"One million? Are you out of your mind?!" Inaasahan na niya ang gano'ng reaksiyon ni Sean. Malaking halaga pa rin naman ang isang milyon kahit na napakayaman ng asawa niya."Sean, hindi ko pwedeng pabayaan ang bata sa lola niya. Nakukunsensiya ako dahil alam kong may magagawa ako. Hindi naman pwedeng bigyan ko ng pera ang lola lagi dahil alam kung sa sugal lang din naman mapupunta." Nagsusumamo ang boses niya.Sinadya niya talaga ito sa library ng bahay nila nang umuwi ito nang gabing iyon.Mataman siyang pinagmasdan ni Sean."It's not about the money, Yaz. Alam mong pwede kang makulong sa gagawin mo." Natigilan siya. Alam niya naman iyon pero hindi siya matatahimik, lalo at lagi niyang nakikita ang imahe ng sanggol sa isip niya.Kung hindi niya kukunin ang sanggol ay malaki ang posibilidad na ibebenta rin iyon ng matanda sa ibang tao pagdating ng panahon.Hindi pa rin siya nagpapigil sa pagkumbinsi sa asawa. Kung may pera lang siya na gano'n kalaki ay hindi na niya ipapaalam iyon k
Last Updated : 2022-07-10 Read more