SA tanang buhay ni Reina, ngayon lamang niya tatawaging swerte ang kaniyang sarili. Matapos ang aksidente noong nakaraang buwan at buhay pa rin siya, sapat na iyon para matawag siya na swerte. "Ms. Reina," mabilis pa sa alas kwatrong nahiga si Reina sa kama niya at nagpanggap na tulog. "Ms. alam ko po na gising kayo, nakapalit na kayo ng damit at may make-up na po kayo sa mukha," anang nurse na pumasok sa kaniyang silid. "Umalis ka muna, iwan mo na ako masakit ang ulo ko," katuwiran niya sa nurse, hindi man lang ito tinapunan ng tingin. "Pinapauwi na po kayo ni Doc. Ilagan," halos araw-araw na niya iyong naririnig sa lahat ng nurse at doktor na tumitingin sa kaniya. "Masakit nga ang ulo ko kailangan ko magpa CT-scan," palihim na irap niya, wala namang nagawa ang nurse at iniwan na lamang ang makulit na pasyenteng wala namang kahit na anong kumplikasyon.
Last Updated : 2022-02-13 Read more