Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng telephone na nasa side table.
"H-hello?" walang ganang sagot ko.
Ang sakit ng katawan ko, para akong buong araw na nagsaka sa bukid ng Hacienda.
"Rafaela! Gaga ka! Ano ang nabalitaan ko kay Atlas, ha? Andito ako sa labas ng bahay mo, pagbuksan mo ako dahil gusto kitang sabunutan ngayon!"
At para namang naging alarm clock ang sinabing iyon ni Trina na nasa kabilang linya na nagpabangon sa akin.
Naramdaman ko naman ang pagkirot ng aking ibabang bahagi ngunit kailangan kong bumangon, hindi ako maaaring magpakahina ngayon. Kaagad ko namang sinuot ang robe na nakapatong sa single sofa na nasa gilid ng kwarto at mabilis na bumaba para pagbuksan si Trina.
Yakap kaagad ang sumalubong sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng gate. Yakap ng isang kaibigan na kailangang kailangan ko ngayon pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni Gabriel Mondragon kagabi.
"Bakit hindi mo sa akin kaagad sinabi, Raffi? P*****a kang gaga ka, virgin ka pa pala..." may himig ng frustration sa boses nito.
"Huwag mo na akong pangaralan, Trina... nangyari na ang mga nangyari, as if maibabalik ang pagkawarak ng hymen ko kapag inisip ko pa ang bagay na iyon. Ang mahalaga ay mabuntis ako at ma-survive ko ang halos isang taong pananatili ko rito," walang gana kong sambit sa kaniya.
"Satisfied ka naman ba?" Napakunot-noo ako sa tanong niyang iyon.
"Anong satisfied diyan..." maang kong tugon sabay irap.
"Malaki ba? Magaling? Ano na, Raffi... share naman!" parang gaga niya namang turan.
"Gaga ka ba, may asawa na ang tao..." sagot ko sabay buntong-hininga.
"Ano naman ngayon, atleast natikman mo pa rin siya, tapos magkakaanak pa kayo. Alam mo, Raffi bagay kayo ni Gabriel Mondragon!" sulsol niya pa na ikinainis ko dahil hangga't sa maaari ayoko na talagang mag-isip pa ng kahit na anong posibilidad sa pagitan namin ni Gabriel Mondragon, may asawa na siyang tao at ramdam ko namang mahal na mahal niya ito.
"Ayaw kong maging kabit..." tanging nasabi ko lang.
"Bakit sinabi ko bang maging kabit ka niya?" sambit naman niya sabay ngisi. Loka talaga 'tong Trina na ito.
"Hindi pero ganoon pa rin iyon, at ang sabi ko sa kaniya kagabi, mahalin niya ako kahit habang nagtatalik lang kami..."
"A-anong sabi mo? Sinabi mo iyon! Ang lakas mo, Raffi... para kang hindi virgin kagabi ha."
"Bakit? I am just asking him to love me kahit kunwari lang habang ginagawa namin yung anak niya... anak ko rin iyong aampunin at aalagaan ng asawa niya, Trina. At mas maaalagaan at protektahan siya ni Gabriel kapag nabuo siya through love," paliwanag ko dahil iyon naman lagi ang sabi ng lola ko noon, na mas mamahalin mo ang isang anak na nabuo sa pagmamahalan ng dalawang tao, at mahihirapan kang pabayaan ito.
"Iba talaga kapag probinsyana, ano? Ang lalim mong mag-isip. Hindi na ako magtataka kapag dumating ang araw at ang isang gabing nasa kontrata niyo ni Mr. Mondragon ay maging dalawa, tatlo, hanggang balik-balikan ka na niya."
"A-anong pinagsasabi mo, Trina. Hindi ako nandirito para manira ng relasyon ng dalawang tunay na nagmamahalan."
"Pero sa nangyari sa inyo kagabi, ganoon na rin ang kahahantungan no'n, Raffi. Mas mapapanatag pa siguro ako kung mas naisip niya pa rin na isa kang pro na baby-maker, just pure business, ngunit isipin mo na lang sa parte ng isang lalaki na nakatikim ng sariwang pagkain, at kasing ganda mo pa. I doubt it, hanggang ngayon ay laman ka pa rin ng isipan ni Gabriel Mondragon..." mahabang litanya nito na ikinailing ko lang. Minsan magaling din itong si Trina mang-demonyo ng isipan eh.
"Hindi ko na kasalanan iyon, kung magpapadaig siya sa libog," sambit ko.
"Alam mo minsan bitch ka rin, ano?" proud niyang bulalas.
"Hindi naman, sadyang may mga napagtanto lang ako dahil sa pagkawarak ng hymen ko kagabi... I need to be matured enough para hindi malugi sa business deal na ito..."
"Dapat lang, ano! Kung iisipin niya na lang din na isa kang maduming babae, sulitin mo na kaya..." sambit niya kaya napangisi ako dahil naalala ko na naman kung paano ako ituring na isang pota ni Gabriel Mondragon kagabi bago niya ako iniwan.
"Binigyan niya na nga ako ng isang milyon kagabi... cash."
"A-ano? Iba pa iyon sa limang milyong usapan niyo?" hindi makapaniwalang turan niya.
"Oo, tinapon niya sa h***d kong katawan na parang isang pota na kakatapos lang niyang gamitin at pagsawaan."
"Oh my gosh, ang jerk niya! Hindi niya man lang naisip na swerte nga siya at isang malinis na babae ang magdadala ng anak niya... gago talaga!" nahimigan ko ng inis at galit ang boses ni Trina ng sinambit ang mga bagay na iyon.
"Basta... ayaw ko ng makita ang pagmumukha ng Mondragon na iyon, Trina. Kung pwede sana, ikaw na lang ang makipagtransaksyon sa kaniya, once na magkalaman na ang tiyan ko." At napahawak naman ako sa aking sinapupunan.
"Okay, paano pala ang nanay mo kapag nalaman niya ito?" Muli akong napaisip sa sinabing iyon ni Trina.
"Hindi... hindi niya maaaring malaman na pinaupahan ko ang matres ko para may maipangbayad sa Carlos De Guzman na iyon! Paniguradong susumpain niya ako, Trina, na mas pinili kong magpaka-pota kaysa tanggapin ang alok na kasal ni Carlos."
"Eh bakit nga ba ayaw mo sa lalaking iyon? Panget ba?" curious na tanong niya sa akin, na ikinailing ko lang.
"Carlos De Guzman? Gwapo, matangkad, at may lahing italyano iyon..." pagbibigay opinyon ko naman sa itsura ni Carlos.
"Then bakit?"
"Maliban sa sindikato ang pamilya nila... hindi ko siya mahal," iyon lang ang sabi ko.
"Pero nagpapako ka ng kay lalim kay Gabriel Mondragon na isang may awasang tao?"
"B-basta, Trina... huwag mo na akong kinakausap..." iritableng tugon ko na lang sa kaniya dahil sa totoo lang hindi ko na rin alam pa ang mga pinanggagawa ko sa buhay ko.
***********
Three weeks later...
GABRIEL'S POV
"Pare, positive..." bungad sa akin ni Atlas nang pumasok ito sa opisina ko.
Napatingin naman ako sa kaniya ng nakakunot-noo.
"Anong positive?"
"Buntis na si Rafaela..."
Napahigpit ako sa pagkakahawak ko sa sign pen at napatigil sa pagpipirma ng mga papeles.
"Talaga?" tanging nasambit ko lang na hindi alam ang magiging reaksyon pero masaya ako.
"Oo, kakatawag lang ni Trina sa akin."
"Bakit hindi ako tinawagan ni Rafaela..." takang tanong ko dahil simula ng gabing iyon wala na akong narinig na kahit ano tungkol sa kaniya.
"Ayon pala, Gab... ayaw ni Rafaela na makita ka, magkita na lang daw kayo kapag nanganak na siya. And about sa mga needs niya sa pagdadala ng anak mo, si Trina na lang daw kontakin mo. At iyong kalahati raw sa napag-usapan kapag nabuntis na siya, ibigay mo na lang daw kay Trina," imporma ni Atlas.
Hindi ko alam pero napakuyom ako sa sinabing iyon ni Atlas, ano bang gusto ng babaeng iyon. At bakit siya ang masusunod, eh ako naman ang tatay ng batang pinagbubuntis niya.
"Hindi pwede. Ako ang masusunod sa business deal naming ito... sa ayaw o sa ayaw niya, I will visit her kung gugustuhin ko."
"Basta bahala na kayong mag-usap diyan ni Rafaela. Pero ang swerte mo rin ano? Nakakuha ka ng baby-maker na virgin."
Bigla namang nanumbalik ang gabing pinagsaluhan namin ni Rafaela Santiago...
"Hindi mo ba alam na mas magandang mag-alaga ng isang batang nabuo dahil sa pagmamahal ng dalawang tao? I am not telling you to love me after this night... I am just asking you to please, kahit kunwari lang ngayong gabi, mahalin mo ako, at ganoon din ako sa iyo. Let's not think of other things, tonight but just you and me. Atin lang ang gabing ito, angkinin mo ako at ganoon din ako sa 'yo... for the sake of your future heir."
Ilang gabi rin akong binangungot dahil sa mga salitang binitawan ng babaeng iyon. Akala ko talaga ay isa siyang professional na baby-maker, but damn! She's a fuckin' virgin. At hindi ako pinapatulog ng konsensya ko dahil sa katotohanang iyon! Mahirap tanggapin sa kalooban ko iyon na parang niloko ko ang asawa ko dahil sa ginawa kong iyon. Ngunit nangyari na ang mga nangyari, buntis na ngayon ang babae at bakit ganito... gusto ko siyang makita ngayon. Gusto kong maging parte ng pagbubuntis niya ang presensya ko. Fuck!
ROWENA'S POV"Hello, honey..." bati ko at halik sa asawa ko..."Saan ka na naman galing, Rowena?" may inis na tanong nito sa akin."Sa mga kaibigan ko, Hon..." simpleng sagot ko."Parati ka na lang nasa kaibigan mo... nawawalan ka na ng oras sa akin," malamig na himig na sabi niya sa akin. Umupo naman ako sa hita niya at niyakap ang kaniyang leeg."Huwag ka ng magalit, Honey... hayaan mo babawi ako ngayong gabi..."sambit ko at hinaplos ang mukha niya pero iniwas niya lang ito. What's wrong with him.
"Let's end our contract..." Ang pagkabasag ng basong hawak-hawak ko ang nagpakuha ng atensyon niya para tignan ang kinaroroonan ko.Nakasabunot lang kasi ito sa kaniyang buhok habang nakayuko sa kitchen counter."A-alam mo ba ang sinasabi mong iyan?" matapang pero nauutal kong tanong sa kaniya.Ang pagtatapos ng kontrata namin this instance means killing the life inside me!!!"I can't convince my wife to adopt that child..." mahihimigan ng frustration, guilt, fear of losing something sa boses nito.Kaya humakbang ako papalapit sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ng suot-suot niyang suit."Eh isa't-kalahating gago ka pala eh! Bakit ka pa naghanap ng baby-maker kung papatayin mo lang din pala ang bata! Potangina mo ka, Gabriel Mondragon!" Galit ako! Galit na galit ako, isa rin sa dahilan kung bakit ako pumayag sa business deal na ito ay dahil nakikita kong magiging mabuting ama siya sa magiging anak niya! Tapos... tapos... damn him!"Ano bang pinuputok ng butsi mo? Babayaran
Three days... tatlong araw na kaming magkasama ni Gabriel Mondragon sa iisang bahay. Alam kong mali na manatili siya sa tabi ko kahit sabihin ko man sa aking sarili na ito ay para sa anak niyang nasa sinapupunan ko ang dahilan ngunit sa tuwing uuwi siya rito ng nakangiti at masaya, nakakaramdam na rin ako ng sobrang galak sa aking kalooban para sa kaniya. Kaya kahit pakiramdam ko ay mali ang aming mga ginagawa lalo na ang pagtatabi namin gabi-gabi sa pagtulog ay mayroon pa ring boses na nagsasabing... okay lang iyan, just stay still, it's for the baby inside you, para maramdaman niya ang warmth ng kaniyang ama sa kaniya by being beside you, who was carrying and taking good care of him.Napaigtad naman ako nang maramdaman ko ang pagpasok ng kamay ni Gabriel sa loob ng aking blusa. He was caressing my naked boobs. Oh my God... this is wrong but, it --it feels perfect! His soft big hands that touching my sensitive nipples and cupping my medium size mounds that perfectly fits to his hands.
"Hello... are you still there, Raffi?" Napabalik-huwesyo naman ako nang marinig ko ang pagsasalita ng kausap ko na nasa kabilang linya. It's Trina, nasa ibang bansa ito kaya wala siyang kaide-ideya na magkasama kami ni Gabriel ngayon sa iisang bubong.Kahit gusto ko mang ipaalam at ikwento sa kaniya ay wala akong lakas ng loob... dahil bali-baliktarin man ang mundo , mali itong ginagawa namin ni Gabriel. May asawa siyang tao at gumagawa kami ng mga bagay na hindi namin dapat ginagawa dahil isa lamang akong baby-maker niya, na mawawalan na ng koneksyon sa kaniyang buhay after nine months, kapag naisilang ko na ang anak niya. Kasabay nang pagkaputol ng umbilical cord na nagkokonekta sa amin ng baby niya ay ang pagkaputol din ng koneksyon naming dalawa. Kaya ayaw ko ng marami pang tao ang masangkot sa gulong ito, as much as possible, I will keep this on my own."Y-yes, Trina... kumusta?""Okay lang ako rito, ikaw... ikaw ang kumusta riyan, kumusta ang pagbubuntis mo, nahihirapan ka ba? M
"I am free this weekend..." biglang sambit ni Gabriel na ikinatingin ko sa kaniya.Andirito kami sa hapag-kainan, kumakain ng agahan. Napatingin naman ako sa kalendaryo ng aking cellphone... Friday pala ngayon, at halos isang linggo na kaming magkasama ni Gabriel, at magiging huling linggo na naming malayang magkasama next week dahil uuwi na rin ang asawa niya sa susunod na lunes. Tumunghay naman ako sa kaniya at ngumiti dahil nakatingin na ito sa akin at mukhang hinihintay ang magiging pagtugon ko sa sinabi niya.Ano bang gusto niyang sabihin ko?"Then that's great, pwede kang mag-two days vacation sa isang magandang lugar," suhestiyon ko naman sa kaniya. At pinokus muli ang atensyon ko sa pagkain ko."Tama ka, we should travel out of town this weekend," sambit nito na ikinakunot-noo ko naman."W-what?" hindi makapaniwalang tugon ko.Ano na naman bang gusto niyang mangyari ngayon?"One of my cousins, owned a private island. Pwede tayo roon," parang wala lang na sambit nito sa akin, n
ROWENA'S POV"Let's go, Ms. Rowena ...""Yes... Just a minute, I will just call my husband..." sambit ko na lamang sa kasamahan ko at kinuha ang aking cellphone to call him, Gabriel Mondragon... I already missed him yet hindi man lang siya tumatawag sa akin. Tsk. Its been a week already.Ilang pag-ring pa bago niya ito sagutin."Hello, Honey?" bungad ko na may ngiting nakapaskil sa aking labi kahit alam kong hindi niya man ito nakikita."Hello, Mrs. Mondragon... pasensya na po kung sinagot ko ang tawag niyo, naiwan po kasi ni Sir Gabriel ang phone niya rito sa office." What? Tumingin naman ako sa aking relo to check what's the time in the Philippines, naka-set pa rin kasi ito sa PH time kahit andito ako sa New York City ngayon... and its aleady 6:00 in the evening there. Kaya siguro umuwi na ito."Oh... umuwi na ba siya, Clara?" tanong ko sa kaniya upang sa bahay na lang ako tatawag."Yes, Ma'am. Pero hindi ko po sigurado kung makokontak niyo po siya sa bahay niyo. Sir Gabriel went ho
The two days trip namin ni Gabriel sa isla ng pinsan niya ay naging masaya naman. . . doon ko mas naramdamang excited siya na makapanganak ako, mahawakan at maalagaan ang magiging baby namin. I mean ang magiging baby nila ni Miss Rowena.Inalagaan niya ako na parang kaniyang tunay na asawa na nagdadalang-tao sa aming unang tagapagmana. . . oo nga, anak niya naman talaga ito pero kay Rowena, hindi kay Rafaela. . . hindi sa akin. Isang kasangkapan lamang ako para mabuo ang kanilang pamilya.Kailangan ko na nga talagang tanggapin ang katotohanang hindi akin ang batang dinadala kong ito. . . it's his baby and Rowena's.Alam kong mahal na mahal niya si Rowena, dahil kahit ako ang kasama niya ay ang asawa niya pa rin ang iniisip at inaalala niya bawat segundong lumipas. Ako ang katabi niya sa pagtulog, ang kayakap ngunit pangalan ni Rowena ang kaniyang binabanggit gabi-gabi.Dumating na nga ang araw na matatapos na ang aming bahay-bahayan dahil uuwi na ang kaniyang asawa. At hiniling kong i
"Rowena. . .""Please consider us adopting a new born baby. . ." Mga katagang sinambit ni Gabriel kagabi na hindi mawala-wala sa isipan ko."Rowena? Still there, anak?"Napabalik-huwesyo ako nang marinig ko ang boses ng aking ina sa kabilang linya, tinawagan ko kasi ito ngayong umaga para hingin ang opinyon niya sa kagustuhang mag-ampon ni Gabriel ng bagong silang na baby. I need my mom's opinion about this, ayokong magsisi ako sa huli kapag nagdesisyon kaagad ako na hindi siya kinokonsulta."Ah, Mom. . . yes, I called because I just want to ask you about something. I really need your opinion about this," sambit ko pero nag-aalangan pa rin akong buksan ang tapiko tungkol sa bagay na iyon ngunit I really need to do this."What is it, anak?""Is it okay to adopt a new born baby?" tanong ko ng deretso sa aking ina."Mag-aampon kayo ni Gabriel? Wala na bang ibang paraan para mabuntis ka, anak?" balik tanong nito na gumuhit ng kung anong sakit sa aking damdamin. Hindi naman lingid sa kaala