"Hello... are you still there, Raffi?" Napabalik-huwesyo naman ako nang marinig ko ang pagsasalita ng kausap ko na nasa kabilang linya. It's Trina, nasa ibang bansa ito kaya wala siyang kaide-ideya na magkasama kami ni Gabriel ngayon sa iisang bubong.Kahit gusto ko mang ipaalam at ikwento sa kaniya ay wala akong lakas ng loob... dahil bali-baliktarin man ang mundo , mali itong ginagawa namin ni Gabriel. May asawa siyang tao at gumagawa kami ng mga bagay na hindi namin dapat ginagawa dahil isa lamang akong baby-maker niya, na mawawalan na ng koneksyon sa kaniyang buhay after nine months, kapag naisilang ko na ang anak niya. Kasabay nang pagkaputol ng umbilical cord na nagkokonekta sa amin ng baby niya ay ang pagkaputol din ng koneksyon naming dalawa. Kaya ayaw ko ng marami pang tao ang masangkot sa gulong ito, as much as possible, I will keep this on my own."Y-yes, Trina... kumusta?""Okay lang ako rito, ikaw... ikaw ang kumusta riyan, kumusta ang pagbubuntis mo, nahihirapan ka ba? M
Read more