Parang wala siya sa sarili habang nanatiling nakatitig sa kabaong ng anak. Marami ang dumalaw sa huling gabing iyon.Lumalapit sa kanya ang mga iyon pero nananatiling blangko ang mukha niya. Nakita na niya sa wakas si Sean. Ni hindi man lang ito lumapit sa kanya.Haggard na haggard din ang mukha nito at parang ilang araw nang hindi man lang nag-shave. Kahit malayo siya sa asawa ay kitang-kita rin niya ang lungkot sa mga mata nito.Gusto niyang damayan nila ang isa't-isa. Ayaw na muna niyang isipin ang nakita niya sa hotel. Mas gusto niyang karamay ito dahil anak nila ang nawala.Paminsan-minsan ay nakikita niya itong karga-karga si Gazer habang ito ang humaharap sa mga taong nakikiramay.Nang ibigay nito kay Emma ang anak nila ay agad na nilapitan siya ng yaya na bitbit si Gazer.Mabilis na kinuha niya ang anak saka niyakap ito habang umiiyak. Nagtatakang napatitig lang sa kanya ang bata.Muli ay hinahagod ng ama't ina niya ang likod niya upang aluin siya. Katabi niya ang mga ito mula
Kinabukasan ay lumipad na rin pabalik ng Davao si Joshua at ang asawa nito. Ang mga magulang niya ay sinamahan pa siya ng isang linggo bago bumalik sa kanila.Sa loob ng mga araw na iyon ay halos hindi na sila nagkikita ni Sean. Kapag umuuwi ito ng bahay ay sa ibang kwarto ito natutulog. Kapag kaharap nila ang mga magulang niya ay saka lang siya inaakbayan at niyayakap ng asawa, pero kapag walang nakakakita ay parang hindi rin siya nakikita ni Sean.Ilang beses niyang tinangkang kausapin ito pero sa tuwing bumabaling sa kanya ang mga tingin nito ay lagi na siyang natatameme.Ando'n ang kalamigan sa mga mata nito, at higit sa lahat ay nando'n pa rin ang galit na hindi man lang nababawasan.Ilang gabi siyang umiyak. Gabi-gabi rin siyang nananaginip ng iyak ng isang sanggol. Kung hindi lang niya iniisip si Gazer ay baka mabaliw na siya nang tuluyan.Sumama siya sa paghatid sa mga magulang sa probinsiya nila. Si Gazer at ang yaya nito ay kasama rin nila.Gusto sana niyang manatili muna roo
Kahit na mabigat ang dibdib paglabas ng opisina ni Sean ay hindi siya agad umuwi. Hinanap pa niya muna ang matandang may bitbit ng bata.Hindi naman siya natagalan sa pag-ikot-ikot sa lugar na iyon dahil nakita niya agad ang pulubi sa isang tabi na kaharap ang iba pa na mga drayber yata ng jeep. May hawak itong baraha habang nakataas pa ang isang paa sa upuan habang nakaupo.Nakaipit din sa bibig nito ang isang stick ng sigarilyo.Nasaan iyong baby? Nagpa-panic na tanong ng isip niya. Inilibot niya ang tangin sa paligid ng matandang babae. Nakita niya ang isang lalaking karga-karga ang bata na nakatayo habang pasilip-silip sa baraha ng matanda.Mukhang pinapadede ng lalaki na mukhang driver rin ang baby gamit ang feeding bottle. Napahinga siya nang maluwag nang makitang bumili naman pala talaga ang matanda ng gatas. Pero ang naiwan sa perang ibinigay niya ay heto nga at parang winawaldas pa sa sugal.Atubiling lumapit siya sa umpukan. Nang mag-angat ng tingin ang babae at makita siya
"One million? Are you out of your mind?!" Inaasahan na niya ang gano'ng reaksiyon ni Sean. Malaking halaga pa rin naman ang isang milyon kahit na napakayaman ng asawa niya."Sean, hindi ko pwedeng pabayaan ang bata sa lola niya. Nakukunsensiya ako dahil alam kong may magagawa ako. Hindi naman pwedeng bigyan ko ng pera ang lola lagi dahil alam kung sa sugal lang din naman mapupunta." Nagsusumamo ang boses niya.Sinadya niya talaga ito sa library ng bahay nila nang umuwi ito nang gabing iyon.Mataman siyang pinagmasdan ni Sean."It's not about the money, Yaz. Alam mong pwede kang makulong sa gagawin mo." Natigilan siya. Alam niya naman iyon pero hindi siya matatahimik, lalo at lagi niyang nakikita ang imahe ng sanggol sa isip niya.Kung hindi niya kukunin ang sanggol ay malaki ang posibilidad na ibebenta rin iyon ng matanda sa ibang tao pagdating ng panahon.Hindi pa rin siya nagpapigil sa pagkumbinsi sa asawa. Kung may pera lang siya na gano'n kalaki ay hindi na niya ipapaalam iyon k
"Hindi ba't buntis ka dati? Nasaan iyong sanggol mo? Bakit iyang apo ko ang gustong-gusto mong alagaan?" Puno ng kuryosidad na tanong ng matandang pulubi habang pinapapak ang pizza na hiningi nito sa kanya.Natigil siya sa paghehele sa sanggol na pinapatulog.Si Gazer ay nasa ibabaw ng kama habang busy sa paglalaro ng mga laruan nito. Pagkagising kanina ay agad na pinuntahan niya ang anak at sinabing ipapasyal muna.Kay Nana Klaudia siya nagpasabi at kay Emma. Pinag-day off niya muna si Emma dahil plano niya talagang isama si Gazer sa pagbisita kay Manang Minda.Napatingin uli siya sa matanda na naghihintay ng sagot niya."P-patay ho kasi nang ipinanganak ko ang bata." Sabi niyang hinahaplos na ang mukha ng sanggol na karga.Nagkalaman na rin sa wakas ang mga pisngi nito. At dahil hindi na ito mukhang gusgusin palagi nang napapaliguan at may malinis nang damit ay saka lumabas ang napakaganda nitong mukha.Naisip niyang baka gwapo ang tatay ng bata at baka may dugong banyaga dahil kahi
Sinundo siya ni Patrick sa harap ng isang convenience store. Ang sabi nito ay makikipagkita ang babaeng nanganak din sa St. Therese Clinic nang araw na dinala siya roon.Habang nakaupo sa kotse ng lalaki ay conscious na conscious naman siya habang inaayos ang panyo sa leeg niya.Gusto niyang mainis kay Sean pero napapangiti naman siya kapag naaalala ang sinabi nito.You're still mine...Parang kanina pa iyon paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya. Isang himala rin na kahit iniwan niya itong kasama ni Latonia ay wala man lang siyang nadamang pangamba.Siguradong-sigurado siya na hindi nito papatulan ang mga panunukso ng ex nito.Bunga lang ba talaga ng pagbubuntis niya ang mga kung ano-anong pagdududa meron siya sa asawa dati? Siguro rin ay dahil sa insecurities niya sa katawan niya no'ng mga panahong iyon kaya pakiramdam niya ay posibleng titingin sa iba si Sean.Dinagdagan pa ng panunulsol ng isang dummy account. Pagkapanganak niya ay nag-deactivate na siya ng account. Ayaw na n
Ang lakas ng iyak ng sanggol. Ang tunog ng iyak nito ang nagpagising ng diwa niya. Pinipilit niyang ibuka ang mabibigat na mga talukap."The baby's alive!" Sigaw ng isang babae.Sa narinig ay nagkaro'n siya ng lakas na imulat ang mga mata kahit kalahati man lang. Kahit hindi man naibuka nang todo ang mga mata ay nakita niya naman ang isang babae na nakaputi na may hawak ng sanggol na umiiyak.Napangiti siya. Ang baby ko.... Naisip niya.Sinubukan niyang itaas ang isang kamay pero masyadong mabigat din pala iyon para igalaw.Dumako ang mga mata niya sa munting binti ng sanggol. Bago siya mawalan uli ng malay ay nakita niya kahit malabo, ang imahe ng kulay brown na nasa may talampakan ng baby.Napangiti siyang muli nang bumalik sa pagkakapikit. Biglang napadilat ang mga mata niya. Agad na bumalikwas siya ng bangon kahit nakayakap pa rin sa kanya si Sean.Tinanggal niya ang kumot sa katawan ng asawa. Hubad na hubad pa rin ito pero dumiretso siya sa may talampakan nito.Iyon nga! Nakita
Napapayuko siya sa babaeng abalang-abala sa pagpapaligaya sa galit na galit niyang alaga.Umaalalay ang dalawang kamay niya habang nagtaas-baba ang ulo nito dahil sa paglabas-pasok ng subo nito sa kahabaan niya."Ahhh! Suck it! Hmmmph! Ahhrghh!" Mariin ang pagkakakagat niya ng labi dahil sa mainit na bunganga nito na sumusubo sa tigas na tigas niyang sandata.Tumutulong din sa pagdiin-diin ang mga kamay niya sa ulo nito. Naroong sinasabunutan din niya ito kapag pakiramdam niya ay halos isubo na nito ang kabuuan ng ari niya Biglang umalis ito sa pagkakasubsob sa gitna ng mga hita niya. Nanunuksong nilalamas nito ang malulusog nitong dibdib na walang suot na bra.Sexy masyado ang suot nito. Halatang walang bra ito nang dumating kanina dahil bumabakat ang tigas na tigas nitong nipples.Iyon ang nagugustuhan niya rito dati pa. Lagi siyang tinitigasan kapag nakakasama niya ito. Sadya yatang pinapakitaan siya ng motibo ng babae dahil alam nitong patay na patay siya rito.Hindi niya akalain
Kahit alam na ng puso nila na anak nila si Baby Alyanah ay kailangan pa ring ipa-DNA test bilang pagsunod sa protocol.Once kasi na mapatunayan na anak nga nila ang sanggol ay maiakyat na ang kaso laban sa mga namamahala sa St. Therese Maternity Clinic, kina Latonia at Patrick, kasali na rin ang mag-inang sina Manang Minda at Divina.Kabado pa rin silang pareho nang tingnan ang resulta ng test. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang katibayan na anak nga nila si Baby Alyanah.Mahigpit na nagyakapan sila ni Sean. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila nang mga sandaling iyon.Dinumog ng mga bisita ang bahay nila nang malaman ang balitang buhay ang totoo nilang anak.Ang mga magulang niya at kapatid pati na rin asawa't anak nito ay pumunta sa bahay nila.Isinabay sa pagpapabinyag kay Baby Alyanah ang welcome party at thanksgiving party para rito. Bisita rin nila ang batang babae na tunay na ina ng patay na sanggol.Napalitan na nila ng pangalan ng anak nito ang lapida ng libing n
Dahil hindi nakakatulong ang pag-iyak, kahit kabado siya ay pinilit niyang maging kalmado. Nakatingin siya sa labas ng bintana at tinitingnan ang mga nadaanan nila.Kahit pinakasimpleng detalye ay isiniksik niya sa utak para magamit kung sakali mang makatakas siya sa lalaki.Dumako uli ang tingin niya sa sahig ng kotse ng lalaki. Biglang nabuhayan siya ng loob nang may makita siya na pwedeng magamit niya kung sakaling pagtangkaan siya nito.Halos puro kakahuyan ang nadaanan nila at masyadong madilim pa.Napapansin niya ang maya't-mayang pagsulyap ni Patrick sa kanya."Kung papayag ka ay pwede tayong magpakalayo-layo. You can forget about your husband and kids. We can start our own family sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Saan mo ba gusto? Sa London? Australia?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. May saltik nga yata talaga ang utak nito.Imbes na barahin ito ay sinasakyan niya na lang. Mahirap galitin ang mga taong parang may problema sa utak."Paano ang trabaho mo
"Miss, kung hindi mo ibibigay sa akin ang detalye ng babaeng naunang nanganak sa akin sa gabing iyon, pwede kang maisama sa kaso kahit wala kang kinalaman." Pinagbantaan niya ang nasa reception desk ng St. Therese Maternity Clinic.Hindi na niya kinontak si Patrick lalo na no'ng nakita niyang ito ang nagbuhos ng tubig sa sahig. Natatakot siyang kumprontahin ang lalaki at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag nalaman nitong alam na niya.Pumunta na siya sa kapulisan at isinumite ang ebidensiyang meron siya tungkol sa lalaki. Naka-blotter na ito sa istasyon at naghihintay na lang siya ng instructions kung ano ang susunod na hakbang.Gusto niya sanang ipaalam iyon kay Sean para masamahan siya nito. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman iyon. Baka nga sugurin pa nito ang lalaki at iyon ang isa pa sa kinakatakutan niya.Mamayang pag-uwi niya ng bahay ay sasabihin na niya ang lahat ng mga natuklasan sa asawa at ipapakita ang video ng pangyayari sa Rajah HotelKailangan na rin talag
Kunot na kunot ang noo niya habang binabasa ang ibinigay na impormasyon ng imbestigador tungkol kay Patrick de Asis. Mabigat na talaga ang loob niya rito nang makita niya ito uli na kasama ni Yazmin. Hindi naman dahil sa pagseselos lang kaya niya pinaimbestigahan ang lalaki.Medyo nakakaalwan din naman pala sa buhay ang lalaki. Sa katunayan ay kasosyo ito ng isa sa mga negosyo ng ama ni Latonia.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Magkakilala kaya ang dalawa?What a small world!Pero bakit no'ng nasa clinic sila ay parang hindi magkakilala ang mga ito? Napakibit-balikat siya.Baka ang ama lang ni Latonia at si Patrick ang magkakilalang talaga.Napailing-iling siya nang makitang may tatlong kaso ito na naareglo. Inireklamo ito ng tatlong babae dahil sa pang-ii-stalk nito.Sabi na nga ba niya, mukhang may kakaiba sa lalaki, lalo na sa paraan ng pagtitig nito kay Yazmin. Base sa nakuha niyang report ay may obsession ang lalaki sa mga babaeng natitipuhan nito.Hindi pala ito tumiti
Pabagsak na inilapag niya ang mga baraha sa mesa."Letse naman!" Inis na sabi niya.Isang beses pa lang yata siya nanalo sa araw na iyon. Kapag minamalas nga naman.Biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol na pinahiga niya sa kandungan at hawak lang ng isang kamay. Naririndi siya sa iyak ng bata.Kung hindi lang siya nagkakapera rito ay matagal na niya sana iyong dinispatsa. Isa pa, hinihintay niya ang isang milyong bayad ni Miss Beautiful.Makakawala na rin siya sa wakas sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi niya pinangarap na sa tanda niyang iyon ay mag-aalaga pa rin siya ng bata.Siya pa nga ang kumumbinsi kay Divina dati na ipalaglag ang unang ipinagbuntis nito.Muntik pa siyang mapakislot nang mas lumakas pa ang palahaw ng sanggol."Uy, Minda! Padedehin mo na nga iyang apo mo at mukhang gutom na gutom na." Sigaw ng isang driver na parang naiingayan na rin sa palahaw nito.Nasa may sakayan kasi uli siya. Kahit na hindi na siya namamalimos dahil hindi naman siya pinapabayaan no'ng magandang
Nanatili siya sa madilim na bahaging iyon habang karga ang sanggol.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya rito. Kung bakit naman kasi iyong sira ulo na si Patrick ay hinayaan pang mabuhay ang sanggol.Ginamit niya lang talaga ang lalaki nang mahalata niyang halos sambahin nito ang lupang nilalakaran niya.Nagsimula lang naman iyon sa isang dummy account. Hindi kasi siya maka-move on nang malaman niyang ang ordinaryong empleyado ng ex niyang si Sean ay asawa na pala nito.Umaasam pa naman ang ama niya na si Sean ang makakatuluyan niya. No'ng maging sila ng lalaki ay naging maayos naman ang lahat. Kahit nababalitaan niyang nakikipaglandian ito sa iba ay hindi niya masyadong iniinda.Pareho kasi sila ng laro ng lalaki. Ayaw din niyang matali sa iisang tao lamang. Marami rin siyang flings kahit may relasyon sila ni Sean.Ang kaso ay unti-unti na rin siyang umaasa na seseryosohin nito nang tumagal sila. Siya na ang kusang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang lalaki. Umasta siyan