Home / Romance / All For Show / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of All For Show : Chapter 1 - Chapter 10

22 Chapters

Kabanata 1

“You must be kidding me, Chris!” Nakataas ang kilay ni Selene nang tuntunin ng kanyang mga mata ang direksyon ng manager niya habang hawak-hawak ang isang piraso ng papel. Kung nakakasugat lamang ang kanyang tingin, malamang siguro ay kanina pa napuruhan ang lalaki sa talim ng pagkakatitig ng dalaga sa kanya. Halatang hindi ito masaya sa nalaman. “How I wish, Selene,” isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Chris habang umiiling-iling. “Pero nakita at nabasa mo naman ang nilalaman ng dokumento, ‘di ba? It was verified and signed by the legal department.” Inis na sumandal si Selene sa swivel chair. “And? Ano naman kung verified and signed ng legal department nila? We have our own team, Chris! Ano bang pakialam natin sa
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata 2

Presko. Literally and figuratively.  Amoy na amoy ang luxury perfume ni Marion nang magkatabi sila ni Selene sa backseat ng Audi nito. White Lily, Mandarin na may halong Sandalwood ang amoy nito—malakas makahatak ng mga babae ang mga ganitong pabango, pang-romantiko.  Hindi na kumibo ang dalaga nang pagbuksan s’ya ng pintuan ng kotse ng lalaki. Kung tutuusin, bare minimum lang naman ang effort na ‘yon at hindi na dapat gawing big deal. Siguro naman e may pagka-gentleman din itong si Marion, ‘di ba? Palihim na nilingon ni Selene ang binata. Tahimik pa rin ito habang inaayos ang seatbelt niya.  Mula nang maglakad sila nit
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata 3

Natatawa s’ya habang binabasa ang mga komento ng netizens sa isang larawan nila ni Marion sa restaurant na kumalat sa social media ilang oras matapos nilang iwan ang lugar na ‘yon. Bagamat medyo madilim ang anggulo kung saan sila kinuhaan ng picture, maaaninag ang kamay ng binata na nasa likuran n’ya at parang inaalalayan siya palabas.  Kailan at paanong hindi niya naramdaman ‘yon?  Sari-sari ang naging reaksyon ng netizens, karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng kanilang suporta dahil na rin sa paparating na teleserye na pagbibidahan ng dalawa, may iilan namang nagsabi na damage control umano ito sa eskandalo ni Marion at tila naaawa pa sa dalaga dahil s’ya umano ang maglilinis ng pangalan ng lalaki. Ang iba naman ay nagsasabing may chemistry na ang dalawa at hind
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata 4

Nakapalumbabang nakatingin si Selene sa kawalan habang abala naman ang mga tao sa likuran n’ya. Rinig na rinig din sa loob ng coffee shop ang mga sikat na kanta no’ng 80s na parang may pa-throwback segment pa.Araw iyon ng Sabado, alas-nuebe ng umaga. Ngunit pakiramdam n’ya ay palubog na ang araw sa bigat ng iniisip at nararamdaman n’ya. Hindi pa rin kasi maalis sa kanyang isipan ang pagtatapat na iyon ni Geo. Matagal na n’yang kilala ang binata. Sa dami na rin siguro ng mga pelikula, commercial ads at maging TV guestings na pinagsamahan nila, mas lalong lumalim pa ang pagkakaibigan ng dalawa. Ngunit hindi niya naisip na darating sila sa sitwasyong may iisang aamin ng kanyang lihim na pagtingin. Bakit ngayon pa? Sapo-sapo ni Se
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata 5

“Tell me we’re not in Casa Evangelista right now!”Gulat na gulat pa rin si Selene habang paulit-ulit nitong ginagala ang kanyang mga mata sa paligid at paminsan-minsan pa ay nangingiti ito. Matagal na mula nang una siyang makarating sa lugar na iyon, mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Kaya naman nang makumpirma nga niyang naroon sila sa Casa Evangelista ay abot-tenga ang ngiti ng dalaga.Kilala ang nasabing lugar sa tablea menu nito kung kaya’t kakailanganin mo pang magpareserve ng maaga para lang makapunta at ma-accomodate ng buong staff. Ilang beses na ring naitampok ang lugar sa telebisyon at mga magasin
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata 6

“Pinagsasasabi mo, Marion? Alam mo, hindi sa’kin tatalab ‘yang acting mo ha.” iritang sabi ni Selene sabay subo sa hipon. “Kumain ka na nga lang!” Napailing naman ang binata bago ito ngumuso habang nakaturo gilid ng pisngi n’ya. “Can you stop with that pout, Marion? I’m not gonna kiss you!” pabulong na tugon ng dalaga habang masama pa rin ang tingin n’ya sa kaharap. “Saka ‘wag mo ‘kong i-distract. Ang sarap ng kain ‘ko rito.”“Sinong may sabing gusto ‘kong magpahalik sa’yo?” ganting tanong naman ni Marion sabay turong muli sa pisngi niya. “May tumalsik na balat ng hipon sa pisngi mo, punasan mo nga at baka isipin nila e ginugutom kita.”
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata 7

“Are you kidding me? Bakit ba tayo huminto rito?” inis na tanong ni Marion nang ihinito ni Selene ang sasakyan sa tapat ng isang laundry shop. Hinding-hindi n’ya tatanggalin ang pantalon n’ya ‘no, never! Hindi s’ya sanay na magtanggal ng piraso ng damit sa harap ng ibang tao, much worse, sa harap pa ni Selene Garcia. He just can’t do it, hindi s’ya kumportable.“Kasi ho, ipapa-dry clean ‘ko nga ‘yang pantalon mo. ‘Di mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka lang d’yan? Bilisan mo na!” nagmamadali namang tugon ng aktres at nakatingin na ito sa kanya nang masama. “‘Wag kang mag-alala, Mar
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata 8

“Mukha naman palang nagkakasundo na kayo ni Marion, so, should we discuss the next plan?”Napatunganga si Selene sa sinabing iyon ni Chris, tila hindi rin siya makagalaw sa kinauupuan niya no’ng mga oras na iyon. Anong nagkakasundo? Malayong-malayo iyon sa katotohanan! Napasapo na lamang siya sa kanyang ulo at muling bumalik sa kanyang alaala ang mga kaganapan noong Sabado kung saan kasama nga niya ang aktor sa apartment n’ya buong gabi. Oo, buong gabi.Nagsimula lamang iyon sa paisa-isang bote ng beer hanggang sa naging dalawa, at kalauna’y nasundan pa ng ilang bote ng beer at vodka. Hindi na rin sila nakabalik ni Marion sa laundry shop na ‘yon dahil kapwa na silang
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Kabanata 9

Kung meron man siyang pinagsisisihan noong mga oras na ‘yon, iyon na marahil ang pagpayag na sumama pa rin siya sa date ng dalawang nasa harapan niya. Gusto na lamang niyang umuwi at magpahinga.Naroon pa rin sila sa sandwich place, hinihintay na matapos kumain si Naya. Naparami kasi ang order nito at ngayon ay nahihirapan s’yang ubusin ang dalawang chicken and cheese burger na nasa mesa. Bihira lang daw kasi kumain ng sandwich ang modelo, dahil na rin siguro sa striktong diet plan na sinusunod nito upang mapanatili ang maganda at perpektong hubog ng katawan ng dalaga. “Come on, Marion. Ubusin mo na ‘to for me,” tila nagsusumamong pakiusap ni Naya at nagpout pa ito upang makuha ang atensyon ng aktor. “Hindi ‘ko na kasi kaya. Ple
last updateLast Updated : 2022-02-07
Read more

Kabanata 10

“Balita ‘ko, nagde-date na sila!”“Ha? Parang kailan lang e kalat na kalat pa ang scandal niyang si Marion kasama si Naya, ‘di ba? Tapos ngayon, kasama naman niya si Selene?”“Malay n’yo naman kaya lang sila magkasama e dahil may teleserye sila?”“Shunga! Kung trabaho pa rin ang dahilan bakit magkasama sila, para saan ‘yang pagho-holding hands nila? Ano ‘yun, kahit tapos na shooting nila, may camera pa rin?”Rinig na rinig ni Selene ang bulungan ng mga nasa kabilang table habang pinipilit ang sariling magfocus na lamang sa pagkaing nasa harapan niya. Hindi na niya kailangang lumingon sa mga ito ngunit alam n’yang abala ang mga ito sa pakikipag-chismisan
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status