“Maya, alis na ako”, paalam ni Riza sa kapatid.Naramdaman ng dalaga na may dumampi sa kanyang noo. Iminulat ng bahagya ang isang mata. Noo’y papalabas na ng kwarto ang ate nito matapos siyang banayad na halikan sa noo. “Ate, bakit napakaaga mo yata?”, tanong ng dalaga rito sa pagitan ng paghikab. Malalim na ang gabi nang makatulog ito dahil nakasalampak pa sa sahig ang pinsan nilang nuknukan ng arte, kausap ang boyfriend nitong manyakis. Ugali pa naman pa naman ng dalaga na maglinis kapag walang ibang tao para walang sagabal.“May inventory daw ng mga gamot sa pharmacy, kailangan namin pumasok nang maaga. Kasama ko si Pau, siya ang kasabay ko sa morning shift ngayon.” tugon nito“Kumain ka muna ate, ipagluluto kita kahit itlog para may laman ang tyan mo,” pigil ng dalaga sa kapatid.“Hindi na Maya, aalis na ako. Hindi ako pwedeng malate. Saka matulog ka pa, kase naramdaman ko kagabi, late ka na humiga, mukhang napuyat ka."Lumabas na ng pinto si Riza, si Maya naman ay umayos ng pag
Read more