Home / Paranormal / Talking To A Specter / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Talking To A Specter: Chapter 1 - Chapter 10

82 Chapters

Chapter 1

Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng espesyal na kakayahan.  Nabibilang lang sa mundo ang nagtataglay nito. Nasa sa iyo na nakadepende kung gagamitin mo ito sa kasamaan o kabutihan ngunit... bakit ako pa? Bakit ako pa ang napili na magkaroon ng isang pambihirang kakahayaan?  "Number 056. Ikaw na ang sunod!" sigaw ng babae. Agad akong tumayo at ngumiti. Inayos ko ang aking damit at postura sa pagtayo bago pumasok sa loob. "Good day, sir," bati ko rito nang makapasok. Dali-dali akong umupo at saka hinintay siyang magsalita. "Pangalan?" tanong nito. "You're." Ngiting wika ko. Kinakabahan ako ngunit pangiti-ngiti lang ako. Hindi ko alam kung bakit ko naisipan ang ganitong bagay kung kailan seryoso dapat ang lahat! "Apilyido?" Ngun
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more

Chapter 2

Sa gitna ng aming pagkain ay napatikhim ako kaya lahat sila ay nalipat ang mata sa akin. "May gusto ka ba sabihin?" tanong sa akin ni Ate. Uminom muna ako ng tubig bago magsalita. "Sa susunod na linggo ko malalaman kung pasok ba ako o hindi. Na-interview ako kanina," wika ko. Natahimik naman sila sa aking sinabi. "Sana sinabi mo kanina nang mas maaga, e 'di sana hindi na ako nagsayang pa ng laway," pagpapagalit sa akin ni Mama. Napasimangot naman ako sa kaniyang sinabi. "E, pinutol mo ang aking sasabihin kanina," saad ko. "At sumasagot ka pa?" pagbabanta sa akin ni Mama habang nanlalaki ang mga mata kaya mas lalo akong napasimangot. Ayaw na lang aminin na nagkamali rin siya, e! Sobrang taas naman kasi ng pride ni Mama. Natigil lang sa pagsigaw sa akin si Mama nang sawayin siya
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more

Chapter 3

Nagising ako dahil sa rap ng aking mahal na Nanay. "Tanghali na, Averill Mae Fuentes! Pero ikaw ay nakahilata pa rin. Ano? Mayaman?! Gumising ka na riyan," wika nito. Napatakip na lang ako nang mata nang buksan niya ang kurtina. Agad akong nagtaklob ng kumot para makatulog ulit. "Wah!" sigaw ko nang hilahin niya pababa ang kumot. "Gumising ka na, señorita. Tanghali na. Gumising ka na kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig," sarkastikong wika niya sa akin. "Ma!" sigaw ko sa kaniya. "Alas diyes na ng umaga, Mae!" sigaw nito. Wala na akong nagawa pa kun'di tumayo kahit na labag sa loob ko dahil kapag tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko ay alam kong galit na talaga siya. Halos hindi nga yata ako nakatulog dahil sa bwisit na multo na nanggulo sa akin kagabi, e! 
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more

Chapter 4

Nagising ako nang may dumampi sa aking mukha na kung ano. Pagtingin ko ay isang nahulog na dahon. Nakatulog pala ako... Pagtingin ko ng oras ay nanlaki ang aking mga mata. Alas dos na ng hapon?! "Nalintikan na, oh," bulong ko sa sarili. Napakamot na lang ako sa aking buhok. Sigurado kasi ako na bunganga na naman ni Mama ang bubungad sa akin! Dali-dali akong nagpara ng tricycle para makauwi agad. Lagot talaga sa akin mamaya si Tenshi! Ni hindi man lang ako ginising at hinayaan pa ako matulog. "Saan, miss?" tanong ng driver. "Sa kanto lang," wika ko rito. "Ay, may aksidenteng nangyari roon pero may iba pa namang daan," saad niya. Nangunot ang noo ko. "Hindi na. Ayos lang, ide-deretso mo na lang." Utot mo! Akala sigur
last updateLast Updated : 2022-04-15
Read more

Chapter 5

Isang linggo na ang nakalipas at ngayon na ang araw para makita kung nakapasa ba ako sa interview.   Katabi ko sina Mama at Ate at sabay-sabay na humihiling na sana ay nakapasa ako.   Gusto ko man tumawa dahil sa sitwasyon ni Mama ngunit hindi ko magawa dahil mas pinangungunahan ako ng kaba.   Paano ba naman kasi ay dala-dalawa ang hawak niyang rosaryo tapos tuloy-tuloy pa ang pagdadasal kaya mas lalo akong kinakabahan dahil sa kaniya.   "Ayan na!" sigaw ko nang lumabas ang isang notification sa aking laptop.   Isa-isa kong tinignan ang mga pangalan ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi makita ang aking pangalan na nakalagay roon.   Niyakap ako ni Mama. "Ayos lang 'yan, 'nak."   Tumango-tango na lang ako at sinubukan pa rin ngumiti kahit na sobrang lungkot ko ngayon.   Nagtaka ako dahil may lumabas ulit
last updateLast Updated : 2022-04-21
Read more

Chapter 6

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa gwapong nilalang este multong ito."Nakikita mo 'ko?!" gulat na tanong niya.Napa-roll eyes na lang ako at pagkatapos ay napabuntong hininga."Hindi ba halata?" tanong ko rin sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit iyon mismo ang laging tinatanong sa akin ng mga multo sa tuwing kakausapin ko sila. Like, hindi ba obvious na nakikita ko kayo? Hindi ko naman kayo kakausapin at papansinin kung hindi ko kayo nakikita.Nang hindi siya tumugon ay napaunat-unat na lang ako ng aking katawan."Alam mo, umuwi ka na. Bago pa magbago ang isip ko na ibigay ka kay Tenshi," bored na wika ko at nagsimulang maglakad ulit."Sino si Tenshi?" Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig iyon mula sa kaniya.Napatingin ako rito at pagkatapos nangunot ang aking noo. Pinakatitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa."Multo ka ba talaga?!" nagtatakang tanong ko sa kaniya.Impos
last updateLast Updated : 2022-04-23
Read more

Chapter 7

Gaya ng inaasahan ay madaling araw na naman ako nakauwi.  At habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa lalaking multo na lumapit sa akin kahapon. "Nandito pa kaya siya?" tanong ko sa sarili. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming bahay. Napabuntong hininga naman ako. "Mabuti naman at hindi na nangulit pa ang multong 'yon," bulong ko sa sarili. "Ah!" sigaw ko nang bigla na lang lumitaw sa kung saan si Shi no Tenshi. "Sinong multo?" tanong niya. Napukpok ko ulit siya sa kaniyang ulo dahil sa panggugulat sa akin.  "Aray!" sigaw rin nito. "Alam mo, dahil sa iyo nawawala antok ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng bahay. Napapikit na lang ako nang harangin niya ang ak
last updateLast Updated : 2022-04-23
Read more

Chapter 8

"Kumain ka muna bago ka umalis," saad sa akin ni Ate at saka lumabas ng kwarto.Sinundan ko naman siya sa kaniyang paglabas habang ako ay nagsusuklay."Salamat, Ate, pero baka ma-late pa ako. Sa kumpaniya na lang ako kakain," sagot ko sa kaniya."Anong oras ba break time niyo roon?" tanong niya sa akin."10 pm," sagot ko."Oh, matagal-tagal pa pala kaya dapat lagyan mo muna ng pagkain 'yang tiyan mo," saad niya sa akin."Ayos lang ako, Ate," pagpupumilit ko pa.Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa pa sa kakulitan ko.Hinalikan ko sa pisngi si Ate bago umalis sa bahay at saka kinawayan siya.Pinitik ko ang aking kamay paglabas ko sa gate ng bahay para tawagin si Shi no Tenshi.Gaya ng inaasahan ay agad din siyang lumitaw mula sa kung saan."Pwede ba mag-request?" bulong kong tanong sa kaniya."Ano naman 'yon?" tanong niya."Bantayan mo muna At
last updateLast Updated : 2022-04-24
Read more

Chapter 9

Averill's POV:Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay sabay kaming dumiretso sa bahay.Bago ko pa buksan ang pinto ay natigilan ako at napatingin kay Silas."Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.Napailing-iling na lang ako bilang sagot. Sana lang ay wala ngayon sa kwarto ko si Shi no Tenshi dahil may gusto pa akong sabihin kay Silas na hindi ko nasabi kanina...Pabukas ko ng pinto ay agad kong naamoy ang luto ni Mama."Ma, nandito na ako," sabi ko dahil ayaw kong magulat siya kapag lumabas siya sa kusina.Nilapag ko muna sa sala ang bag ko at saka agad na nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matapos makita roon si Mama.Niyakap ko siya nang patalikod ngunit agad din akong natigilan nang sikuhin niya ako kaya napasimangot naman ako."Nagluluto ako, Averill," aniya."Sige, Ma," sabi ko at akmang lalabas na ng kusina nang matigilan dahi
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more

Chapter 10

Ang isa pa niyang kamay ay nakayakap sa akin habang nasa ilalim ng kumot kaya hindi ko na rin naramdaman ang lamig ng umaga.Babalik na lang sana ako sa tulog at hahayaan ito nang marinig ang sigaw ni Seya."Ahh!" sigaw niya kaya dali-dali akong napabangon dahil na rin sa gulat at pag-aalala.Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa akin pala siya nakatingin.Dali-dali naman siyang pinuntahan nila Kuya, Ate, at Mama habang ako ay nanatili lang sa aking kama.Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang pagtulog."Anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Elias sa kaniya.Nanginginig naman akong tinuro ng bata na pinagtaka ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama na mas lalo kong pinagtaka habang nagtataka rin na tumingin sa akin sina Ate at Kuya."Bakit?" naguguluhan na tanong ko kay Seya."Tita Vivi, nakita ko po kanina na parang may katabi ka sa ilalim n
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status