NAGLAKAD AKO palabas dala na rin ng pagkalam ng aking tiyan. Tila'y nakaligtaan ko na wala na ako sa bahay na kinagisnan ko. Wala rin kahit isang katulong ang nagdala sa akin ng pagkain. Dalawang araw na rin na hindi ko nakikita si Darius matapos ng aming kasal. Hindi ko alam kung hindi ba siya umuuwi o sadyang hindi lamang nagtatagpo ang aming landas sa bahay na ito. Hindi ko rin alam kung dapat kong ikatuwa iyon o hindi.
Napahawak ako sa railing ng hagdan dala ng panghihina. Boung araw kasi akong nagkulong sa loob ng kwarto sa takot na baka makita ko si Darius. Hindi ko pa kaya siyang harapin. Kung maaaring iwasan siya ay gagawin ko kahit pa magkulong ako boung araw. Patuloy rin akong ginagambala ng pagkamatay ni Kristie sa aking pagtulog. Siguro dahil kahit saang sulok ng bahay ako tumingin, nakikita ko ang imahe ni Kristie.Mamaya ay tumunog ang aking dalang cellphone. Kinuha ko kaagad iyon sa aking bulsa at sinagot."Ma? Napatawag kayo?" Nagkunwari pa akong masigla ang aking tono."Anak? Kumusta ka? Hindi kita ma-contact kahapon ah? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong nito."A-Ah naka-off po kasi iyong cellphone ko kahapon, saka n-nakatulog rin ako. Sorry," palusot ko ngunit sa katunayan ay hindi ako handang makausap sila nang oras na iyon."Ganoon ba? Si Darius? Nariyan ba?""W-Wala. Maaga siyang umalis at pumunta sa kanilang plantasyon. Kaya ako lang mag-isa dito," pagsisinungaling ko."Kamusta kayo? Ano? Pinapansin ka na ba ni Darius?" nanunuksong tanong niyaPeke akong tumawa. "Tinutukso niyo na naman ako e! S-Syempre nagkakasiyahan pa rin kami."Napapikit na lamang ako nang sabihin 'yon. Nakokonsensiya."E kasi alam ko naman na may gusto ka kay Darius, simula bata ka pa lang. Kaso nga dahil mahiyain ka, lumaki kang hindi man lang nakakausap ang batang 'yon kahit anong pilit ko sa iyo. Kaya ayan, naiilang pa rin kayo sa isa't isa."Natawa na lamang ako kahit pilit. Marami pa siyang sinabi sa akin na sinuklian ko lamang ng kasinungalingan. Hindi rin natigil ang panunukso niya kahit pa ilihis ko ang aming pinag-uusapan. Dahil sa aming pag-uusap, nakalimutan ko ang aking layunin."Masyado kasing protective ang kuya mo sa iyo, kaya hanggang ngayon hindi pa rin maka-move-on na ikinasal ka na. Hindi ko rin nga alam kung bakit mainit ang ulo ng kuya mo kay Darius, e hindi naman siya inaano ni Darius. May naging alitan ba sila?"Hindi kaagad ako nakaimik sa tanong ni Mama. Hindi ko magawang sabihin na may alam ako, sapagkat ayaw ko pa silang madamay sa kaguluhang sinimulan ko. Isang malalim na pagbuntong-hininga ang ginawa ko."Hindi ko alam 'Ma. Siguro dahil ayaw pa ni kuya na ikasal ako? O kaya naman ay naiinggit siya kasi nauna pa akong ikasal sa kaniya?" pagbibiro ko."Ganoon nga! 'Di bale, kinakausap naman na siya ng Papa mo."Hindi na rin nagtagal pa ang kaniyang pagtawag at nagpaalam na rin ito na magluluto na. Tuluyang ibinaba ko ang cellphone ko na mabigat ang loob. Hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ako magpapanggap.Naglakad na lamang ako pababa papuntang kusina.Doon naabutan ko ang ilang kasambahay na nagluluto. Nakaramdam ako ng hiya sa pag-iisip na utusan silang ipagluto ako ng pagkain. Hindi ko rin makita iyong babaeng nakausap ko noong unang salta ko rito. Siya pa naman ang inaasahan kong makakausap ko kahit papaano.Pansin ko na hindi makatingin nang maayos sa akin ang ibang kasambahay, at nagulat pa sa presensiya ko. Sa huli, naintindihan ko rin ang sitwasyon. Hindi na ako magtataka kong inutusan sila ni Darius na gawin ito sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanila. Nahihiya man ay pinilit ko pa rin, dahil sa tindi ng pagkalam ng aking tiyan."P-Pwedeng ako na mismo ang magluto ng a-aking p-pagkain?" nauutal na tanong ko. Isa sa mga bagay na hindi ko naiiwasan sa tuwing may kakausapin akong ibang tao.Nakita ko ang pagtitinginan ng iba, hindi malaman kung ano ang isasagot. Ngunit sa huli ay tumango rin sila. Nakahinga naman kaagad ako nang maluwag. Nakayuko rin silang umalis. Naiwan ako sa loob ng kusina. Wala naman akong ginawa kundi ang magluto na lamang.Nagmadali ako sa pagluto sa takot na maabutan ako ni Darius. Hindi man naging ganoong kasarap ang kinalabasan ng aking luto, ang mahalaga ay napawi ang aking gutom sa ngayon. Mamaya rin ay nagpaalam na ako sa kanila."A-Alis na ako. S-Salamat..." mahinang wika ko.Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagpapaalam o kung ano ang pinagpasasalamat ko, gayong wala naman silang ginawa. Natawa na lamang ako sa isiping iyon.Naglakad ako papaalis at napadaan sa mismong sala. Ngunit bago ako tuluyang makapunta sa loob ng mismong kwarto ko, natigilan ako nang mapatingin ako sa litrato ni Kristie katabi ng vase. Nagbago ang ihip ng hangin nang mapagmasdan ko ito. Lumapit ako at hinawakan iyon.Naisip ko na kung hindi namatay si Kristie, malamang na sila ni Darius ang magkasama sa bahay na ito. Habang ako ay mananatili na lamang na pinagmamasdan silang dalawa na bumuo ng pamilya.Naisip ko rin na kung hindi ko ba nahuli si Kristie na may kasamang iba, at hindi siya tinakot na isusumbong ko kay Darius ang nakita ko, hindi sana aabot ang sitwasyon namin sa ganito. Hindi ako ang pumatay kay Kristie, pero inaamin ko rin na may kasalanan ako. Karapat-dapat rin ako sa paninisi nila.Hindi ko nga alam kung ang pangangaliwa ba ni Kristie ang puno't dulo o ako, sapagkat hinayaan kong tumibok ang puso ko sa lalaking hindi naman ako ang gusto sa una pa lang?Napabuntong-hininga na lamang ako at tumalikod. Ngunit natigilan ako nang makita ko ang pigura ng tao na nakatayo sa aking pagharap. Hindi kaagad nagtagal nang mapagtanto ko kung sino siya. Pakiramdam ko ay huminto rin sa pagtibok ang puso ko.Darius...Umalingasaw ang magkahalong amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Alam kong nagmumula iyon sa kaniya. Ngunit literal na naestatwa lamang ako sa harap niya."What the bloody hell do you think you're playing at?" malamig nitong tanong sa akin kasabay ng paggapang ng kaba sa aking sistema."K-Kumain l-lamang a-ako, D-Darius..." nauutal na sagot ko sa kaba.Narinig ko ang nang-iinsultong pagngisi nito."Tch. Marahil ay iniisip mong porket pinakasalan kita ay may karapatan ka ng umaktong pag-aari mo ang bawat sulok ng bahay, hindi ba?"Umiling-iling naman ako. "H-hindi sa ganoon, Darius. W-Wala akong balak g-gawin iyon. S-sadyang n-nagugutom lamang —""C'mon, aaktong ka naman bang parang kaawa-awa ka?!"Hindi kaagad ako nakasagot. Ramdam ko rin ang namumuong tensiyon sa pagitan namin ngayon. Pinagsisisihan ko tuloy na hindi kaagad ako umakyat. Sana ay hindi na umabot pa sa ganito. Lalo na't mukhang nakainom siya."Ngayon ay may gana kang pagmasdan ang litrato ni Kristie? Bakit, nakokonsensiya ka na ba?" nang-iinsultong paratang nito sa akin. Tumawa pa ito nang tuso. "O marahil ay pinagyayabang mong naikasal ka sa akin gaya ng plano mo?"Sa pangalawang beses ay hindi ako sumagot. Kumuyom lang ang aking kamay. Total ay inaasahan ko naman na ito. Ngunit magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi niya. Nakakadurog ang mga sinasabi niya sa totoo lang."Alam kong alam mo ang relasyon namin ni Kristie sa una palang. Alam mong mahal ko ang sariling pinsan mo. Pero bakit hindi ka tumanggi sa kasal?! Tsk, hindi na ako magtataka kong ang kayamanan ang habol mo sa pamilya ko kaya pinagpilitan mong maikasal sa akin!"Napatitig lang naman ako sahig at walang imik na tinanggap ang masasakit na paratang niya. Palihim ko na lamang na pinahid ang aking luha."Nakakasukang pakasalan ka, Faustine, " dagdag niya kasabay ng pagsindi niya ng sigarilyplo. Sumikip lalo ang dibdib ko nang marinig ang sinabi niya."Hindi ako tanga upang hindi malamang ari-arian ang habol ng pamilya mo sa akin, kaya pinipilit ng pamilya mo na pakasalan kita noon pa man!" madiing sambit niya.Doon pumantig ang aking tenga. Agad akong tumingin sa kaniya at matalim na tiningnan siya."H-Huwag mong idamay ang pamilya ko sa galit mo sa akin, Darius!" lakas na loob kong sigaw sa kaniya sa kabila ng nanginginig kong boses.Aaminin kong handa kong tanggapin at lunukin ang panghuhusga niya sa akin. Kahit pa pagsalitaan niya ako nang masama at saktan nang pisikal. Handa kong saluhin lahat ng galit niya, pero huwag niyang idadamay ang pamilya ko. Huwag sila...Nakita kong bumalatay ang mala-demonyong ngiti nito sa kaniyang labi, sabay ng swabeng paghitit nito sa kaniyang sigarilyo, at ibinuga sa akin ang usok. Nakagat ko na lamang ang aking labi upang pigilan ang aking paghikbi."Ayan, ilabas mo ang tunay na kulay mo at huwag umaktong tila'y isa kang maamong tupa." Naglakad ito palapit habang nanlilisik ang kaniya mata. Napaatras naman ako, ngunit agad nitong hinila ang aking braso at mahigpit iyong hinawakan. Napaigik ako sa hapdi. "Nasasaktan ka? Kulang pa yan sa ginawa mo!Hindi ako mangmang upang hindi malamang sinadya mong patayin si Kristie tapos umaktong santa sa huli! Ginagago mo ba ako, Barcelon?"Hinawakan ko ang kamay nito at nagpupumilit na makawala. Pakiramdam ko ay mababali na ang aking braso sa higpit ng hawak niya. Mamaya rin ay marahas ako nitong binitawan.Napaupo ako sa sahig sa lakas ng pwersa niya. Hindi rin nagtagal nang maramdaman ko ang malamig na pagdaloy ng likido sa aking katawan. Umalingasaw kaagad sa akin ang amoy ng alak. Natulala ako."Nagkakamali ka kung inaakala mong tapos na tayo sa sandaling ito, Barcelon. Tandaan mo, wala pa tayo kahit sa mismong tarangkahan ng impyerno."Napatitig na lamang ako sa sahig. Hindi maproseso ang nangyari. Hindi ko na rin napansin ang sunod-sunod na pagpatak ng aking luha. Sunod ay narinig ko ang pagyapak ni Darius papaalis, at tinawag ang pangalan ng isang katulong. Balisa naman itong sumunod. Ramdam ko rin ang ilang tingin ng mga kasambahay sa akin, ngunit walang kahit isa ang nag-abalang lapitan ako. Nang sandaling iyon, nakaramdam ako ng awa sa sarili.Agad akong tumayo at nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto. Natutop ko na rin ang aking bibig habang tinatahak ang daan. Sa eksaktong pagpasok ko, doon bumuhos ang emosyong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na napigilan pang umiyak nang malakas kahit pa marinig iyon sa labasNanginginig pa rin ang aking katawan dala ng takot. Hindi ko na tuloy alam kong kakayanin ko pa bang manatili dito. Ngayon pa lamang ay ay mabigat na sa aking dibdib ang nangyari. Hindi ko alam kung kaya ko pang makaharap siya lalo na sa binanta niya sa akin ngayon. Nagkamali ako sa pag-iisip na puro paratang lamang ang gagawin niya. Nagsisisi ako sa desisyon ko. Nagsisisi ako sa ginawa ko.Wala akong ginawa kundi umiyak nang sandaling iyon, at banggitin ang pangalan ng Diyos. Nagsusumamong tulungan niya ako sa daang tinahak ko.Ngunit natigilan ako nang makarinig ako ng pagtugtog ng piyano. Ang tugtuging iyon ay tila'y dinadamayan ako sa aking nararamdaman. Hindi ko rin mapigilang magtaka sapagkat ngayon lang ako nakarinig na may gumamit sa piyano. Hindi rin maaaring maging si Darius iyon, sapagkat lasing siya at malamang ay nasa kaniyang kwarto na siya.Hindi na ako nag-abala pa na punasin ang aking luha, at tuluyang naagaw ng tugtugin ang aking pansin. Pinakinggan ko iyon nang maiigi at napagtanto ko na nagmumula iyon sa kabilang kwarto.May iba pa ba kaming kasama sa loob ng bahay na ito?Mamaya rin lang ay may kumatok sa pinto. Sumunod ay narinig ko ang pamilyar na boses ng katulong sa bahay na ito. Agad na binuksan ko ang pinto at nakita ko ang isang tray na pagkaing dala niya. Tinanggap ko naman kaagad iyon. Bagaman hindi ko maiwasang magtaka, samantalang noong nakaraang araw naman ay walang nagbibigay sa akin ng ganito. Hindi rin naman ako tanga para isiping si Darius ang nagpahatid nito sa akin."S-Salamat," pilit akong ngumiti. Tumango na lang ito at nagpaalam na umalis. Sinarado ko kaagad ang aking pinto.Naupo ako sa sahig at napatitig sa laman ng tray. Bukod sa masasarap na pagkain, ang tunay na nakaagaw ng aking pansin ay ang nakarolyong papel sa gilid . Nagtatakang kinuha ko iyon saka binuksan. Doon ay bumungad sa aking ang nakaukit na larawan ko habang nakasuot ng traje de buda. Literal na nanlalaki ang aking mata sa gulat, at sa labis na pagtataka.Sino ang may gawa nito?!Hindi rin nagtagal nang dumapo ang aking tingin sa ibaba ng papel. Doon nakita ko ang nakatalang pangalan ng nagmamay-ari ng obrang hawak ko.Francoîse.TULALANG NAKATITIG lamang ako sa puting ataol kung saan nakahimlay ang malamig na katawan ni Kristie. Sa gilid ng kabaong ay ang mga naghihinagpis na kaibigan at pamilya niya. Lalong sumikip ang aking dibdib sa senaryong iyon. Kasabay rin noon ay ang matalas nilang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang yumuko, sapagkat batid ko ang dahil sa likod na kanilang mga tingin. Tahimik lamang akong naupo sa aking wheelchair, at palihim na nagluksa sa pagpanaw ng aking pinsan.Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Kristie—o mas tamang sabihing inaakusahan nilang sinadya kong patayin siya."Nandito na sila Don Besmonte, at ang kaniyang pamilya!" rinig kong sigaw ni Tiya Maricar. Doon ay narinig namin ang pagparada ng isang sasakyan. Napatingin rin lahat ng tao sa labas. Nang marinig ko iyon, nagsimula na rin tumibok ang puso ko sa kaba. Naramdaman ko na rin ang panginginig ng aking kamay, at pamumuo ng malalamig na pawis sa aking noo. Biglang hinawakan ni K
HINDI KO MAGAWANG ngumiti sa harap ng salamin habang inaayusan ako. Tulala ko lamang na tinitigan ang aking sariling repleksiyon. Batid at alam kong ramdam ng nag-aayos sa akin ang kawalang gana't interes ko sa nangyayari. Isang malalim na pagbuntong-hininga na lamang aking binitawan."Ate, ayos ka lang?" tanong ni Jade, ang aking taga-ayos.Isang pekeng ngiti ang aking isinagot. "M-Maayos lang naman ako.""Hindi halata. Kanina pa hindi maipinta ang mukha mo. Sure ka ba talagang kasal 'to o lamay?" pagbibiro niya saka tumawa. Ngunit kahit sa puntong iyon ay hindi ko magawang ngumiti. Napayuko na lamang ako at hindi siya sinagot. "Hays, nasasayang ang ganda mo kung palagi ka na lang nakasimangot! Pakiramdam ko tuloy ay hindi isang bride ang inaayusan ko! " dagdag niya pa."P-Pasensiya na."Tinapik nito ang aking balikat. "Hindi na kailangan. Mukhang nakukuha ko na rin ang sitwasyon mo rito. Hindi na lamang ako magtatan
NAGLAKAD AKO palabas dala na rin ng pagkalam ng aking tiyan. Tila'y nakaligtaan ko na wala na ako sa bahay na kinagisnan ko. Wala rin kahit isang katulong ang nagdala sa akin ng pagkain. Dalawang araw na rin na hindi ko nakikita si Darius matapos ng aming kasal. Hindi ko alam kung hindi ba siya umuuwi o sadyang hindi lamang nagtatagpo ang aming landas sa bahay na ito. Hindi ko rin alam kung dapat kong ikatuwa iyon o hindi.Napahawak ako sa railing ng hagdan dala ng panghihina. Boung araw kasi akong nagkulong sa loob ng kwarto sa takot na baka makita ko si Darius. Hindi ko pa kaya siyang harapin. Kung maaaring iwasan siya ay gagawin ko kahit pa magkulong ako boung araw. Patuloy rin akong ginagambala ng pagkamatay ni Kristie sa aking pagtulog. Siguro dahil kahit saang sulok ng bahay ako tumingin, nakikita ko ang imahe ni Kristie.Mamaya ay tumunog ang aking dalang cellphone. Kinuha ko kaagad iyon sa aking bulsa at sinagot."Ma? Napatawag kayo?" Nagkunwari p
HINDI KO MAGAWANG ngumiti sa harap ng salamin habang inaayusan ako. Tulala ko lamang na tinitigan ang aking sariling repleksiyon. Batid at alam kong ramdam ng nag-aayos sa akin ang kawalang gana't interes ko sa nangyayari. Isang malalim na pagbuntong-hininga na lamang aking binitawan."Ate, ayos ka lang?" tanong ni Jade, ang aking taga-ayos.Isang pekeng ngiti ang aking isinagot. "M-Maayos lang naman ako.""Hindi halata. Kanina pa hindi maipinta ang mukha mo. Sure ka ba talagang kasal 'to o lamay?" pagbibiro niya saka tumawa. Ngunit kahit sa puntong iyon ay hindi ko magawang ngumiti. Napayuko na lamang ako at hindi siya sinagot. "Hays, nasasayang ang ganda mo kung palagi ka na lang nakasimangot! Pakiramdam ko tuloy ay hindi isang bride ang inaayusan ko! " dagdag niya pa."P-Pasensiya na."Tinapik nito ang aking balikat. "Hindi na kailangan. Mukhang nakukuha ko na rin ang sitwasyon mo rito. Hindi na lamang ako magtatan
TULALANG NAKATITIG lamang ako sa puting ataol kung saan nakahimlay ang malamig na katawan ni Kristie. Sa gilid ng kabaong ay ang mga naghihinagpis na kaibigan at pamilya niya. Lalong sumikip ang aking dibdib sa senaryong iyon. Kasabay rin noon ay ang matalas nilang tingin sa akin. Wala akong nagawa kundi ang yumuko, sapagkat batid ko ang dahil sa likod na kanilang mga tingin. Tahimik lamang akong naupo sa aking wheelchair, at palihim na nagluksa sa pagpanaw ng aking pinsan.Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Kristie—o mas tamang sabihing inaakusahan nilang sinadya kong patayin siya."Nandito na sila Don Besmonte, at ang kaniyang pamilya!" rinig kong sigaw ni Tiya Maricar. Doon ay narinig namin ang pagparada ng isang sasakyan. Napatingin rin lahat ng tao sa labas. Nang marinig ko iyon, nagsimula na rin tumibok ang puso ko sa kaba. Naramdaman ko na rin ang panginginig ng aking kamay, at pamumuo ng malalamig na pawis sa aking noo. Biglang hinawakan ni K