All Chapters of A Promise of Love (Book 1 and 2): Chapter 31 - Chapter 40

59 Chapters

Chapter 30

Chapter 30Kinapa ko si Lance sa tabi ko. Ngunit mabilis na napamulat ako ng mga mata dahil bakante na ang espasyo ro'n. Napabalikwas ako ng bangon bago inilibot ang tingin sa paligid.Pero walang kahit anong senyales na nandito pa siya. ''Shane, gumising ka na riyan. Tanghali na!''Napalingon ako sa pinto nang dahil sa lakas at sunod-sunod na pagkatok ni Mama ro'n.Nalipat naman ang atensyon ko sa wall clock. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas-dose na pala ng tanghali! Kaya pala nagwawala na si Mama sa labas.Sabagay, madaling araw na rin kasi kami nakatulog kanina. Pinagod na naman kasi ako ng lalaking 'yon. Bukod ro'n ay nagkuwentuhan pa kami ng kung ano-anu.Tila pumapak nga siya ng asukal kagabi dahil puro matatamis na salita ang binitiwan niya. Pagkatapos ay kinantahan niya pa ko hanggang sa tuluyan na nga kong nakatulog.''Shane! Hindi ka pa ba talaga babangon diyan?''Nabalik naman
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Chapter 31

Chapter 31Nandito ako ngayon sa bahay nina Dylan. Kung hindi nga siguro ako inalalayan ni Dylan, malamang ay hindi ko na kinaya ang maglakad pa nang maayos dahil sa pagkatulala at sobrang panginginig ng buong katawan ko kanina. Nahihiya nga ko sa kanya dahil kung tutuusin ay siya nga 'tong may sakit. Kaya katulad ng nauna kong plano kanina ay sasamahan at aalagaan ko siya.Kasalukuyan akong nasa kusina at nagluluto ng lugaw para sa kanya. I may not be good in cooking, but I think I can manage this one. This is the least thing that I can do for him right now.Pero kahit anong gawin ko ay pakiramdam ko lutang pa rin ako. Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko ngayon na tanging si Lance lang ang makakapagbigay ng sagot.But I don't really know if I am ready to know the answers.My heart is still aching. My eyes can't stop from crying. My mind keeps on thinking a lot of things.Malalim akong napabuntong hininga. Kailangan ko
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Chapter 32

Chapter 32"Oh my God! What the hell is happening here?''Napamulat ako ng mata nang bigla kong makarinig ng malakas na sigaw. Napaangat ako ng tingin at kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para mas maging malinaw ang imahe na bumungad sa harap ko ngayon.Pero tuluyang nawala ang antok ko at nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita na si Dylan pala 'to. Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak at napatabi sa kanya.But the worst thing was my head is resting on his chest while he's shirtless! What the hell? Sa pagkakatanda ko ay may suot pa naman siyang damit kanina, ah!Agad akong napabalikwas ng bangon at gano'n din naman ang ginawa niya. Natataranta kong napalingon kay Ate Shirley na nakatulala ngayon.''Ate, it's not what you think—''Kusa kong napatigil sa pagsasalita nang makita ko si Lance na nakasandal lang sa hamba ng pinto, habang nakahalukipkip. Walang emosyon ang kanyang mukha. Hindi siya nakatingin sa 'kin
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Chapter 33

Chapter 33My phone keeps on ringing in my pocket. But I didn't bother to check who it is. I just keep on running. Without any idea on where should I go.Ngunit natigilan at napayakap na lang ako sa sarili ko nang biglang humangin ng malakas. Kaya naman ay rinig na rinig ko ang malakas na pagpagaspas ng mga dahon.Pero mayamaya lang ay muli ng binalot ng katahimikan ang paligid. Tila ba nakikisimpatya 'to sa pagkawala ng isang mahalagang tao sa buhay ko.Napatingala ko. Sobrang dilim ng kalangitan at halos kakaunti lang ang mga bituin. Kasing dilim ng pag-asa na mayroon ako ngayon.Malalim akong napabuntong hininga. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay naniniwala ko, na sa pinagsama-samang bilang ng mga bituin ay mabubuo ang malaking liwanag ng pag-asa. It can defeat the darkness and gives hope.Halos tatlong oras na rin ang lumipas magmula ng tumigil ako sa parke na malapit sa school. Kanina pa ko nag-iisip ng mga posibleng da
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Chapter 34

Chapter 34It's been three days since I locked myself here in my room. Away from the people, pain, truth and judgment.Sa loob ng tatlong araw na 'yon ay wala kong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Kaya naman ay nasisiguro ko na mugtong-mugto na ang mga mata ko ngayon. Ni hindi ko na nga nagawang makakain man lang ng maayos.Hindi ako lumalabas dito kahit ano pang pilit nila. Wala rin akong kinakausap na kahit sino sa kanila at hinahayaan ko lang silang magsalita at kusang magkwento ng mga nangyayari sa labas.I want to be alone. Gusto kong mag-isip. Gulong-gulo na kasi talaga ko at pagod na pagod na rin. I am emotionally, mentally and physically drained. Dahil masyado pang masakit at hindi ko pa rin magawang tanggapin ang lahat.I feel so broken and there's only one person who can fix me.But he didn't even bother to visit me. To check if I was still alive and fine.So, is this really the end of us?Muli kong
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Chapter 35 - Book 2 (A Promise of Forever)

Chapter 35"So what can you say, Sir? Do you like it?" nakangiti kong tanong sa lalaking kliyente ko ngayon. Kahit pa ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang irapan.Halos manuyo na kasi ang lalamunan ko sa kakasalita magmula palang no'ng sinimulan naming libutin ang mga model house na mayroon sa subdvision na 'to, pero hindi naman siya nakikinig. Ang bahay na kinaroroonan namin ngayon ay ang pang-apat at panghuling modelo na kailangan naming puntahan. Kaya lang ay pansin ko ang hindi niya masyadong pagtuon ng atensyon sa lahat ng mga bahay na napuntahan namin.His eyes were too focused raking my body that made me want to puke. Kahit sa tuwing nakatalikod ako ay ramdam ko ang mapanuri niyang tingin.Kaya naman ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng ilang. Pero kahit gano'n ay pilit pa rin akong nagpapatuloy sa pagsasalita at pagngiti kahit gusto ko ng ngumiwi at manapak."Sir?" I asked once again when he remained like a statue by just standing in front of me.H
last updateLast Updated : 2022-03-18
Read more

Chapter 36

Chapter 36Shane Chrystelle's POVNagising ako nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa 'king mukha. Itinakip ko ang kamay sa 'king mga mata, bago tumayo at nagsimulang mag-asikaso.Matagal-tagal din magmula ng pansamantala kong maalis sa pagiging agent. Kaya pakiramdam ko ay unang araw ko na naman sa trabaho ngayon.Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay dumiretso na ko sa kusina para kumain. It will be a long day ahead, that's why I need all of the strength that I can get.Bago ako tuluyang umalis ay pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili sa harap ng pahabang salamin sa huling pagkakataon.The woman in front of me is far different since she used to be. Her past experience in life made her to become one.Nasa malalim akong pag-iisip nang bigla kong makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto sa labas."Shane! Dalian mo riyan at baka ma-late na tayo!" malakas niyang sigaw, habang patuloy sa pagkatok.
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

Chapter 37

Chapter 37Hindi ko kaagad siya nakilala no'ng una dahil sa iba na ang ayos ng buhok niya maging ang kulay nito. Light brown na 'to ngayon, hindi katulad rati na itim na itim. He even looks more matured now. Especially with his business suit.Napaangat naman ng tingin si Aileen sa direksyon ko. ''Oh. There she is, Sir."Agad akong umupo at pilit na ngumiti sa harap nila."By the way, Ms. Sandoval this is my boss, Mr. Buenavista. He's the one who plans to look and buy for a house,'' nakangiting pagpapakilala ng sekretarya niya sa 'ming dalawa.Agad na pinakalma ko ang sarili dahil ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko. I faced him with confidence and still with a fake smile on my face.Kahit na ang totoo ay gusto kong tumakbo, sumigaw at magwala. Gusto kong pumikit bago dumilat ulit dahil baka panaginip lang ang lahat ng 'to.Kinurot ko ang hita ko at medyo napangiwi ako nang dahil sa sakit na naramdaman.
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

Chapter 38

Chapter 38Pagkatapos ng nakakalokang komprontasyon namin kanina ay natahimik na ulit kami habang bumibiyahe pabalik. Mabuti na lang dahil sumasakit na ang ulo ko sa pakikipagtalo sa kanya.Though I can see through my peripheral view that he keeps on stealing glances at me. Napasimangot ako. Hindi na ko magpapadala sa mga arte niyang ganyan.Dali-dali akong bumaba nang sa wakas ay nakarating din kami sa pinag-iwanan ng kotse ko. Kani-kanina lang ay nag-text ulit si Dylan na papunta na siya kaya hihintayin ko na lang siya.Sumakay na lang siya ng taxi dahil siya na raw ang magmamaneho ng kotse ko para maihatid ako pauwi. Mahihirapan pa tuloy siyang umuwi mamaya. Ang kulit kasi, eh.''Shane! Wait!'' Lance grabbed my arm and made me face him. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin ay mabilis akong napaatras at nakaramdam ng ilang.''W-What?''Hindi siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa 'kin. Dahil do'n ay malaya
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

Chapter 39

Chapter 39''Hindi ko akalain na magkikita ulit kayo ni Lance at sa gano'ng klase ng pagkakataon pa.'' Napailing si Ralph, bago sumimsim ng iniinom na kape.''Yeah. Me too.'' Malalim akong napabuntong hininga, bago ibinaba ang hawak na tasa at napatingin sa labas.Nandito kami ngayon sa paborito naming coffee shop. Nabanggit ko kasi sa pag-uusap namin sa phone kanina ang tungkol sa pagkikita namin ni Lance kahapon. Kaya naman ay dali-dali siyang nag-aya na pumunta rito para mas makapag-usap kaming dalawa ng maayos. Nagkataon din kasi na wala siyang pasok ngayong araw.''Ano naman ang naging reaksyon ni Dylan? Nabanggit mo rin na sinundo ka niya. So I assume that he saw the two of you together.''Nilingon ko siya at hindi ko napigilan ang mapasimangot nang makita ang sinusupil niyang ngiti sa mga labi.''He looked surprised as well. Pero hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kaya d
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status