ang paglapat ng matalas na titig sa akin. Napakuyom ako.

"I will not fucking forgive you...." rinig kong galit na wika ni Darius sa mismong pagdaan niya sa harapan ko. "I will make you pay—no, I will kill you..."

Natulala lamang ako sa sahig matapos marinig ang kaniyang banta. Doon rin ay tuluyang nadurog ang aking puso. Gusto ko tuloy isigaw sa sandaling iyon na wala akong kasalanan, ngunit hindi ko magawa. Walang lumalabas na salita sa aking bibig. Para akong napipi.

Nakita ko naman na binangga ni Kuya Rivo ang balikat ni Darius, saka ito maangas na tinitigan.

"Subukan mo, Besmonte, magkakaalaman tayo!" matigas na banta rin ni Kuya Rivo. Inawat naman ni Flora si Kuya Rivo at pasimple ko rin naman itong hinila sa braso.

"Tandaan mo, mata lang ang walang latay," muling banta ni Darius saka ay tuluyan itong umalis. Napatingin na rin sa amin ang ilang mga tao. Nagtataka.

Si Kuya Rivo, Flora at ang pamilya ni Kristie lamang ang nakakaalam ng lihim na relasyon nina Kristie at Darius. Kaya naman hindi nawawala ang pagtataka sa mata ng iba sa biglang sagutan nila kuya Rivo at Darius.

"Bastardo," galit na bulong ni Kuya. "Sino sa tingin niya ang hinahamon niya?!"

"Kuya, tama na!" saway ni Flora.

Umiling ako kay Kuya nang tumingin ito sa akin. Napabuntong-hininga na lamang siya saka ay inutusan akong punasin ang aking luha. Doon ko lang napagtanto na muli namang dumadaloy ang aking luha. Pinahid ko iyon. Hindi pa rin ako magalaw nang maayos dahil sa natamo ko sa aksidente.

Nakita ko naman ang paglapit nila Mama at Papa upang tanungin si Kuya. Hindi naman umamin si Kuya at napilitang magsinungaling.

"Are you okay, Faustine?" malumanay na tanong sa akin ni Mama. Napilitan akong tumango at tinago ang namamaga kong mata.

Mayamaya rin ay napagpasyahan na naming umalis. Sa aming pag-labas, nahakot ko ang ilang atensiyong ng iba. Karamihan ay nanghuhusgang mga tingin. Kasali roon ang mga kapamilya at kaibigan ni Kristie. Ngunit sa aming pag-labas, naabutan namin si Darius na nakasandal sa motor nito, at hinihitit ang baga ng sigarilyo. Yumuko ako nang maramdaman muli ang matalas nitong tingin.

Pinili ko na lamang na hindi siya pansinin at sumakay na lamang sa sasakyan. Ngunit hanggang sa pag-andar at pag-alis ng sasakyan, ramdam ko pa rin ang talim ng titig ni Darius sa aking sistema.

Sa isang iglap, ang dating kilig na nararamdam ko sa tuwing makikita ko siya ay nagpalitan ng pangamba.

NAGISING AKO sa mahimbing na pagkakatulog nang mapanaginipan ko ang araw ng aksidente. Agad kong niyakap ang sarili sa takot. Hindi ko na rin alintana ang pawis sa aking katawan.

Sa mga buwang nakalipas, simula noong ilibing si Kristie, nananatiling minumulto pa rin ako ng malagim na trahedyang iyon. Tila'y hindi ako nais layuan at hanggang ngayon, sariwa pa rin sa aking isipan. Hindi ko alam kung paano pa makakawala. Ang insidenteng iyon ay tila'y sumpang nakaakibat na sa aking buhay ngayon.

Natauhan lamang ako nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Dala na rin ng pagtataka, agad akong bumangon at lumabas.

"Ma! Alam niyo namang hindi sasang-ayon si Faustine kapag nalaman niyang itutuloy mo ang kasal!" rinig kong sigaw ni Kuya Rivo.

Natigilan ako at kumunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ni Kuya. Hindi rin nagtagal nang maintindihan ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Bakit hindi?! Alam na niya ang bagay na ito noon pa man! Matutuwa pa ang kapatid mo kapag nalaman niya ito! Hindi ba't may gusto rin ang kapatid mo doon sa binatang Besmonte?" tugon naman ng aking ina.

"D-Dati 'yon! Nakalimutan mo na ba na hindi natuloy ang engagement nila noon, dahil tumakas ang pilatong iyon?!"

"Pero sinabi niya naman na naaksidente ang kaibigan niya 'di ba?"

"At naniwala naman kayo?! Naaksidente?

Kaibigan? Baka nakaaksidente ng babae!"

"Bakit ba tutol na tutol ka? Alam mo naman na ang tungkol dito dati pa 'di ba? Bakit ngayon ka lang tumutuol e dati naman ay wala kang imik?"

"Ayoko sa Besmonteng iyon! Ayoko siya para kay Faustine!"

"Bakit? Magandang lalaki naman si Darius ah!"

"Hindi iyon ang tinutukoy ko, 'Ma! May bagay lang na hindi niyo alam kaya hindi niyo ako maintintidihan. Isa pa, kamamatay lang ni Kristie..."

"Oh anong koneksiyon ni Kristie? Si Kristie ba ang magmimisa? Saka ilang buwan ng patay iyong pinsan mo! Ano naman kinalaman niya sa kasalang magaganap?" sabad naman ni Papa.

"Faustine isn't mentally stable yet! Alam mo naman kung gaano naging kalaki ang impact sa kaniya ng nangyari. She's still trauma about what happened!"

"That's why I want her to marry! Gusto kong maibaling ang atensiyon niya kaysa ang makulong sa kwarto niya. She likes Darius, maybe he would help her to improve and forget the tragedy."

"Are you serious? There is no way that poor excuse for a human will help her!"

"Why not? Kahit pa ayaw mo o ng kapatid mo, gusto ng mga Besmonte na matuloy ang kasal. Isa pa, pumayag na rin si Darius. Sinabi niyang wala ng magaganap na engagement at diretso na kasal. We already settled everything amicably, and he even told me that he would do his best to help Faustine, and overcome her trauma! Isn't he a good man?"

"What?!"

Sa sandaling marinig ko iyon, kusang nanghina ang aking mga tuhod. Ang tanging nagawa ko na lamang ay mapahawak sa railing. Muling dinalaw ng matinding takot ang aking dibdib. Ang lahat ng pinangangambahan ko ay nangyari na. My darkest nightmare has now came to life.

Sa oras na iyon, gusto kong tumakbo at magmakaawa kay Mama na huwag ng ituloy ang kasal, sapagkat alam ko na ang mangyayari. Alam kong hindi sinsero si Darius sa sinabi niya kay Mama. Alam kong parte lamang iyon ng matinding paghihiganti niya sa akin.

Ngunit naisip ko rin na kapag ginusto ng Besmonte, wala na kaming magagawa. They are superior and have the upper hand than us. Baka mailagay ko lamang ang aking pamilya sa kapahamakan kung hindi ako susunod sa plano ni Darius. Ramdam ko ang galit nito hanggang ngayon. Kung maaari, gusto kong ako lamang ang makatanggap ng galit niya. Ayokong madamay ang aking pamilya sa maling pag-aakusa niya.

Kahit pa siguro magpaliwanag ako sa tunay na nangyari, he will never believe me. He already lost Kristie, so ano pang punto kung magpapaliwanag ako. I already took all the blame as well. Kaya kung matutuloy ang kasal—like what Daruis' schemed, I will accept it. Just please, don't involve my family.

Naglakad na na lamang ako pabalik habang naririnig ko pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita. Lalong bumigat ang dibdib ko nang gabing iyon. Kaya naman dumiretso ako sa terrace at nagmuni-muni, kinakabahan sa panibagong mangyayari sa muling pagsikat ng araw. Kahit pa magmaktol ako sa gabing ito, wala na akong magagawa. Matagal ko rin ng pinaghandaan ito, ang makasal sa kaniya nang walang pagmamahal.

Isa pa, ano nga ba ang magagawa ko sa kasunduang matagal ng selyado?

Kaugnay na kabanata

  • Tough To Tame   Chapter Two

    HINDI KO MAGAWANG ngumiti sa harap ng salamin habang inaayusan ako. Tulala ko lamang na tinitigan ang aking sariling repleksiyon. Batid at alam kong ramdam ng nag-aayos sa akin ang kawalang gana't interes ko sa nangyayari. Isang malalim na pagbuntong-hininga na lamang aking binitawan."Ate, ayos ka lang?" tanong ni Jade, ang aking taga-ayos.Isang pekeng ngiti ang aking isinagot. "M-Maayos lang naman ako.""Hindi halata. Kanina pa hindi maipinta ang mukha mo. Sure ka ba talagang kasal 'to o lamay?" pagbibiro niya saka tumawa. Ngunit kahit sa puntong iyon ay hindi  ko magawang ngumiti. Napayuko na lamang ako at hindi siya sinagot. "Hays, nasasayang ang ganda mo kung palagi ka na lang nakasimangot! Pakiramdam ko tuloy ay hindi isang bride ang inaayusan ko! " dagdag niya pa."P-Pasensiya na."Tinapik nito ang aking balikat. "Hindi na kailangan. Mukhang nakukuha ko na rin ang sitwasyon mo rito. Hindi na lamang ako magtatan

    Huling Na-update : 2022-04-09
  • Tough To Tame   Chapter Three

    NAGLAKAD AKO palabas dala na rin ng pagkalam ng aking tiyan. Tila'y nakaligtaan ko na wala  na ako sa bahay na kinagisnan ko. Wala rin kahit isang katulong ang nagdala sa akin ng pagkain. Dalawang araw na rin na hindi ko nakikita si Darius matapos ng aming kasal. Hindi ko alam kung hindi ba siya umuuwi o sadyang hindi lamang nagtatagpo ang aming landas sa bahay na ito. Hindi ko rin alam kung dapat kong ikatuwa iyon o hindi.Napahawak ako sa railing ng hagdan dala ng panghihina. Boung araw kasi akong nagkulong sa loob ng kwarto sa takot na baka makita ko si Darius. Hindi ko pa kaya siyang harapin. Kung maaaring iwasan siya ay gagawin ko kahit pa magkulong ako boung araw. Patuloy rin akong ginagambala ng pagkamatay ni Kristie sa aking pagtulog. Siguro dahil kahit saang sulok ng bahay ako tumingin, nakikita ko ang imahe ni Kristie.Mamaya ay tumunog ang aking dalang cellphone. Kinuha ko kaagad iyon sa aking bulsa at sinagot."Ma? Napatawag kayo?" Nagkunwari p

    Huling Na-update : 2022-04-09

Pinakabagong kabanata

  • Tough To Tame   Chapter Three

    NAGLAKAD AKO palabas dala na rin ng pagkalam ng aking tiyan. Tila'y nakaligtaan ko na wala  na ako sa bahay na kinagisnan ko. Wala rin kahit isang katulong ang nagdala sa akin ng pagkain. Dalawang araw na rin na hindi ko nakikita si Darius matapos ng aming kasal. Hindi ko alam kung hindi ba siya umuuwi o sadyang hindi lamang nagtatagpo ang aming landas sa bahay na ito. Hindi ko rin alam kung dapat kong ikatuwa iyon o hindi.Napahawak ako sa railing ng hagdan dala ng panghihina. Boung araw kasi akong nagkulong sa loob ng kwarto sa takot na baka makita ko si Darius. Hindi ko pa kaya siyang harapin. Kung maaaring iwasan siya ay gagawin ko kahit pa magkulong ako boung araw. Patuloy rin akong ginagambala ng pagkamatay ni Kristie sa aking pagtulog. Siguro dahil kahit saang sulok ng bahay ako tumingin, nakikita ko ang imahe ni Kristie.Mamaya ay tumunog ang aking dalang cellphone. Kinuha ko kaagad iyon sa aking bulsa at sinagot."Ma? Napatawag kayo?" Nagkunwari p

  • Tough To Tame   Chapter Two

    HINDI KO MAGAWANG ngumiti sa harap ng salamin habang inaayusan ako. Tulala ko lamang na tinitigan ang aking sariling repleksiyon. Batid at alam kong ramdam ng nag-aayos sa akin ang kawalang gana't interes ko sa nangyayari. Isang malalim na pagbuntong-hininga na lamang aking binitawan."Ate, ayos ka lang?" tanong ni Jade, ang aking taga-ayos.Isang pekeng ngiti ang aking isinagot. "M-Maayos lang naman ako.""Hindi halata. Kanina pa hindi maipinta ang mukha mo. Sure ka ba talagang kasal 'to o lamay?" pagbibiro niya saka tumawa. Ngunit kahit sa puntong iyon ay hindi  ko magawang ngumiti. Napayuko na lamang ako at hindi siya sinagot. "Hays, nasasayang ang ganda mo kung palagi ka na lang nakasimangot! Pakiramdam ko tuloy ay hindi isang bride ang inaayusan ko! " dagdag niya pa."P-Pasensiya na."Tinapik nito ang aking balikat. "Hindi na kailangan. Mukhang nakukuha ko na rin ang sitwasyon mo rito. Hindi na lamang ako magtatan

  • Tough To Tame   Chapter One

    TULALANG NAKATITIG lamang ako sa puting ataol kung saan nakahimlay ang malamig na katawan ni Kristie. Sa gilid ng kabaong ay ang mga naghihinagpis na kaibigan at pamilya niya. Lalong sumikip ang aking dibdib sa senaryong iyon. Kasabay rin noon ay ang matalas nilang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang yumuko, sapagkat batid ko ang dahil sa likod na kanilang mga tingin. Tahimik lamang akong naupo sa aking wheelchair, at palihim na nagluksa sa pagpanaw ng aking pinsan.Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Kristie—o mas tamang sabihing inaakusahan nilang sinadya kong patayin siya."Nandito na sila Don Besmonte, at ang kaniyang pamilya!" rinig kong sigaw ni Tiya Maricar. Doon ay narinig namin ang pagparada ng isang sasakyan. Napatingin rin lahat ng tao sa labas. Nang marinig ko iyon, nagsimula na rin tumibok ang puso ko sa kaba. Naramdaman ko na rin ang panginginig ng aking kamay, at pamumuo ng malalamig na pawis sa aking noo. Biglang hinawakan ni K

DMCA.com Protection Status