Home / Romance / Saved By The Marriage / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Saved By The Marriage: Chapter 21 - Chapter 30

51 Chapters

Kabanata 18.2: GET TO KNOW

Sayna's POV (Part 2) Napakamot siya sa kanyang ulo. “Sino namang hindi makakakilala sa’yo? Kilala ka dahil sa mga achievements mo. Nakakahanga ang dedication mo sa trabaho.” Marahan akong napatango at hindi rin mapigilan ang pagngiti. Nakakatuwang may nakaka-appreciate ng trabaho ko. Sinulyapan ko si Enver na labis ang pagkakunot ng noo sa kanyang kaklase. Nagunita ko tuloy na hindi nga pala ako kilala ni Enver nung una kaming nagkakilala kahit na sa tatay niya ako nagtatrabaho. “May hindi rin kasi nakakakilala sa akin,” parinig ko kay Enver. Napatuwid naman siya ng tayo. Napunta sa akin ang tingin niya pero kaagad ding binalik sa kaklase niya. “S-sige… una na ako. Enjoy kayo.” pagpapaalam nito at kumaway pa. Natawa ako at hinarap si Enver na nakanguso. Sinundan niya pa talaga ng tingin ang lalaki hanggang sa mawala ito ng tuluyan sa amin paningin. Tinaasan ko siya ng kilay nang nilingon niya ako. “You’re quite famous,” aniya niya sabay lagay ng kamay sa aking likod nang i
last updateLast Updated : 2022-04-30
Read more

Kabanata 19: FAVORITE PLACE

Enver’s POV Naging bukas ako tungkol sa pagkatao ko at lalo na ngayon na gusto kong malaman niya kung anong parte ng buhay ko. It feels like somehow she was trying to be part of my life. Tila nabibigyan ng importansya ang pagkatao ko. She’s trying and I really appreciate her for that. Though, I don’t know if we still hated each other. Wala namang bago doon pero kahit na nag-aasaran kami at nagkukulitan, magaan sa loob ko. I looked back now and then I realized that she’s someone I could rely on. She a better company than any of my addiction, especially when we have sex. Syempre nagkakausap pa rin sila ni Papa tulad kanina kaya lang wala akong alam tungkol saan. Hindi ko matiis na makita si Papa. Huminto na rin ako sa pag-iisip ng kung ano at kahit makausap niya pa si Sayna, wala na naman akong problema doon. Pagkatapos naming mag-usap ng seryoso kahapon, parang may parte sa akin na nakakalamang sa lahat. Ako ang asawa niya at sa akin siya umuuwi. “Saan tayo pupunta?” tanong niya nga
last updateLast Updated : 2022-04-30
Read more

Kabanata 20: RACE

Sayna’s POV Tila sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito at sobrang init ng mukha ko na tila walang hangin akong nararamdaman. Halos magpaulit-ulit na tila isang kanta ang salita na binitawan ni Enver. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero sa tuwing bumabanat siya ng salita sa akin, laging tumatalon ang puso ko kahit alam ko namang hindi totoo at kalokohan niya lang. We were always playing and fooling around. Alam kong hindi siya seryoso sa sinabi niya. Gusto niya ang reaksyon ko at gusto niyang makita ang epekto niya sa akin. Mahina kong hinampas ang dibdib niya at bahagya siyang tinulak. Luminga ako sa paligid ngunit wala namang nakatingin sa amin. “A-ano bang oras ang race mo?” tanong ko at bahagyang umayos sa hawak niya. It feels nice to feel him though. “Usually, mga 11 p.m. to 1 a.m. depende kung paano inayos ni Leo ang race pero baka mas maaga ngayon.” “So, matagal tayo dito?” “Mukhang ganun na nga. Okay lang ba? Gusto mo na bang umuwi?” yumuko siya at tinitigang m
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Kabanata 21.1: REWARD

Enver’s POV Halos mawalan ako ng kontrol dahil sa ginawang pagbangga sa akin. May mas malala pa naman na nangyari doon kaya lang may plano sa akong gawin na hindi na tuloy nasunod. Hindi ako mahilig magpakitang gilas lalo pa't delikado sa uri ng ganitong laro pero ngayong nandito si Sayna ay tila gusto kong gumawa ng magpapa-impress sa kanya. Hindi ko na alam kung ilang sasakyan ang nalagpasan ko pagkatapos kong mabangga. Pero tinuon ko ang atensyon ko sa apat na nasa unahan ko. Isa iyong kay Charred na Nissan Nitro na siyang nangunguna, hindi na ako nagulat dahil sobrang baliw at halimaw ito sa racing. Pangalawa naman si Chinito boy, pangatlo iyong baguhan na sinabi ni Leo na prodigy daw sa racing, at itong pang-apat naman ay Mexican guy na nauna sa akin. Hindi ko alam kung nangangalawang na ba kaagad ang galing ko sa racing matapos kong ikasal pero hindi ako papayag na walang makukuhang pwesto ngayong gabi. Dati sa pagri-race ko, wala naman akong masyado ng iniisip kundi ang ilab
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Kabanata 21.2: REWARD

Enver's POV (Part 2) Gusto kong matawa sa tanong niya pero alam kong concern lang siya kay Sayna. Bahagya akong nagulat sa pagiging kalmado ko ngayon pero wala talaga akong maramdaman na kung ano na magpapagalit sa akin. Hindi ko na rin naman hinanap pa at ngumiti lang ako kay Sayna na naninimbang ang tingin. “We’re okay, Mr. Clinton. Enver changed a lot.” Tinaasan ko ng kilay si Sayna at nagtatanong ang aking tingin. Ngumiti naman si Sayna sa akin at hindi na naman ako binigo ng sistema ko na kiligin at maniwala sa pinapakita niya. [“What do you mean? Pwede ko bang malaman? I'm also curious kung anong nangyayari sa inyo lalo na kay Enver.”] may pagkamangha sa tanong ni Papa pero napailing ako. Sumensyas ako kay Sayna na lalabas ako ng kwarto dahil ang weird lang na marinig na pinag-uusapan ka sa harap mo. Tila gusto niya akong pigilan pero tumango na lamang siya at ngumiti. Tuluyan akong lumabas ng kwarto at narinig ko ulit ang boses ni Sayna sensyales na nag-uusap na silang
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Kabanata 22.1: MEETING

Sayna's POV Mukhang maganda ang mood ni Mr. Clinton nang pumasok siya sa conference room. Siya na lang ang hinihintay ng lahat bago kami magsimula. I didn't take the seat in the center front. I took the seat beside it and let the real owner of the company seat on his place. It belongs to him anyway. Magalang akong tumango kay Mr. Clinton. Alam kong wala si Enver dito pero hinanap siya ng mata ko at saglit na napatingin sa may pintuan para hintayin na pumasok siya ngunit wala. Hindi ko alam kung anong hinihintay ko, alam ko namang hindi siya papasok. "Let's get started. I don't want to waste your precious time," nakangiting turan ni Mr. Clinton at gumala ang kanyang paningin sa bawat isa na nandito sa loob na apat na sulok nitong kwarto. His presence is incredibly intimidating when he's serious about work. He's a meticulous and respectable businessman. He puts a lot of work into making him into this type of person he is today. No wonder I admire him and look up as my mentor. Hindi
last updateLast Updated : 2022-05-03
Read more

Kabanata 22.2: MEETING

Sayna's POV (Part 2) Umalis si Enver para umuwi sa kanila at makausap si Mr. Clinton. Gusto niya raw sabihin kung pwede munang iatras ang pag-alis ko hanggang sa tuluyan na niyang magamay. Sinabi ko sa kanya na hindi na niya kailangang gawin iyon at may tiwala kami sa kanya lalo pa’t ako naman ang magtuturo. Hindi ko alam kung bakit gusto pang iatras ni Enver ang pag-alis ko gayong wala na namang dahilan pa para magtagal kami sa kasal na ito. Inalam ko ang problema na kinakaharap namin ngayon sa Almarez at tama nga ang espekulasyon namin na nagiging parehas na nga kami sa kanila na tila may nakakaalam ng bawat hakbang namin. Ngunit kaagad din akong napahinto nang makatanggap ako ng text mula kay Vince. Vince: Let’s talk. May itatanong ako at kung pwede sana ikaw lang mag-isa. Not urgent but if you have time now, pwede tayong sabay na magmeryenda. Pero seryoso ang pag-uusapan natin. Pumunta sa lugar na sinabi ni Vince at pumayag na sabay kaming magmeryenda. Nakaramdam ako ng ka
last updateLast Updated : 2022-05-03
Read more

Kabanata 23.1: DO I LIKE HER?

Enver's POV Nang magkita kami ni Papa sa bathroom, medyo alangan siya sa amin at lagi naman kaming ganun. Matapos kong marinig ang pag-uusap nila ni Sayna kanina, hindi ko alam kung paano magre-react sa harap niya pero hindi ko na iyon masyadong inisip at umakto na lang ng maayos. Binanggit niya sa akin ang plano niyang ipasa sa akin ang kompanya pero wala siyang masyadong idenitalye pero gusto niya akong pumunta sa conference room pagkatapos ng meeting nila. Naliwanagan lang ako sa lahat ng plano niya nang magkaharap kaming tatlo. Wala naman akong reklamo dahil iyon ang plano. Nagunita ko tutol ako sa kasal na ito kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan akong isipin na matatapos na ang pagsasama namin ni Sayna. Ganun din ba siya? Pero ano ngayon kung pareho kami? May magbabago ba? Pero malabo ring mangyari iyon dahil alam kong mas priority niya ang kanyang ambisyon kaysa sa ibang bagay. Kaya nga niya nagawang isakripsyo ang kanyang kalayaan para lang mailigtas ako
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

Kabanata 23.2: DO I LIKE HER?

Enver's POV (Part 2) “Bakit ka umiyak?” mabilis siyang umiling bilang pagtatanggi. Sinubukan kong ngumiti para pagaanin ang kanyang kalooban. Hinaplos ko ng pababa at angat ang kanyang gilid para maramdaman niya ang presensya. Pero pinigilan niya ang kamay ko at mahinang tumawa. “Nakakakiliti, Enver.” sinubukan ko ulit siya kilitiin pero pinigilan niya lang ulit ako. “Bakit ka nga umiyak?” umiwas siya ng tingin at pinilit kong iangat ang tingin niya sa akin. “Bigla lang akong nalungkot sa sinabi mo. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako kung anong meron tayong dalawa. Hindi maganda ang simula natin pero alam kong dapat na rin nating tapusin kung anong meron tayo kapag nasa Europe na ako.” “Hindi naman tayo kaagad maghihiwalay. Basta hangga’t walang annulment, mag-asawa pa rin tayo.” Natitilan si Sayna at mariing tumitig sa akin. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at mas lalo akong na-turn on. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang panga at bahagyang hinaplos ng ak
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

Kabanata 24.1: DEAL

Sayna’s POV Kinakabahan ako sa kung anong namamagitan sa amin ni Enver. Hindi ko alam kung anong gagawin para pigilan ang isipan ko na alamin kung ano ba ang meron sa aming dalawa. Hindi ko gusto na pangunahan ang lahat nang dahil lang sa maayos kami at maganda na ang pakikitungo naman sa isa't isa. Paano kung nakikisama lang pala dahil pareho kaming may pangangailan sa aming katawan? Baka kapag tinanong ko siya tungkol doon muling kaming bumalik sa dati. It will become more awkward if I just ask him without strong evidence that he likes me or strong will to ask him. Pero kailangan ba ng matibay na ebidensya para doon? “Handa ka na ba?” Natauhan ako sa malalim kong pag-iisip at kaagad napatayo. Mabilis akong tumango at lumapit sa kanya. Nagtataka na tila gusto niyang magtanong ngunit hindi siya nagsalita. Lumakad na kami papunta sa sasakyan niya at naging tahimik kami hanggang sa makarating sa venue ng racing nila ngayong gabi. Abala pa ako sa mga Almarez pero wala pa naman akong
last updateLast Updated : 2022-05-06
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status