“Ano?! Ma, ano’ng ibig n’yong sabihin?” Hindi makapaniwala si Rousanne sa sinabi ng ina. Napatingin siya sa kapatid at ama na parehong nakatitig sa kanya at tila gano’n din ang pinahihiwatig ng kanilang mukha. “Anak, pasensya na, pero wala kaming nagawa…” “Inilayo niyo na lang sana ako!” Hinding-hindi talaga siya makakawala kay Demetrius. What if dahil sa ginawa nito ay mas lalong mapahamak silang pamilya? Hindi alam ni Rousanne ang tungkol sa nakaraan ng ama at ni Demetrius, pero ngayon ay alaala niya na na kilala niya ang binata pagkabata, pero bakit gano’n? Bakit nag-iba ito? “Kapag inilayo ka namin sa tingin mo hindi niya tayo matutuntunan? Nalagay sa kahapamakan ang buhay mo, anak. Paano kung sundan tayo ng mga ‘yon? Mas mabuti nga siguro ang desisyon ni Demetrius.” “Wala ka bang tiwala sa kanya?” Huminga ng malalim si Roman bago lumakad papalapit sa mag-ina. “Rousanne, malaki ang naging pagkakamali at ngayon ay susugal ako ulit para sa kaligtasan mo. Hindi ko kaya anak
Read more