Home / Paranormal / Talking To A Specter / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Talking To A Specter: Chapter 21 - Chapter 30

82 Chapters

Chapter 21

Averill's POV:Kahit anong pilit ko kay Silas na sabihin kung ano ang sinabi sa kaniya ni Seya ay ayaw niya rin sabihin, gano'n din si Seya. Mas lalo tuloy akong na-curious kung ano ba talaga 'yon. Hays! Bakit kasi ayaw nila sabihin sa akin? Tungkol ba 'yon sa akin?Natigilan ako sa aking pag-iisip nang makita si Mama na nakapang-alis ang bihis."Saan ang punta, Ma?" tanong ko sa kaniya."Babalik din ako kaagad," saad niya at saka dire-diretsong lumabas sa pinto.Sinundan naman siya ng aking mata hanggang sa makalabas siya sa gate namin.Weird talaga ni Mama. Tinanong ko kung saan siya pupunta tapos 'yon ang isasagot niya?Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka inunat ang aking katawan dahil ito ay nangalay. Ngiti-ngiting umakyat ako sa aking kwarto at naligo. Matapos maligo ay nagsuot ako ng simpleng damit na pang-alis din.Paglabas ko ng pinto ng aking kwarto ay nagulat ako dahil bumungad sa akin si Silas."Ay, jusko po!" Sapo-sapo ang dibdib na sigaw ko.Kung hindi si Shi no Tensh
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Chapter 22

Natigilan ako at saka humarap ulit sa aking nilalakaran."Oo nga pala..." bulong ko bago mabilis na naglakad."Uy!" sigaw niya at saka hinabol ako.Nang magkapantay kami ay agad siyang nagsalita."Alam mo, mas kita ang tanawin sa bubong ng tricycle. Kay ganda ng mga ito kaya nag-enjoy rin ako habang nasa byahe tayo," paliwanag niya."Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya dahil hindi ko pa naman nasusubukan sumakay sa bubong ng tricycle."Oo. Gusto mo ba subukan? Sasamahan pa kita," saad niya."Gusto pero bawal. Baka maaksidente pa ako at saka bawal din naman talaga sumakay sa bubong ng tricycle habang umaandar ito," paliwanag ako sa kaniya.Saglit akong natigilan sa paglalakad nang matigilan din siya. Hinarap ko siya at saka ginawaran ng isang ngiti."Sabay nating gagawin 'yang gusto mo 'pag namatay na rin ako," ngiting sabi ko sa kaniya.Ngumiti rin siya sa akin ngunit kahit anong ngiting gawin niya ay hindi magawang maitago ng kaniyang mga mata ang lungkot na nadarama
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Chapter 23

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya roon o sarkastiko lang talaga.Hindi lang sa madaling araw ako binubulabog ng multo, Tenshi. Kun'di buong araw ko!Sarkastikong tinawanan ko ang kaniyang sinabi."Paano naman nila ako bubulabugin, e' madaling araw na ako umuuwi galing trabaho," saad ko sa kaniya."Ah, oo nga pala. May trabaho ka na. Iyon naman siguro ang dahilan kung bakit hindi mo ako tinatawag nitong mga nakaraang araw, 'di ba?" tanong niya sa akin na animo'y may pagdududa.Ngumisi ako at saka tinagilid ko ang aking ulo."Siguro oo, siguro hindi?" tanong ko rin sa kaniya upang mas lalo siyang maguluhan.Nangunot ang kaniyang noo dahil sa kalituhan."May nagawa ba akong mali?" tanong niya sa akin.I hummed. "Hindi ko rin alam."Napabuntong hininga na lang siya dahil sa aking sagot."Averill, sabihin mo nga sa akin. May problem ka ba sa akin?" seryosong tanong niya sa akin.Seryoso rin ako na tumingin sa kaniya."Oo, may problema ako sa
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Chapter 24

Nang halikan niya ang aking noo ay may isang butil ng luha na tumulo sa aking kanang mata habang ako ay nakapikit.No one can understand how much pain and happiness I felt at the same time... only him."Open your eyes," he said.Sinunod ko ang kaniyang sinabi at tumingin sa papalubog na araw."Umuwi na tayo," wika niya.Tumango ako at saka pinunasan ang aking mga luha. Bago pa kami tuluyang umalis ay tumalon-talon pa ako para hindi mahalata nila Mama at Ate na umiyak ako.Napatingin ako kay Silas nang marinig ang kaniyang pagtawa."You don't need to do that because even though you did that, they will still notice that you cried. They will just stay silent about it," he explained.Napasimangot naman ako at saka sinundan na lang siya maglakad dahil may punto rin naman siya.Nang makahanap kami ng tricycle ay agad naman akong nagbayad at hindi gaya kanina ay sa tabi ko na umupo si Silas dahil wala naman nang sumakay na pasahero bukod sa amin."Salamat, manong," wika ko nang makababa na k
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Chapter 25

"Responsibilidad niya rin ang sarili niya," sagot naman ni Mama.Napahilamos na lang ng mukha si Kuya dahil sa inis habang si Ate ay patuloy sa pagpapakalma sa akin."Ipapakulong ko 'yong lalaking 'yon," seryosong saad ni Kuya."Ano?!" sigaw ni Mama at saka kinuha ang kwelyo ni Kuya."Saan ka naman kukuha ng pera? Ang mahal-mahal no'n tapos paggagastusan mo pa?!" pagtutol nito kay Kuya."May ipon ako riyan, Ma. Hindi ko na kailangan pang mag-alala sa gagastusin na pera," paliwanag ulit ni Kuya sa kaniya."Puwede na natin 'yong pang kain," saad naman ni Mama.Mas lalo lang akong napaiyak kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ate.Base sa pananalita ni Mama, bakit parang wala lang sa kaniya lahat nang nangyari sa akin? Bakit parang wala lang sa kaniya na muntik na akong ma-rape? Bakit parang hindi man lang siya nag-aalala sa akin? Anak ba talaga ang turing mo sa akin, Ma?Natigilan si Kuya sa sinabi ni Mama at pagkatapos ay inalis niya ang pagkakahawak ni Mama sa kaniyang kwelyo."K
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

Chapter 26

Silas' POV:Nang tuluyan nang bumigat ang kama ay agad kong pinunasan ang pagtulo ng luha sa mata ni Avery.Kinumutan ko siya nang maayos bago tumayo nang diretso.Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at saka bumulong. "Pasensya na kung hindi kita natulungan nang mas maaga pa sa gàgong ràpist na 'yon. Kung tao lang sana ako..."Pagkatapos ay umupo ulit ako sa kaniyang tabi at sinandal ang likod sa head board ng kama at saka patuloy na hinaplos-haplos ang kaniyang buhok. Pumikit ako at saka pinakiramdaman ang nangyayari sa labas ng kwarto ni Avery. "They're quarreling," I whispered and opened my eyes.Pagbukas ko ng aking mga mata ay bumungad si Seya sa pinto kaya naman sinenyasan ko siya na tumahimik at saka tinuro si Avery na natutulog.Tumango siya at sumenyas din na tumahimik kaya natawa naman ako ngunit pinigilan ko ang sobrang pagtawa dahil baka magising ko ang natutulog.Dahan-dahan siyang pumunta papalapit sa akin at umupo rin sa tabi ko."She's asleep," she whispered."You nee
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

Chapter 27

Averill's POV:Nagising ako nang maramdaman na may pagulong-gulong sa kama ko kaya agad kong tinignan ang katabi ko."Huh?" bulong ko dahil sa pagkakagulat na rito pala nakatulog si Seya.Dali-dali naman akong tumayo at saka inayos ang pagkakahiga niya dahil muntik na siyang mahulog kanina sa kama.Agad naman akong tumayo at saka inamoy ang damit.Napatakip na lang ako ng ilong matapos maamoy ang sarili."Ang baho ko na pala..." Iling-iling na bulong ko sa sarili. Agad akong naghanap ng damit at nagpasiya na maligo kahit na kagigising pa lang.Ito pala ang kalalabasan kapag hindi ako nag-half bath, grabe! Ang baho ko na.Sa aking pagligo ay marahan kong sinabunan ang aking katawan ngunit natigilan ako nang maalala ang paghawak at pag-amoy sa akin ng lalaki kagabi.Napapikit ako ngunit agad din naman akong nabalik sa reyalidad nang mahulog ko ang sabon.Agad ko itong kinuha at saka mabilis na sinabunan ang katawan at parte kung saan ako hinawakan ng gàgo na 'yon.Natigilan lang ako na
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

Chapter 28

He just hummed while looking at me and waiting for my question to him."Napag isip-isip ko lang..." bulong ko, "ilang araw ka ng nandito at simula nang araw na humingi ka ng tulong sa akin, hindi pa rin tayo nagsisimula na hanapin ang katawan mo.""Ayos lang naman 'yon. Hindi naman ako nagmamadali," sabi niya sa akin.Agad akong napatingin sa kaniya at napaharap matapos iyon sabihin."Hindi iyon ayos, Silas," saad ko.Nangunot naman ang kaniyang noo dahil sa naging tugon ko."Bakit naman?" tanong niya."Hindi mo alam ang mangyayari kapag nagtagal pa sa lupa ang kaluluwa mo," paliwanag ko sa kaniya."Ano ba ang mangyayari?" tanong nito.Bumuntong hininga ako at saka nagpasiya na ipaliwanag sa kaniya ang lahat."Kapag unti-unti nang nasanay ang kaluluwa mo sa mundong ito ay unti-unti mo na rin maaalala ang lahat simula noong nabubuhay hanggang sa pagkamatay mo at maaari kang maghangad ng paghihiganti dahil unti-unting babaguhin ng sakit na naramdaman mo ang buo mong pagkatao," mahabang
last updateLast Updated : 2022-05-04
Read more

Chapter 29

"Salamat, Ate," ngiting wika ko sa kaniya at saka hinalikan siya.Pagkalabas ko ng gate ay tila mas gugustuhin ko na lang ulit na pumasok sa loob ng bahay dahil sa mga titig sa akin ng mga kapit-bahay namin."Calm down," wika ni Silas.Pasikreto na lang akong tumango at saka sumakay sa tricycle nang makarating na kami sa kanto.Gaya noon ay sa bubong na naman sumakay si Silas dahil sa may mga sumunod din na sumakay na pasahero."Manong, dito na lang po," wika ko at saka dahan-dahan din naman niya tinigil ang tricycle sa tabing kalsada.Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya mabilis lang din ang naging byahe namin.Pagkatapos ko magbayad ay tumabi muna ako sa bangketa para makaandar ang tricycle paalis."Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin."Tumabi ka lang sa akin. Baka mawala ka dahil sa dami ng taong namimili," sagot ko sa kaniya.Agad naman niyang sinunod ang utos ko at saka hinawakan ang kamay ko para manigurado. Hindi man halata ngunit hinawakan ko rin 'yon nang mahigpit d
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more

Chapter 30

Tumayo ako nang mapansin na nasa tagiliran ko na siya. "Pasimple pa 'yang galawan mo, ha," pang-aasar pa niya sa akin."Manahimik ka nga," bulong ko sa kaniya at may riin ang bawat salita para naman mahalata niya na hindi ako nakikipagbiruan sa kaniya.Nang makarating sa lugar ay nilibot ko ang bawat gilid ng daan at napangiti ako nang makita ang isang karatula na nagsasabi na isa iyong morgue.Dahil sa kasiyahan ay dali-dali akong tumakbo papunta roon habang hawak-hawak ang kamay ni Silas.Siyempre ay hindi ko nakalimutan na tumingin sa kanan at kaliwa pagtawid ko.Kumatok muna ako rito bago pumasok at maya-maya ay may nagbukas din ng pinto."Anong kailangan mo, Ineng?" tanong sa akin ni manong."Maaari ko po bang makita ang mga katawan na bagong dating dito o kahit noong isang linggo pa?" tanong ko sa kaniya."Ay, sige. Pasok. Baka ikaw na ang isa sa pamilya ng mga ito," wika niya.Tumango naman ako at saka pumasok. Sa aking pagpasok ay napatigil na lang ako sa aking paghinga dahil
last updateLast Updated : 2022-05-07
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status