NANLALAMIG ang mga kamay ni Anastasia habang nakatanaw sa labas ng bintana. Dumodoble ang kabang nararamdaman niya habang papalapit na sila sa Zahara. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Masaya, dahil muli niyang masisilayan ang lugar na kinalakihan. Nag-aalala, dahil sa karamdaman ng ama niya at natatakot, dahil muli silang magkikita ni Craig, hindi niya alam kung papaano ito haharapin matapos siyang umalis ng walang paalam. Pagkatapos nilang maikasal ng binata, sa barong-barong nito sila tumira. Noong una nahirapan siya sa bagong buhay na pinili niya pero dahil umibig siya kay Craig sinubukan naman niyang maging asawa rito. She tried everything to get his heart and attention. Pero sa loob ng dalawang buwan nilang pagsasama, walang naging pagbabago sa pakitungo nito sa kanya. Naiintindihan niya ang galit nito dahil sapilitan niyang kinuha at ipinagkait ang kalayaan nito na pumili ng ba
Last Updated : 2022-02-18 Read more