Share

Chapter Two

Author: Sandria
last update Huling Na-update: 2022-02-18 19:50:09

IKA-APAT na araw na mula nang mailibing ang ama ni Anastasia at ngayong gabi gaganapin ang misa para sa huling gabing makakasama niya ito. At ngayon gaganapin ang eulogy ng ama.

Sa apat na araw na lumipas, nagpuntahan ang mga taong nagmamahal sa kanyang ama, ang mga taong hindi niya akalain na ganoon pala karami ang mga natulungan nito.

Sa apat na araw na ring iyong, lagi lang nasa likod niya si Craig. Hindi man siya nito kinakausap pero palagi lang itong nakaalalay sa kanya. Ito rin ang palaging sumasalubong at umaasikaso sa mga nakikiramay sa kaniyang ama

Habang nagmimisa ang isip niya ay wala roon, naiisip niya ang mga maling nagawa niya sa buhay at naiisip niya kung gaano kalaki ang pagkukulang niya bilang anak sa kaniyang ama. Ever since, she never did her part for being his good daughter. Wala siyang ibang binigay dito kundi sakit ng ulo.

Sa loob ng limang taon na umalis siya sa poder nito ay hindi niya naisip ang maaari nitong maramdaman. Ganito pala kasakit ang iwan ng minamahal... No, higit palang masakit kung alam mong hindi na babalik ang taong iyon. Her Dad is never coming back.

"Alfonzo is a loving person, dahil kung hindi wala kayong lahat dito ngayon para makiramay. Kung hindi niya ipinadama ang pag-ibig niya sa inyo, hindi ninyo rin ipapakita rito kung paano kayo nasasaktan ngayon," sni ng pari na nagpatulo sa mga luha niya.

Namimiss niya ang pagmamahal sa kaniya ng ama, kung paano siya nito protektahan at pangalagaan. Parang gusto niya ulit bumalik sa pagkabata at maramdaman muli ang mainit nitong mga yakap.

"Can I call, Alfonzo's daughter? Mrs Navarro, can you share your last messages for your father?" Tawag pansin sa kanya ng pari.

Inalalayan siya ni Noona Maria papunta sa harapan. Inabot sa kanya ng pari ang mikropono. Tinuyo muna niya ang basang pisngi at malalim na nagbuntong-hininga bago nag-umpisang magsalita.

"My father is my king. He build a castle for me and he was my first knight..." Muli siyang humugot ng hangin dahil ano mang sandali ay alam niyang nagbabadya na muling tumulo ang kaniyang mga luha. "...and I'm his only princess. He gave everything I need and everything I want. He did everything to make me happy. Makita lang niya akong umiiyak, parang siya pa ang higit na nasasaktan. Wala akong gusto na hindi niya ibinigay, kahit noong hiniling ko sa kaniya na ibigay sa'kin ang knight in shining armor ko..." Pumiyok ang boses niya sa huling sinabi.

"Wala siyang hindi ibinigay sa akin. He will do everything to make me happy, kahit pa ang kapalit nu'n ay ang kaligayanhan ng iba." Sinapo niya ang bibig para pigilan ang kaniyang paghagulhol. Naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit.

"Dad, I'm sorry! I'm really sorry! Please, forgive me," she cried. "I'm sorry for not be a perfect daughter to you. I-I'm sorry, Daddy!"

Isang matipunong braso ang yumakap kay Anastasia na lalong nagpaiyak sa kanya. Kung nandirito lang ang kaniyang ama tiyak ganito rin ang gagawin nito sa kaniya.

"If I can turn back the time, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo. Pero tulad ng sinabi mo, hindi na maibabalik pa ang maling nagawa ko. Ang importante meron akong natutunan sa mga pagkakamaling nagawa ko. Sa kabila ng mga nagawa kong kasalanan, nagawa mo pa rin akong patawarin. Maswerte ako na ikaw ang naging ama ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na muling mabuhay, hihilingin ko na sana ikaw ulit ang maging ama ko." Humugot siya ng hangin bago muling magsalita.

"Dad, my king, my knight, thank you for everything. Thank you for the love you give to me. T-thank you... Nunca te olvidaré. Hasta la proxima vez." (I will never forget you. Until next time.)

Muli siyang napahagulhol. Inalalayan siya ni Craig na bumalik sa pagkakaupo. Sa mga oras na iyon, ramdam niya na may malaking nawala sa parte ng buhay niya. Wala na siyang mga magulang ngayon. Nag-iisa na lang siya sa buhay.

Para kay Anastasia, ito na yata ang pinaka mahabang gabi sa kanya. Hindi niya kayang matulog, ang gusto lang niya ay titigan nang titigan ang ama. Gusto niyang alalahanin ang gwapo nitong mukha dahil ito na ang huling gabi na masisilayan niya ito.

Pagkatapos ng eulogy ng ama ay isa-isa na rin na nagpaalam ang mga taong nakiramay, kaya ang maingay na kapaligiran kanina, napalitan na ng nakakabinging katahimikan.

"You should rest," tinig iyon ni Craig mula sa kaniyang likuran.

Marahas siyang nagbuga ng hangin. "Dito lang ako. Babantayan ko si Dad, sa ganitong paraan man lang may magawa ako para sa kanya."

Naupo ito sa tabi niya. "Knowing your Dad, hindi niya gugustohing mapagod ka,"

Mapait siyang napangiti na tiningnan si Craig. "Naaalala mo ba noong gusto kong matutong magluto? Natalsikan ako ng mantika sa braso."

Bahagya itong nguniti nang maalala rin ang tagpong iyon. "Oo, at ikinagalit iyon ng daddy mo," tuloy nito sa kwento niya. "Imbis na ikaw ang pagalitan niya, si Noona Maria ang napagalitan."

"Naalala mo rin ba noong pinilit kong sumakay sa kabayo?"

"Nahulog ka at nilagnat kinabukasan. Dahil doon, pinatanggal ng daddy mo ang lahat ng kabayo sa hacienda."

Nakuyom niya ang kamao. "That's how Dad protects me. H-hindi niya gustong nasasaktan ako," Her tears streamed down on her cheeks.

"Pero pinili ko pa rin na iwan siya dahil sa pansarili kong kagustuhan. Thank you Craig."

Nangunot ang noo nito. "For what?"

"For not leaving my father." Binalik niya ang tingin sa kanyang ama. "Hindi mo siya iniwan katulad ng ginawa kong pag-iwan sa kanya."

"Hindi ko kayang gawin iyon sa kaniya."

"Nakakahiya dahil nakaya ko siyang iwan." Kinagat niya ang ibabang labi. "I'm sorry Craig." Muli niyang binaling ang tingin sa asawa. "I know it's too late, pero hayaan mo akong humingi ng tawad sayo. Forgive me."

Umiwas ito ng tingin sa kanya kuway nagbuga ng hangin. "Aaminin ko, nagalit ako sa'yo nang basta ka na lang umalis, at hindi ko ikakaila na hanggang ngayon hindi iyon nawawala."

"I know. But I will do everything to make it up to you, Craig."

Muli itong nagbuga ng hangin. "Let's not talk about this. Not now."

"I understand." Sinundan lang niya ng tingin ang asawa nang umalis ito sa tabi niya at sinalubong ang bagong dating na mga makikiramay.

Susubukan niyang ayusin ang relasyon nilang mag-asawa ni Craig, tulad ng ipinangako niya sa ama. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para maging maayos ang pagsasama nila.

Habang pinagmamasdan niya ang asawa, masasabi niyang higit itong naging gwapo kahit pa halata na nag-matured ang mukha nito dahil sa maninipis na bigote at palbas. Higit din na lumaki ang pangangatawan nito kumpara noong huli niya itong nakita. Kung titingnan niya ito ay parang hindi na niya ito kilala. Alam niyang marami na rin ang naging pagbabago nito at hindi na ito tulad ng dati na basta na lang oo sa mga sasabihin niya at isa sa nagbago rito ay hindi na siya nito tinatawag na prinsesa.

Inalis niya ang tingin dito at itinuon na lang sa kaniyang ama. Sasamahan niya ito hanggang sa huling oras na makakapiling niya ito.

KINABUKASAN, alas-nueve ng umaga ay sakay ng karwahe ang kaniyang ama papunta sa paglilibingan nito. Habang hinahatid niya ang ama sa hulinnitong hantungan ay hindi mapatid ang pagpatak ng mga luha niya.

Sa huling pagkakataon ay muling binuksan ang kabaong nito bago ito tabunan ng lupa. Hirap na inihakbang niya ang mga paa palapit dito at kahit masakit, ibinigay niya ang huling pamamaalam dito.

Hinaplos niya ang salamin. "Hanggang sa muli, Daddy. Mahal na mahal kita." Humakbang siya paatras at hirap na inalis ang tingin dito.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa litrato ng ama habang unti-onti itong binababa. Isa-isang nagsilapitan ang mga taong sumama sa paghatid sa kaniyang ama at isa-isang inihulog ang dalang mga bulaklak.

Napatingin siya kay Craig nang abutan siya nito ng puting bulaklak. Tinanggap niya iyon at inihulog din iyon.

Walang patid ang luha niya sa pagpatak habang tinatabunan ang kaniyang ama. Ngayon masasabi niyang hindi na niya ito tuluyang makikita.

Makalipas ang ilang oras, tanging si Noona, si Craig at siya na lang ang natitira sa lugar na iyon. Pero wala pa rin siyang balak na umuwi. Gusto pa niya manatili rito kahit ilang sandali pa.

"Ana..." boses iyon ni Craig mula sa kaniyang likuran.

"Isang oras pa, Craig. Mauna na kayo."

"I can't leave you here, alone."

Muli na namang pumatak ang mga luha niya. Nakakailang iyak na siya, pero parang walang kapaguran ang mga mata niyang umiyak.

"Hindi mo ako kailangan na intindihin," aniya.

"Sasamahan ko na lang siya rito, Hijo. Ako na ang bahala sa kaniya," sabi ni Noona Maria.

"Sige ho. Mauuna na ako, may kailangan kasi akong asikasuhin sa hacienda."

Hindi ito nagpaalam sa kaniya. Narinig na lang niya ang yabag nitong papaalis. Nilingon niya ang binata na sumakay sa kabayo at tinanaw lang niya ito hanggang sa mawala ito sa kaniyang paningin.

"Mula nang magkasakit si Señor Alfonzo, ang asawa mo ang pinagkatiwalaan ng ama mo na mamahala sa hacienda at sa negosyo. Hindi 'yan mapakali kapag nagkaroon ng problema sa sakahan at sa mga alagang hayop."

Nilingon niya si Noona Maria. "Kailan ho nalaman ni Daddy na may sakit siya?"

"Dalawang taon na ang nakalilipas. Ang asawa mo mismo ang nakatuklas nang minsang makita niya na may gamot na iniinom ang ama mo. Doon namin nalaman na meron siyang liver cancer."

Hindi malabong magkaroon ng ganu'ng kalalang sakit ang ama niya dahil mula noong namatay ang kaniyang ina ay palagi na itong umiinom ng alak.

"Sinabi ni Craig sa ama mo na sabihin sa'yo ang tungkol doon, pero hindi ito pumayag. Halos araw-araw silang nagtatalo sa bagay na iyon."

"Alam niyo ho ba, Noona, kung bakit ayaw ni Daddy na ipasabi sa akin?"

"Ang dahilan ng ama mo, ayaw daw niya na saklawan ang mga gusto mong gawin sa buhay. Alam niyang masaya ka sa bagong buhay mo sa Manila kaya pinihilan niya si Craig na ipaalam sa'yo ang kalagayan niya."

Iniwas niya ang tingin dito at mahinang nagpakawala ng buntong-hininga. "Hanggang sa huli ako pa rin ang iniisip ni Daddy."

"Mahal na mahal ka ng iyong ama, Anastasia."

Mapait siyang ngunit. "Alam ko ho, Noona. Alam ko ho." Mahigpit siya nitong niyakap nang marinig nito ang muli niyang pag-iyak.

"Umuwi na tayo, Hija. Kailangan na rin nating makapagpahinga para bumawi sa mga raw na wala tayong tulog," anito nang kumalma na siya.

"Pero, Noona..."

"Gusto mo bang bumangon ang ama mo sa hukay para lang pagsabihan ka niya?"

"Noona, naman!"

"Alam mong hindi gusto ng ama mo na pinapabayaan mo ang sarili mo. Kailangan mo na rin magpahinga."

Nagbuntong-hininga siya. "Sige ho, umuwi na ho tayo."

Tumayo na ito at nauna ng lumakad papunta sa sasakyang naghihintay sa kanila.

"Babalik ho ako, Dad. I love you," paalam niya sa ama bago siya humakbang pasunod kay Noona Maria.

Kaugnay na kabanata

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Three

    MABIBIGAT ang mga matang nagising si Anastasia ng umagang iyon. Pakiramdam niya ang hapdi-hapdi ng mata niya, marahil sa kakaiyak niya magdamag. She miss her Daddy so much. Hindi rin siya kumain ng tanghalianbat hapunan. Wala siyang ganang kumain, ang tanging gusto lang niya ay magkulong sa kwarto.Kung nabubuhay pa ang kaniyang ama ay hindi nito gugustuhin na maging ganito siya. Nagbuntong-hininga siya at muling ipinikit ang mga mata, pero nakaramdam siya ng pagkulo ng sikmura kaya napilitan siyang bumangon sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos. Hindi na muna niya pinalitan ang suot na patulog, isinuot na lang niya ang roba bago lumabas ng kwarto.Nabungaran niya si Nonna Maria na nagluluto ng umagahan. May kasama itong dalawang kasambahay na siyang naghahanda ng ibang almusal."Magandang umaga ho, Señorita," sabay na bati ng dalawa sa kaniya. Doon siya nilingon ni Nonna Maria."Ang a

    Huling Na-update : 2022-02-18
  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Four

    "KUMUSTA?" tanong ng kaibigan niyang si Bernard habang sinusuklayan nito ang itim na kabayo ni Señor Alfonzo."Kumusta ang alin?" kunot ang noong tanong niya. Tulad nito ay sinusuklayan din niya ang puting kabayo."Kumusta ang pagbabalik ng asawa mo?""Alam natin na hindi matatawag na asawa ang meron sa amin ni Anastasia.""Sapilitan man kung titingnan, pero asawa mo pa rin siya sa mata ng mga tao rito.""Pinag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na 'yun."Tumigil ito sa ginagawa. "Desidido ka na talagang hiwalayan si Señorita Anastasia?""Oo, dahil iyon naman ang dapat.""Naku! Kapag nagkataon, maraming kalalakihan dito sa Zahara ang magkakandarapang ligawan si Señorita. Sa ganda ba naman niyang babae eh, hindi malabong mangyari iyon. Hindi ka ba nababahala?"Kunot ang noong

    Huling Na-update : 2022-02-18
  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Five

    BUONG araw na hinanap ni Anastasia si Craig sa buong hacienda, pero hindi niya ito makita. Kaya minabuti na lang niya na sa mansion ito hintayin para kausapin."Baka naman mabali iyang leeg mo kakasilip sa labas?" puna sa kaniya ni Nonna Maria nang madaanan siya nito sa terasa.Humaba ang ngusong isinandal niya ang puwetan sa barandilya. "Hinihintay ko ho kasi si Craig, Nonna.""Abay, pansin ko nga. Sinabi sa akin ni Bernard na pinaghahanap mo si Craig sa buong paligid ng hacienda. Kung hindi mo mamasamain, bakit nga ba?""May gusto lang ho akong sabihin sa kaniya tungkol ko sa paghihiwalay namin."Natigilan ito sa kaniyang sinabi. "Tungkol sa paghihiwalay ninyo?"Marahan siyang tumango. "Gusto ho ipa-annul ni Craig ang kasal namin, Nonno.""Pumayag ka ba?"Marahas siyang nagbuntong-hininga. "Nonna, naniniwala ho ba k

    Huling Na-update : 2022-02-18
  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Six

    NANIGAS si Anastasia sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig kay Craig. Wala siyang makita na kahit na anong emosyon sa mga mata nito kaya hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito."Nagbago na ba ang isip mo?" pukaw niya sa akin."H-hindi.""Then come here.""G-gusto ko lang malaman kung ano ang iniisip mo o kung ano ang nararamdaman mo—""It does matter?" putol nito sa iba pa niyang sasabihin."H-ha?"Patuyang tumawa si Craig. "Kailangan ba may damdamin ako para sayo, Ana? Ikaw ang may gustong gawin ito diba?""Pero kasi—""Kung hindi mo magawa ngayon pa lang itigil na natin ito."Akmang tatayo ito ay mabilis niya itong pinigilan. "Gagawin ko!" Gusto niyang patunayan dito na seryoso siya sa sinabing gusto niyang ayusin ang pagiging mag-asawa nila.Kagat ang ibabang labi na humakbang siya palapit palapit kay Craig. Mataimtim ang mga mata nito na tumitig sa kaniya at marahan na umangat ang kamay nito para haplusin siya sa braso.Nahigit niya ang hininga dahil sa paraan ng paghaplos

    Huling Na-update : 2022-06-01
  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Seven

    ILANG ORAS na ang nakalilipas pero wala pa rin naisusulat si Anastasia. Nakatitig lang siya sa screen ng laptop niya. Walang napasok na kahit na anong ideya sa isip niya.Marahas siyang nagbuntong hininga habang ang mga mata ay nasa screen ng laptop niya.Dalawang araw na mula noong pumayag si Craig na bigyan siya ng isang buwan para mapabago ang isip nito, pero sa dalawang araw na lumipas palagi namang abala si Craig. Nasasayang ang araw para sa isang buwan na palugit.Napapiksi siya nang may gustong makipag video call sa online apps niya. Nang makita niya na ang kaibigan niyang si Virginia ang natawag ay agad niya iyong sinagot."Kumusta, bruha?" bungad nito nang sagutin niya iyon.Ipinuwesto niya ang cellphone kung saan malayang makikita ang mukha niya. "Ito buhay pa naman," pabiro niyang sagot."Mukhang nangayayat ka ahh. Halos magdadalawang Lingo ka pa lang nandyan, pero ang laki na ng ipinayat mo. Ini-stress ka ba ng asawa mong hilaw?"Natawa siya sa paraan ng pagtawag nito kay

    Huling Na-update : 2022-06-02
  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Eight

    SAPO ang sentido nang magising si Anastasia. Hindi pa niya magawang maimulat ng husto ang mga mata niya dahil sa paminsan-minsang kirot sa ulo niya.Noong huling inom niya ng alak limang taon na ang nakalilipas, noong magdesisyon siyang umalis sa puder ni Craig. Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya iinom dahil ayaw na niya ulit maranasan ang hangover.Craig...Nanlalaki ang mga matang napadilat siya nang maalala niya si Craig at ang pag-uusap nila sa pool area. Bumalikwas siya ng tayo at inilibot ang tingin sa buong paligid ng kwarto. Naroon siya sa sarili niyang kwarto.Nabatukan niya ang sarili ng wala sa oras. Bakit ba niya kasi hinayaang uminom ng marami? At bakit ba kasi ang hina-hina niya pagdating sa alak?Nangiwi sita nang maalala niya ang mga pinagsasabi niya kagabi kay Craig. Gusto niyang saktan at iling ang sarili dahil sa hiyang nararamdaman."You hate him, Anastasia? Talaga lang ha?" aniya sa sarili. Parang batang nagpapadyak siya sa ibabaw ng kama."Paano m

    Huling Na-update : 2022-06-03
  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Nine

    HINDI mapigilan ni Anastasia na mapangiti habang tinitingnan niya isa-isa ang mga kinunang litrato nila ni Craig sa Flower Farm. They look adorable in the pictures. Kung makikita ito ng iba iisipin ng mga ito na masaya silang mag-asawa at totoo.Buntong hiningang tumingala siya sa madilim na kalangitan na napupuno ng makikinang na mga bintuin. Kasalukuyan siyang nasa terrace ng kwarto niya."Dad, sinubukan ko ho ang sinabi mo sa akin na ayusin ko ang relasyon namin ni Craig, pero hindi ko ho maipapangako na magiging maganda ang kalalabasan ng gagawin kong ito," aniya.Muli niyang tiningnan ang mga litrato na nasa cellphone niya. Ipinasa iyon ni Craig sa kanya pagka-uwi nila kanina. Sisiguraduhin niya na madadagdagan pa iyon."Princess?"Nabaling ang tingin niya sa kabilang terrace kung nasaan ang kwarto ni Craig."W-what did you call me just now?"Nangiti ito. "Princess," ulit nito."Why did you...""I use to call you princess before. Hindi na ba pwede?""Hindi naman. Nagulat lang ako

    Huling Na-update : 2022-06-04
  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Ten

    NAGISING si Anastasia ng umagang iyon na may ngiti sa mga labi. Parang panaginip lang kasi ang nangyari kanya sa mga nagdaang mga araw. Bumangon siya at sumiretso sa terrace para magpa-araw at suminghot ng sariwang hangin na hindi niya magawa sa Maynila. Ipinikit niya ang mga mata, itinaas ang mga kamay para uminat. Malalim siyang humugot ng hangin at marahan iyong ibinuga.Napadilat siya nang marinig niya ang boses ni Craig. Daling hinanap ng kanyang mga mata ang asawa at natagpuan niya ito sa may ibaba. Hubad-baro ito habang itinatanim nito ang nabiling bagong bulaklak. Nangalumbaba siya at hindi mapigilang titigan ang abalang lalaki.Craig is a God's gift. Mula ulo hanggang paa nito ay walang tapon. Kahit na moreno at naliligo ito sa pawis ay ang lakas pa rin ng dating nito. No wonder kung bakit kinahuhumalingan ito ng lahat ng kababaihan sa Zahara."Good morning!" bati niya rito.Kunot ang noong tiningala nito ang kinaroroonan niya at agad na ngumiti nang makita siya."Good morni

    Huling Na-update : 2022-06-05

Pinakabagong kabanata

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Epilogue

    "HINDI naman tayo sumobra diba?" tanong ni Anastasia sa asawa ng mahiga sila sa kama.Nagbuntong hininga si Craig. "Hindi. Alam ko na tama ang ginawa nating desisyon para sa kanilang dalawa.""Ayoko rin kasi na mabigla sila sa desisyon nila. Tutuparin kaya nila ang pangako na hindi sila magkikita?""Nagtitiwala ako na gagawin nila 'yon."Hinilig ni Anastasia ang ulo sa dibdib ng asawa. "Ang bilis ng panahon ano? Parang kailan lang maliliit pa sila tapos ngayon alam na nila ang magmahal.""Lahat talaga dumadaan sa ganyan, Ana. Darating ang araw na iiwan tayo ng mga anak natin dahil magkakaroon sila ng pamilya.""Alam ko naman 'yon."Hinalikan siya nito sa noo. "Thank you, Princess dahil nagawa mong tanggapin at mahalin si Amber kahit na si Cameron ang ina niya.""Huwag mong sabihin 'yan, Craig. Mabait na bata di Amber, malambing, masunurin at higit sa lahat mapagmahal na bata. Oh! Nagawa niya tayong suwayin dahil sa pagmamahal niya kay Crayson." Nagtawanan sila."Deserve ni Amber ang m

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chaoter Eighty Two

    UMALIS ang ama ni Amber na hindi man lang nito sinasabi sa kanya na merong engagement party na magaganap para kila Crayson at Sofia.Mabait ang mga magulang niya, marahil hindi lang gusto ng mga ito na magkaroon sila ni Crayson ng relasyon dahil tunay na anak ang turing sa kanya ng mga ito.Pagkaalis ng ama niya ay agad siyang kumuha ng ticket pauwi sa Asturias na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya. Kasama niyang aalis si Cloud para makita nito si Cazziana bago ito lumipad papunta sa America. Dalawang araw pa naman bago ang araw ng engagement ni Crayson kaya makakahabol siya.Inayos na niya ang dadalhin niyang gamit para sa pag-alis bukas ng gabi. Pupunta sita doon para kausapin si Crayson. Kung hindi siya nito mahal at desindido talaga itong magpakasal kay Sofia ay hindi na niya ito pipigilan at hahayaan na lang niya ito. Pero aminin nito sa kanya na mahal siya nito at handa niya itong ipaglaban sa mga magulang nila.Kinakabihan ay maagang natulog si Amber para sa maaga nilang

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Eighty One

    SIMULA ng magkausap si Amber at ang ama niya ay hindi na siya masyado lumalabas ng kwarto niya. Pagkagaling sa school ay diretso siya sa kwarto niya oara magmukmuk at ibabad ang sarili sa homeworks.Tsaka lang siya bababa para sabayan na kumain ang ama niya at si Crayson. Hindi na rin siya nakikipagkwentuhan sa mga ito at hindi na rin niya makuhang ngumiti at makipagbiruan man lang.Napatingin si Amber sa cellphone niya nang may tumatawag sa messenger niya. It was Cazziana."Hello, Cazz," sagit niya sa video call nito."How are you my lil sister?""I'm fine. I'm doing my homework." Pinakita niya ang nagkalat niyang paper works sa lamesa."Hay! Ang hirap maging estudyante, right?"Tipid na ngiti lang ang sinagot niya rito."How's dad and Crayson?""They're fine. Katatapos lang namin maghapunan. Kayo nila mommy dyan, kumusta?""Ayos lang din.""That's good," aniya."Ikaw, kumusta? My problema ka?"Umiling siya. "Wala.""Kilala kita, Amber. Spill it."Kilala niya ang kapatid. Hindi ito t

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Eighty

    ONE YEAR later...MAAGANG nagising si Amber dahil merong tumatawag sa messenger niya. Nakapikit na inabot niya ang cellphone na nasa bedside table at hindi tinitingnan na sinagot iyon."Good morning, Hija. Nagising ba kita?"Bigla siyang napadilat ng mga mata nang marinig ang boses ng ama mula sa kabilang linya."Dad..." Mabilis siyang bumangon. "Good morning po.""Mukhang puyat ka.""Umh... May tinapos lang po akong project kagabi.""Ganu'n ba? Nag-umagahan ka na ba?""Mag-uumagahan pa lang po.""Good. Lumabas ka na dyan para mag-umagahan na tayo."Nanlaki ang mga mata niyang mabilis siyang bumangon. Walang hilamos na lumabas siya ng kwarto at patakbong bumaba sa sala. Laking tuwa niya nang mabungaran ang ama sa sala."Dad!" Patakbo niya itong niyakap. Namiss niya ito ng sobra dahil isang tao din silang hindi nagkita."Nasopresa ba kita?" natatawa nitong sabi."Ang hilig mo po talagang magsopresa, Dad.""Kumusta ka? Mukhang nabawasan ata ang timbang mo ah? Baka naman hindi mo inaalag

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Seventy Nine

    ELEVEN YEARS LATER...EXCITED si Amber na bumangon ng araw na iyon dahil iyon ang araw na pinayagan siya ng kanyang ina na umuwi sa Pilipinas bilang regalo sa darating na ika-labing walang taong gulang niya.Patakbo niyang tinahak ang malawak na hallway ng palasyo."Please be careful, Princess Amber!" habol sa kanya ng nanny niya.Sa kanyang pagtakbo ay napahinto siya nang agad niyang nakita ang kanyang inang si Anastasia/Letizia na kausap ang sekretarya nito at nasa tabi ng kanyang ina ang nakakatandang kapatid niyang si Crayson.Pinagpagan at inayos niya ang suot na dress at maayos na naglakad palapit sa mga ito. "Magandang umaga, Mom," bati niya."Oh... Hi, Amber anak.""Mom, hindi ho ba pinayagan ninyo ako ni daddy na umuwi sa Pilipinas bilang regalo sa birthday ko?" Nakagat niya ang ibabang labi."Ngayong araw na ba 'yon?"Tumango siya. "Yes.""You're not allowed to leave. The king's birthday is today, and there will be a ball tonight. We must all be present later to commemorate

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Seventy Eight

    SHE LICKED the tip of his while caressing his length. Napakapit si Craig sa railing habang kagat nito ang ibabang labi. Nasiyahan siyang makita itong nasasarapan at nababaliw sa ginagawa niya.Ipinasok niya ng buo ang pagkalalaki nito sa bibig niya habang kumikiwal ang dila niya. Patuloy siya sa ginagawang pagsipsip at pagdila sa buhay na buhay nitong pagkalalaki. Umungol ito nang isagad niya ang kahabaan nito sa lalamunan niya."F*ck, Princess!" Humawak ang kamay nito sa buhok niya. Umangat naman ang balakang ni Craig para igiya at isagad ang pagkalalaki sa bibig niya.Punong-puno ang bibig niya dahil sa laki nito, pero hindi siya huminto. Pinagpatuloy niya ang pagsubo sa pagkalalaki nito na lalong napahigpit sa pagkapit sa buhok niya at sumunod-sunod ang pag-ungol nito."Oh, God! Anastasia..."Sinipsip niya ang dulo nito bago niya pinakawalan ang pagkalalaki nito. Gumapang ang dila niya sa kahabaan nito until she reach his balls. Dinidilaan niya iyon at sinisipsip na lalong nagpalak

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Seventy-Seven

    PAGKARATING nila sa Asturias ay agad silang sinalubong ng mga tauhan sa palasyo. At agad iyong naibalita hindi lang sa television kundi pati na rin sa radio.Pagkarating ng sinasakyan nilang sasakyan sa palasyo ay maraming mga sundalo ang nakapalibot. Pagkalabas niya sa sasakyan ay agad siyang sinalubong ng yakap ng kanyang inang si Sylvia at amang si Baron.Tumikhim si Craig nang tumingin sa kanya ang kanyang amang hari. "Good morning, your Majesty. It's an honor to meet you."Tipid na nginitian ni Baron si Craig. "I'm excited to talk with you, but I know you're all tired from a long flight, so I'll let you rest for now in your respective chambers," sabi nito."Baron is right. You should rest," segunda ng kanyang ina.Sinenyasan ng kanyang ama ang mga royal maids na asikasuhin sila at dalhin sa mga chamber nila. Sinamahan muna nila ni Craig ang mga anak sa kwarto ng mga ito para patulugin. Nang makatulog na ang mga ito dahil sa pagod sila naman ay nagpunta sa kwarto nila para makapag

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Seventy Six

    MAHIGPIT na nakahawak sa headboard ng kama si Anastasia habang naglalabas-masok ang kahabaan ni Craig sa basang-basa niyang pagkababae. Kahit pa gigil na gigil ito sa kanya ay nakaalalay ang bawat pag-ulos nito sa loob niya.Damang-dama niya ang kahabaan nito na halos naaabot ang dulo ng pagkababae niya. Sa tuwing sumasagad ang pagkalalaki nito sa loob niya ay hindi niya napipigilan ang mapaungol ng malakas."Oh! Craig! Na-miss kita...""I miss you too, princess," hingal na sagot nito habang humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya habang mabilis at bumabaon ang paglabas-masok nito sa kanya.She really miss him. Na-miss niya ang nakakabaliw na sensasyong lumulukob sa buo niyang pagkatao. She missed his big c*ck pleasuring her at walang ibang gustong gawin si Anastasia kundi tanggapin ang bawat pag-angkin sa kanya ni Craig."Oh! More, Craig. Oh, God!"Tila siya nawawalan ng hangin sa sarap na nararamdaman niya na halos nalalapit na siya sa sukdulan."Oh, Craig... I'm coming," dai

  • Pangarap Ko Ang Ibigin Ka   Chapter Seventy Five

    MONTHS have passed by. Halos hindi na makagalaw at makalakad ng matagal si Anastasia dahil sa laki at bigat ng tyan niya. Seven months pa lang ang pinagbubuntus niya pero mas malaki ang tyan niya kaysa inaasahan nila."Dahan-dahan." Inalalayan siya ni Craig na humiga sa kama saka ito tumabi ng pagkakahiga sa kanya."How's your day, my Princess?" maya'y tanong nito."Tired. Ang bigat-bigat na ng tyan ko at hindi na ako masyado makagalaw ng maayos," aniya.Dahil din sa laki ng tyan niya ay hindi na siya nakakadalaw sa Queen's House, tapos si Virginia ay nasa Spain na kasama ang asawa, kaya halos si Rolly na ang nagpapatakbo ng restaurant.Kinintalan siya nito ng halik sa mga labi. "Konting tiis pa, Princess hmmm?"God she missed him to. Matagal na mula ng active sila ni Craig sa sex, almost two months na.Sinapo niya ang pisngi nito at masuyo itong hinalikan sa mga labi. Maingat naman na inilayo ni Craig ang mukha sa kanya."Ayaw mo na akong halikan? Nandidiri ka na kasi ang laki-laki n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status