Kumakain sila ng hapunan at kakaalis lang ni Sean. Hindi na ito nagpagabing masyado dahil kailangan nitong bumiyahe pa Maynila dahil maaga raw ang meeting nito kinabukasan.Ipinagtataka niya dahil halos bumabiyahe ito araw-araw sa kanila. Tahimik lang siyang kumakain nang magsalita ang ina."Bakit mo ba pinaparenta pa ng kwarto sa bayan si Sean? Pwede naman siyang tumuloy sa dating kwarto ni Joshua rito." Tanong ng ina sa kanya habang sumusubo ito."May nirerentahan siyang kwarto sa bayan?" Nagulat na balik-tanong niya sa ina.Ang ama niya ay agad na tumingin sa ina niya na parang pinagsasabihan ito sa pamamagitan ng tingin.Namilog ang mga mata ng ina na hindi yata alam na wala siyang nalalaman tungkol sa pagrerenta ni Sean ng kwarto.Biglang bumaling ang ama niya sa kanya."Kailan mo ba kasi aayusin ang sa inyo? May anak kayo. Isipin mo ang anak mo, Yazmin." Nakikiusap ang boses ng ama.Gusto niyang mainis sa pamilya niya. Hindi ba't sila ang saksi kung gaano kasakit sa kanya ang mg
Atubiling lumabas siya ng banyo habang suot ang isang manipis na nighties. Dalawang araw mula nang puntahan nila ng anak si Sean sa opisina nito ay nakipagkita siya uli rito.Dahil sa huli nilang kasunduan...Nasa kama si Sean at nakaupo, at alam niyang kanina pa siya hinihintay.Sabik siya na natatakot at nalulungkot. Ito na ang huling beses na guguluhin ni Sean ang buhay niya.Napagkasunduan nila na hihiramin nito ang anak niya kada Sabado at Linggo. Hindi na ito pupunta sa kanila para suyuin at kulitin siya. Ang tanging ugnayan na lang nila ay ang anak nilang si Gazer.Alam niyang nasasabik din siyang makapiling itong muli, pero para rin siyang bibitayin nang araw na iyon.Pinahid niya ang luhang umagos sa mga mata niya saka huminga nang malalim. Nang lumabas siya ng banyo ay napatingin agad si Sean sa kanya.Nagtama ang mga mata nila. Hindi lang pagnanasa ang nakikita niya sa mga mata nito. Katulad niya ay may halong lungkot din ang mga iyon.Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaki
Dire-diretso siya sa opisina ni Sean kinabukasan. Para siyang hinahabol nang kung sino nang akyatin ang opisina nito. Hindi niya pa rin kasi makontak ang lalaki. Mukhang ayaw talaga nitong magpakontak sa kanya.Ni hindi na siya kumatok nang pumasok sa loob. Nagulat pa siya nang si Lance ang nakita sa opisina ni Sean. Agad na inilibot niya ang tingin pero wala ang lalaki. "Nasaan si Sean? Agad na tanong niya kay Lance.Binati siya ni Avery saka nagpaalam muna na aalis saglit para pumunta sa sixth floor."Busy sa pag-prepare ng we-" Bigla naman itong natigilan saka napakunot-noo."Hindi kayo magkasama?"Siya naman ang napakunot-noo."Bakit naman? Hinahanap ko nga siya pero hindi ko makontak. Mali ang dokumentong ibinigay niya sa akin tungkol sa kasal namin." Inis na sabi niya."Dokumento? Sa pagpapakasal ninyo na ba iyan?""Huh?" Siya naman ang nalito sa tanong nito.Paanong pagpapakasal nila, eh, kasal na nga sila?"Sabi mo tungkol sa kasal ninyo?""Oo. Ipapawalang-bisa namin ang kasa
Tinakbo niya talaga ang unit ng asawa pagkalabas na pagkalabas niya ng elevator.Nang nasa harap na siya ng pinto ng unit nito ay saka siya tumigil. Titig na titig siya sa pinto habang hinihintay na bumalik sa normal ang paghinga.Nang kumalma na konti ay saka niya dahan-dahang pinihit ang seradura. Ang sabi ni Sean ay iniwan nitong bukas ang pinto.Kanina ay atat na atat na siyang makaharap ang lalaki. Ngayon namang alam na niya na nasa loob lang ito ay parang naka-slow motion ang kilos niya.Nagtaka pa siya nang mapusyaw lang ang ilaw sa loob nang silipin niya. Pumasok na siya nang tuluyan. Mababagal ang mga hakbang niya habang tinitingnan ang bawat sulok. "Sean?" Mahinang tawag niya sa lalaki. Nasa gitna na siya ng sala ng condo nito. Parang inusog nito ang sofa sa gilid kaya't malaki ang espasyo sa gitna. Napansin niya ang isang malaking kahon ng regalo sa pinakagitna.Napakunot-noo siya. Bigla ay napatingala siya nang ang mapusyaw na ilaw ay napalitan ng makukulay na patay-sind
Hindi niya talaga mapigilan ang mga luha habang naglalakad sa aisle papunta sa nahhihintay na si Sean.Mabuti na lang at waterproof ang makeup niya kaya't hindi siya magmumukhang agnas dahil sa mga luha niya.Isang buwan mula nang mag-propose ito sa kanya, or mag-demand siya rito na pakasalan siya uli ay itinakda ang kasal nilang iyon.Ang mga panahong sinasabi nitong busy ito ay iginugol pala nito sa pagpaplano at paglakad sa kasal nila.Hindi na siya nito pinayagang maging busy para sa paggawa ng gowns at mga damit ng entourage ng kasal nila. Ayaw nitong maging abala siya sa trabaho habang napi-pressure din sa kasal nila.Magandang-maganda ang tabas ng gown niya. Pakiramdam niya ay isa siyang reyna na naglalakad palapit sa hari niya.Katabi ni Sean ang kapatid nitong si Lance. Nagmano ang lalaki sa ama niya at ina bago siya pinakapit sa braso nito.Bago siya dinala sa altar ay itinaas nito ang belo niya. Nakangiting kinuha nito ang panyo saka pinunasan ang mga luha niya."Hindi kita
Inip na inip na naghihintay siya habang nakaupo sa kama. Napapabuntunghiningang napapatingin pa siya sa kisame kung saan galing ang patay- sinding ilaw."Hubby!" Sigaw niya."Wait lang. Hindi ba nagbago ang isip mo?" Alanganing boses ni Sean na nasa loob ng banyo "Kahit magkulong ka pa riyan ng buong gabi, hindi magbabago ang isip ko." Umikot pa ang mga mata niya habang sinasabi iyon.Inilapit niya sa bibig ang malaking lollipop at dinilaan iyon.Dumako ang mga mata niya sa pinto ng banyo nang bumukas iyon. Mabilis na ngumiti siya nang mapanukso.Tinitigan niya ang ayos nito. Wala itong pang-itaas at suot lang ay G-string na brief. Biglang dinilaan niya uli ang lollipop nang makaramdam ng init.Awkward ang mukha nitong lumapit sa kanya. Itinuro niya ang isang silya sa gitna para doon ito pumunta.Excited na pinatugtog niya ang sexy na kanta."Wifey..." Parang nakikiusap pa na sabi ni Sean sa kanya."Hubby, please... Hindi mo naman naituloy iyong sexy dance mo no'ng nag-propose ka, di
Kanina pa siya paikot-ikot sa salamin habang tinitingnan ang malaki na niyang tiyan. Six months na ang ipinagbubuntis niya kaya't hindi na magkasya ang mga lumang damit niya sa kanya.Nalaman na nila ang gender ng second baby nila ni Sean. Babae iyon na siyang pareho nilang hiniling.Ngumiti siya habang hinihimas ang tiyan.Napasigaw na lang siya nang biglang may yumakap sa likod niya."Hmmm... You're staring at your sexy body again," pabulong na sabi ni Sean habang hinihimas na rin ang tiyan niya.Napatawa siya sa pambobola nito. Galing ito sa banyo at tumutulo pa ang tubig galing sa katawan nito. Napapikit siya sa mabangong sabon at shampoo na naghalo sa katawan ng asawa.Nauna na siyang naligo rito dahil maagang nagigising ang anak nilang si Gazer. Pinuntahan niya ito kanina sa nursery room para mapakain na rin.Humahalik na sa leeg niya si Sean habang ipinasok nito ang isang kamay sa loob ng shorts na suot."S-sean, mali-late ka na," kunwari ay sinasaway niya ito pero nanatiling n
Habang kinakausap ni Sean ang secretary ay panay naman ang titig niya sa babae.Alam niyang masamang mag-entertain ng mga duda kung wala naman siyang dahilan para magduda pero hindi niya maiwasang isipin kung bakit hindi man lang nabanggit ni Sean ang maganda nitong secretary.Napapakunot-noo pa siya kapag nakikita niyang ngumingiti ang babae na parang nanlalandi sa asawa niya.Sa harap pa niya mismo!Nakaupo siya sa sofa habang nakatayo sa upuan si Gazer na hawak-hawak niya. Hindi na niya napansin na busy ang anak sa paggulo ng buhok niya. May mga hibla nang natanggal mula sa tali niya.Nang mapatingin sa kanya ang babae ay biglang nawala ang ngiti nito. Paano naman? Tinitigan niya kasi nang masama. Nagmamadaling bumalik ito sa mesa nito nang nakayuko.Napatingin si Sean sa kinauupuan niya at ng anak. Tumayo ito at napatingin sa oras."Come, let's have our lunch."Kinuha muna nito si Gazer saka siya inalalayang tumayo."Gazer, what have you done to Mommy's hair?" Kunyari ay pinapag
Kahit alam na ng puso nila na anak nila si Baby Alyanah ay kailangan pa ring ipa-DNA test bilang pagsunod sa protocol.Once kasi na mapatunayan na anak nga nila ang sanggol ay maiakyat na ang kaso laban sa mga namamahala sa St. Therese Maternity Clinic, kina Latonia at Patrick, kasali na rin ang mag-inang sina Manang Minda at Divina.Kabado pa rin silang pareho nang tingnan ang resulta ng test. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang katibayan na anak nga nila si Baby Alyanah.Mahigpit na nagyakapan sila ni Sean. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila nang mga sandaling iyon.Dinumog ng mga bisita ang bahay nila nang malaman ang balitang buhay ang totoo nilang anak.Ang mga magulang niya at kapatid pati na rin asawa't anak nito ay pumunta sa bahay nila.Isinabay sa pagpapabinyag kay Baby Alyanah ang welcome party at thanksgiving party para rito. Bisita rin nila ang batang babae na tunay na ina ng patay na sanggol.Napalitan na nila ng pangalan ng anak nito ang lapida ng libing n
Dahil hindi nakakatulong ang pag-iyak, kahit kabado siya ay pinilit niyang maging kalmado. Nakatingin siya sa labas ng bintana at tinitingnan ang mga nadaanan nila.Kahit pinakasimpleng detalye ay isiniksik niya sa utak para magamit kung sakali mang makatakas siya sa lalaki.Dumako uli ang tingin niya sa sahig ng kotse ng lalaki. Biglang nabuhayan siya ng loob nang may makita siya na pwedeng magamit niya kung sakaling pagtangkaan siya nito.Halos puro kakahuyan ang nadaanan nila at masyadong madilim pa.Napapansin niya ang maya't-mayang pagsulyap ni Patrick sa kanya."Kung papayag ka ay pwede tayong magpakalayo-layo. You can forget about your husband and kids. We can start our own family sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Saan mo ba gusto? Sa London? Australia?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. May saltik nga yata talaga ang utak nito.Imbes na barahin ito ay sinasakyan niya na lang. Mahirap galitin ang mga taong parang may problema sa utak."Paano ang trabaho mo
"Miss, kung hindi mo ibibigay sa akin ang detalye ng babaeng naunang nanganak sa akin sa gabing iyon, pwede kang maisama sa kaso kahit wala kang kinalaman." Pinagbantaan niya ang nasa reception desk ng St. Therese Maternity Clinic.Hindi na niya kinontak si Patrick lalo na no'ng nakita niyang ito ang nagbuhos ng tubig sa sahig. Natatakot siyang kumprontahin ang lalaki at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag nalaman nitong alam na niya.Pumunta na siya sa kapulisan at isinumite ang ebidensiyang meron siya tungkol sa lalaki. Naka-blotter na ito sa istasyon at naghihintay na lang siya ng instructions kung ano ang susunod na hakbang.Gusto niya sanang ipaalam iyon kay Sean para masamahan siya nito. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman iyon. Baka nga sugurin pa nito ang lalaki at iyon ang isa pa sa kinakatakutan niya.Mamayang pag-uwi niya ng bahay ay sasabihin na niya ang lahat ng mga natuklasan sa asawa at ipapakita ang video ng pangyayari sa Rajah HotelKailangan na rin talag
Kunot na kunot ang noo niya habang binabasa ang ibinigay na impormasyon ng imbestigador tungkol kay Patrick de Asis. Mabigat na talaga ang loob niya rito nang makita niya ito uli na kasama ni Yazmin. Hindi naman dahil sa pagseselos lang kaya niya pinaimbestigahan ang lalaki.Medyo nakakaalwan din naman pala sa buhay ang lalaki. Sa katunayan ay kasosyo ito ng isa sa mga negosyo ng ama ni Latonia.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Magkakilala kaya ang dalawa?What a small world!Pero bakit no'ng nasa clinic sila ay parang hindi magkakilala ang mga ito? Napakibit-balikat siya.Baka ang ama lang ni Latonia at si Patrick ang magkakilalang talaga.Napailing-iling siya nang makitang may tatlong kaso ito na naareglo. Inireklamo ito ng tatlong babae dahil sa pang-ii-stalk nito.Sabi na nga ba niya, mukhang may kakaiba sa lalaki, lalo na sa paraan ng pagtitig nito kay Yazmin. Base sa nakuha niyang report ay may obsession ang lalaki sa mga babaeng natitipuhan nito.Hindi pala ito tumiti
Pabagsak na inilapag niya ang mga baraha sa mesa."Letse naman!" Inis na sabi niya.Isang beses pa lang yata siya nanalo sa araw na iyon. Kapag minamalas nga naman.Biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol na pinahiga niya sa kandungan at hawak lang ng isang kamay. Naririndi siya sa iyak ng bata.Kung hindi lang siya nagkakapera rito ay matagal na niya sana iyong dinispatsa. Isa pa, hinihintay niya ang isang milyong bayad ni Miss Beautiful.Makakawala na rin siya sa wakas sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi niya pinangarap na sa tanda niyang iyon ay mag-aalaga pa rin siya ng bata.Siya pa nga ang kumumbinsi kay Divina dati na ipalaglag ang unang ipinagbuntis nito.Muntik pa siyang mapakislot nang mas lumakas pa ang palahaw ng sanggol."Uy, Minda! Padedehin mo na nga iyang apo mo at mukhang gutom na gutom na." Sigaw ng isang driver na parang naiingayan na rin sa palahaw nito.Nasa may sakayan kasi uli siya. Kahit na hindi na siya namamalimos dahil hindi naman siya pinapabayaan no'ng magandang
Nanatili siya sa madilim na bahaging iyon habang karga ang sanggol.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya rito. Kung bakit naman kasi iyong sira ulo na si Patrick ay hinayaan pang mabuhay ang sanggol.Ginamit niya lang talaga ang lalaki nang mahalata niyang halos sambahin nito ang lupang nilalakaran niya.Nagsimula lang naman iyon sa isang dummy account. Hindi kasi siya maka-move on nang malaman niyang ang ordinaryong empleyado ng ex niyang si Sean ay asawa na pala nito.Umaasam pa naman ang ama niya na si Sean ang makakatuluyan niya. No'ng maging sila ng lalaki ay naging maayos naman ang lahat. Kahit nababalitaan niyang nakikipaglandian ito sa iba ay hindi niya masyadong iniinda.Pareho kasi sila ng laro ng lalaki. Ayaw din niyang matali sa iisang tao lamang. Marami rin siyang flings kahit may relasyon sila ni Sean.Ang kaso ay unti-unti na rin siyang umaasa na seseryosohin nito nang tumagal sila. Siya na ang kusang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang lalaki. Umasta siyan
Napapayuko siya sa babaeng abalang-abala sa pagpapaligaya sa galit na galit niyang alaga.Umaalalay ang dalawang kamay niya habang nagtaas-baba ang ulo nito dahil sa paglabas-pasok ng subo nito sa kahabaan niya."Ahhh! Suck it! Hmmmph! Ahhrghh!" Mariin ang pagkakakagat niya ng labi dahil sa mainit na bunganga nito na sumusubo sa tigas na tigas niyang sandata.Tumutulong din sa pagdiin-diin ang mga kamay niya sa ulo nito. Naroong sinasabunutan din niya ito kapag pakiramdam niya ay halos isubo na nito ang kabuuan ng ari niya Biglang umalis ito sa pagkakasubsob sa gitna ng mga hita niya. Nanunuksong nilalamas nito ang malulusog nitong dibdib na walang suot na bra.Sexy masyado ang suot nito. Halatang walang bra ito nang dumating kanina dahil bumabakat ang tigas na tigas nitong nipples.Iyon ang nagugustuhan niya rito dati pa. Lagi siyang tinitigasan kapag nakakasama niya ito. Sadya yatang pinapakitaan siya ng motibo ng babae dahil alam nitong patay na patay siya rito.Hindi niya akalain
Ang lakas ng iyak ng sanggol. Ang tunog ng iyak nito ang nagpagising ng diwa niya. Pinipilit niyang ibuka ang mabibigat na mga talukap."The baby's alive!" Sigaw ng isang babae.Sa narinig ay nagkaro'n siya ng lakas na imulat ang mga mata kahit kalahati man lang. Kahit hindi man naibuka nang todo ang mga mata ay nakita niya naman ang isang babae na nakaputi na may hawak ng sanggol na umiiyak.Napangiti siya. Ang baby ko.... Naisip niya.Sinubukan niyang itaas ang isang kamay pero masyadong mabigat din pala iyon para igalaw.Dumako ang mga mata niya sa munting binti ng sanggol. Bago siya mawalan uli ng malay ay nakita niya kahit malabo, ang imahe ng kulay brown na nasa may talampakan ng baby.Napangiti siyang muli nang bumalik sa pagkakapikit. Biglang napadilat ang mga mata niya. Agad na bumalikwas siya ng bangon kahit nakayakap pa rin sa kanya si Sean.Tinanggal niya ang kumot sa katawan ng asawa. Hubad na hubad pa rin ito pero dumiretso siya sa may talampakan nito.Iyon nga! Nakita
Sinundo siya ni Patrick sa harap ng isang convenience store. Ang sabi nito ay makikipagkita ang babaeng nanganak din sa St. Therese Clinic nang araw na dinala siya roon.Habang nakaupo sa kotse ng lalaki ay conscious na conscious naman siya habang inaayos ang panyo sa leeg niya.Gusto niyang mainis kay Sean pero napapangiti naman siya kapag naaalala ang sinabi nito.You're still mine...Parang kanina pa iyon paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya. Isang himala rin na kahit iniwan niya itong kasama ni Latonia ay wala man lang siyang nadamang pangamba.Siguradong-sigurado siya na hindi nito papatulan ang mga panunukso ng ex nito.Bunga lang ba talaga ng pagbubuntis niya ang mga kung ano-anong pagdududa meron siya sa asawa dati? Siguro rin ay dahil sa insecurities niya sa katawan niya no'ng mga panahong iyon kaya pakiramdam niya ay posibleng titingin sa iba si Sean.Dinagdagan pa ng panunulsol ng isang dummy account. Pagkapanganak niya ay nag-deactivate na siya ng account. Ayaw na n