Share

TWO

THIRD PERSON'S POV

"Saan ka galing, Rowena?" bungad na tanong kaagad ni Gabriel sa kaniyang asawa. Ngumiti naman ang babae sabay hakbang papalapit sa kaniya na prenteng nakaupo sa sala. Umupo naman si Rowena sa mga hita nito at inilingkis ang mga kamay sa leeg ni Gabriel

"Nakipagkita lang ako sa mga friends ko noong college, honey... ikaw? Kanina ka pa ba nakauwi?" tanong nito at dinampian ng halik ang kaniyang asawa na pinalalim naman ni Gabriel nang hawakan niya ang mukha ni Rowena. Hinalikan niya ito ng may sobrang pagmamahal.

"Hmm..." pag-alpas naman ng ungol ni Rowena nang maramdaman niya ang paghaplos ng mga  palad ni Gabriel sa kaniyang may kalakihang dibdib.

"Tara, sa kwarto..." marahang pagbulong naman ni Gabriel sa asawa at binuhat na niya ito in a bridal style. Halos mapatili naman si Rowena dahil sa ginawang iyon ng kaniyang asawa.

Para silang bagong kasal na kakauwi lang galing sa reception. At excited na para sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa.

********

RAFAELA'S POV

Tinitignan ko ang sarili ko sa isang full-length mirror na nandirito sa bahay na magiging pansamantalang tirahan ko sa loob ng halos isang taon.

Bahay na binili ni Gabriel Mondragon para sa amin, kung saan magaganap ang unang gabing pinag-usapan namin, na located sa Southridge Village, isang exclusive village na para sa mga mayayaman at may sinabi sa buhay lang katulad ni Trina at nong kaibigan niyang si Atlas.

Dito ako ibinahay ni Gabriel Mondragon.  Maganda ang mga bahay rito sa village, at ang mas maganda sa lugar ay mangilan-ngilan lang ang nakatira at hindi basta-basta nagpapapasok at nagbibigay impormasyon sa mga taga-labas... kaya safe na business location para sa amin ni Gabriel. Lalo na at malayo rito ang mansion nila ng kaniyang asawa.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip na para akong isang kabit na tinatago ng isang mayamang negosyante.

Kung hindi ko lang talaga kinakailangan ng pangmadaliang pera ay hindi ko ito gagawin.

Napapikit na lamang ako habang inaalala ang mga nangyari noong nakaraang linggo sa aming hacienda sa Batangas.

"Nalulugi na ang buong hacienda natin, Rafaela... at baka tuluyan na itong

mawala sa atin

kapag hindi ka

magpakasal kay Carlos De Guzman. Siya na lang ang tanging pag-asa natin at ng hacienda para makabalik tayo sa dating kinalalagyan

natin."

Napakuyom ako dahil sa mga sinabing iyon ng nanay ko. Pinunasan ko ang umalpas na luha sa aking mga mata bago galit na lumingon sa kaniya.

"Isinanla mo ako? Grabe

ka, Mama! Sarili mong anak... magkano, magkano ang halagang

napag-usapan

niyo ni Carlos De Guzman kapalit ng pagkakatali ko sa kaniya

habang buhay? Magkano, Mama? Magkano... magkano ang halaga ko?"  hindi makapaniwalang tanong ko sa aking ina.

"Hindi na mahalaga pang malaman mo iyon, Rafaela, anak. Basta magpakasal

ka lang sa kaniya at iaahon niya sa putik ang buong Hacienda Santiago." wala sa sariling sambit ng nanay ko. 

"Magkano nga, Mama?! Magkano ang halaga ko? Sagutin mo ako! Magkano?!"  may galit na pilit ko pa sa kaniya habang patuloy na lumuluha. Napaupo na lamang ako sa sahig habang yakap-yakap ang aking sarili.

Hindi ako makapaniwala, isinanla ako ng nanay ko sa isang katulad ni Carlos De Guzman... makakaya ko pa kung sa iba, pero sa isang De Guzman? Na kilalang sindikato ang kanilang pamilya sa bayan namin...

Oo makakaahon kami sa hirap pero sa kahihiyan, hindi...

"Limang

milyon,sagot ng aking ina.

"L-limang

milyon?"  ulit ko.

"Sa halagang

limang

milyon, pinagkalulong mo ako sa demonyo? Mama, we can use my savings, alam ko, may iniwan si Papa sa akin, at mahigit  sampong

milyon na iyon

dahil hindi ko naman ito ginagasta... nasaan na iyon, Mama?"

"Sa tingin mo ba magkakaganito ako, kung may pera pa tayo? Kahit

kailan, Rafaela, wala ka pa ring kamuwang-muwang sa mundo! Sa dami ng iniwang

kautangan at paluging

negosyo ng Papa mo, kulang pa ang mga iniwan

niyang

kaperahan para mabayaran ang lahat,"  umiiyak na ring sambit ng nanay ko.

Kita ko ang hirap at stress sa mukha nito... alam kong ayaw niya rin akong ilagay sa sitwasyong ito ngunit wala na siyang ibang choice, kung hindi lang sana namatay ng biglaan ang Papa ko. Kung sana andito pa siya, hindi ito mangyayari sa buhay namin. Ngunit wala na siya, kami na lang ni Mama ang natitira sa mundong ito kasama ang mga iniwang problema ni Papa na matagal niya na palang itinatago sa amin.

"Kapag ba, naibigay ko ang limang

milyon, mababawi na natin sa mga De Guzman ang Hacienda?  Ang kalayaan ko? "

tanong ko.

Tumango naman si Mama,

"P-pwes, bigyan mo ako ng isang buwan ... isang buwan, Mama. At ibibigay ko ang kailangang pera para sa Hacienda at sa kalayaan ko." 

Mabilis kong tinalikuran ang nanay ko na kaagad namang hinablot ang braso ko bago pa man ako makalabas ng aming Mansion.

"At saan ka

kukuha ng ganoong

kalaking

halaga ha?"

"Mangungutang ako..."

"Kanino? Sa tingin mo, may magpapautang pa sa 'yo ng ganoong

kalaking pera?  Wala na tayo sa alta Sociedad, Rafaela. Hindi ka na lilingunin ng mga taong

tinulungan ng pamilya

nating

umangat

noong tayo ang sa taas! Tinalikuran na tayo ng lahat simula ng maging

mahirap pa tayo sa daga... Si Carlos De Guzman lang ang hindi tumalikod sa atin

kahit

ilang

beses

siyang

tinalikuran ng Papa mo, noon dahil

mahal

ka niya!"

litanya nito. Umiling ako... Hindi ayoko, ayoko...

Lahat gagawin ko huwag lang matali sa isang Carlos De Guzman!

"Hindi ako magpapakasal sa kaniya, okay? Isang buwan, ibibigay ko ang limang

milyon,"

Pahakbang na ako palabas nang muling hablutin ni Mama ang braso ko.

"P-paano kung wala kang maibibigay kay Carlos, Rafaela? Ano ng mangyayari sa atin?"

"P-pwes, magpapakasal ako sa kaniya..."

*****

"You look perfect ..." puna ni Gabriel Mondragon sa akin habang nakatingin sa kabuuang ayos ko...

Simple lang naman ito, isang red fitted long gown.

Gwapo rin naman ito sa kaniyang ayos na naka-suit and tie.

Para kaming couple na pupunta sa isang Grand Ball ng mga alta.

Ngumiti ako... hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako ngayon sa unang gabing magsasama kami. Mabuti na lamang at tinuruan ako ni Trina kung ano ang gagawin upang makasanayan namin ni Gabriel Mondragon ang isa't-isa. Binigyan niya rin ako ng mga tips kung paano maging professional sa larangang ito. Well, ito lang naman sa mga sinabi niya ang tumatak sa aking isipan...

"Be seductive..."

Ngunit paano? Alalahanin mo, Rafaela... limang milyon ang kailangan mong maibigay sa katapusan ng buwang ito kaya dapat sa unang gabi niyong ito ni Gabriel Mondragon ay may mabuo na kaagad after a week or two.

"So..." hindi ko alam ang aking sasabihin.

"So, handa ka na ba, Rafaela?" sambit niya sa akin na ikinakunot-noo ko.

"Be seductive, Rafaela... be confident in every word you are about to say in front of Gabriel Mondragon, kailangang isipin niyang professional ka sa bagay na ito. Hindi ka naman na virgin 'di ba?"

At nang marinig kong muli sa aking sistema ang mga sinabing iyon ni Trina ay parang gusto kong umatras...

"Hindi ka naman na virgin 'di ba?"

"O-oo. Hindi na, atsyaka kailangan ko ng limang milyon..."

Napapikit ako... bakit ang daming pumapasok na mga bagay sa aking isipan. Kanina naman hindi ko ito inaalala, ang mga bagay na pinag-usapan naman ni Trina kanina nang bisitahin at ayusan niya ako para sa paghahanda sa gabing ito.

Kailangan ko ng pera... kung kaya't kailangan ko itong gawin... kaya ko ito! I can do this...

Tinignan ko ng walang emosyon si Mr. Mondragon na nakatitig na rin sa akin ngayon, I can't read his reactions... naka-poker face lang ito kung kaya't ngumiti  na lang ako ng kay tamis.

"Bakit ako ang itinatanong mo ng ganyan, Mr. Mondragon? Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa iyo, handa ka na bang mahalin ako ngayong gabi?" lakas-loob kong tugon sa kaniya.

"Anong sabi mo? Hindi ko kayang mahalin ang babaeng katulad mo. At may asawa na akong mahal na mahal ko, na hindi ko kayang saktan at ipagpalit sa iba, lalo na sa katulad mo,"

seryosong sagot nito na parang imposibleng-imposible na mahalin niya ang isang katulad ko. Well, hindi naman na ako umaasa sa bagay na iyon, kung wala pa sana itong asawa ay baka... baka ipilit ko pa ang sarili ko sa kaniya dahil gusto ko na siya noong unang nakita ko palang siyang papasok sa D****e Cafe. Ngunit nang malaman kong may asawa na ito na mahal na mahal niya ay iwinaksi ko na sa aking puso't isipan ang bagay na iyon.

Hindi ako pinalaki ng magulang ko para maging kabit na sisira ng isang pamilya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng limang milyon, hindi ako papayag sa set-up na ito. Ngunit wala na akong ibang choice but to be his contracted baby-maker. Iyon lang just pure business.

Ngumiti na lamang ako dahil sa naging tugon nito...

"Hindi mo ba alam na mas magandang mag-alaga ng isang batang nabuo dahil sa pagmamahal ng dalawang tao? I am not telling you to love me after this night... I am just asking you to please, kahit kunwari lang ngayong gabi, mahalin mo ako, at ganoon din ako sa iyo. Let's not think of other things, tonight but just you and me. Atin lang ang gabing ito, angkinin mo ako at ganoon din ako sa 'yo... for the sake of your future heir." Napansin ko ang pagkakatingin nito sa akin na parang may kung anong nasabi akong nagpabilib sa kaniya.

"I get it... kaya pala," sambit lang nito.

"Kaya pala?" ulit ko at napataas-kilay.

"Kaya pala ang mahal ng halaga mo, 'cause you are not just after the money... na hindi sinisigurado ang magiging output. So, pang-ilan ako sa mga naging kliyente mo?" sambit niya, ay oo nga pala... ang pagkakaalam niya ay isa akong professional baby-maker na talagang gawain ang bagay na ito.

"Mahalaga pa ba iyon? Isipin mong ikaw lang,"

Dahil ikaw lang naman talaga.

"Okay. Ako lang ..." nakangiting ulit niya sa sinabi ko.

"May tanong ako," sambit ko bago ko ininom ang alak na nasa aking kopita.

"What is it?" tanong naman nito bago uminom din sa kaniyang kopita.

"Bakit ako? I mean, hindi ka naman malulugi sa akin... pero mas may mga legal pang surrogate mothers sa ibang bansa. At mas maganda ang lahing maibibigay sa iyo--"

"Naging choice ko na iyon, ngunit ayaw ni Rowena ang kaisipang ipagsama ang sperm ko sa egg cell ng ibang babae. Nakuha mo ba? Mas gugustuhin niyang mag-ampon kami ng anak ng ibang tao kaysa magkaanak ako sa ibang babae."

Napatango lang ako.

"Paano kung malaman ng asawa mo ito? Baka akalain niyang kabit mo ako."

"No, she will not know about this... kung walang magsasalita sa ating apat na tanging nakakaalam ng set-up nating dalawa, Rafaela. Atsaka, mabilis lang lilipas ang isang taon."

"Paano kung hindi mo siya mapapayag ampunin ang magiging anak natin?" out of nowhere na tanong ko na ikinaseryoso ng mukha niya.

"Hindi mo na kailangang problemahin iyon, you are just paid to conceive a baby with me. Alagaan ang fetus sa loob ng 9 months at iluwal ito ng healthy and beautiful. Iyon lang..."

"Okay... nasabi na rin ba sa 'yo ni Trina ang tungkol sa kalahati ng limang milyon na bayad mo kapag nabuntis na ako?"

Nakita ko ang pagtango nito at pagtayo sa kaniyang pagkakaupo. Humakbang ito papalapit sa ceiling to floor na glass window, kung saan tanaw na tanaw ang swimming pool at mini garden sa backyard.

"Walang problema kapag sa pera lang... I can give it to you, right away. Kung maibibigay mo rin ang kailangan ko kaagad."

Tumayo naman ako at dahan-dahang humakbang papalapit sa kaniya.

Hindi ko sigurado kung ramdam niya ang paglapit ko sa gawi niya pero nakapirmi lang itong nakatalikod sa akin.

Tinanggal ko lahat ng pag-aalinlangan sa aking isipan at damdamin at niyakap ko siya ng may paghaplos sa kaniyang beywang... naramdaman ko ang pag-igtad nito ngunit hindi siya nagbigay pagtutol sa ginawa ko.

Pinatong ko ang aking mukha sa kaniyang balikat at bumulong sa kaniyang taenga...

"Are you ready to scream my name tonight, darling?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status