Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of THE BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE: Chapter 31 - Chapter 40

64 Chapters

Chapter 31

Alex's PovLumarawan ang matinding galit sa mukha ni Uriel nang makita niya ako sa loob ng kulungan. Agad siyang napalapit at malakas na kinalampag ang kulungan. Sa gulat ko ay bigla akong napaatras."Bakit, Alex? Bakit mo nagawa kay Mommy ang bagay na iyon? Napakabuti niya sa'yo tapos ito ang igaganti mo sa kanya?!" galit na galit na tanong sa akin ni Uriel habang nanlilisik ang mga mata. Kung wala lang sigurong rehas na nakapagitan sa aming dalawa ay baka nasaktan na niya ako dahil sa matinding galit na nakikita ko sa mukha niya."Nagkakamali ka ng iniisip, Uriel. Hindi ko magagawa ang iniisip mo," umiiyak na sagot ko sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Alex at ang iniisip niyang tumulak sa kanyang ina ay walang iba kundi ang kakambal kong si Alexa ngunit alam kong hindi siya maniniwala sa akin. At saka naniniwala ako na hindi magagawa ni Alexa ang bagay na iyon kaya ayokong masira siya sa mga mata ni Uriel."Sinungaling! Nagkasagutan kayo ni Tita Ursula dahil hindi mo m
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 32

Alex's PovWala akong tigil sa pag-iyak habang nasa labas ako ng ER o Emergency Room at hinihintay ang paglabas ng mga doktor na gumagamot kay Mama. Pagkatapos ay agad kong tinawagan si Daddy na kasalukuyan palang kausap ang kaibigan nitong general at nakikipag-ugnayan dito para mahanap ang aking kakambal. Nang malaman ni Daddy ang nangyari ay agad na siyang nagpaalam sa kaibigan niya para puntahan kami ni Mama sa ospital.Piping ipinagdarasal ko na sana ay makaligtas ang mama ko. Sana ay huwag muna siyang kunin sa amin ng Diyos at hayaan muna niya kami na magkasama-sama bilang iisang pamilya. Umiiyak na naihilamos ko sa aking mukha ang dalawa kong palad. Bakit ba magkasunod ang problemang dumating sa pamilya ko? Naisip ko ang mga taong nagpaulan sa amin ng bala. Sino kaya ang nag-utos sa kanila na patayin kami? Sino ang taong galit sa amin para gustuhin niyang mamatay kami? Wala naman kaming kaaway dahil wala naman kaming inaapakan na tao. Si Uriel. Biglang sumagi sa isip ko si Urie
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 33

Alex's PovHindi natuloy ang balak kong pagbisita sa puntod ng mga magulang ni Uriel dahil kinailangan kong bantayan si Mama sa ospital. Busy pa kasi si Daddy sa paghahanap kay Alexa at sa mga dokumento na ihaharap sa korte. Ang sabi ng abogado ni Daddy ay malaki ang chance naming manalo sa kaso lalo na't matibay ang mga ebidensya namin na magpapatunay na hindi ako si Alexa. Iyon nga lang ay maaaring madiin ang kakambal ko sa kaso hangga't hindi pa siya lumalabas at nagpapakita para linisin ang pangalan niya. Kaya naman hindi tumitigil si Daddy at ang mga taong hiningan niya ng tulong sa paghahanap sa kakambal ko para malinawan ang lahat sa tunay na nangyari.Nang makalabas naman si Mama sa ospital ay inasikaso ko siya kaya wala pa rin akong time na bumisita sa puntod ng mga magulang ni Uriel lalo pa nang umusad na ang kasong kinakaharap ko. At tama ang abogado ni Daddy sa pagsasabing malaki ang chance manalo kami sa kaso dahil kami nga ang nanalo. Napatunayan ng abogado namin na hind
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 34

Alex's PovLumipas ang ilang buwan ngunit hindi namin nahanap ang aking kakambal na si Alexa. Bumalik na ang daddy namin sa pag-aasikaso sa kompanya niya dahil hindi naman maaari niyang pabayaan ng matagal ang kanyang negosyo. Ngunit hindi ibig sabihin niyon na hindi na mahalaga sa kanya ang paghahanap sa kapatid ko o wala na siyang pakialam pa kung mahanap man o hindi si Alexa. Dahil ang totoo ay palagi kong naririnig si Daddy na may kausap siya sa kanyang cellphone at nagtatanong kung may balita na ba sa paghahanap sa kanyang anak. Ako naman ay madalas nasa loob lamang ng bahay namin dahil kahit hindi na naulit pa ang pagtatangka sa buhay ko ay tila natakot na akong lumabas ng bahay. Ang sabi ng mga pulis na nag-imbestiga na baka nagkamali lamang daw ang mga taong iyon ng taong papatayin dahil nga hindi naman na nasundan pa ang pagtatangka sa buhay ko. Kung naniniwala ang mga pulis na nagkamali lang siguro ang mga taong iyon at hindi talaga ako ang target nila ako hindi. Dahil dal
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 35

Alex's PovHindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humugot ng malalim na buntong-hininga habang nakatayo sa isang sulok na malayo sa mga bisita. Kanina pa ako bored sa party kaya gusto ko nang umuwi aa bahay ngunit hindi ko naman magawang iwan si Art. Ayokong umalis nang hindi nagpapaalam sa kanya. At saka nakikita kong masaya siya habang kausap ang ibang kaibigan niya na eksaktong nandito rin pala sa party.Kanina habang nakaupo kami ni Art sa mesa na pangdalawahan ay biglang nilapitan kami ng dalawang lalaki na naging malapit na kaibigan niya nang nakatira siya sa ibang bansa. Hindi nakatutol si Art nang isama ito ng dalawang kaibigan para ipakilala sa mga kaibigan naman ng dalawa. Ayaw sanang sumama ng kaibigan ko dahil ayaw niya akong iwan ngunit binigyan ko siya ng go signal para sumama sa kanila at sinabing okay lang ako. Akala ko naman ay hindi siya magtatagal at babalik agad ngunit mukhang nag-enjoy siya sa company ng mga kaibigan niya kaya tila nakalimutan na niyang na
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 36

Alex's PovTahimik lamang ako habang sakay sa kotse ni Art pabalik sa bahay namin. Matapos kong magpaalam sa birthday celebrant na kaibigan ni Daddy ay nilapitan ko si Art at niyayang umuwi na kahit na masaya pa itong nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Ayaw pa sana itong payagang umalis ng mga kaibigan nito ngunit nang makita ni Art ang kakaibang ekspresyon sa aking mukha ay tila nahulaan nito na may hindi magandang nangyari sa party kaya niyayaya ko na siyang umuwi. Hindi na nagpaawat pa si Art sa mga kaibigan niya at agad na niya akong inihatid sa pabalik sa bahay namin."I'm sorry," mahinang paumanhin ni Art sa akin kahit naman wala akong sinasabi sa kanya kung bakit ako tahimik. Iniisip marahil niya na kasalanan niya ang nangyari kung bakit nasira ang mood ko."Wala ka namang kasalana kaya bakit ka nagso-sorry? Kasalanan ng tatlong taong iyon na tila pinagkakaisahan ako," naghihimutok ang dibdib na sabi ko sa kanya."May kasalanan din ako dahil iniwan kita. Kung bumalik sana aga
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 37

Alex's PovNang magising ako ay ang napakalakas na ingay nang kung anong makina ang agad kong narinig at ang malakas na ihip ng preskong hangin. Iminulat ko ang aking mga mata para alamin kung ano ang ingay na aking naririnig at bakit malakas ang ihip ng hangin na tumatama sa mukha ko ngunit pagmulat ko ng aking mga mata ay sinalubong ng himpapawid ang aking mga paningin. Napatingin ako sa ibaba at nalula ako sa taas ng kinaroroonan ko. May phobia ako sa height dahil nang bata pa ako ay umakyat ako sa puno ng aratelis sa kapitbahay namin ngunit marami palang pulang hantik na sobrang sakit mangagat. Sa kakapagpag ko sa mga hantik na nangangagat sa akin ay bigla akong nahulog sa lupa at nawalan ng malay. Magmula noon ay natakot na akong magpunta sa matataas na lugar sa takot na baka muli akong mahulog. Kaya naman nang makita kong sobrang taas ng kinaroroonan ko ay biglang nagdilim ang aking paningin at muling nawalan ng malay. Ni hindi ko nga nagawang alamin kung sino ang taong nakahawa
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 38

Alex's PovBigla akong nagising dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad kong inilibot sa paligid ang aking mga paningin sa pag-asang panaginip lamang ang nangyari. Ngunit laking pagkadismaya ko nang makitang nasa loob pa rin ako ng kuwartong pinagdalhan sa akin ni Uriel. Hindi ako nananaginip kundi totoo talaga ang mga nangyari. Na kinidnap ako ni Uriel at dinala sa isang isla sakay ang kanyang private chopper. Nanghihinang bumangon ako sa kama at naupo na lamang. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaiyak at hindi ko rin alam kung gaano katagal ako nakatulog. Nagugutom na ako ngunit ayokong lumabas at makita ang pagmumukha ni Uriel. Pero naisip ko na kung hindi ako lalabas sa silid na ito ay paano naman ako makakatakas o di kaya ay makakagawa ng paraan para makatakas sa islang ito? Sa aking naisip ay dahan-dahan akong umalis sa kama at naglakad palapit sa pintuan. Bahagya muna akong sumilip sa labas para makita kung naroon ba ang lalaki. N
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 39

Alex's PovDahil nag-aalala ako na muling pumasok sa loob ng silid na kinaroroonan ko si Uriel ay nagmadali akong maligo. Nasa loob nga ng silid ang aking maleta at narito ang lahat ng mga gamit ko maliban sa aking cellphone. Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas para magpunta sa kusina. Nadaanan ko si Uriel sa sala na nanunuod pa rin ng television. Tumaas lamang ang kilay niya nang makita ako at hindi nagsalita. Inirapan ko naman siya bago ako nagtuloy sa kusina ng bahay niya.Napansin kong malinis ang kusina sa bahay na ito kahit maliit kumpara sa kusina sa bahay niya sa Maynila. Malinis din ang silid na pinanggalingan ko pati na rin ang sala na tila ba may taong taga-maintain sa kalinisan ng bahay. Saka napansin ko rin na gawa sa kahoy ang bahay ngunit high tech naman ang mga kagamitang narito tulad ng rice cooker at automatic washing machine na nakita kong nakalagay sa laundry area na malapit sa kusina. Naisip ko na dito siguro madalas siyang magbakasyon kasama si S
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more

Chapter 40

Alex's Pov"Damn it, Alex! Are you going to kill me?" galit na sita sa akin ni Uriel habang nakahawak ang isa niyang kamay sa nasaktang ulo habang ang isa niyang kamay ay nakahawak naman sa switch ng ilaw.Akala ko talaga ay may masamang tao na gustong pumasok sa loob ng bahay ni Uriel ngunit hindi ko ini-expect na siya pala mismo ang nasa labas at gustong pumasok sa loob."Malay ko ba na ikaw iyan. Akala ko masamang tao kaya pinagpapalo kita ng walis tambo. Ano ba kasi ang ginagawa mo sa labas ng bahay sa ganitong dis oras ng gabi?" nakasimangot na sagot ko sa kanya kasabay ng patatanong."Bahay ko ito kaya lalabas at papasok ako sa loob kahit anong oras," singhal niya sa akin. "At saka sa tingin mo ba ay maipagtatanggol mo ang iyong sarili kung totoong masamang tao nga ang nakapasok gamit lamang ang walis tambo na iyan?""Hindi naman ako nagkamali. Masamang tao naman talaga ang nagtatangkang pumasok sa loob," mahina ang boses na bulong ko ngunit sapat na iyon para makarating pa rin
last updateLast Updated : 2023-07-22
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status