Home / Paranormal / Talking To A Specter / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Talking To A Specter: Chapter 31 - Chapter 40

82 Chapters

Chapter 31

Pag-uwi namin ay swerte ako dahil hindi pa umuuwi si Kuya Elias mula sa trabaho."Where did you go, Tita Vivi?" tanong sa akin ni Seya.Tinukod ko ang aking mga tuhod at saka isang malaking ngiti ang ginawad ko sa kaniya.Agad siyang sumilip sa aking likuran nang mapansin na may sinusubukan akong itago ngunit mabilis ko rin naman nabasa ang mga galaw niya kaya mas lalo kong tinago ang isang balot ng pagkain mula sa Jollibae na pasalubong ko sa kaniya."Ano po 'yon?" tanong niya sa akin.Tumawa na lang ako imbes na sagutin ang kaniyang tanong at saka sunod na ginulo ang kaniyang buhok bago ibigay ang pasalubong ko sa kaniya."Wow!" sigaw niya at nagningning ang mga mata nang makita ito.Agad niya akong niyakap at nagpasalamat. Napahagikgik na lang ako nang agad niyang kuhanin ang supot sa akin."Saan mo nakuha ang pera mo?" tanong ni Mama sa akin at saka tinignan si Seya na sabik na sabik na binuksan ang pagkain."Galing sa naipon ko 'yon, Ma," paliwanag ko sa kaniya.Nagtaka ako dahil
last updateLast Updated : 2022-05-08
Read more

Chapter 32

Umupo ako sa tabi niya at saka binuksan ang aking laptop. Sa pagbukas ko ay roon bumungad ang sunod-sunod na email ng kumpaniya sa akin.Isa-isa ko itong binasa at napailing-iling na lang ako nang makita na halos noong mga nakaraang araw pa ang mga ito."Hello. Good day, Miss Fuentes. May I know what's the reason of your sudden absence today? Other employee says that you suddenly went out of the company while it's still work hours," basa ko sa unang message."Miss Fuentes? Please kindly answer my messages ASAP," pagbabasa ko ulit.Napangiwi na lang ako habang binabasa ang iba pang messages sa akin."Gano'n ba talaga ako kahalaga sa kanila kaya ganito sila ka-desperado?" tanong ko sa sarili.Napailing-iling na lang ako dahil nagsisimula na namang bumalik ang masalimuot na huling ala-ala ko sa kumpaniya nila."I'm sorry for my sudden action. I know I'm not professional for acting like that. If you didn't like what I did, you can cut off some of my income and then I'll get the remaining
last updateLast Updated : 2022-05-08
Read more

Chapter 33

Mabilis kong natulak si Silas nang biglang nagbukas ang pinto at niluwa noon si Seya.Kaya ang naging kinalabasan ay nakaupo sa sahig si Silas habang ako ay nakaupo rin sa kama pero hindi maitago ang kaba.Si Seya naman ang nagtatakang tumingin sa amin at papalit-palit ang tingin ng mga mata nito sa amin."Did something happened before I came?" she asked confusedly.Sunod-sunod akong umiling at mabilis na inalok siya na umupo sa tabi ko.Sikreto ko naman pinanliitan si Silas ng mga mata at sinabi na 'lagot ka sa akin mamaya'. Inakbayan ko siya habang si Silas ay nakaupo pa rin sa sahig kung saan ay nasa harapan namin siya."You can sit here," wika ni Seya kay Silas at saka tinapik ang tabi niya.Sunod-sunod na umiling si Silas at saka natawa."No need. I'm more comfortable here," aniya at saka pasikretong kumindat pa sa akin.Nangasim naman ang aking mukha dahil doon. Ang cringe!Nagulat ako nang biglang hawakan ni Seya ang dibdib ko at saka unti-unting nilapit ang tainga niya rito.
last updateLast Updated : 2022-05-08
Read more

Chapter 34

Sa aking paghawak ay nagulat ako dahil pagtingin ko sa kamay ko ay puno na ito ng lupa kaya gulat akong napatingin dito ngunit mabilis din siyang naglaho at bumungad sa akin si Mama."Ano bang ginagawa mo? Ano 'yang lupa sa kamay mo? Naglalaro ka ba?" sunod-sunod na tanong niya.Umiling-iling naman ako. "Hindi po, Ma," sagot ko."Saan mo naman 'yan nakuha?" tanong ni Mama at tinuro ang lupa sa kamay ko.Imposible naman na makukuha ko sa sahig na inaapakan ko dahil naka-tiles ang sahig namin."Ah—" Nang biglang pumasok si Seya ay napahinga ako nang maayos.Hinila niya si Mama palabas ng kusina kaya nginitian ko naman siya at napailing-iling na lang ako nang kindatan niya ako.Mabilis kong hinugasan ang kamay ko at nagulat ako dahil may ilang mga letra na biglang lumitaw sa palad ko."S... a... f... e...?" sunod-sunod na basa ko sa bawat paglitaw ng mga letra.Naghintay pa ako ng ilang minutos ngunit nagtaka ako nang wala ng sumunod na letra.Hinugasan ko ulit ang kamay ko bago umupo sa
last updateLast Updated : 2022-05-08
Read more

Chapter 35

Averill's POV:Sa pagmulat ng aking mga mata ay nagtaka ako dahil ang bumungad sa akin ay si Shi no Tenshi."Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya."Tinawag mo 'ko, 'di ba? Kaya nandito ako para tulungan ka," saad nito.Dahan-dahan akong umupo pero napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang paghilo kaya napasandal na lang ako sa aking headboard."Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na. Nandito na ako," wika niya.Hindi ko pinansin ang sinabi niya at saka inikot ang aking buong paningin sa aking kwarto."Nasaan si Silas?" tanong ko pero natigilan ako nang maalala na si Tenshi pala ang kaharap ko.Nangunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. "Silas? Sino naman 'yon?" nagtatakang tanong nito.Umiling-iling ako. "Wala.""Sigurado ka ba?" tanong pa nito.Tumango-tango ako bilang sagot."O' siya. Mukhang ayos ka naman na. Aalis na ako," aniya."Sandali," pagpigil ko sa kaniya."Bakit?" tanong nito."Nakuha mo na ba 'yong kaluluwa na 'yon?" tanong ko sa kaniya.Sumeryoso
last updateLast Updated : 2022-05-08
Read more

Chapter 36

Napatango-tango naman si Seya nang ma-realize ang aking sinabi at sunod na napahagikgik din."Thank you, Tita Vivi, but I hope that someday I can touch ghost too so that I could hug them like you do," she said.I just smiled and ruffled her hair.Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin kaya mas lalo akong napahagikgik.Niyakap ko ulit siya at saka tinapik-tapik ang kaniyang likod."Oh, ayan na. Nagka-indirect hug na kayo ni Seya," bulong ko sa kaniya."Ah..." aniya at napatango-tango.Hindi ko naman naiwasan na matawa dahil sa kaniyang reaksyon. Ngayon niya lang talaga na-realize.Hindi ko alam na may pagka-slow rin pala siya minsan.Natigil kami sa paghaharutan nang marinig ko ang sigaw ni Ate."Gising na si Averill!" sigaw niya.Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. Sunod ko naman nakita ang pagtakbo papunta rito ni Kuya at ganoon na rin si Mama."Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Kuya."Nagugutom ka ba?" tanong naman sa akin ni
last updateLast Updated : 2022-05-08
Read more

Chapter 37

Averill's POV:Natatawa akong tumingin kay Silas nang magpaikot-ikot siya sa kwarto gaya ng ginagawa ng bagong aso na binili ni Kuya, isang linggo na ang nakakaraan.Hindi ko nga alam kung para sa amin ba talaga ang aso na 'yon o para sa girlfriend niya.Sumipol ako at saka tinawag si Chuchay, iyon daw kasi ang gustong ipangalan ni Kuya kahit na ang baduy-baduy pakinggan."Arf! Arf!" tahol naman nito habang papalapit sa akin.Natawa na lang ako at saka hinawak-hawakan ang balahibo niya."Ahh!" sigaw ko nang dilian niya ang mukha ko at natawa pagkatapos.Ang kulit-kulit talaga ni Chuchay!Tumahol lang ito nang tumahol dahil sa paglalaro ko sa kaniya.Sabi ni Kuya Elias, kaya raw niya binili si Chuchay ay para bantayan ako at tumahol kapag may nakikita siyang multo.Mukha namang palpak ang plano nila Kuya dahil naging magkaibigan pa nga sina Chuchay at Silas."Chuchay, let's go," wika ni Seya at saka sabay silang tumakbo ni Seya palabas ng kwarto."Mag-ingat kayo! Baka madapa ka," pagpa
last updateLast Updated : 2022-05-08
Read more

Chapter 38

Ginawaran ko na lang si Mama ng isang ngiti at saka lumabas na ng bahay.Ang sakit naman ng sinabi ni Mama. Parang pinapalayas na niya ako, ah? Sabay kaming naglakad ni Silas gaya ng nakagawian."Gusto mo bang pumunta tayo sa park kapag maaga tayong nakauwi?" tanong ko sa kaniya.Humarap siya sa akin at animo'y nag-iisip pa sa isasagot dahil sa tagal tumugon.He hummed. "Okay.""Huh?" nagtatakang tanong ko sa kaniya."Yes or no lang isasagot mo o 'di kaya ay oo o hindi, pero ang sinagot mo ay ‘okay’?" tanong ko sa kaniya.Napahagikgik naman siya na kinaasim ng mukha ko.Mukha ba akong nakikipagbiruan? Nagtatanong ako nang maayos, oh."Oo, ikaw ang bahala," paglilinaw niya sa kaniyang sinagot."Okay," tugon ko rin na kinatawa na lang din niya. Hindi ko na rin naiwasan na matawa dahil sa mga tawa niya.Pagdating namin sa bayan ay mabilis kong binuksan ang payong na dala ko dahil nagsisimula nang magpalaganap ng init at liwanag si haring araw.Nag-insist na si Silas na hindi na raw siya
last updateLast Updated : 2022-05-08
Read more

Chapter 39

Napahawak ako sa aking tuhod at napapunas ng pawis dahil kanina pa kami paikot-ikot dito ngunit wala naman kaming makita na kahit anong karatula ng morgue.Hindi naman siguro nagsinungaling si manang sa amin, 'di ba...?"Nakakapagod," bulong ko sa sarili.Uhaw na uhaw na rin ako at halos gutom na rin. Lagpas alas dose na kasi ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakain ng tanghalian.Natigilan ako nang hawakan ni Silas ang aking braso dahilan para matigilan ako sa paglalakad."Bakit?" tanong ko sa kaniya."Kumain ka na lang kaya muna," suhestiyon niya."Kahit na gusto ko kumain, mukha naman walang restaurant o karinderya rito," paliwanag ko sa kaniya.Napatango-tango na lang din siya dahil sa kanina pa naming paglilibot ay wala talaga akong nakikitang karinderya."Anong hanap mo, Hija?" Natigilan ako sa paglalakad at napaatras dahil sa gulat nang bigla na lang may lumitaw na manang sa harapan ko. Ni hindi ko nga alam kung saan siya nanggaling.Natigilan ako nang mamukhaan
last updateLast Updated : 2022-05-09
Read more

Chapter 40 : Sa Ilalim Ng Ulan

Nanlaki ang aking mga mata.No! She's trying to brainwash Silas."What?" tanong din ni Silas sa kaniya."Silas, let's go, please? Let's go home now," pagmamakaawa ko sa kaniya.Nanatili pa rin sa labi ang ngisi ng babae at saka tumingin sa akin."Are you sure that girl would really help you? She don't even know you... unlike me who knows who really you is," she said.Sinamaan ko naman siya ng paningin ngunit natigilan ako nang biglang humakbang si Silas pabalik sa kaniya. Mas lalo tuloy lumawak ang ngisi nito sa labi."Tell me... who I am," Silas said.Sunod-sunod akong umiling at saka hinila si Silas pabalik sa akin ngunit nabigo ako."Silas, huwag kang makinig sa kaniya!" sigaw ko rito ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad pabalik sa babae.Balak ko pa sana pigilan ito ngunit napabitaw ako sa kaniya at napasigaw ako nang may biglang humila sa paa ko.Nanlaki ang aking mga mata nang makita na may sumusubok na humila ng aking mga paa pailalim sa lupa.What the héck is this?!Nanlak
last updateLast Updated : 2022-05-09
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status