Kanina pa hindi mapakali si Sean habang naghihintay sila sa labas ng emergency room. Paroo't-parito ang paglakad nito. Sabay pa silang napapatingin sa pinto kapag bumubukas iyon.Hindi niya naman masisisi ang asawa. Kaibigan nito ang nasa panganib. Gusto niyang damayan ito sa panahong iyon dahil kitang-kita niya ang paghihirap sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit may nakikita rin siyang guilt dito.Tatayo na sana siya para lapitan ito nang lumabas na rin sa wakas ang doktor. Mabilis na sinalubong ito ng lalaki. Ilang oras din silang naghintay."Stable na ang lagay niya. We need to observe first kasi ang mga binti niya ang naipit nang husto nang mabangga siya. Mabuti na lang at hindi naman umabot sa puntong kailangan putulin. She's still unconscious, though. Bukas pa magigising ang pasyente," mahabang paliwanag ng doktor.Pareho silang nakahinga nang maluwag nang marinig na ligtas na sa panganib si Bianca. Nagpasalamat si Sean sa doktor. Bumaling ito sa kanya."Umuwi ka na muna
Last Updated : 2022-07-01 Read more