Home / Romance / Saved By The Marriage / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Saved By The Marriage: Chapter 31 - Chapter 40

51 Chapters

Kabanata 24.2: DEAL

Sayna's POV (Part 2) Kumunot ang noo ko at hindi pa rin maintindihan kung bakit ganito ka-tense ang buong paligid. Lagi namang tensyonado ang lugar dahil iba't iba ang dahilan ng mga racer na nandito - maging tungkol man iyon sa kasiyahan o pero. Subalit may kakaiba akong kutob. Naiintindihan ko na iyon nga ang dahilan ni Enver. Ilang beses na niya itong nabanggit sa akin. Hindi na kailangan ng pera ng isang Enver Servencio. He's racing because it was fun. Pwede nga siyang sumali sa racing na legal pero mas pinili niya dito. Napansin marahil ni Leo na hindi nawala ang pagkalito ko kaya naman muli siyang nagsalita. "Feeling ko masamang balita itong bago na sumali," tinuro niya ang screen kaya muli akong napatingin doon. Nasa unahan pa rin si Enver pero hindi naman nalalayo ang ilan at sila lang din 'yong mga nakasali na nung nakaraan. Hindi ko alam kung sino ang bago ngunit bago ko pa ito matanong ay sinagot na ni Leo. "Iyong itim na Ferrari. He's kind of reckless and eager. Kung
last updateLast Updated : 2022-05-06
Read more

Kabanata 25.1: FEELINGS

Enver’s POV“Putcha!” malakas kong singhal at maiging kinokontrol ang aking paghinga. Kanina ako lang at ang kalsada pero ngayon nakadikit na sa akin ang isa sa bagong racer na sinabi ni Leo nung nakaraang araw. Talagang dumidikit siya para pabagalin ako.Dulot na rin marahil ng adrenaline sa aking katawan mas pinabilis ko pa ang sasakyan ko hanggang sa malampasan ko siya pero nakasunod din kaagad at walang balak na magpaiwan. He comes up next to mine at one of the curves. His engine roars. Hindi ko na pinigilan ang aking sarili at gumawa ako ng delikadong galaw nang apakan ko ang brake ilang segundo bago ang recommended para sa curb bago ako gumawa ng isang paliko. Soft tires screeching against the asphalt. It was like a music to my ears. Naiwan ko sa aking likod ang baguhan na iyon - nakalimutan ko ang pangalan niya at mukhang kailangan kong alamin kung sino siya. Natawa ako sa ginawa ko pero desperado akong manalo dito. Gusto kong alamin kung anong gustong malaman ni Sayna sa akin
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 25.2: FEELINGS

Enver's POV (Part 2) Hindi man lang ako nagulat o kaya mabilis na tinanggi ang alegasyon. Tila alam ko na ang tungkol sa nararamdaman ko at kailangan ko na lamang ng pagkumpirma. Sa tanang buhay ko mas natakot pa akong aminin ang tibok ng puso ko para kay Sayna. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nararamdaman kong ito. Nagtatanong ang isip ko kung dapat ko bang balewalain dahil alam kong aalis siya at walang permanente sa aming dalawa. Dapat ko bang isipin na merong walang hanggan sa aming dalawa? “Good luck, bro. Pero subukan mo na umamin dahil baka parehas kayo ng nararamdaman.” iyong ang nais kong marinig ngayong araw at ang sign na hindi ko pa gustong harapin. “Hindi tayo sigurado,” mapait kong tinig habang nakatingin na kay Sayna at marahang hinaplos ang kanyang kamay gamit ang aking hintuturo. NAGPAALAM si Leo dahil aasikasuhin niya pa kung sino ang lalaking gumawa nito sa akin. Malakas ang loob ng lalaking iyon para hindi siya matakot na maaaring ma
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Kabanata 26.1: OFFER

Sayna’s POVMalinaw na sa aking ang sagot. Iyon ang huli kong sinabi sa kanya bago ako tuluyan na umalis sa kwarto niya at asikasuhin ang ibang bagay imbes na samahan siya bilang asawa ko at kahit gusto ko. Ngunit alam ko rin na kailangan na matigil kung anong meron kami. Mas mabuti kung lalayo muna ako para mapag-isip. Alam kong gusto niya ako. Kita ko sa kanyang mata na gusto niya ako at walang kahit anong salita ang makakatumbas kung gaano ako natatakot na baka pareho kami. Aalis ka, Sayna! At baka hindi na rin ako babalik pa dito para maging totoo ang paghihiwalay namin. Wala naman kaming malalim na pinagsamahan bukod sa pisikal na pagsasama. Subalit, kailangan ko pa itong paulit-ulit na ipaalala sa aking sarili para hindi ko makalimutan. “Mr. Clinton, I’m sorry to disappoint you. Gusto ko lang naman sanang makilala si Enver lalo pa’t nagkakasama kami lagi. Hindi naman ito makakaapekto sa trabaho ko. Pangako ‘yan,” magalang kong sabi. Kaagad akong pumunta dito sa kanyang baha
last updateLast Updated : 2022-05-09
Read more

Kabanata 26.2: OFFER

Sayna's POV (Part 2)“Huwag mo akong bigyan ng rason na paghinalaan ka.”“Wala akong kinalaman dito, Sayna. Oo, pinasundan nga kita at dahil lang iyon sa nag-aalala ako sa ‘yo. In case na may mangyari at least alam ko kung papaano ka tutulungan na makalabas sa eskandalo. Hindi ko alam na tuluyan ka ng napasailalim ng mga Servencio.”“Don’t waste your time on me, Vince. Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon dahil hindi ako mapapahamak. Hindi ko rin naman iyon hahayaan. And I’m working on them. My loyalty is for the Servencio. I’m safe here and they are treating me right. Hindi ako ipapahamak ng kahit sino lalo na si Enver.”“How can you be so sure?”“Basta alam ko lang. Tsaka isa pa ako naman ang nagsabi kay Enver. Bakit ba sinisisi mo siya? Hindi na ako bata para pa ipasundan mo at alamin kung anong nangyayari sa buhay ko. Vince, this is not your business,” mariin kong sabi. “Don’t be a fool by him. Malalaman mo rin ang totoo kung hindi mo hahayaan na lamunin ka ng mga Servencio. They
last updateLast Updated : 2022-05-09
Read more

Kabanata 27.1: CARE

Enver’s POV Natulala ako kay Sayna at hindi ko alam kung papaano sasagutin ang kanyang sinabi. Kung nung una, nag-race lang ako para mainis sa akin si Papa at makuha ang atensyon niya pero kalaunan naman ay napamahal na sa akin ang magulong at malayang laro ng racing na sinalihan ko. Naisip ko rin naman na sumali sa legal, sinubukan ko pa nga kaya lang napapabalik ako sa matagal ko ng nakasanayan. Pero ngayon na si Sayna ang nagsabi at tila nagmamakaawa, hindi ko na pinag-isipan pa ang mabilis kong pagtango bilang pagpayag. Naglaho ang pag-aalala niya at napalitan ng malakas na buga ng hininga at may magandang ngiti sa labi. “Talaga?” “Sinubukan ko na naman noon pero hindi ko pa rin sigurado kung babalik ako sa racing pagkatapos ng nangyari. Marami pa akong dapat gawin ngayong alam kong aalis ka.” "Hindi naman nagmamadali si Mr. Clinton." May pag-aalinlangan sa kanyang sagot na hindi niya alam kung puputulin na ba ang salita o hindi."That's not true. Matagal nang gusto ni Papa n
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 27.2: CARE

NANG magising ako hindi ko alam kung nasaan ako dahil sa ibang kwarto na ako nagising. Doon ko lang napansin na may dextrose pala sa aking kamay ngunit walang tao kundi ako lang. Pansin ko na naka-hospital gown na rin ako. Pero napansin ko rin ang handbag ni Sayna sa sofa kaya alam kong nandito siya. Kaya lang anong ginagawa ko dito? Wala akong maalala bukod sa biglang nandilim ang paningin ko kanina. Nahimatay ba ako? Wala na naman akong maramdaman na kahit ano. Marahil okay na ako? Mabilis na dumapo ang mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking kwarto. Hinintay ko kung sino ang papasok at kaagad na napangiti nang makita si Sayna. Minsan gusto kong batukan ang aking sarili sa pag ngiti kapag nakikita ko si Sayna. Para akong bata na hindi alam kung anong gagawin kapag wala siya at sobrang saya naman kapag alam kong malapit lang siya sa akin. I feel like a dog wagging his tail on his owner. “Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ulo mo?” nag-aalala niyang tanon
last updateLast Updated : 2022-05-10
Read more

Kabanata 28.1: REGRET

Sayna’s POV I regretted it. Iyon ang sumagi sa isip ko kaya lang hindi ko ito maramdaman. Makailang beses akong napakurap ng aking mga mata bago napaatras. Walang mali sa paghalik ko sa kanyan pero mali ang lumabas sa aking bibig. Nakatulala lang ako kay Enver bago ako tuluyang umalis sa bathroom nang hindi lumilingon sa kanya. Hindi rin naman niya ako tinawag para patigilin sa pag-alis kaya nagtuloy-tuloy ako at makalabas na sa private room niya. Dere-deresto ang lakad ko hanggang sa makarating sa lobby. “Sayna.” Mabilis akong napalingon sa gilid ko at kumaway sa akin si Doc Mike, ang private doctor ni Enver. Lumapit siya sa akin. He’s wearing a blue scrub suit and there’s a stethoscope arounds his sharp shoulder and neck. He looks fine and clean. Matangkad din siya pero mas matanda sa amin ni Enver. Sa pagkakaalam ko kaedaran niya si Mr. Clinton. “Doc Mike,” bati ko at hindi ko alam kung anong idudugtong dahil okupado pa ang isip ko sa nangyari kanina. “May magandang balita ako
last updateLast Updated : 2022-05-11
Read more

Kabanata 28.2: REGRET

Sayna's POV (Part 2) "I just want to. No particular reason at all. Just one week extension is enough for me," sagot naman ni Enver. "Pero in exchange, gusto kong mangako ka sa akin na hindi ka na babalik sa illegal racing," aniya ni Mr. Clinton. "Kung sa tingin mo babalik ako na ganito ang kalagayan ko, malabong mangyari iyon. Pero mukhang hindi na." Bigla silang natahimik at kaagad naman akong lumapit sa sofa bago pa nila ako maabutan na palihim na nakikinig sa kanilang usapan. Kakahiga ko pa lang sa sofa nang biglang bumukas ang pintuan. Kaagad na nagsalubong ang tingin namin ni Enver. May dala siyang paper bag at mamahalin na kape na lagi kong iniinom sa kanyang kamay pero wala naman lumagpas ang tingin ko sa kanyang tingin ngunit wala namang sumunod na papasok pa. Nasaan na si Mr. Clinton? Umalis na ba rin? Binalik ko ang tingin ko kay Enver nang lumapit na siya sa akin. I examined him. He was wearing a maroon tight t-shirt that hugged his toned body and black sweatpants. Wala
last updateLast Updated : 2022-05-11
Read more

Kabanata 29.1: THERAPY

Enver's POVNALILITO ako kung bakit hindi ako pinapansin ni Sayna simula pa kahapon nung umuwi ako. Gusto ko pa naman sanang gamitin ang oras na ito para makasama siya bago siya umalis. Inumaga na ako ng uwi dahil pagkatapos kong malaman ang tungkol kung sino ang may gawa ng pagbangga sa akin ay hindi ko alam na pupunta pala kami sa party ni Charred. Nagkaroon lang ng simpleng kasiyahan dahil birthday niya. Hindi ko sana gustong magtagal kaya lang nalaman ko na si Charred pala ang tumulong para makilala ko kung sino ang bumangga sa akin kaya hindi nanatili muna ako doon. Kailangan ko na lang itong makaharap pero hindi pa ngayon dahil nandito pa si Sayna. Gusto ko itong makausap kapag pumunta na siya sa Europe dahil ramdam kong magkakaroon ng problema. Hindi ako umuwi na amoy alak ako kaya nakitulog ako kila Leo. Sapat naman ang tulog ko kaya pumasok pa rin ako sa trabaho pero late na nga lang kaya hindi na ako nagbreak. Ginawa ko muna ang trabaho ko na kinagulat ko na biglang dumami
last updateLast Updated : 2022-05-12
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status