Alex's PovBigla akong nagising dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad kong inilibot sa paligid ang aking mga paningin sa pag-asang panaginip lamang ang nangyari. Ngunit laking pagkadismaya ko nang makitang nasa loob pa rin ako ng kuwartong pinagdalhan sa akin ni Uriel. Hindi ako nananaginip kundi totoo talaga ang mga nangyari. Na kinidnap ako ni Uriel at dinala sa isang isla sakay ang kanyang private chopper. Nanghihinang bumangon ako sa kama at naupo na lamang. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaiyak at hindi ko rin alam kung gaano katagal ako nakatulog. Nagugutom na ako ngunit ayokong lumabas at makita ang pagmumukha ni Uriel. Pero naisip ko na kung hindi ako lalabas sa silid na ito ay paano naman ako makakatakas o di kaya ay makakagawa ng paraan para makatakas sa islang ito? Sa aking naisip ay dahan-dahan akong umalis sa kama at naglakad palapit sa pintuan. Bahagya muna akong sumilip sa labas para makita kung naroon ba ang lalaki. N
Alex's PovDahil nag-aalala ako na muling pumasok sa loob ng silid na kinaroroonan ko si Uriel ay nagmadali akong maligo. Nasa loob nga ng silid ang aking maleta at narito ang lahat ng mga gamit ko maliban sa aking cellphone. Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas para magpunta sa kusina. Nadaanan ko si Uriel sa sala na nanunuod pa rin ng television. Tumaas lamang ang kilay niya nang makita ako at hindi nagsalita. Inirapan ko naman siya bago ako nagtuloy sa kusina ng bahay niya.Napansin kong malinis ang kusina sa bahay na ito kahit maliit kumpara sa kusina sa bahay niya sa Maynila. Malinis din ang silid na pinanggalingan ko pati na rin ang sala na tila ba may taong taga-maintain sa kalinisan ng bahay. Saka napansin ko rin na gawa sa kahoy ang bahay ngunit high tech naman ang mga kagamitang narito tulad ng rice cooker at automatic washing machine na nakita kong nakalagay sa laundry area na malapit sa kusina. Naisip ko na dito siguro madalas siyang magbakasyon kasama si S
Alex's Pov"Damn it, Alex! Are you going to kill me?" galit na sita sa akin ni Uriel habang nakahawak ang isa niyang kamay sa nasaktang ulo habang ang isa niyang kamay ay nakahawak naman sa switch ng ilaw.Akala ko talaga ay may masamang tao na gustong pumasok sa loob ng bahay ni Uriel ngunit hindi ko ini-expect na siya pala mismo ang nasa labas at gustong pumasok sa loob."Malay ko ba na ikaw iyan. Akala ko masamang tao kaya pinagpapalo kita ng walis tambo. Ano ba kasi ang ginagawa mo sa labas ng bahay sa ganitong dis oras ng gabi?" nakasimangot na sagot ko sa kanya kasabay ng patatanong."Bahay ko ito kaya lalabas at papasok ako sa loob kahit anong oras," singhal niya sa akin. "At saka sa tingin mo ba ay maipagtatanggol mo ang iyong sarili kung totoong masamang tao nga ang nakapasok gamit lamang ang walis tambo na iyan?""Hindi naman ako nagkamali. Masamang tao naman talaga ang nagtatangkang pumasok sa loob," mahina ang boses na bulong ko ngunit sapat na iyon para makarating pa rin
Alex's PovBigla akong nagising nang tumama sa mukha ko ang isang bagay. Pagmulat ko ng aking mga mata ay damit pala ni Uriel na itinapon sa mukha ko."Gumising ka na at labhan mo ang marurumi kong damit. Kamayin mo lang dahil sira ang washing machine ko," parang hari na utos sa akin ni Uriel habang nakatayo siya sa paanan ng kama. Muli niyang initsa sa mukha ko ang iba pa niyang maruruming damit kaya mabilos na akong napabangon sa higaan."Ano ba, Uriel?! Hindi mo naman kailangang ibato sa akin ang mga marurumi mong damit," inis na sabi ko sa kanya. Ang sarap ng tulog ko tapos iniistorbo niya ako. Ang sarap niyang ipasok sa washing machine at paikutin. Sinira niya ang tulog ko. "Gusto kong ibato sa mukha, bakit? Magagawa ka ba?""Isip-bata," mahinang bulong ko. Hindi ito narinig ng lalaki dahil mahina lamang ang aking boses. Tiningnan niya lamang ako ng masama na tila ba nahuhulaan niyang patungkol sa kanya ang sinambit ko. Pagkatapos niya akong tapunan ng masamang tingin ay walang
Alex's PovGusto ko nang mawalan ng malay habang nakatingin sa lalaking puno ng pagnanasa ang mga mata habang nakatingin sa akin. Kung ito man ay isang masamang bangungot ay gusto ko nang magising. Nang lumundag papunta sa akin ang lalaki ay isang napakalakas na tili ang kumawala sa aking lalamunan. At kasabay ng aking tili ay ang pagbungad naman ni Uriel sa nakabukas na pintuan. Agad itong lumapit sa nabiglang tauhan at inundayan ng magkakasunod na suntok. Hindi tinigilan ni Uriel ang lalaki hangga't hindi ito nakagulapay sa sahig habang duguan ang mukha."Walang hiya ka, Dado! Ang lakas ng loob mong tarantaduhin ako!" pulang-pula sa galit ang mukha na sigaw ni Uriel. Pagkatapos ay inundayan nito ng malakas na tadyak sa tagiliran ang lalaking pumasok sa kuwarto na Dado pala ang pangalan "Tama na, boss. Baka mapatay mo si Dado," awat ng isa pang lalaki na kasunod ni Uriel na pumasok sa kuwarto ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang tauhan nitong pumansin sa akin kanina."Talagang
Alex's PovNagising ako kinaumagahan dahil sa masarap na amoy ng sinangag na kanin. Kahit na tinatamad pa akong bumangon dahil medyo masakit pa ang aking buong katawan ay bumangon pa rin ako at pumasok sa banyo para maligo. Malamig ang tubig kaya nag-hot shower ako. Napatingin ako sa aking sarili sa malaking salamin na nasa loob ng banyo. Nangingitim ang gilid ng aking mga labi at medyo may putok din dahil sa malakas na sampal na ibinigay sa akin ng Dado na iyon. Mabuti na lang talaga at dumating si Uriel dahil king hindi ay tiyak na nagtagumpay na ang taong iyon sa masamang binabalak niya sa akin. Ngunit kasabay ng pagkakaalala sa muntik nang nangyari na hindi maganda sa akin kagabi ay ang nangyari naman sa amin ni Uriel. Bahagya akong napangiti at nahaplos ang aking mga labi na inangkin niya kagabi. Para kaming mga uhaw sa isa't isa. Sa tindi yata ng pananabik ko sa kanya ay hindi ko naramdaman itong sugat ko sa aking mga labi. Napailing na lamang ako pagkatapos ay tinapos ko na ang
Alex's PovDahan-dahang imimulat ko ang aking mga mata nang pagbalikan na ako ng aking malay. Napakunot ang aking noo nang unang kulay na namulatan ko ay ang puting ceiling. Naisip kong patay na yata ako at nasa langit na ang kaluluwa ko. Nakaramdam ako ng lungkot at pagbigat ng aking dibdib. Hindi ko na makikita kahit na kailan ang mga magulang ko pati na rin si Alexa. Ni hindi nga ako nakapagpaalam kay Art bago ako mamatay kahit sa aking isip man lang. Tiyak na malulungkot siya kapag nalaman niyang pumanaw akong bigla lalong-lalo na ang aking pamilya. At kahit si Uriel ang dahilan kung bakit ako nawala sa mundo ay mamimis ko pa rin siya. Hindi ako galit sa kanya kahit kahit na siya ang dahilan kung bakit hindi ko na makakasama ang pamilya ko sa halip ay naiintindihan ko ang galit niya. Kung sa akin nangyari ang nangyari sa kanya ay malamang siya rin ang sisisihin ko sa nangyari. Ang mali lamang niya ay hindi siya marunong makinig sa paliwanag dahil sarado ang utak niya. Ngunit wala
Alex's PovDalawang Linggo matapos ang pagkakaligtas sa akin sa dagat ay halos nasa loob lamang ako ng aking kuwarto at nagkukulong. Hindi tuloy maiwasan ng mga magulang ko ang mag-alala kaya kinausap nila ako."Nag-aalala na kami sa'yo, Alex. Ayos ka lang ba talaga? Baka gusto mong ituloy na ang bakasyon mo sa ibang bansa?" kausap sa akin ni Daddy isang umaga. Magkasama sila ni Mama nang puntahan nila ako sa aking silid para kausapin."Oo nga naman, Anak. Ituloy muna ang bakasyon mo. Huwag mong alalahanin si Alexa dahil naniniwala kami ng daddy mo na mahahanap din natin siya. Tingnan mo tayong dalawa. Hindi natin akalain na muli nating matatagpuan at makakasama ang daddy at kapatid mo, 'di ba? Kaya maniwala rin tayo na matatagpuan at makakasama nating muli ang kapatid mo," pagbibigay ni Mama ng pag-asa sa akin. Alam ko na gusto lamang palakasin ng mga magulang ko ang aking loob ngunit sa loob nila ay sobrang nag-aalala sila sa kapatid ko. Ayaw lamang nilang ipakita at iparamdam sa ak
Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s
Alex's Pov"Inihatid ka ni Uriel, Alex? Magkasama kayong dalawa magmula nang maghiwalay tayo kanina?" pag-uulit ni Alexa sa kanyang tanong sa akin. Pakiramdam ko ay para akong batang tumakas para maglamyerda na biglang nahuli ng aking ina at kailangan kong magpaliwanag kung bakit ako naglamyerda. Ngunit ngayon ay hindi ako tumakas para mag-lamyerda at hindi ina ang nakahuli sa akin kundi ang aking kakambal. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya na hindi siya masasaktan at magagalit sa akin."Oo, Alexa. Inihatid niya ako ngayon at magkasama kami mula pa kanina ngunit hindi sa kadahilanang iniisip mo. Naglalakad ako kanina papunta sa kinapaparadahan ng kotse ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Akala ko ay masamang tao na balak akong kidnapin ngunit hindi ko inaasahan na si Uriel pala iyon. Gusto niyang makipag-usap sa akin ngunit tinanggihan ko siya kaya niya ako kinidnap. Sinabi niyang mahal niya ako ngunit tinanggihan ko siya. Sinabihan ko siya na tigilan niya
Alex's PovSa isang malaki at bagong-bagong puting bahay ako dinala ni Uriel. Nagpapapalag pa rin habang ibinababa niya sa sasakyan niya."Ano ba, Uriel?! Ibalik mo ako sa school ngayon din," mariing utos ko sa kanya habang binabayo ko ang kanyang likuran."I will. Pero pagkatapos na nating mag-usap," sagot niya sa akin. Balewala lamang sa kanya ang ginagawa kong pagbayo sa kanyang likuran na tila ba hindi siya nasasaktan."Wala naman tayong dapat pang pag-usapan pa, Uriel. Tapos na sa inyo ni Alexa ang lahat kaya wala na rin tayong koneksiyon.""Yes. Tama ka. Tapos na ang lahat sa amin ni Alexa pero hindi tayo. Dahil kailangan nating mag-usap."Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay ibinaba niya ako sa sofa. Agad akong tumayo pagkababa niya sa akin ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso at hinila pahiga sa sofa tapos dinaganan niya ako ng kanyang katawan. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa pagkakadagan niya sa akin. Ngunit mayamaya ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa
Alex's Pov"Ano ba talaga ang nangyari, Alexa? Bakit biglaan naman yata ang pakikipaghiwalay ni Uriel sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo pagkatapos ay marahang hinagod ko ang kanyang likuran para payapain siya."Sinabi ni Uriel sa akin ang totoo, Alex. Ang sabi niya alam daw niya na hindi ako ang babaeng pinakasalan niya kundi ikaw. Sinabi rin niya sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi ako," umiiyak na sumbong ni Alexa. Nakaramdam ako ng saya nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko ngunit kasabay niyon ang lungkot at guilt. Dahil nakakaramdam ako ng saya gayong nalulungkot naman si Alexa. "Ano ang gagawin mo ngayon, Alex? Ikaw ang mahal ni Uriel at hindi ako at alam kong mahal mo rin siya. Makikipagrelasyon ka ba sa kanya?"Napapikit ako sa kanyang tanong. Ano nga ba ang gagawin ko? Makikipagrelasyon nga ba ako sa kanya ngayon pareho pala kami ng nararamdaman? Paano naman ang kapatid ko? Gugustuhin ko ba na masaya ako habang si Alexa ay nadud